Share

Chapter IX

THIRD PERSON’S POV~

"Hey sweetie? Can we talk?"

Pagtawag pa ni Jake kay Irma habang naglalakad ito sa hallway patungo sa susunod nitong klase. Lumapit naman siya kay Jake at humalik pa sa pisngi nito.

"Yes? How you doing?" matamis pang pagngiti ni Irma rito.

"Look, alam ko medyo nag-breakdown ako last night. Sabi ng peer counselor ko, kailangan ko daw muna mag-cool down sa mga gawain ko, you know? Stress at the basketball games and school. So, I have to do some -- me work para mas malinawan ako. At --"

Hindi lang niya ito kay Irma sinasabi, matapos kasi sa isa ay sinunod-sunod niyang kausapin rin sina Agnes at Prim na ganoon rin ang mga sinabi niya!

"You know, there's only one girl for me. But -- I don't think that girl is you." tila pare-parehong nagbago ang timpla nila sa mga narinig kay Jake. Pare-pareho silang hindi makapaniwala sa sinabi nito. "I mean, we had a fun run. But I just need to find someone deeper and more complex. So? Are we good?"

Tila sinasabi pa niya ito ng parang hindi niya tinatapon lang basta ang mga babaeng nasa harapan niya kaya --

*Pak!

*Pak!

*Pak!

Ganern ganern din ang pagsampal ng tatlo sa mala-anghel na mukha ni Jake Carter.

"Well, he dumped me!" bungad ni Prim ng bigla siyang pumasok sa kwarto ko. Naiwan ko bang bukas ang pintuan namin? Dire-diresto siya sa kama ko at naupo na parang pinagsakluban ng langit at lupa.

"That idiot bastard thinks I am not complex?!" medyo beast mode namang pagpasok ni Irma sabay upo sa couch ko.

"You're like inverted complex." pagpasok na rin ni Agnes at siya na ang nagsara ng pintuan ng kwato ko.

"I'm so depressed that I didn't even enjoy our break up sex." bulong pa ni Prim at tila lahat kami ay napatingin sa kanya ng buong pagkabigla at pagtataka. "Oh my God? I'm such slut -- aww!" bigla kasi siyang sumandal at nauntog sa headboard ng kama ko. Nagtawanan na lang kami sa mga nangyari.

Wait! Medyo nawiwindang pa rin ako sa dala nilang bagyo – I mean balita na nakipag-break daw sa kanila si Jake ng sabay-sabay ngayong araw? Well, ano nga namang nakakapagtaka? Eh pinagsabay-sabay nga naman din sila.

But on the other hand, ramdam ko ang pagdedelorosa ng tatlong ito, as if namang hindi rin nila alam na pinagsabay-sabay na nga sila di ba? Siguro nakahanap na ng panibagong batch ng mga girlfriend niya si Jake.

At dahil sa heartbroken ang mga babaitang ito, isa lang naman ang alam kong maaring mag-mend ng kanilang mga broken hearts.

"I really can't believe I eat meat for that bastard." habang hinasawsaw pa ni Prim ang kinakain sa chocolates.

"It's a fish."

"Still, I don't eat anything with a face!"

"Here, try this, chocolate on chocolate." sinubuan pa ni Irma si Prim ng kinakain niya.

"Oh yeah. Ang sarap!" tila nasarapan naman din siya.

Lahat ng chocolates ni mama sa ref at bumili pa itong tatlong ito ng iba pang chocolates para lang kainin namin ngayon dito. Para kaming nagpi-pinic sa kama ko.

"Well, chocolates make everything better. Sabi ni mama, it can also mend a broken hearts."

"Alam niyo, kaysa magmukmok tayo dito, we should have to get broke his heart too." biglang singit ni Agnes pero alam kong pabiro niya lang ito.

Natigilan naman sina Irma at Prim na tila may napagtanto. "What?"

"Agnes that's pretty genius." pagbangon pa ni Irma na tila may magandang naisip. Oh-oh?

"Yeah, except he broke up with everybody." pagkontra ko na.

Naupo sa tapat ko si Irma at tinitingnan ako ng parang hindi ko magugustuhan. "Not with everybody." nagturo pa niya sa akin. Kupow! Sabay-sabay pa silang tatlong tumingin sa akin na parang gusto akong kainin.

"Wh -- what? No, no, no.." paguunat ko pa sa kinakaupuan ko. Maryosep naman oh! "I can't do that! I don't even like him." sabi na nga ba eh.

"So?!" sabay pang singhal nung tatlo.

"You're not gonna be really dating him. You'll just gonna be-- pretending!" mukhang excited pang paliwanag ni Irma.

"Exactly!"

"I know what you thinking, I'm not as pretty as Agnes, I'm not that smart as Irma, and I'm not that experienced.." pagtukoy pa ni Agnes kay Prim at nagtawanan naman yung dalawa.

"But you have us! And we can make you anything. If we combined all of us! We can make him fall in love with you, I mean really fall in love. And we can get it up of his ass!" madiin pang saad ni Irma na tila ang lalim talaga ng mga hugot nito.

"This gonna be so good!" pag-gaya pa ni Prim na tila excite na excite sila sa kagagahan nilang gagawin ah.

"Ah, ah? No." pagtanggi ko naman na. Naman kasi eh. "It's just not gonna work and --"

"Lovely, look. I know you think I'm just a superficial and self-centered cheerleader but -- I do have feelings, girl. At alam mo yun? Parang nasira lahat eh." pagdadrama pa nito ni Agnes na parang nangungunsensya. "Alam mo bang nilaklak ko ng lahat ng estrogen pills ng mama ko, pero alam mo, mukha na siyang si Chewbacca ngayon."

"Bffft --" nagpigil naman ng tawa si Irma ng tingnan siya ng masama ni Agnes. "Sorry."

Paano ba ito? "You know guys, I can't --"

"You know what? Forget it! Alam naman naming ayaw mo kaming tulungan." dahan-dahan naman siyang tumayo sa kama at dinala ang mga junk foods na binili niya.

"Let's go.." sumunod naman din sina Prim at Irma.

Hays. Nako naman oh? Lakas makakonsensya ng mga babaeng ito. Daig pa nanay ko!

Habang pinagmamasdan ko silang papalabas ng pinto ng kwarto ko, may sumagi sa isip ko. Huling pagkikita na ba namin ito? Mawawalan na naman ba ako ng mga kaibigan? Buong buhay ko hinangad ang ganito, tapos dahil lang sa pagtanggi ko, mawawala sina Irma, Agnes at Prim na napalapit na rin talaga sa akin.

"Wait.." isang salita ko lang ay huminto silang lahat at humarap sa akin. Inilabas ko na lang ang isang buntong hininga. "Just tell me what to do."

At tila parang nagpiyesta ang tatlo sa sinabi ko.

"Yeaz!"

Bigla silang lahat nagtalunan pabalik sa kama ko na parang kanina ay ang drama drama nila. Dapat ko bang pagsisihan ang desisyon ko?

Pero sa totoo lang, natutuwa akong napasaya ko sila. Napaka-face palm na lang ako sa kalokohan ko.

"Now, the first step is so easy." natutuwang saad ni Agnes

"Ano naman?" na-curious bigla si Prim rito.

"There's one thing Jake Carter cannot resist!"

Napatingin naman kaming lahat sa kanya na tila nagtataka.

"Ano naman aber?" sabay taas pa ng kilay ni Irma.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status