Share

You, Me, and the Sea
You, Me, and the Sea
Author: Julia

Chapter One

HINUHUBARAN ni Angelie si Andrei habang nagpapagpag ng putik sa braso ang lalaki. Napangiwi siya sa panghihinayang nang matitigan ang putik sa hinuhubad na puting tee shirt ng kaibigan. Ang puting uniform nito sa P.E. ay nakulapulan na ng putik dahil sa paglalaro.

Pinagtitinginan naman sila ng mga kapuwa estudyanteng naroon sa malapad na open field ng paaralan. Katitila pa lang ng ulan na biglang bumagsak habang naglalaro ng soccer sina Andrei. Maging ang ibang estudyanteng nanonood ay nabasa rin ng dumaang ulan habang ang iba ay maagap na nakasilong.

"Iyan kasi, besh! Dive pa more!... Ang dumi!" sabi ni Angelie na tila nandidiri sa putik. "Kung mag goal kasi sa soccer, iwas-iwas din mag-dive sa putikan."

Nginitian lang siya ng binatang kaharap. Nagpa-cute pa ito sa kaniya, nanilay tuloy ang malalim nitong dimples Ginusot ni Andrei ang buhok ng kaibigan.  "Player ako, Ange, mukha lang akong superman." Tila kinilig pa siya sa kaniyang sinabi.

"Superman? Iiwas ka lang besh, hindi ka lilipad. Maha-high blood na naman si ate Flor niyan."

Tinutukoy ni Angelie ay ang katulong nina Andrei. Matagal na nilang kasambahay ang babae. Kilala na rin ito ng dalaga. 

"Di mai- HB iyon, kikilitiin ko lang 'yon at ikukulong sa Chris Evans- stronghold ko!" pakenkoy nitong ipinakita ang macho niyang katawan. 

Napangiti lang ang babae. Hinayaan na lang niyang mag- feeling macho ito habang nagpupunas ng putikang katawan. Alam kasi ni Andrei na idol na idol niya si Chris Evans. Iniabot niya ang bag ng binata. Napatingin siya sa mukha nito. Aminado naman siyang tisoy ang kaibigan niya at hindi nalalayo ang itsura nito kay Chris Evans.

"Tamo, pati ikaw, tulo-laway na," umakto pa itong tila cute na batang nasa harap ng cameraman.

Itinapon ng babae ang maruming Tee shirt sa mukha nito bilang ganti sa joke nito, sabay talikod. 

"Punasan mo, uy! Babaho iyan, besh," patuloy na pang-aasar ng lalaki. 

Nanunulis ang ngusong umalis si Angelie. Siya talaga ang pikon sa kanilang dalawa. Nakahalata naman ang binata, sinundan siya nito at inakbayan. Nang hindi pa rin natanggal ang panunulis ng nguso ng babae ay pinagsalikop ni Andrei ang mga braso niya sa katawan nito. Matutumba na siya ng binata kaya bumuwelta siya. Sumampa siya sa likod ng binata. Nanggigigil na pinadapa niya ito ngunit dahil malakas si Andrei, nabaliktad ang posisyon nila.

Weakness ni Angelie kapag nagre-wrestling silang dalawa. Siya kasi ang nako-conscious laluna kapag pinagtitinginan sila. Alam niya kasi na pagtutulungan na naman siya ng kaniyang bashers, samantalang tila balewala lang ito kay Andrei.

"Babae iyan, brod," ang sawata ni Alvin kay Andrei. Kaklase nila si Alvin. Ito ang laging sumasaway sa kanila tuwing nagri- wrestling silang magkaibigan.

"Babae ba ito?" tumatawang pinakawalan ni Andrei ang kaibigan. Ipinahid niya ang putikang tee shirt kay Angelie. 

Pakunwaring pag-amba ng suntok ang iginanti ni Angelie sa tumatawang kaibigan. "Kung maggu-goal kasi, i- shoot lang, 'wag maligo ng putik." 

Ayaw niyang mapahiya kay Alvin, kinuha niya ang putikang tee shirt at ipinahid sa mukha ng lalaki. Siya naman ngayon ang tumatawa ng malakas. 

Humahakbang mang papalayo sa dalawa ay patingin-tingin pa rin si Alvin sa mga ito.  Pinagmasdan niyang mabuti ang ikinikilos ni Angelie.

'Sana nga'y manatili kayong magkaibigan lang. Sana, maambagan mo naman ako kahit isang ngiti lang.'

Siyang paglingon ni Angelie sa kaniya na nakangiti pa rin, kapagkuwa'y bumalik sa pakikipagkulitan kay Andrei. Naiwang nakaawang ang bibig ni Alvin sa pagkagitla. Gandang-ganda siya sa babae, lalo na sa pagngiti nito. Napangiti rin siya at napahaplos sa d****b.

Samantala, may ilang babae naman doon ang nakasimangot kay Angelie,- ang grupo nina Norma, Vens at Grecia. Hindi nila nagugustuhan ang closeness nina Angelie at Andrei sa isa't isa.

SA shower ang diretso ng dalawa. Abala ang dalawa sa paglilinis ng katawan sa magkaibang shower rooms.

Sa men's shower, tumatawang nilapitan ng tatlong kaklaseng lalaki si Andrei. 

"Grabe ka, besh! Naniniwala na talaga ako na curly ka!" ang pabaklang kantiyaw ni Mon kay Andrei. Sumang-ayon naman ang iba. 

Umarte naman si Andrei na parang bakla kahit litaw ang kaniyang abs. 

"Baka naman paraan mo lang yan, pare?" Makahulugan ang ngiting ipinukol ni Jebon kay Andrei, habang si Marc ay pakunwaring kinikilig sa kaniyang abs.

"Kayo talaga, maghanap nga rin kayo ng kaibigang babae, so you would know."

Iiling-iling na tinantanan na siya ng mga kasama. Iniwan siya for his peaceful bathing.

Sanay na si Andrei sa ganoong pangangantiyaw ng mga kaklaseng lalaki. Hindi kasi matanggap ng mga ito na ganoon sila ka- physically close ng kaibigan, na walang namumuong pagnanasa sa panig niya bilang lalaki. 

Maganda kasi si Angelie. Sa katunayan ay muse nila ito sa classroom, sa soccer team kung saan siya kabilang, sa basketball team na kabilang din siya, at pambato nila ito sa darating na Campus Crush 2019. Alam niya na marami sa mga ka-team niya ang may gusto kay Angelie.

MASAMA naman ang simoy ng hangin kung saan naliligo si Angelie. Lumapit sa kaniya ang tatlong nakasimangot na babae pero hindi siya kinausap ng mga ito. Nagparinig lang ang mga ito sa kaniya, gaya ng lagi nilang ginagawa. 

"Di baleng maputikan ako basta mayakap ko lang siya," ang pagpaparinig ni Norma. 

"So what if there's putik, there's abs naman," ang pagpapahaging naman ni Grecia.

"Basta, besh, 'di bawal sa atin mag-PDA kasi friends in love lang naman tayo", ang sabi naman ni Vens. Iyon lang at pairap na umalis ang tatlo. 

Napahinto sa ginagawa si Angelie. PDA means public display of affection. Oo, affected siya sa mga pamba-bash sa kaniya ng tatlo. Lagi kasi siyang target ng mga ito. Pero PDA?... Kinapa niya ang sariling damdamin para kay Andrei. 

Three years na silang close sa isa't isa pero ni minsan ay hindi niya naisip na magiging lovers silang dalawa. Mahalaga sa kaniya si Andrei. Marami na silang pinagsamahan. Ayaw niyang mawalay sa bestfriend niya. Magpapaapekto pa ba sila sa mga anti Double A? 

Sa classroom nila ay binansagan silang Double A dahil lagi silang magkasama. Pangit naman daw kung An-An ang itawag sa kanilang team kaya pumayag sila sa Double A. Matagal na rin sila bilang Double A, pero may bashers pa rin siya. Napangiti siya ng mapait.

TILA nababagot na sa paghihintay ang kaibigan. Sinipa-sipa nito ng mahina ang dalang bola. 

"Turtle Queen!" pang-aasar nito sa kaniya. 

"Ikaw, Frog Prince!" 

"At bakit?" pakenkoy na namewang ang lalaki kaya nanilay ang ngiti ni Angelie. 

Ayaw na niyang makipag-asaran dito. Para sa kaniya ay quota na for the day.

Umarangkada na sila ng lakad pauwi. Balewala sa kanila ang malayu-layo ring distansiya mula sa campus hanggang sa sakayan ng bus. Nalilibang sila sa pagkukuwento ng kung anu-anong mga walang kuwentang bagay. Panay ang jokes at tawanan. 

Biglang inihit ng tawa si Andrei habang napapahiyang nagtakip ng mukha si Angelie. 

"Narinig ko 'yon!" at tumawa uli. "Ang lakas! Hahaha!" 

"Shut up!" ang saway ni Angelie. 

Inayos ni Andrei ang sarili. Ayaw naman niyang mapahiya ang kaibigan. Inakbayan niya ito at inalo. 

" Kabagin ka talaga, ano?" 

"Tahimik na kasi!" paanas nitong saway. 

"Oo na, sige na." Malambing na hinalikan nito sa ulo ang kaibigan. "Simangutin ka talaga. Magpahid ka ng liniment ha." 

Tumango lang si Angelie at pinara ang isang paparating na bus. Agad siyang sumampa dito. Hindi niya nilingon ang kumakaway na kaibigan habang naghahanap siya ng mauupuan. 

"Bye, sungit! Love you!" sumenyas pa si Andrei ng h***k. Siyang paglingon ni Angelie. Nakita ito ng babae kaya binelatan niya ang kumakaway na kaibigan.

"Love you, too!" pasigaw na sabi kay Andrei ng katabi ni Angelie. Napangiti si Angelie at nakipag-apir sa katabing babae.

Hindi naman lahat ng babae ay kontrabida sa Double A. Meron ding game at supportive sa kanilang sweetness, kagaya ni Nannette. Nagngitian lang ang dalawang babae nang nakangiti rin sa kanila si Andrei. 

Kahit punuan sa magkaibang bus na kanilang sinasakyan ay panay pa rin ang palitan ng text messages ang mag best friend. Halos araw-araw silang magkasama pero hindi sila nauubusan ng topic mapa-text man o personal. 

............... 

SA kuwarto ni Angelie ay nakakalat sa kama ang mga pocketbook. Collection iyon ni Angelie ng mga kuwento ng mga paborito niyang writers. Nakaugalian na rin niyang i-browse sa internet ang iba't ibang kuwento ng mga ito. Aktibo siya sa pagku-comment sa mga nasusubaybayan niyang kuwento. Sa hobby niyang ito ay hindi niya ka-team si Andrei. Pang-girl lang daw kasi ang pagbabasa ng love stories. Mas hilig kasi ng kaibigan niya ang pagbabasa manga at panonood ng anime. 

"Beeesshh!" wala sa loob niyang bulalas nang may m****a siya sa internet. Agad niyang idinayal ang number ni Andrei. Agad naman itong sinagot ni Andrei sa kabilang linya. "Beeessshhh!" Kinikilig na siya.

"Hello! Napa'no ka?" 

"Si ano kasi!... 'yung kinukuwento ko sa 'yo,... si Reina, 'yung nangunguha ng bata..." 

"Ano na?" ang tanong ng binata sa kabilang linya habang pilit na inaalala kung sino si Reina. 

"Tinulungan niya si Lola Arsenia. Mabait naman pala siya, peanut butter!" pagkukuwento ni Angelie na may paglalambing sa tono. 

Kapag tinatawag na siya ng kaibigan bilang pagkain na paborito nito gaya ng peanut butter, alam niyang gusto nito ng kausap. Mag-isa lang kasi ito sa bahay. Walang makausap para i-share ang binabasa nito. Napangiti na lang ang lalaki habang nakikinig sa kaibigan. 

Hindi niya magawang tapusin ang binabasang manga dahil sa pagkukuwento ng kaibigan, sinulyapan na lang niya ang mga pahina nito. 

Nang naghikab na si Andrei habang nakikinig sa kabilang linya ay napahinto sa pagdadaldal si Angelie. 

"Matutulog ka na ba?" 

"Hindi,"sinikap ni Andrei na maging lively ang boses, "'tuloy mo kuwento mo." 

"Hmm… tulog ka na, antok na 'ko." Ini-off ni Angelie ang gadget. 

"Tulog muna tayo, besh," kapagkuwa'y padapang humiga sa kama. Nagmuni-muni siya sandali kapagkuwa'y inabot ang manga at nagbasa. 

......... 

NAGULAT si Andrei sa tunog ng cellphone niya. Nakatulugan pala niya ang pagbabasa ng manga. Habang sinasagot ang phone ay tiningnan niya ang orasan sa dingding. Nahinuha na niya ang dahilan ng pagtawag ng nasa kabilang linya. Lumakad siya papuntang salas. 

"Oo na, eto na," inaantok pa siya habang nagsasalita. 

Sa salas ay sinenyasan niya ang batang si Errol, anak ni Flor na siyang nanonood ng telebisyon ng mga oras na iyon. Agad naman itong nakaunawa at inilipat ang channel ng TV sa nagpapalabas ng anime. Oras kasi iyon ng panonood ni Andrei ng paborito nilang anime na love story ang genre. Ilang seconds lang mula ng naupo si Andrei ay nagsimula na ang palabas. Kakamot-kamot ng ulo si Errol na nakipanood na rin. Napangiti sa kanila ang ina ni Andrei na si Marcia at ang katulong na si Flor. 

Habang nanonood ay panay ang text nilang magkaibigan. 

"Iyan talagang kaibigan mo, college na parang bata pa rin," natatawang pagpansin ni Marcia, "magkasabay naman kayong nanonood," at umiling-iling ang ina na natatawa sa anak. 

He shrugged his shoulders. "Para sure, ma na nanonood din ako." 

"Sure akong me exam si kuya niyan bukas at makukurot siya ni ate Angelie kapag hindi niya alam ang sagot," pambubuska naman ni Errol, bagay na tinawanan nila. 

Naghapunan sila pagkatapos ng pinanood nilang anime. Kahit maykaya ay mahilig sa simpleng Filipino food si Marcia, bagay na namana ni Andrei. Mahilig sila sa sinabawang isda at magulay na ulam. 

Sarap na sarap sa paghigop sa sabaw si Andrei.

"Kuya, ilang taon na kayong mag-on ni ate?" 

Muntik na mapaubo ang binata sa naging tanong ni Errol. 

"H-ha?" 

Pinigilan ng dalawang nakatatanda ang sarili na matawa. 

"Balak n'yo bang mag-asawa pagka-graduate gaya nina ate ko?" 

Mukhang nagpapasaklolo si Andrei kay Flor. Nilapitan naman ni Flor ang anak. 

"Anak, sina ate mo kaya nagpakasal agad, nabuntis kasi. Sina kuya Andrei mo naman at ate Angelie ay iba sa kanila. Hindi kasi sila mag-boyfriend." 

"MU lang po sila?" 

"Ano'ng..."? Pinili na lang ni Andrei na huwag ng pahabain pa ang diskusyon. Ginulo niya ang buhok ni Errol at binigyan ng gulay. 

"Kumain ka ng gulay, para hindi kung anu-ano ang naiisip mo." 

Sasagot pa sana si Errol pero sinita ito ng ina, itinuro sa anak ang gulay. "Kapag nasa hapag-kainan, 'wag kung anu-ano ang itinatanong."

Ngingiti-ngiti lang sa pag-oobserba sa kanila ang ina ng binata. Pinagmamasdan niya ang anak. Sa tingin niya'y masaya naman si Andrei. Tila kuntento na ito sa buhay. Napasapo siya sa ulo.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status