Share

CHAPTER FOURTEEN- The Primadonna

NAGKASALUBONG sina Norma at Melrose habang papalabas si Norma sa lobby ng condominium.

“Hey, boss! Nakabusangot ka na naman. Me toyo na naman ba ang primadonna?”

Nag- beso ang dalawa.

“Nag-i-emote na naman siya. Ayaw namang umiyak. Parang gusto lang niyang laging mang-asar. Nauubos na talaga ang pasensiya ko sa babaing iyon!” Humakbang na papalayo si Norma. “Ikaw na ang bahala sa alaga mo.”

Melrose thinned her lips and shrugged her shoulders. “Me choice ba ‘ko? It's forbidden to quit!” Tumawa na lang siya habang tinutungo ang elevator.

Tumunog ang cellphone niya habang pinipihit ang seradura ng pinto ni Angelie. Nagmamadali niya itong sinagot 

“Yes, we’re com-“ Nanlaki ang mga mata niya sa pagkadismaya nang makitang hindi pa nakaligo ang kaniyang sinusundo. “Angelie! My God naman! Mali-late ka na naman sa appointment mo!”

Larawan ng pagkagulat ang dalaga nang makita ang kaniyang manager. “M-Mel? You're here, me appointment ba tayo?” She wore an apologetic face.

Napasapo sa noon ang tinanong. “Four o’clock ang call-in ninyo ngayon sa Manila Boulevard! Ano’ng oras na, o?! Kakagising mo pa lang yata, mukha ka pang last night! Go, have a quick shower!”

Tumayo naman si Angelie para tumalima. Akmang  patungo na siya sa banyo nang bumalik din ito kaagad at patamad na umupo. 

“O?! Anyare? Biglang U- turn lang?” Namewang na sa disappointment si Melrose. "Angelie Buenafalco, may modeling contract ka, hello!"

“Just cancel it. Wala ako sa mood.”

 “Wala sa mood! Wow! Naubos na ba lahat ng sakit mo, girl? Headache, toothache, backache, ngayon nama'y so blunt na wala lang sa mood? Gusto mo ba talagang masira ang career mo, babae ka?”

“I don’t care-“

“You should, and you would, kung ayaw mong humimas ng rehas at ma-rape sa kulungan dahil wala kang pambayad ng damages sa contracts mo. At huwag mo akong idadamay dahil gusto ko pang makahanap ng Afam! Now, go! Double time!”

Padabog siyang tumungo ng banyo at kinanta ang “I Want To Break Free” ng Queen.

“I want to break free! I want to break free!”

“Oo na, rockstar ka na!” Umiling-iling si Melrose habang pinakikinggan ang babae. Mabilis niyang inilagay sa bag ang mga damit na isusuot ni Angelie sa pictorial. “Bilisan mo diyan at maba-bash ka na naman! Remember, nasa top rank ka na ng list of most controversial artists, and it's not a good publicity!”

“I’m bad! I’m bad! Ohh!” pakantang sagot ng dalaga.

 Napadako ang  tingin ni Melrose sa nakataob na picture frame sa ibabaw ng bedside table. Pinakawalan niya ang isang buntunghininga, kapagkuwa'y kinuha niya ito at pabulong na kinausap ang larawan ni Andrei. “God! Andrei, nasa’n ka na ba? Are you even alive? We need you here!”

Sa kusina ang tambayan niya sa tuwing nagbibihis si Angelie. Ayaw niyang magdaldal dito para mapabilis ang pagkilos ng babae. Alam din naman niyang may ginagawa ito sa tuwing umaalis patungo sa isang project.

“Di ba, ang usapan natin, sabay nating aabutin ang mga pangarap natin. Sabay tayong magsisikap, haharapin natin ang lahat, pero bakit ka nawala?” Angelie sighed after delivering her message to Andrei’s picture. Kung anu-ano ang sinasabi niya sa larawan ng lalaki, hoping na aabot ang mensahe niya saan man ito naroroon.

“Hey! It’s been a year. Come on!” Nag-aapura na si Melrose sa pagkatok sa pinto. Nagmamalditang pinagbuksan siya ni Angelie at nauna pa itong lumabas ng unit. Pailing-iling na sumunod ang kaibigan.

 Nagmamadaling inasikaso ang dalaga ng make-up artist habang tumutulong si Melrose sa wardrobe lady. Alam niyang naiimbiyerna na ang photographer dahil late na sila ng thirty minutes. Malapit na rin ang paglubog ng araw pero hindi pa nakahanda si Angelie.

“Pakibilisan naman! Darating na ang bukang-liwayway, ano ba!” Eksaheradang sabi ng photographer habang kinukunan ng last shots ang ibang mga modelong naroon.

Na-stress si Melrose sa nakitang pagsalubong ng kilay ng kaibigan. Ayaw niyang matuloy ang napipintong pagmamaldita nito lalo at pangatlong photographer na itong makakaaway ni Angelie kung sakali.

“Sir Butch, malapit na po, pasensiya na po talaga,” hinimas-himas niya at minamasahe ang balikat ng lalaki.

“Haynaku! Malapit na nga, Melrose, malapit na akong mapuno! Aba’y aabot ba tayo sa sunset nito?”

“Of course! Hayan na nga, o, ready na siya.” Sinesenyasan niya ang kaibigan na lumapit na, at lumapit nga ito habang sinusundan naman ng make-up artist.

“O, sige, position!” Nang tumayo si Angelie sa inilaang lugar para sa kaniya ay ipinaliwanang ng photographer ang gusto nitong ma-achieve na look. Matapos nilang mag-usap ay pinagalitan nito ang make-up artist dahil hindi pantay ang kilay ng dalaga. “Haynaku! Di bale, ako na’ng bahala, matatabunan iyan.”

Tahimik ang mga naroon habang kinukunan ng larawan si Angelie habang lumulubog ang araw sa background nito. Ayaw na ayaw ni Butch ng may nag-iingay sa staff niya kaya maingat sa pagkilos ang mga iyon habang inaasikaso ang wardrobe at make-up at ibang props nila.

Napangiti si Melrose habang pinagmamasdan ang kaibigan. Nawawala ang pagmamaldita nito kapag nakasalang na on camera. Nangingibabaw ang pagiging artist nito. Maging siya ay humahanga sa galing nito sa pagmomodelo at sa angkin nitong kagandahan. Isang asian beauty na may aura ng kainosentihan at may mga matang magaganda at tila nangungusap ang nagugustuhan ng clients nila kay Angelie.

“Iyang alaga mo, kundi ko lang alam ang pinagdadaanan niyan, naku, hindi na iyan makakatikim ng magic ng lente ko,” bulong niya kay Melrose matapos niyang kunan ng series of shots si Angelie. “But in fairness to her, maganda naman talaga siya. May innocence. Mas gumanda pa ngayong may lungkot sa kaniyang mga mata.”

“Huwag naman po sanang kapag sumaya na siya ay hindi ninyo na siya kukunin.”

“Let’s see. Alam mo naman, I’m an artist, not a charity worker.” Uminom ito ng tubig at nang ma-satisfy sa mga kuha niyang litrato ay pumalakpak.

“Pack up na po ba?” Excited na tanong ni Melrose. She’s hoping na tama siya dahil nagbibihis na si Angelie para umalis.

“Yes, it’s a wrap, so pack-up na. Babush!” 

HABANG nagda-drive ay sinilip niya ang kaibigan. Larawan ito ng kawalan ng gana habang nakaupo sa backseat ng kotse. “Kain muna tayo. Saan mo gusto?”

“Wherever you want. Hindi ako gutom.”

‘No, gutom ka sa pagmamahal,’ sa isip niya. “Sige, do’n na lang tayo sa malapit.”

Pinili ni Melrose ang area sa restaurant kung saan kitang-kita ang Manila Boulevard. Hindi sightseeing ang pakay niya ng pagpili nito, kundi gusto niyang makita ang magiging reaction ni Angelie. Unlike their friends na umiiwas na magawi si Angelie sa mga lugar na makakapagpaalala nito kay Andrei, gusto naman ni Melrose na gumaling ang nararamdaman nito habang naaalala si Andrei.

Bahagyang napatda si Angelie nang mapadako ang kaniyang tingin sa Manila Boulevard. Isa ito sa mga lugar na madalas nilang puntahan noon ni Andrei. Batid niyang hindi niya makakalimutan ang Manila Boulevard. Sariwa pa sa kaniyang alaala ang mga pangyayaring iyon. Isang mahalagang tao ang nawala sa buhay niya at hanggang ngayon ay tila punyal na nakatarak sa kaniyang dibdib.

Tahimik naman si Melrose na pinagmasdan ang kaibigan, hinihintay na magpu-pour out ito ng nararamdaman. Batid niyang sa kabila ng katahimikan nito ay may nararamdaman pa rin itong sakit sa kaibuturan ng puso. Maging siya ay patuloy pa ring niyayanig ng alaala ng pangyayaring iyon.

“Order ka na.” Hindi niya ito inasahang marinig mula kay Angelie, sa kalmado nitong tono. Tumango siya. Ayaw niyang ipilit sa kaibigan ang gusto niyang mangyari.

Um-order siya ng beef tapa at beer. Gusto niyang iinom ang disappointment na nararamdaman. 

"Wine lang ang akin."

"Kumain ka kahit konti. Huwag puro wine lang."  Ini-order niya ito ng beefsteak.

"You're annoying!"

"Thank you, princess, kesa naman magkasakit ka at gawin mo akong yaya."

Bahagyang natawa si Angelie. "If you're tired,-"

"Don't ruin my appetite."

Nagpakita naman ng paggalang ang kaharap. Tahimik sila habang kumakain. Pinakikiramdaman ni Melrose ang kaibigan. Blangko naman ang emosyong lumalabas sa mukha ni Angelie habang kumakain. Deep inside ay gusto ng sumuko ni Melrose. Napapagod na siya sa nakikita sa kaibigan. Gusto na niya itong makitang inilalabas ang nararamdaman. Pero ayaw niya itong pangunahan. Bilang kaibigan, uunawain niya ito at hihintayin ang panahong gusto na nitong maglabas ng ibinaong sama ng loob sa puso. Habang pilit na kinakalimutan ng lahat ang pangyayaring iyon, bumabalik pa rin ito sa kaniyang alaala.

“Are you still with me?”

Tila nagising sa pagkakatulog si Melrose. Hindi niya namalayan na halos maubos na ni Angelie ang inorder nitong wine. Nawalan siya ng ganang kumain kaya hiningi na niya sa waiter ang chit. 

May appointment pa siya kaya tinawagan niya si Alvin para siyang magbantay sa babae. Matapos itong magsuka dahil naglasing ay hindi na ito makagulapay kaya nakahilata lang ito sa sahig ng sala nito. Itinuloy kasi nila ang inuman sa condominium nito, request ni Angelie.

“Wala ba siyang appointment bukas?” tanong ni Alvin habang nilapitan ang lasing para kargahin.

“Wala, kaya pumayag na akong makipag-inuman sa kaniya. Ngayon lang naman. Ikaw na muna ang bahala sa kaniya.” Tumungo na si Melrose sa pintuan.

“Sige. Sigurado ka bang kaya mo pang mag-drive?”

“Oo, kaya ko pa. Don’t worry.”

Maingat niyang kinarga ang dalaga at tinungo ang kuwarto nito.

“Hmmm… are you still with me?” anas ng dalaga habang nakapikit ang mga mata.

“Ssshhh! I’m with you. Sleep now,” paanas namang sagot ni Alvin. Inilapag niya ito sa kama. Hinagod niya ng tingin ang lasing na dalaga. Napailing siya. Kinumutan niya ito.

“I want you here!” ang pagpapatuloy ng lasing, tila may kausap ito sa panaginip.

Naaawang h******n ito ni Alvin sa noo. Nahagip ni Angelie ang braso niya at niyakap siya nito. Niyakap niya rin ang babae. Naalala niya kung paano niya ito minahal noon.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status