Share

CHAPTER Fifteen- Conscience and Love

CHAPTER 15

"Tulog na ba siya?"

Tumango ang lalaki kapagkuwa'y ininom ang isinaling tubig sa baso. Nilapitan at hinalikan siya sa pisngi ng nobyang kararating lang. 

"Nasa room niya, nanaginip iyon kanina."

"A- ano na naman ang--"

"Don't worry, it was just a dream. Maayos na naman ang pagtulog niya." Payakap niyang kinausap ang babae upang huwag na itong mag-alala. "Hey, you're not her nanny. Besides, let her be. Ang mahalaga, nandito tayo for her."

"Alvin, alam mo namang nakokonsensiya ako. Hindi ko siya kayang pabayaan na lang. I have to help her!"

"Hindi naman natin siya pababayaan. We're in this together. Just stop worrying too much, okay?"

Bahagyang tumango si Norma. Nagyakap ang magnobyo. 

"Was I good in my mother's womb?" She smiled sweetly before saying, "I'm lucky to have you, a supportive and understanding boyfriend." 

Touched by her words, Alvin touched her lips. "Hey, I don't remember if I've already told you," holding her chin, " I'm proud of you!"

Napangiti ang babae sa ibinulong ng katipan. "And why is that?" Hindi niya maitago ang kilig na nadarama sa harap nito. 

"You're not just strong, you're thoughtful and caring, too. Good qualities iyan ng babae na gusto kong maging asawa."

"Hmm… nagpaparinig ka na ba, dear? We're not yet financially stable."

He smiled and kissed her forehead. "Ang sinasabi ko lang, I'm lucky to have you. You're such a gem na hindi dapat pinapalampas," adding after a sigh, "mabuti na lang hindi ako binigyan ng chance ni Angelie. Ikaw pala ang para sa akin." He touched and massaged her hand and kissed it. She then kissed his head. His nose tip. His lips.

"I want you, dear!"

No word came out of Norma's mouth, but her parted lips and the look in her eyes tell it all. He put his hand on her back, trying to find a way to untangle her bra.

"No!" A scream from Angelie's room automatically stopped them. Nagkatinginan sila, parang biglang binuhusan ng malamig na tubig ang kanina lang ay mainit na eksena.

Hindi pinigilan ni Alvin ang pagmamadali ng nobyang makarating sa loob ng kuwarto ni Angelie. Kahit paano ay batid niyang maaaring bangungutin na naman si Angelie. Ito ang dahilan kung bakit sila nagsasalit-salitang magkakaibigan sa pagmo-monitor sa dalaga.

"Angelie, wake up!"

"No!... Don't go!" Larawan ng depressed at nagsusumamo si Angelie habang nananaginip. Niyugyog naman siya ni Norma.

"Gising na, Angelie!"

Nang bumuka ang mga mata ni Angelie ay habol na niya ang hininga.

"It was just a dream." Masuyong inayos ni Norma ang magulo at pawisang buhok ng babae. Pumasok naman si Alvin at pinainom ng tubig si Angelie.

"Bakit paulit-ulit na lang?" Disappointed at tila nanlalatang turan ni Angelie. 

"It was just a dream, huwag mo nang dibdibin."

"Look at you, is this the time na dapat ay nandito kayo? Di na yata kayo nagdi-date because of me. Why don't you leave? Leave me alone! I'm just a burden to you!"

"Hey," sinenyasan niya si Alvin na lumabas muna ng kuwarto dahil tutulungan niyang magbihis ang babae, "don't do this to yourself. Hindi naman kami araw-araw na nandito, 'di ba? Besides, we like coming here."

"Your words come from your nose, miss," she said while changing clothes. "I know the score between you, two. But you try to act as if there's nothing special. Sa sobrang worry mo na madi-depress ako you even hide that from me."

Hindi agad nakakibo si Norma. Hindi niya inasahang mamumutawi iyon mula sa bibig ni Angelie. 

"I was just left behind, but I'm not pathetic!" She threw her wet clothes in the basket and lay down. "Why don't you live your life, people? Don't put too much time on me. I might leave soon."

The woman sighed. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin kay Angelie. Hindi pa man siya nakakapagsalita ay tumagilid na ito, patalikod sa kaniya.

"G-goodnight."

"Yeah, please lock the door."

…..

Nang mai- lock ang pinto ng unit ni Angelie ay magkaakbay na lumabas ng condominium ang magnobyo. Hindi sila nagulat nang makitang malakas ang buhos ng ulan paglabas nila. Alam nilang may bagyo at iyon ang dahilan kaya nila mino- monitor si Angelie.

Sa loob ng kotse ay lumabas ang pinipigil na mga luha ng dalaga. Agad naman siyang niyakap ng nobyo. "It's alright."

"But my conscience says it's not!"

"Hindi mo kasalanan ang nangyari. Aksidente iyon. Accidents happen, hindi natin iyon ginusto." He said while touching her head, trying to calm her. "Walang me gusto na mangyari iyon, not you or anybody!"

"Hindi ko nga ba iyon ginusto? I almost cursed them!"

"You were just hurt!... broken. Your heart was broken to pieces at sino'ng sisisi sa iyo kung ano ang lalabas sa bibig mo? You were mad, Norma! May karapatan kang magalit."

"But it was as if the devil heard me! It was from my mouth! Sana ako na lang ang naaksidente! Sana ako na lang ang nawala! I'm willing to replace him, para matapos na 'to!"

"Look, kung sino mang demonyo ang nakinig sa iyo ay kasalanan na niya iyon! You didn't mean it! Gago siya! Tanga siya! Bakit niya pinakinggan ang bulalas ng pusong nasaktan? Mag-isa siya sa kagaguhan niya!" Upon meeting her eyes, Alvin embraced her, "huwag kang sumama sa kaniya, ha. Dito ka lang sa akin. Don't ever think that way again. I need you here." With much love, he kissed her head and it touched her heart. She broke into tears again, but this time, tears of joy naman. She hugged him tight, thanking him.

….

SA KABILANG DAKO ay magkausap sa phone sina Melrose at Nannette. 

"Kumusta na kaya siya ngayon? Baka binabangungot na naman iyon."

"Nando'n naman sina Norma. Hindi iyon basta-basta aalis do'n," sagot ni Melrose habang nanonood ng television. "Alam mo naman iyon, kung makasisi sa sarili parang gusto niyang laging parusahan ang sarili."

"Makaka- move on din iyon. Tiwala lang tayo kay Alvin, mahal na mahal na niya si Norma ngayon kahit na nililihim nila ang relasyon nila."

"Oo nga. Sa tingin ko naman ay hindi nila kailangang ilihim, e, lalo kay Angelie. I don't think na makakaapekto kay Angelie ang relationship nila."

Napatda si Nannette sa pag-i- scroll sa social media. "Maybe not, pero--"

Binuksan niya ang television at dumako sa Channel 25 kung saan may news report. "Turn on ka sa Channel 25, dali!"

Sumunod naman si Melrose sa kaibigan. Sa nasabing channel ay iniri-report ang pagbabalik-tanaw sa nangyaring insidente sa Manila Boulevard sa kasagsagan ng bagyo ilang taon na ang nakararaan. Binanggit ng reporter na iyon ang kauna-unahang pangyayari kung saan may nagbuwis ng buhay. Binanggit nito ang pangalan ng isang rescuer na namatay, isang Andy Silva, may-asawa at noon ay nakatira sa Tondo.

Napanganga si Nannette nang mapansin sa video na bago maipasok sa ambulance si Angelie ay umarangkada na papalayo ang isang ambulance sa isang bahagi ng boulevard. Tila nagsikip ang kaniyang dibdib sa nasaksihan.

Samantala, halos nakadikit na ang mga mata ni Melrose sa harap ng television. Natapos na ang nasabing report ay nakatulala pa rin siya. Bumalik sa kaniyang alaala ang nakaraan. Naalala niya ang paglamon ng malaking alon Kay Angelie ng araw na iyon. Sabay silang sumigaw ng sumigaw dahil natakot silang lahat. Naalala niya ang pagdating ng rescue team at ang ingay ng ambulansiya. Ang duguang katawan ni Angelie noon ay malinaw pa sa kaniyang alaala. Ang tanawing iyon ang ikinahimatay ni Norma na noon ay katabi niyang nakatayo.

Ngayon niya naunawaan kung bakit naging ganoon ang pagkatulala niya ng sandaling iyon. Kung bakit nanatili siyang nakatayo at hindi kumikilos at muntik siyang maiwan ng ambulansiya noon ay nauunawaan na niya.

Nang tinungo nila ang hospital room ni Angelie at sinilip ang babae ay tila may dumagang kung ano sa dibdib niya noon, laluna ng makita niya ang mga pasa sa iba’t ibang bahagi ng katawan at sa noo ng dalaga, at may sugat din ito sa tuhod at sa talampakan. May bugbog ito sa braso. Napadiin sa dibdib si Melrose sa panunumbalik sa kaniya ng nakaraan.

Malinaw na malinaw pa sa kaniyang alaala ang naging reaksiyon ni Angelie nang magising ito at isa-isa sila nitong pinagmasdan. Hindi man namutawi sa bibig nito’y alam nilang pangalan ni Andrei ang dahilan ng pagbuka ng kaniyang bibig. Matinding sakit ng ulo ang naramdaman ng dalaga kung kaya’t nakaligtas sila sa panunumbat nito. Pero hindi rin nila naiwasang harapin ang katotohanang kailangan nilang makipag-usap sa dalaga, at isiwalat dito ang mga bagay na dapat niyang marinig. Nararamdaman pa rin niya ang pananakit ng dibdib sa tuwing naaalala niya ang larawan ng paghihinagpis ni Angelie noon sa ospital, ang tila wala sa katinuan nitong paglalakad sa may boulevard, at ang tila paghahanap nito ng puntod sa sementeryo. Napapahaplos siya sa dibdib sa tuwing naaalala ang mga pag-iyak ng kaibigan, pag-iyak na biglang napalitan ng ibang pag-uugali. Isang Angelie na parang walang emosyon kundi ang mainis at mang-inis, walang gana sa buhay at nakakawalang-gana kasama. Isang babaing tila nagnanais na kalimutan at iwanan siya ng lahat. Ngunit hindi nila ito mapagbibigyan.

Halos kalilitaw lang ng araw ay may pares ng paang naglakad sa isang dako ng Tondo. Maingat na tiningnan ng babae ang hilera ng mga bahay doon. Huminga siya ng malalim at inihanda ang sarili sa maaaring kahihinatnan ng kaniyang pagpunta doon.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status