Salamat po sa pagbabasa. Please leave your comments. .☺️
Legit ang kalungkutan sa puso ni Andrei. Pinanindigan niya ang pag-iwas na makipag bonding kay Angelie tuwing matapos ang school time. Hindi na rin siya nakipagkita sa kaibigan kahit sa weekend. Mag-isa siyang naglaro ng basketball sa likuran ng bahay nila. Ginusto niyang magpapawis. Habang nagdi-dribble ay hindi pa rin makatkat sa isipan niya ang kaibigang si Angelie. Iniisip niya na kawawa ito, na paniguradong malungkot ito ngayon. Nalulungkot siya para sa kaibigan. Pero hindi pa kasi niya ito handang harapin, habang ginugulo pa siya ng 'weird' niyang imaginations tungkol sa kanilang dalawa. Ayaw niyang maging unfair sa dalaga. DUMATING na ang coronation ng Campus Crush. May dance ball sila ngayong gabi. Kagaya ng inaasahan nilang magkakaklase, si Angelie ang nanalong Female Campus Crush. Siya naman ang nanalong Male Campus Crush. Dati ay Campus King and Queen ang naturang patimpalak. Pero binago ito at idinaan sa botohan ng mga estudyante. Ang hindi lang binago ay ang araw ng n
"Just for experience lang naman," ang narinig niyang sabi ni Nannette kina Angelie at Melrose habang magkasama na nakaupo ang mga ito sa canteen. Sinadya niyang magpahuli ng pagpunta sa canteen, baka sakaling magkaroon siya ng dahilan para sa iba muna siya makigrupo for this lunch time at hindi muna kina Angelie. "Andrei!" Tinawag siya ni Angelie at automatic naman siyang umupo sa tabi nito. Muli siyang tumayo para kumuha ng pagkain. Habang pumipila para kumuha ng pagkain ay natawa na lang siya sa sarili. Wala ring nangyari sa pagpahuli niya, heto at gutom na siya pero doon pa rin ang puwesto niya sa tabi ni Angelie. Sina Mon naman ay nasa katabing mesa lang nila. Pinili niyang tahimik na kumain habang nag-uusap ang mga katabing babae. Pero hindi naman papayag ang mga ito na hindi siya sasali sa usapan nila. "Payag ka ba, Andrei?" ang tanong ni Nannette sa kaniya. "H-ha?" "Di pa raw kasi nagkaka-boyfriend si Angelie. Irereto ko siya sa pinsan ko." Kinilig pa siya na bumaling ka
"She loves me,... she loves me not," ang mahinang usal ng binata habang isa-isang itinuturo ng kaniyang hintuturo ang mga talulot ng tanim na rosas ng kaniyang ina. Ayaw niyang pigtalin ang mga talulot kaya itinuturo na lang niya ito. Nakakatatlong rosas na siya na laging "she loves me" ang huli niyang nasasambit. "She loves you, Kuya!" ang biglang bungad sa kaniya ni Errol. Pabatok naman itong sinaway ng ina niyang si Flor. Nagulat man sa ginawa ni Errol ay ngumiti na lang si Andrei. Pinilit niyang itago ang tila paglundag ng puso niya dahil sa sinabi ni Errol. "Pumasok ka na nga doon," utos ni Flor sa anak. Kakamot-kamot naman sa ulong tumalima naman ito. Ngumiti si Flor sa binata. Tinabihan niya ito. "May gumugulo ba sa isipan mo?" Kanina pa kasi niya napansin na tahimik na nakaupo rito ang binata. "Para kasing malalim ang iniisip mo mula pa kanina." Saglit namang nag-isip si Andrei. Tinitimbang ang sasabihin niya sa katulong nila na itinuring na niyang parang kamag-anak. Nasa
SINIKAP ni Andrei na makabawi sa grupo. Itinodo niya ang pakikipaglaro sa mga ito habang nagtatampisaw sila sa tubig. Ilang oras lang ang ilalagi niya rito kaya ibinuhos na niya ang kaniyang lakas kahit na pagod pa siya. Mahaba kasi ang ibinyahe niya. Habang nakikipagkulitan siya sa mga kaibigan ay pinili niyang dumikit sa mga lalaki kesa sa mga babae. Tuwing tinatawag naman siya ni Angelie ay nagpapasama siya kay Alvin, gayon din ang ginagawa niya tuwing tinatawag siya ni Norma. "Hanep, parang kayo na ang mag bestfriend ngayon ni Alvin, ah. Baka naman magselos na sa kaniya si besh mo," ang panunukso ni Mon sa kanya. Tinawanan niya lang ito. Sanay na siya sa pagiging observant at mapang-asar ni Mon. Sila pa ring dalawa ni Angelie ang magkatabi sa bus sa uwian. Expected na ito ng lahat. Palagay niya'y magtataka ang lahat kung hindi siya tatabi kay Angelie. Sa kabila namang linya ng upuan ay nandoon sina Melrose at Nannette. Pare-pareho silang pagod, kaya hindi na siya nagtaka na hi
PABILING-BILING sa kaniyang higaan si Angelie. Ayaw siyang patulugin ng nangyari kanina. Hindi niya inasahan na dumating sa kanilang magkaibigan ang ganoong pangyayari. Ayaw makatkat sa isipan niya ang pangalawang beses na pagdampi ng labi ni Andrei sa labi niya. Hindi na iyon one second. Hindi na iyon matatawag na aksidenteng pagdampi. Ayaw siyang patulugin ng katotohanang may kakaiba siyang naramdaman nang sandaling iyon. It made her give way to his kiss, to answer it with a kiss. Paulit-ulit siyang kinukulit ng pangyayaring iyon. It was her first real kiss! Tinugon niya ang labi ni Andrei. "Gosh!" Tila naninigas siya na hindi pa rin makapaniwala na nangyari ang halikan nila ng kaibigan niya. "Gosh, Andrei!" Ipinilig niya ang kaniyang ulo, kapagkuwa'y napatda siya. Napuno ng pag-aalala ang isipan ni Angelie. Sariwa pa rin sa kaniya kung ano ang naramdaman niya nang tanungin siya ni Andrei nang sandaling iyon: "Puwede na ba tayong magsimula ng bagong relationship?" Nagsusumamo ang
NAGPATULOY sa pagdi-date sina Andrei at Norma. Nagdesisyon silang mas kilalanin pa ang isa't isa. Nagkasundo sila na hindi madaliin ang mga bagay tungkol sa kanilang dalawa. Si Angelie naman nagdesisyon nang ibinigay na kay Alvin ang kaniyang final decision. Sinabi niya sa lalaki na may sasabihin siya rito matapos niya itong pakainin ng meryenda. "Kinakabahan ako, Ange. Parang last supper ko ba 'to? Bubusugin mo bago patayin?" Natawa naman ng mahina si Angelie dahil sa tinuran ng lalaki. "Sira! Huwag ka ngang OA. Maghahapunan ka pa mamaya." "Hindi ko yata kayang kumain kung umiiyak ako." Dahil sa narinig ay sumeryoso ang mukha ni Angelie. Lalo namang kinabahan si Alvin. Hindi na niya nagawang sumubo pa ng pagkain. Lumapit si Angelie kay Alvin. Hindi niya gustong saktan ito. Naging mabait ito sa kaniya. Sinuportahan siya nito sa bawat nais niya. Si Alvin ang tila pumalit kay Andrei sa pagbibigay sa kaniya ng panahon at pang-unawa. Kung matuturuan lang sana niya ang puso niya, si
"Angelie!" Kay Andrei ang boses na iyon. 'Imposible! It can't be him.' Labis na ba ang pag-iisip niya sa binata at napalakas yata ang imahinasyon niya? Nalungkot siya sa naiisip niya na posibleng hahanap-hanapin niya si Andrei habambuhay. "Angelie!" Dalawang beses ba talaga niyang maririnig sa hangin ang boses ng binata? Naglakas ng loob siyang lumingon. Nag-unahan sa pagdaloy ang mga luha ni Angelie nang paglingon niya ay nakita niya si Andrei. Hindi pala imagination lang ang pagkarinig niya ng boses ng binata. Ni hindi niya maibuka ang bibig dahil sa pagsisikip ng kaniyang dibdib. 'Andrei! "Thank God, nakita kita!" bulalas ni Andrei habang mabilis na nilapitan ang dalaga. Agad niya itong niyakap. Sumagot din ng pagyakap ang babae. Hindi na napigilan ni Angelie ang pag-iyak ng malakas. Akala niya ay mag-iisa na lang siya sa pagsapit ng bagong taon. Umiyak na rin si Andrei. Hinigpitan niya ang pagyakap sa dalaga. "You're alone! Bakit ka nagpunta rito? Bakit 'di mo ako tinawagan?
KASAMA ngayon ni Andrei ang babaing itinuring niyang best friend, ang babaing nagtiwala sa kaniya ng lubusan bilang kaibigan, ang babaing hindi niya sinadyang mahalin nang higit pa sa pagiging kaibigan, ang babaing sinikap niyang kalimutan pero hindi siya nagtagumpay na gawin ito. Si Angelie Buenafalco, ito ang babaing ayaw niyang mawala sa buhay niya kahit kailan. Nakatuon ang pansin niya sa mga kamay nilang magkahawak ngayon. Napangiti siya. Hindi niya akalaing darating ang araw na mahahawakan niya ang kamay ng babaing ito na may iba nang kahulugan. Nakasanayan na niya ang closeness nilang dalawa, pero iba na ang closeness nila ngayon. "Andrei," dinig niyang bigkas ng nobya na tila gumising sa malalim niyang pag-iisip. Nakangiti ito ng matamis sa kaniya, pati mga mata nito ay tila nakangiti rin. "Hmm?" Sinuklian niya rin ng matamis na ngiti ang nobya. "Marumi ba ang kamay ko? Pangit ba? Hindi ako nakapag lotion, kaya–" hindi na nito naituloy ang sasabihin dahil hinalikan ni Andre