Share

CHAPTER Eleven- Meet The Parents

MAGKAYAKAP ang mag-ama sa loob ng hospital room nang dumating sina Angelie, Nannette, Melrose, at Alvin. Kasunod nila ang grupo ni Mon at ang grupo ni Norma. Masaya silang ipinakilala ni Andrei sa parents niya.

Ngiti ng pasasalamat ang tanging naging tugon ni Marcia habang abala sa pakikipagkulitan ang kaniyang asawa sa mga bisita nila.

"Balita ko'y mga dean's lister kayo. Sino ang nanunuhol kay prof?" 

Nagtawanan at pabirong nagturuan ang magkakaklase hanggang si Andrei ang napagkaisahan ng lahat. "Ang anak ninyo po talaga, sir, lagi kasing may baong dimples."

"Well, masisisi ninyo ba ako, guys?" game namang sagot ng binata. "Pero natutunaw talaga sila sa owshi cuteness ni besh," si Angelie naman ang tinutukso niya. Lumakas ang tawanan dahil sa pagba-blush ni Angelie.

"Hala! Ang ingay natin, guys, baka mapagalitan tayo ng doctors."

"Sorry, madam," panunukso ni Alvin kay Norma. Nagsitahimik naman sila, inabot na ng hiya sa parents ni Andrei.

Hindi naman nagtagal sa loob ng kuwarto ang mga kaklase. Sa lobby sila nagkumpulan kasama ni Andrei.

"Siyanga pala, besh, tutal wala tayong pasok bukas, a-absent muna ako sa practice."

"Ipagpapaalam kita kay coach," sabad ni Norma.

"Nagpaalam na ako." Muli niyang kinausap si Angelie, "Hindi muna kita susunduin bukas, ha."

"S- sige. Okay, ako na lang mag-isa ang mag-grocery bukas."

"I can give her a ride. On the way naman ang condo nila sa amin."

Malapad ang naging ngiti ni Andrei sa ini-offer ni Norma. Napalitan naman agad ito ng alanganing ngiti nang makita ang hindi pagsang-ayon dito ni Angelie.

"Ako na lang ang sasama sa iyo," suntok sa buwang offer iyon. 

"O, gusto mo bang si Alvin ang-"

"I'll ride with her. Maaabala ko pa si Alvin."

"Hindi naman-" Hindi na niya itinuloy ang sasabihin. It would be useless. Bagama't duda siya sa motibo ni Norma sa waring pakikipagmabutihan nito kay Angelie.

Maya-maya ay lumabas si Ronald, ang ama ni Andrei. Pinagmasdan niya ang anak habang nakikipag-usap sa mga kaklase. Nakita niyang sabay na nag-abot sa kaniyang anak ng mineral water sina Angelie at Norma. Si Alvin naman ay nasa isang tabi, nakatingin sa mag best friend. Ang mga kaibigan naman ni Norma na sina Vens at Ara ay panay ang pagsi-selfie habang abala sa pagkukulitan ang iba.

"Guys, we don't want to keep you here longer than you should. Baka hanapin kayo ng parents ninyo. In behalf of my family, I am giving our deepest appreciation sa ginawa ninyong pagdalaw sa mommy niya."

"Okay lang po, sir."

"You're welcome po, sir. We also would like to see Andrei's parents."

"Ilang araw lang po, nandito na kaagad kayo? Considering na galing po kayo ng Antarctica?" Hindi napigilan ni Mon ang sariling ma-overwhelm sa idea na iyon.

"No, last month pa ako umalis sa Antarctica. Galing akong Australia." Si Mon ang sinagot ni Ronald pero hindi niya napigilang mapatitig kay Angelie. 

"Magaganda pala ang girls ninyo," wika niya habang nakatingin sa dalawang katatapos lang mag-selfie, sabay baling niya kay Norma. "I'm sorry, I forgot your name, miss beautiful."

"Ahem!" Hindi napigilan ng mga kasama ang mangantiyaw kay Norma dahil kinilig Ito sa sinabi ng ama ni Andrei.

"Norma po, sir." It was supposed to be a short handshake pero hindi kaagad bumitaw si Roland, hinintay ang idudugtong ng dalaga. "Agustin po." 

Muli ring nagpakilala with complete name ang mga babae. Huli niyang hinarap si Angelie. "I suppose you're my son's girlfriend."

"Best friend po!" Sabay pang sumagot sina Andrei at Angelie.

"And your name is…?"

"Angelie Buenafalco, sir." Tipid ang naging sagot ng dalaga sa kabila ng matamang pagkakatitig sa kaniya ng kausap.

"Buenafalco?... Nasa America ba ang parents mo?"

"Yes, sir. They're both working in a hospital." Nakahinga siya ng maluwag nang tumango-tango ang kausap at binitiwan na ang kamay niya.

"Well, guys, nice meeting you all. Maybe we could have a dinner together by tomorrow night, celebration ng paglabas ng mommy ni Andrei dito sa ospital. I hope you could come."

"Sure, po."

"Darating po kami. Salamat po sa imbitasyon."

NAPANSIN ni Marcia ang kalungkutan sa mga mata ng lalaki nang pumasok Ito sa kuwarto.

"Nakausap mo ba siya?" Sinikap niyang makapagsalita kahit na nanghihina pa siya.

Hindi agad nakasagot ang lalaki, natigagal Ito ng ilang sandali.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin?"

"What difference would it make?" Larawan ng disappointment ang mukha ni Marcia. Bumaling ito ng tingin sa may bintana. "Pakibuksan ang bintana. Lumabas ka na rin. Nakakasikip ka rito. Gusto kong makahinga, magpahinga."

"Please stop saying things as if it's only my fault. Kasama kitang nagdesisyon. In fact, this wouldn't happen if you--"

Lumabas na lang ng hospital room ang lalaki. Ayaw niyang muling atakehin ng sakit sa puso ang asawa. Iniwan niya itong namumuo ang mga luha at napatiim-bagang sa mga narinig nito sa kaniya.

……

INIHATID na lang ng tanaw ni Alvin sina Angelie at Nannette nang magkasama ang dalawang sumakay ng bus. Hindi niya Ito binitiwan ng tingin hangga't hindi natabunan ang bus ng ibang sasakyan mula sa kaniyang kinatatayuan.

"Wala na, boy! Kumbaga sa kasabihan nila noon, kumakain ka lang ng alikabok."

Tipid na ngiti lang ang isinagot niya kay Jebon.

"Ba't 'di ka pa kasi pumorma? Kung nahihiya ka Kay Angelie, e di gawin mong tulay si Nannette!"

Dumugtong pa si Jebon sa winika ni Marc. "Kung ayaw, e di do'n ka na lang sa tulay. Maganda rin naman si Nannette."

"Hoy! Huwag ninyo namang gawing second option lang ang kaibigan ko. Ano, 'pag di pumasa sa iba, sa kaniya? Mahiya nga kayo sa sarili ninyo!" Pinamewangan pa ni Melrose ang mga lalaki habang tinatarayan niya ang mga ito.

…..

"Nagtapat na ba siya sa 'yo?"

Hindi inaasahan ni Angelie ang naging tanong ng katabi. "Ng ano? Sino?"

"Hmmh!" Gustong bawiin ni Nannette ang nabitiwang tanong. "Wala bang sinabi sa 'yo si Alvin?"

"Wala naman. Bakit, ano'ng meron?"

Tinimbang ni Nannette ang susunod na bibitiwang salita.

"Gosh! Sila na ba ni Melrose?" Kinilig pa ang dalaga sa naisip. "I knew it, me possibility nga!"

Nadismaya si Nannette sa nadiskubre. 'Napansin mong posibleng may gusto si Melrose Kay Alvin pero dense ka kung sino ang may gusto sa iyo.' Hindi na lang niya ibinuka ang bibig. Hinayaan niya ang katabi na magkusang ibahin ang topic.

"Sa Australia pala galing ang dad ni Andrei, 'no."

"Oo. Buti, nakarating siya agad. Ganiyan talaga 'pag may magkasakit sa pamilya, 'no? Iiwanan ang trabaho para sa pamilya, 'di talaga puwedeng tiisin."

Niyakap ng kalungkutan ang puso ni Angelie. "Kailangan bang magkasakit pa ako?"

Hindi masyadong narinig ni Nannette ang tinuran ng katabi. Nakita niyang pumikit ito kaya nanahimik na lang siya.

….

SAMANTALA, tahimik naman habang magkatabi sa upuan ng bus sina Alvin at Melrose. Tanging manaka-nakang buntunghininga lang ang naririnig nila mula sa isa't isa. Pinagbubulungan naman sila nina Mon sa kabilang upuan habang nagsi-selfie sa kanilang upuan sina Vens at Grecia.

Unang bumaba ng bus si Alvin na sinundan ng pangangantiyaw nina Marc at Jebon.

"Boy, iiwanan mo na ang forever mo?"

"Huwag kang pumayag, girl!"

Nagngangalit na kamao at nanlalaking mga mata ang isinagot ni Melrose sa kanila. Isang tipid na pagkaway naman ang iniwan ni Alvin.

Tumabi kay Melrose si Mon.

"O, ba't ka nandito?!"

"Sungit naman nito."

"Siya na lang kaya ang forever mo, bagay naman kayo!" 

Sinundan naman ni Marc ang pangangantiyaw ni Jebon. M and M, bagay na bagay! Ang tamis!"

Tila walang ibang mga kasama sa loob ng bus ang dalawa kung makatawa. Malapad naman ang pagngiti ni Mon habang pinandidilatan sila ni Melrose.

Nakikitawa rin sa kanila sina Vens at Grecia habang nagpapatuloy sa pagkuha ng litrato.

"Ambaho!"

"Di ako 'yun, ha!"

"Tawa kasi kayo ng tawa, ayan, kinakabagan na kayo!" 

"Di ako 'yun!"

…..

NAGHAHANDA na sina Norma para sa pagsasara ng bakery. Kani-kaniya sila ng paglilinis at pagliligpit ng mga gamit.

"Puwede pa bang bumili?"

Magkahalong kaba at galak ang naramdaman ng babae nang mapagsino ang customer.

"Opo, sir. Puwede pa po. Pili lang po."

Masayang inistima ni Norma ang ama ni Andrei.

"Kayo pala ang may-ari ng Elaiza's Bakeshop."

"Oho."

"Bumibili ako dito noon, parang 'di naman kita nakita."

"Lately na lang po kami pinapatulong dito, sir. Para raw matuto. Salit-salitan kaming magkapatid."

"Ah, ganu'n ba? Balita ko'y matagal sa abroad ang father mo?"

"Opo. Kababalik land din po niya. Pero panghuli na raw po ito, mahirap daw po kasi ang buhay sa karagatan."

Tumango-tango ang lalaki. "Mahirap ang mawalay sa minamahal. Kaya dapat talagang pinanghahawakan natin ang taong mahalaga sa atin."

Matamis na ngiti ang isinagot ng dalaga.

"Alin kaya rito ang bibilhin ko?'

"Short cakes po, try ninyo."

"Hmm… oo nga, mahilig nga pala si Andrei sa shortcakes. Ano'ng flavor?"

"Kayo po, lahat naman po iyan, masarap. Pero Ito po ang madalas niyang bilhin," sabay turo sa blueberry shortcake.

"Alam na alam mo talaga ang gusto ng anak ko, ha." Nginitian niya ng matamis ang dalaga. "Hindi ko alam na paborito niya ang blueberry. Ni hindi namin siya mapilit kumain ng berries noon.."

Bahagyang napaubo ang dalaga. "P-paborito po siguro iyan ni Angelie, kung hindi niya paborito."

"Oh! I see…" inarok nito ang damdamin ng kausap.

"Well, it's nice na alam mo ang gusto ng mga kaklase mo. I hope you know what you want, too."

Malalim ang iniisip ni Roland habang hawak ang kartont ng biniling shortcake. Inilapag niya ito sa basurahan at saka pumara ng taxi. Pasakay na siya nang maalala niyang maaari naman niyang ibigay kina Flor ang binili. Nakagatan na Ito ng mga  batang-kalye paglingon niya.

"Sori po."

Sinenyasan niya ang driver na paandarin ang taxi.

Napagtanto niyang nawawala siya sa focus dahil sa kaniyang mga natuklasan. Kailangan niyang gumawa ng hakbang. Ayaw niyang maulit ang pagkakamali. 

"Hello, dad?"

"Son, we have to talk." Tinawagan niya ang anak para kausapin ito ng masinsinan.

Julia

Get ready for the twist of this story. I couldn't promise anything but it would be "all-new".

| Like

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status