Share

Chapter XIII

LOVELY’S POV~

"Sorry, never done this before." saad pa ni Agnes habang kinakabit sa strap ng bra ng ko ang wire ng boob cam.

"Bakit sa bra mo kinabit yan?" tanong pa ni Prim at napatingin naman kami sa kanya. "Guys, makikita niya kaagad yan in the next five minutes!" tila nanganamba pang saad nito at sinamaan naman siya ng tingin nila Agnes at Irma sabay nagbagsak balikat. "O baka naman hindi. Kayo naman, masyadong judgmental!" pagbawi pa niya sa sinabi niya at nakibit balikat lang din at nginitian na lang kami.

Narito na naman kami ngayon sa kwarto ko at tinutulungan nila akong maghanda sa first date kuno daw namin ni Jake. Hay susme! Ano ba talaga itong pinasok ko?

"Prim, dali. Try mong magsalita dyan sa boob cam." saad pa ni Irma na nakatingin sa tablet na monitor nitong boob cam niya. Hindi ko alam kung paano siya nagkakaroon ng mga ganitong gadget. Kulang na lang kabitan niya rin ako ng tracking device.

"Lovely's boob cam testing. Testing. Hello?" paglayo-lapit pa ni Prim sa may cleavage ko banda kung nasaan ang boob cam, tinutuktok-tuktok niya pa ito.

"See guys.." natutuwa namang pinakita pa sa amin ni Irma ang tablet niya na naroon ang pagmumukha ni Prim. 

"Oh my gosh.." nagtawanan na lang din kami kasi hindi kami makapaniwalang gagawin namin ito ngayon. Lalo na ako noh!

Sinara ko na ulit ang robe ko at pinipilian naman na ko ni Prim ng damit. Habang si Agnes naman ang nagaayos ng buhok ko. Bakit pakiramdam ko, ako si Cady Heron ng Mean girls dito? Hmm.

"Alam niyo, kung magiging maayos itong mga plano natin, magtutuloy-tuloy tayo hanggang sa birthday party ni Jake." saad pa ni Agnes na nasa likuan ko.

"Exactly. And, gumawa ako ng mga scale factor kung papaano natin gagawin at anu-anong pagkakataon natin ito pwedeng maisagawa.” paliwanag pa ni Irma at pakita sa amin mula sa laptop niya ang parang isang tally scale na hindi ko naman din maintindihan. "At this time, meron tayong dalawang pagkakataon pa sa final game at sa birthday party ni Jake. This is our best chance for break his heart." nakatinginan naman silang tatlo na tila alam na ang ibig sabihin ng mga ito. "We need to see how much he cares to Lovely, so we will test him on the final game. At kapag sigurado na tayong nahuhulog na nga siya kay Lovely, we will crash him --"

“At his birthday party!" pagsingit pa ni Prim. At nagapiran sila ni Irma.

Ngayon ko lang naunawaan ang mga pinaggagawa ni Irma na ito. Ang effort lang.

"Hmm paano niyo naman nalamang magkakaroon ng birthday party si Jake?" kasi malay niyo di ba? Baka gusto niya lang mag-celebrate with his family?

Napatingin naman sila sa aking tatlo at natawa. "Haha nako Lovely, napaka-cute mo talaga! Alam mo ba ang birthday party ni Jake ay parang homecoming, combined with prom na may MTV music awards." paliwanag naman ni Agnes. Ano raw?

"Ha?"

"Madali lang yan, Love. Nandito lang naman kami para tulungan ka. But for now, ready ka na ba sa date niyo?" pagsigurado pa sa akin ni Prim.

"Ahm, oo naman. So, I'll play hard to get, I'll count to three before I answer him. I got it!" pagsigurado ko naman sa kanila. Well, sigurado naman akong kaya ko pang gawin ito.

"Ah, no. That's when you're playing hard to get." pagtutol naman kaagad ni Prim.

"You're going out with him. He's already got you, Love." dagdag pa ni Agnes.

"So, I have to count to -- four?" takang tanong ko pa. Eh ano nga ba?

Bigla naman silang na dismaya sa sinabi ko at halos mapairap sa akin. Bigla naman ako kinabahan at nag-panic.

"Hala ka! Ano ng gagawin ko?! Hindi pa ko prepared!" pagtayo ko pa at pagaalala dahil hindi ko naman na alam ang dapat kong gawin. Oo nga, Jake already got me. Magdi-date n kami! What shall I do? "Sabi ko na hindi maganda ideya toh eh, baka pumalpak ako!"

"Chill out!" pagsampas pa ni Irma sa noo ko ng makalapit ako sa kanya at tila natauhan nga ako doon. "Look? Nandito kaming tatlong dyosa para tulungan ka, remember? We'll figure out what you going to do, okay?"

"Okay, sige ganito. Kunwari ako si Jake, si Agnes ikaw Lovely." saad pa ni Prim.

"Ayoko ngang maging si Lovely!" protesta pa ni Agnes.

"Pwede bang ako na lang maging Lovely?" Eh ako naman talaga yun?

"Fine, let's Lovely be Lovely. Just -- go." saad pa ni Irma.

Lumapit sa akin ni Prim at pinatong ang isang kamay niya sa kanang balikat ko. 

"Baby, it's your lucky day. 'Cause Imma take you out tonight. Where you wanna go?" saad naman sa akin ni Prim na umaarteng si Jake. Pfft? Gusto kong matawa kasi parang gayang-gaya niya yung tukmol na yun.

"Ah, hindi ko alam. Ikaw, saan mo gustong pumunta?" sagot ko naman sa reenactment namin dito.

"Dont!" paghatak naman sa akin ni Irma at hinarap sa kanya. Kaloka teh? "Hindi siya ang may kontrol dapat dito di ba? Ikaw dapat!"

Nagugulantang naman akong tumungo-tungo sa kanya bilang pagsang-ayon.

"Okay, sige. Try mo sa akin." humarap naman din ako ng tuluyan kay Irma at mukhang siya ang umaarteng si Jake ngayon. "Honey, you know that you make me happy. So what movie? Anything you want." tila mas deserve nito ni Irma ang Oscar's sa paggaya kay Jake ah?

Napaisip naman din ako sa mga sinabi niya. Dapat daw ako ang may kontrol di ba? Hmm...

"Ano sa tingin mong gusto ko? And don't be wrong!" saad ko naman na ginaya ko ang pagtataray ni Agnes at words of wisdom ni Irma.

Napatingin naman sila sa akin bago sila nagkatinginang tatlo. Tila approved yata sa kanila ang sinabi at ginawa ko?

Nginitian nila akong tatlo na hudyat na mukhang tama nga ang ginawa ko. Tumuro pa sila sa akin kaya kinatuwa ko yun. I think I'm ready with this! Jake Carter, here I come!

Pinagpatuloy naman nila ang pamimili sa akin ng damit at pagaayos sa akin. Sinimulan na rin nila akong lagyan ng make up. 

Whew! Never ko pang naranasan ang ganitong bonding sa kahit na sinong naging kaibigan ko. I admit, masaya akong naging close ko itong tatlong ito. Sila yata ang kauna-unahang naging mga kaibigan ko ever since. Ayun nga lang, kailangan ko lang silang sundin sa mga plano nila kay Jake. Matapos naman nito, tapos na eh. Siguro naman magkakaibigan pa rin kami. Nga ba?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status