Share

Chapter IV

THIRD PERSON’S POV~

"Nasa ospital ngayon si coach Sarenas dahil inatake ng heart burn. Unfortunately, mga bata, pagsasamahin natin ang klase ko sa klase niya." sigaw ng kanilang gym teacher.

"Ahhhhww!" sigaw naman ng mga estudyanteng tila mga nadismaya.

"I know, I know. We all hate each other."

"No! We hate you!" sigaw naman ni Agnes ng palihim.

"Okay, let's start a team. Lea, Kendall, Jobelle, Phobe, Elena, Romelyn on the left side!"

"My name is Romela." pagreklamo pa ng isang estudyante pero hindi siya pinansin ng prof nila.

"On this side, I want Florenz, Melma, Irma, Agnes, Prim at Lorie!"

"It's Lovely po."

"Pareho lang yan."

"Hi? Prim right? I'm Lovely." pagbati nito kay Prim nang dumaan sa harapan niya.

"So?” sabay irap pa sa kanya ni Prim nilagpasan lang siya.

"Okay ladies, let's play ball!"

Pumuwesto na ang mga estudyante sa kani-kanilang lugar sa court para maglaro. Nakapwesto si Florenz sa harap malapit sa net bilang blocker, katabi sina Irma at Melma. "Saan ka kagabi? Bakit hindi ka sumama sa birthday party ni Nicole?" tanong nito kay Irma.

"Sorry naman. May date kasi ako kagabi." mukhang kinikilig pa habang nagpapatalon-talon para makapag-warm up.

"Talaga? Sino naman yan?"

"I'm dating Jake.. (Medyo bumulong) Carter.."

"Argh!" biglang napalingon si Agnes kina Irma ng marinig nito ang usapan nila. Sa inis sa narinig, bigla niyang sinerve ang bola ng volleyball at pinatama ito sa ulo ni Irma.

"Heey?!" medyo galit na sita nito kay Agnes na nasa likuran niya.

"Sorry, it slips." medyo sarcastic nitong sagot lang pero pinalampas lang ito ni Irma at bumalik na ulit sila sa kani-kanilang pwesto.

"Alright. Let's play volley – " – Boinks!

Bigla na naman siyang tinamaan ng bola at sapul ito sa mukha kaya napabagsak siya. Nagtawanan naman ang lahat ng estudyante sa gym.

"Alright.” - Tumayo siya kaagad, lumapit kay Agnes at tinapik ito sa noo habang pinagtatawanan din siya. “Hoy ikaw bruha! That is no accident! Problem mo huh?!"-Galit na saad nito kay Agnes.

Tinulak din siya ni Agnes palayo. "Wala akong problema, pero kung gusto mo, bibigyan kita! Layuan mo si Jake Carter! He is mine!"

"Ugh! Boyfriend ko siya, bakit ko siya lalayuan?!" tinulak din si Agnes ng malakas kaya napaatras din ito.

"Girls, girls, peace and love. Tama na!" pumagitna naman si Lovely sa kanila.

"Eh yan kasing malanding yan eh. Sabihin ba namang boyfriend niya si Jake, eh boyfriend ko kaya yun!"-Pagduro pa ni Agnes kay Irma.

"Ugh?!" bigla namang binato ni Prim kay Agnes ang hawak na bola at tinamaan ito sa tiyan.

"Problema mo rin ha?!" galit na tanong nito kay Prim.

"I am dating Jake Carter!" pagturo pa niya sa sarili niya.

"What did you just say bi –"

*Prrrrriiiitt!*

"Tumigil na kayo! Maglaro na tayo!" pag-ihip pa ng coach nila sa pito nito at panandalian silang natahimik.

Binitawan naman na ni Lovely ang dalawang babae at babalik na sana sa pwesto nang biglang nagsuguran pa rin ang tatlo at nagsabunutan.

"Akala mong malandi ka, akin si Jake!" Irma

"Mas malandi ka! Ambisyosa!" Agnes

"Ang kakapal niyong malalandi kayo!" Prim

Para namang mga nagsabong na mga tigre ang tatlo at ang kawawang si Lovely na gusto lamang umawat sa kanila. "Tama na yan!" pagawat pa nito pero bigla siyang nasampal ni Irma na sana si Agnes ang sasampalin kaso yumuko ito. "Ahh!"

"Feelingera kang kabayo ka!" babatukan sana ni Irma si Prim pero nakailag ito kaya si Lovely na naman ang natamaan.

"Ikaw ang kabayo! Boyfriend ko si Jake!" sabay hagis ng mga bola ng volleyball sa tabi niyang cart basket pero nakayuko sina Irma at Agnes kaya si Lovely ang tinamaan sa mukha at natumba ang ito.

Kumuha din ng bola si Agnes pero yung mga nakalagay pa sa loob ng net ang ihahampas sana kina Irma at Prim pero nakatakbo ang mga ito at yung gym prof nila ang tinamaan niya.

"Ugh!" namilipit sa paghampas ni Agnes ng mga bola sa tiyan niya.

Parehong mga nahawakan nina Irma, Agnes at Prim sa basket ng mga bola at pinagaagawan nila ito sa paghihila. Papatayo na sana ulit si Lovely at yung gym prof para umawat pero parehong binitawan ng tatlo ang basket kaya tumilapon ito papasalubong kina Lovely at sa gym prof nila kaya napatumba yung dalawa. Bigla naman nagsabunutan ulit silang tatlo na parang may royal rumble ng mawala ang basket na pumapagitan sa kanila.

Habang nakahiga si Lovely at ang prof nila ay kinuha niya at hinipan ang pito nito kaya napatigil naman ang tatlong tigre saglit at tiningnan siya. "Tama na yan pwede ba?! Nagaaway-away kayo dahil lang sa iisang gagong lalaking niloloko naman kayong lahat?!" sigaw niya sa mga ito at natigilan naman ang lahat.

"Language! Mga bunganga niyo! Mga kababaeng tao niyo pa naman!" tumayo at mukhang galit na galit na. "Ikaw, ikaw, ikaw at ikaw! Detention!" galit na galit na sigaw nito at pagturo kina Lovely, Irma, Agnes at Prim sabay tinayo ang basket ng mga bola at umalis.

Sumunod na rin si Lovely ng tayo na halata rito ang pagkainis sa mga nangyari kaya umalis na lang ng gym.

"Who is that?" bulong pa ni Prim. At isa-isa na rin silang nagtayuan at nagalisan sa gym.

MATAPOS ng gym class ay dumiretso na si Lovely sa detention room pero iisang tao palang ang nakita niya rito.

May nakapwesto sa may bintana ng detention room at nagaayos ng mga libro kaya hindi nito napansin ang pagdating ni Lovely. "Sinong pipiliin mo, DOTA o ako? Anong mas gusto mo? Ang makasama ka yun ang nasa isip." damang-damang pagkanta pa nito habang sinasabayan ang tugtog.

Nagbagsak ng librong hawak sa mesa si Lovely para mapansin siya nito pero mukhang dedma pa rin ang lalaki sa kanya dahil nakasuot ito ng headphones. Nangingiti na lang si Lovely sa ginagawa ng binata.

Nag-e-emote pa ito sa pagkanta. "Anong pipiliin mo dota o ako? At ano ako sayo? – Oh shit! Shit!" sabay tanggal ng headphones niya dahil pagtalikod niya ay nakita na niya si Lovely na papaupo at nagpipigil ng pagtawa.

"Ahh, sorry. Nakikinig kasi ako sa FM then biglang pinatugtog yun kaya –" pagpapaliwanag pa nito dahil sa hiya.

"DOTA o ako? Okay lang yan. Theme song kasi yan ng mga girlfriend ng mga konyong trash talker sa computer shop." pagbibiro pa nito at natawa naman si Blake kahit pa halata dito na nahihiya pa rin.

"Ahh, ano nga palang –"

"Nasaan na na pala sila?" takang tanong pa ni Lovely na makitang wala man lang siyang kasama sa detention room.

"Sila?"

"Oo. Dito ang detention di ba?"

Natawa ng kaunti. "Detention? Nagpunta ka rito ng maaga para sa detention?"

Medyo natigilan naman si Lovely at tila may napagtanto. "Ahh ano kasi -- alam mo na. Na-miss ko lang kasing -- ma-detain. Hehehe." palusot na lang nito.

Natawa ng kaunti kay Lovely. "I'm Blake." pagngiti pa nito kay Lovely na halos silawin siya sa puti ng ngipin. Parang kagaya ng kay Jake.

"Ah, Lovely. I -- I mean, I'm Lovely. Ah I mean --"-Natataramtang pagpapaliwanag pa nito.

"Yeah, sa chemistry class di ba?"

"Ahh, talaga? Kaklase pala kita?" tila natuwa sa narinig.

"Oo. Hindi mo lang siguro napapansin. Alam mo na, hindi naman din talaga ako kapansin-pansin."

Tila napangiti na lang si Lovely sa sinabi ni Blake.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status