Share

Chapter XII

THIRD PERSON'S POV~

Kinabukasan, habang naglalakad si Lovely at nakasubsob sa libro mula sa klase niya, tila inaabangan na naman siya ni Jake sa sulok at nang makita siya nitong dumaan ay kaagad na kumuha ito ng libro para kunwari ay nagbabasa at sinasabayan si Lovely sa paglalakad.

"Hey!" bati kaagad ni Jake sa kanya ng matapat niya nito.

"Hey." bati lang din ni Lovely na hindi inaasahan ang paglapit sa kanya ni Jake na iyon.

"Enjoyed the flowers?" preskong tanong naman nito sa kanya.

"Ahm, oo. Maganda naman. Muntik ko na ngang makalimutang hindi nga pala ako puntod." pa-cool lang din sagot ni Lovely at tumigil siya sa paglalakad para makausap si Jake.

Tila hindi malaman ni Jake kung gusto niyang matawa o mahiya sa sinabi ni Lovely sa kanya. "Talaga? Nakuha mo ba yung number ko? Kasi -- I didn't get a text or a phone call." patay malisya na lamang din niyang tanong.

"Wala akong ballpen." sagot naman ni Lovely at iniwan na si Jake sa kinatatayuan nito.

Narinig naman ito ng ibang babae sa paligid at tila hindi rin makapaniwala kagaya ni Jake sa sinabi ni Lovely. Sinundan na lamang ni Jake ng tingin si Lovely habang naglalakad ito palayo sa kanya. Tila napagtanto niyang magiging challenge para sa kanya ang dalaga.

"BLAKY!"

Pagalis pa ni Jake ng headset ni Blake para matawag ang pansin nito. Nagulat naman si Blake pero alam niyang biro lang ito ng kanyang kaibigan.

"Hey bro." bati naman ni Blake rito.

"So, you're lab partners with Lovely, right?" diretsong tanong ni Jake sa kanya pagkaupo pa nito sa mesa katapat niya. "Naguusap ba kayo? I mean, what's her deal?"

Tila nabigla naman si Blake sa tanong sa kanya. Hindi niya mawari kung bakit si Lovely ang gusto namang puntiryahin nito.

Napailing naman si Blake. "Hmm hindi ko alam. I don't think that -- she's your type."

"Bro? Girl is my type." preskong saad pa ni Jake.

"Okay, sige. Well, maybe -- you're not her type." diretsong saad din ni Blake sa kanya.

Hindi naman makapaniwala si Jake pero alam niya sa sarili niyang ganun nga ang nararamdaman niya kay Lovely kaya lalo siyang naging interesado sa dalaga.

"She's an old school type of girl. Vintage and classic. You know, she's deep, man." dagdag pa ni Blake.

"Bro, I'm deep. May naka-date nga akong taga poetry club eh."

Nagkatitigan naman ang magkaibigan at alam ni Blake na hindi niya nagugustuhan ang pagpuntirya nito kay Lovely.

"SO, Jake asked you to spy on me?" tila natatawa namang tanong ni Lovely sa nalaman.

Naglalakad sila ngayon ni Blake papasok ng school. Dahil si Lovely ang pinakabago sa cheering squad, kailangan niyang bitbitin ang lahat ng bag ng mga kamiyembro niya na hindi maaaring pagpatulong kahit hirap na siya.

"Oo, kasi alam niyang magkasama tayo sa lab. Alam mo na, gusto niyang alamin ko daw lahat ang tungkol sayo tapos sabihin ko lang sa kanya. Nang hindi mo nalalaman syempre para kunwari nagkataon lang din na alam niya."

"You're like the worst spy in the world!" natatawa pa ring saad ni Lovely at hindi makapaniwala sa mga pinagsasabi ni Blake tungkol sa kanya.

"Ay grabe siya. Ang galing ko kaya?"

"Okay sige pero -- ahh!" biglang nahulog ang isang bag na hawak ni Lovely at tila naipitan naman siya ng ugat sa pagyuko nang aabutin niya sana ito. "Aray ko! Yung leeg ko."

"Ayan kasi, tumatanda ka na." dinampot naman ito ni Blake at isinabit sa kanya. "Sabi ng tulungan na kita eh."

"Are you making fun of me?"  biro pa ni Lovely rito.

"Hmm medyo, lola." 

Ngunit natigilan sila ng magkatapat at sabay na tingin sa isa't isa.

A moment of silence and awkwardness dahil pareho silang napatingin sa mga mata ng isa't isa na hindi malaman kung bakit.

Makalipas ng ilang segundo ay sabay din silang naglihis ng kanilang mga paningin na hindi naman malaman kung saan pa pupunta.

"Ah sorry. Sorry." Saad pa ni Lovely.

"Ahhmm.." dinampot at iniabot pa ni Blake ang ilang libro na nahulog ni Lovely.

"Ah, yeah. That's mine too." at inabot ang mga libro mula kay Blake. "I -- gotta go."

"Yeah, me too. May klase pa pala ako."

"Yeah, ako rin. Go fight roar!" nahihiya pang saad ni Lovely na sinusubukan alisin ang awkwardness na nila ni Blake. Hindi naman siya nakakaramdam ng hiya sa binata noon pero ngayon ay tila hindi niya maipaliwanag kung bakit. Kaagad rin naman siya naglakad palayo rito.

"Shit!"  bulong pa ni Blake ng makalagpas sa kanya si Lovely. Hindi niya rin maipaliwanag bakit tinitigan niya ito ng ganungkatagal. Pakiramdam niya ay nailang na ito sa kanya.

Basketball Game Time

Hindi naman magkamayaw ang mga tao sa pag-cheer sa gusto nilang team. Laban ulit nila Jake para sa semi-finals na at sa home court ulit ito ginanap.

Lumapit naman si Lovely kay Agnes habang busy naman ang iba nilang kasamahan sa pag-cheer.

"Tingin ko, nawalan na yata ng interes sa akin si Jake. Kasi ni hindi niya ako tinitingnan sa kapag nagkakasalubong kami ever since nung tinanggihan ko siya." tila nagaalalang saad pa ni Lovely rito.

"Relax Lovely, this is gonna work I promise. Just be patient. I know Jake very well. Kakagat siya sayo!" sagot naman din ni Agnes sa kanya.

"Paano mo naman nalaman? I mean, paano mo nasabi?"

"I just knew -- look!" pagsensya pa ni Agnes sa likruan ni Lovely at laking gulat nito ng makitang naroon na pala si Jake habang nag-dribble ng bola.

"Hey, Miss Mendoza." bati pa ni Jake sa kanya bago niya pa tuluyang lingunin ito. "Kamusta na?"

"Okay lang, ikaw?" hindi naman makapaniwala si Lovely sa paglapit ni Jake sa kanya habang on game pa ito, nagdi-dribble ng bola habang iniiwasan ang nakabantay sa kanyang kalaro.

"Hindi masyado, as you can see. Mahigpit itong bantay ko." prenteng saad naman nito sa kanya.

"Carter! Get in the game!" sigaw naman ni coach nila sa kanya.

"Teka lang naman coach!" sigaw naman ding sagot ni Jake rito.

"Carter, I understand and respect your emotional needs pero please, huwag naman dito! Nasa laro ka pa!" pagtukoy pa nito sa oras na natitira kay Jake sa pag-dribble ng bola kaya napatingin din roon si Jake at pinasa sa kakampi niya. Kaagad ding pinasa ang bola pabalik sa kanya at nag-dribble ulit siya sa harap ni Lovely.

"So, sa Friday. Sa may beach, may bonfire party after sunset. You should come." saad pa ni Jake at tila nangangamba na ang lahat gayun din si Lovely dahil less than five seconds na lang at matatapos na ang laro at lamang ng isang point ang kalaban.

"Jake, yung score.." pagaalala pa ni Lovely dahil tila hino-hold ni Jake ang bola at iniintay siyang sumagot kung hindi ay hindi nito ishu-shoot ito.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status