Share

CHAPTER Seven- Shortcake and Hotdog

CHAPTER 7

MALALIM na ang gabi ay hindi pa rin makatulog si Angelie. Abala ang kaniyang utak sa pagbabalik-tanaw. Kanina lang ay kay saya-saya ng kaniyang pakiramdam. Bagama't tila isang mamahaling tuta na mahal na mahal ng kaniyang amo ang iniisip niyang naging pagtuturing sa kaniya ng kaibigan ay tinanggap niya ito ng buong puso.

"Huwag ka kasing kung saan-saan nagpupupunta, lalo't gabi." Malumanay iyon pero may diin. It was his first sentence after Norma has gone home, leaving the two in silence. Tinabihan siya ng lalaki nang mapansin nitong nanghahaba ang nguso niya habang nakayuko.

Bumuka ng bahagya ang kaniyang bibig ngunit nanahimik na lang siya. She was touched by his caring gesture. His fingers were touching her long hair that was dancing with the cold wind. 

"Gusto mo?" tanong ni Andrei nang may dumaang balut vendor.

She's not fond of the food but the idea of bonding with him made her nod. Natutuwa ang puso niya sa tuwing magkasama sila ng kaibigan.

Matapos na ligpitin ang kalat ay lumapit sila sa dalampasigan at naghugas ng kamay. She embraced herself when the cold breeze struck her body. Kaagad namang hinubad ni Andrei ang sweatshirt at ipinasuot sa kaibigan.

"Okey na?" 

Tumango siya dahil naramdaman niya ang pag-init ng kaniyang kamay habang kinikiskis nito ni Andrei sa kaniyang mga kamay.

"You're cold, too."

"Okey lang ako. Tena."

Alam niyang ayaw lang ipahalata ng kaibigan ang panginginig ng labi nito dahil sa lamig kaya sumunod na siya rito habang magkahawak-kamay silang papalayo sa malalakas na unos ng alon.

Yakap nila ang sarili habang binabagtas ang daan patungo sa terminal ng jeep. Ginusto niyang magtanong ng tungkol kay Norma.

'May something kaya sa kanilang dalawa? Pero kung meron, why did she leave?'

"Mabait din naman pala si Norma, 'no?"

Alam niyang naunawaan nitong hindi sumang-ayon ang kalooban niya sa tinuran ng kaibigan.

"I mean,... I guess nobody is too evil," naghahanap ng confirmation ang pagtitig na iyon ng binata. She made an awkward thin lips and shrugged her shoulders.

"Everybody deserves a second chance, you know," hindi na tumitingin sa kaniya ang kaibigan kaya malayang kumawala ang nanunulis niyang nguso.

"I knew it."

"W-what?" Alam niyang nahuli siya nitong sumimangot pero gusto pa rin niyang makalusot.

"Pina-plastic mo 'ko." Hinihingi nito ang paliwanag niya.

"I just don't like her, not now." nag-alala naman siyang baka nasaktan niya ang damdamin ng kaibigan. "Bahala ka if you like her, I won't mind. You find her beautiful, 'di ba."

Biglang sumilay ang dimples nito at inihanda ang mga daliri sa napipintong pangingiliti. "Balut Queen is jealous, ha!... Jealous!"

Weakness ni Angelie ang pangingiliti ng kaibigan. Ramdam na ramdam niya ang kiliti kahit na hindi dumadantay sa kaniyang balat ang daliri nito, kaya naman halos mamamatay na siya sa katatawa.

He stopped. Pinakalma siya ng kaibigan dahil pulang-pula na ang kaniyang mukha. Tinuruan naman siya ni Andrei ng breathing exercise, ginagawa niya iyon sa tuwing naha-hyper siya.

Balewala sa kanila ang mahabang pila sa terminal ng jeep. Marami silang pinag-usapang kung anu-ano, as usual. Hindi na napasama sa topic si Norma maging ang nangyari sa arcade.

Nang makabalik sila sa arcade ay parang paslit na excited siyang umangkas sa bike ng kaibigan. 

"Dahan-dahan, besh!" Takot na mahulog kung kaya't yumapos siya mula sa likod nito.

'Sana kasing-sweet at kasingbait mo rin ang magiging boyfriend ko,' ang nai-wish niya habang sinusundan ng tingin ang papalayong binata. Agad kasi itong umalis nang makarating sila sa harap ng condominium.

NAPASINGHAP si Angelie upon realizing that her best friend possesses the qualities of her dream boyfriend. Isang mahinang tampal sa noo, then she paused with nothing in mind, bahagyang ipinilig ang ulo, and then she shrugged. Patamad na inilapag ang likod sa kama at niyakap  ang unan.  

Pabiling-biling naman sa kaniyang kama si Andrei. Huminto siya habang nakapikit pa rin, at nanilay ang beloy sa pisngi dahil sa matamis niyang ngiti. Tila nahihiyang nako-conscious sa sarili na isinubsob niya ang mukha sa unan.

'Aaahh!" Tila napagod sa kaniyang ginagawa at pahilatang hinarap ang kisame.

Pumikit siya ng mariin para isipin si Norma. Inalala niya kung gaano Ito kagiliw sa kaniya. Deep inside, he admits that he is lucky being the girl's apple of the eye. Matalino Ito at may kakaibang taglay na ganda.

Palagay ang loob niya habang kasama niya kanina si Norma, pero hindi siya masyadong napalagay dahil sa pag-alala niya kay Angelie. Gusto niya ang personality ni Norma. Independent ito at matapang. Kaya nitong sumuong sa gulo para sa kaniya, at si Angelie naman ang naging dahilan kaya siya kamuntik na mapagtulungan kanina.

Si Angelie… 

Isang malalim na buntunghininga ang kaniyang pinakawalan nang hindi niya mapagtagumpayan ang pilit na pangungulit ng larawan nito sa isipan niya. Isang mahinang buntunghininga pa, tanda ng pagsuko niya sa sarili na hindi niya maaaring pilitin ang sariling ilapit ito kay Norma o kahit na kaninong babae kung ang lagi niyang iniisip ay ang kaibigan na tila laging nangangailangan ng presensiya niya.

Si Angelie. Mula nang magkakilala sila ng babae ay nawala ang pagiging loner niya. Paano'y lagi siyang isinasama nito saan  man nito gustong magpunta. Dati ay ayaw niyang mapalapit sa isang taong clingy, pero natagpuan na lang niya ang sariling laging nakahandang tumulong dito. Hindi siya mapakali kapag may araw na hindi nagdi- demand ng kung ano ang babae. 

"Angelie!" Pigil ang sarili sa pagsigaw habang hinahabol ang nag- walkout na kaibigan. Ayaw niyang makatawag sila ng pansin ng mga estudyante laluna ng mga guro. Puno pa naman ang gym dahil sa isinagawang cheerleading contest. 

Pulang-pula ang mukha at gusto ng maglaglagan ang mga butil ng luha na nagpatuloy sa mabilis na paglalakad si Angelie. Gusto man niyang kumaripas ng takbo'y nahihiya siyang mapagalitan ng guro. Bawal kasi ang pagtakbo sa corridor. Niyakap niya ang dati'y nakasampay sa balikat niyang bagpack dahil tumutunog ang nag-uumpugang de-latang soft drinks at juice. Hindi niya inalintana ang mga estudyanteng nakatingin sa kaniya at sa suot niyang cheerleading outfit. Ang iba'y may paghanga sa kanilang mata, sila kasi ang nanalo. Siya pa naman ang tumanggap ng trophy bilang star performer.

"Marshmallow!... Barbeque!" Desperate move na iyon. Kung hindi pa rin siya papansinin ng babaing hinahabol ay malamang na hihinto na siya.

Nabuhayan ng loob ang binata nang huminto sa paghakbang ang babae, ngunit muli itong lumakad ng mabilis.

"I got blueberry shortcake for my sweet angel!"

There was an automatic stop. Patagilid na lumingon na nakausli ang ibabang labi at naiiyak ang mga mata ng nagtatampong dalaga, hinahanap sa gilid ng mata ang kasagutan sa nagtatanong niyang kalooban.

May dinukot si Andrei sa bagpack niya, dahilan ng mabilis na paglapit ng naiiyak pero nakangiting dalaga. Maagap nitong kinuha ang hawak niyang karton ng blueberry shortcake.

"I- I thought,"

"You thought wrong!" may tone of disappointment at pagod na tuluyan niyang ibinigay sa babae ang pagkain.

"Sorry, hotdog!" halos pabulong iyon pero natawa pa rin ang dumaang estudyante sa tinuran ng dalaga. Dinukot niya sa loob ng bag ang baong hotdog barbeque with marshmallows. Ipinangako niya ito kay Andrei. Ito ang kinain niya sa hapunan, dinala niya dahil hindi nakarating si Andrei ng gabing iyon.

"Siguradong napakasarap nito! Napagod ako sa paghabol nito, e."

Nagmamakaawang tingin mula sa dalaga, "Alright! Let's eat."

Sabay silang kumain sa may garden, magkatabi sa isang bench.

"Ba't ka kasi biglang nag-walk out? Your teammates were looking for you, buti na lang nakita kita."

Inapuhap ng dalaga ang isasagot sa kaibigan. Ayaw niyang magkamali ng isasagot. Ayaw niyang amining nagselos siya dahil inakala niyang mas pinahalagahan nito si Norma at ang mga kagrupo nito. Hindi pa man kasi nagsisimula ang cheerleading contest ay nakita niya itong kausap sila at narinig niya itong nagsabi ng 'goodluck, kaya ninyo iyan!' samantalang nginitian lang siya nito. Binigyan pa nito ng bottled water ang babae pagkatapos ng performance nila.

Isang buntunghininga at isang ngiti. Pinunasan niya ang shortcake sa gilid ng labi ng dalaga. Hindi pa naman nangyaring nagkamali siya sa pagbasa sa reactions nito sa tuwing nagtatampo ang kaibigan. Mukhang iisa lang naman ang friendship goal nito, ang parating siya ang mabigyan niya ng special treatment at of utmost importance.

"They needed my inspirational talk, ninenerbiyos daw kasi sila. First time daw nilang lumaban sa district meet at kinulang daw kayo sa panahong mag-practice ng todo."

"Bakit ka sweet sa kaniya? Crush mo ba si Norma?"

"The bottled water was hers," naunawaan niya ang pinupunto ng kausap. "At Ange, the girl was sweet, it's not nice naman kung susungitan ang gano'n, 'di ba?"

"Sa'n mo 'to binili?"

"Sa Elaiza's Bakeshop."

Hindi siya nagkamali sa naisip na magiging reaction nito. Huminto ito say pagkain at ibinalik sa karton ang natitirang shortcake. Alam kasi nilang pagmamay-ari iyon ng pamilya ni Norma.

"You know, I think I know why your dad gave you that name," nangungumbinsi ang ngiti niyang iyon.

Tila naunawaan naman siya ng kaibigan, bumalik Ito sa pagkain. "I just can't figure out why she's mad at me."

"Maybe you're overstating a fact."

"Eh, bakit niya ako bina-bash? Bakit siya galit sa akin?" Napansin niyang kaunti na lang ang natitirang shortcake kaya isinubo niya Ito sa kaibigan.

"Should the feeling be mutual?"

She paused, then drank her juice. "Could we talk less of her?"

Naisip ni Andrei, paano na kaya si Angelie kung hindi sila nagkakilala? Pinagtagpo nga ba sila ng tadhana?

………

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status