Share

Chapter XVII

LOVELY’S POV~

"Alam mo, advise ko lang. Wag niyo ng ipagpatuloy yan.” pahabol pa ni mama dahil papaakyat na sana ako sa kwarto ko pero natigilan ako at hinarap siya.

"Ma, alam mo maraming bagay akong kailangan ang mga advice mo, pero hindi dito sa bagay na ito." napatingin naman sa akin si mama ng seryoso at lumapit din ako sa kanya. "Sorry ma, pero sa totoo lang, ilang Jake Carter na ba ang nagdaan at sinaktan ka?"

"That's not fair? Nakakilala naman ako ng mga mababait na lalaki -- neto lang." 

"Hmm right, yung drummer? Yung vet? O yung galing rehab? na muntik na namang bumalik doon?"

"Where did you get all of these?" tila mas sumeryoso ang reaksyon ni mama. Napasobra kaya ako sa mga sinabi ko? Napatingin lang naman ako sa kanya din ng diretso. "Nakaraang buwan lang hindi naman ganyan yung Lovely na pinalaki ko. Parang hindi na ikaw yan."

"Noong nakaraang buwan lang din, wala namang may gusto sa akin kahit makipagkaibigan."

"Ako. I've became your best friend di ba?" 

Napagtanto ko bigla ang sinabi ni mama. Tama siya, hindi nga siguro ako ito ngayon. Ako na yung Lovely na sikat na ngayon sa school at pinapansin ng lahat ng tao hindi gaya noon. Pero si mama, siya pa rin yung mama ko ever since. Para naman akong nabuhusan ng mainit na tubig sa mga sinabi niya.

"I'm -- I'm sorry ma. medyo maraming nakakaloka lang na nangyari." paliwanag ko pa.

"It's okay, nak. Marami nga ring nakakalokang kaganapan sa ngayon." sabay ngiti pa niya sa akin. I feel relieved, but at the same time nagi-guilty pa rin ako.

"Hmm, good night ma." pagpapaalam ko na at talikod sa kanya.

"Love?" pagtawag na naman sa akin ni mama kaya hinarap ko ulit siya. "Basta ingat ka lang sa pagpapanggap mo ah? Ayoko namang makalimutan mo na kung sino ka talaga."

"I was nobody, ma. So, wala ring mawawala sa akin." pagkibit balikat ko pa at umakyat na ko sa kwarto ko.

Medyo awkward ang ganung usapan namin ni mama. Alam kong alam niya ang ginagawa namin tungkol kay Jake, pero narito na ito eh. Kung aatras man ako, huli na para doon.

WALA pang 30 minutes ng makaakyat ako sa kwarto ko, dumating naman na sa bahay sina Irma, Agnes at Prim. Dali-dali naman silang umakyat sa kwarto dahil si Prim ay walang skirt. Hinubad na lang pala niya ito noong naipit ito sa kotse ni Jake. Pambihira talaga! Pinahiram ko naman din siya ng masusuot.

"So tingin niyo, anong oras kaya siya babalik ulit?" tanong pa ni Prim habang naglalaro kami ng PS dito sa kwarto ko.

“Babalik siya? Bakit?” pagtataka ko pa habang naglalaro naman kami ngayon ng PS5. Medyo magaling kalaban si Agnes eh.

"I think, in the next 3 seconds?" sagot naman ni Irma at tingin pa sa wrist watch niya.

Bigla naman kami nakarinig ng parang dumating at humintong sasakyan sa tapat ng bahay namin kaya dali-dali kaming dumungaw na apat sa bintana ko.

"Sabi na eh." nangingiti namang saad ni Irma dahil tama nga ang mga kalkulasyon niyang sunod na gagawin ni Jake. Minsan naisip ko may pagkasa-psychic na ito.

*Kriiiing... Kriiiing

"Yung phone mo, si Jake yan for sure!" dagdag pa ni Irma na pinagtaka ko na talaga kasi hindi ko nga napansin na tumutunog ang phone ko, tapos sigurado naman kaagad siyang si Jake ito? "Sagutin mo, tapos kunwari hindi mo alam na siya yun ah?"

“Dali! Huwag kang papahalata!”

“Landian mo boses mo!”

Napansin kong pumarada nga ang kotse ni Jake sa tapat ng bahay namin at nagpatay ng ilaw niya. Dali ko naman din sinagot ang phone ko ang nilagay sa loud speaker.

"Hello?" 

(Hey, Love. It's me) sagot naman ni Jake sa akin. Alam kong siya nga ito pero magpanggap daw ako eh kaya hindi ko muna siya sinagot.

(Jake.. Jake Carter.) dagdag naman niya kaagad.

"Ah, oo. Ikaw pala yan. Napatawag ka?" pagpipigil ko naman ng tawa.

(Ahm, so may gagawin ka ba this coming Saturday? I mean, sasama ka naman sa finals di ba?) Duh? Malamang!

Sinenyasan naman ako ng tatlo na lumapit sa kanila sa mga bintana at dumudungaw-dungaw kay Jake sa baba.

"Ah, oo naman. May practice nga kami sa cheer bukas at -- oh crap!"

(What's the matter?)

"Ahm, tingin ko parang may akyat bahay o manyak yata na nagmamasid sa labas ng bahay namin. Nakikita ko siya eh, parang nakasakay sa jeep type na kotse." saad ko pa sabay yuko naming apat dahil baka mapansin naman niya kaming nakadungaw dito.

Feeling ko, yumuko na rin yung si Jake para hindi siya kunwari makita. Hahaha

(Ah, talaga? Gusto mo bang bumalik ako dyan at check ko?) halata sa boses niya na parang natataranta na siya.

"Ah, wag na. Tatawag na lang ako ng pulis." 

 "Pfft!" halos mag-burst out ng tawa si Agnes kaya tinakpan ni Irma ang bibig niya na nakatakip din sa sariling bibig niya. Nagpipigil rin naman ako ng tawa. Si Prim nag-make face pa kaya lalo akong nahihirapan magpigil eh. Haha

(Ahh -- ahh sige. Tawag na lang ako sayo maya ah?) tila pagmamadali namang pagpapaalam ni Jake sa akin over the phone (Shit!) rinig ko pang sambit niya pero mahina na lang bago tuluyang naputol ang linya niya. Hahaha

Nadungaw pa namin mula dito sa bintana ko na kaagad ngang pinaandar na ni Jake ang kotse niyang nakaparada sa tapat ng bahay namin at imbes na pumaabante siya, nag-reverse ito kaya tinamaan niya ang garbage bin kapit bahay namin sa tapat. Kamamadali siguro at baka mahuli pa siya ng mga pulis. Kawawang Jake!

"Hahahaha...."

Halos mamatay-matay naman din kami katatawa sa panti-trip namin kay Jake.

"Grabe! I've never seen him na parang tukmol!" saad ni Agnes na halos mapahiga na katatawa.

"Me too. Akala mo kung sinong desente, akyat bahay pala! Hahaha.. Grabe ka Lovely!"

"Hahaha.. For sure, matatakot na yun."

Natatawa na lang din ako sa mga pinaggagawa namin. Sa totoo lang, nakakatuwa rin palang paglaruan si Jake. Gaya ng paglaro niya sa mga babae niya. Hmm

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status