Share

Chapter XXII

TILA PATULOY PA rin ang bangayan ng mag-ina ng makita na naman ni Lovely na mukhang sasama na naman ang ina niya sa dating na nitong naka-date noon ngunit iniwan lang din siya.

"Kung sino man ang makarelasyon ko, wala ka na dapat pakialam dun." seryosong sagot naman ni Mercy sa anak niya.

"Are you serious, ma? Can you imagine growing up with a mom only dates jerks? Tingin mo ba hindi nakakaapekto sa akin yun? Na hindi ako apektado na nakikita ka na lang palaging sinasaktan at iniwan ng mga walang kwentang lalaking kinakarelasyon mo?" halos mangiyak naman si Lovely sa inis dahil ayaw na niyang makitang muli ang mama niya na gigising na naman isang araw na umiiyak.

Kinuha na ni Lovely ang mga bag niya at nag-walkout na lang sa mama niya. "See you tomorrow."  pagbukas niya ng pinto at nakitang nakatayo pa rin doon si Intro na tila nagaabang. "Wag mong kalimutan isara yung pinto pagtakas mo bukas ah." saad niya pa rito at tuluyan ng umalis.

Nagkatinginan naman ang mama niya at ang lalaking Intro niya. Napabuntong hininga na lamang si Mercy na tila na-realized niya ang mga sinabi ng anak sa kanya.

Lovely's POV~

So, this is the first time for me travelling to other city and staying in a hotel with my friends.

Final games na ng basketball at narito kaming lahat sa isang hotel including some faculties, whole basketball team and the cheering squad. I think this is going to be so much fun. Is it?

"Hey! Bumangon ka dyan dali!" saad ni Irma na kinabigla ko dahil biglang pasok silang tatlo dito sa hotel room ko. Hindi ko pala nasara yun? Sarap pa naman ng pagkakahiga ko na at ang haba rin ng byahe eh.

"Anong --"

"Love, tonight, the real game begins."  nakangising saad pa ni Prim sa akin at tinabihan ako ng upo dito sa kama ko. Sabay may inabot siya sa aking pink paper bag at sinilip ko naman kung anong laman nun.

"Sure ba kayo dito? Di ba -- hindi kaya parang --" - 

"Love, this game is the crunch time! Alam mo ba ang totoong nangyayari kapag hindi kayo magkasama ni Jake?” saad pa ni Agnes at kumuha ng upuan para tumabi siya sa amin. Umiling naman ako bilang sagot sa kanya.

"Irma, show her." saad pa ni Prim.

Naglapitan naman kami sa table kung saan naka-set up na kaagad ang laptop ni Irma at nakakabit doon ang cam recorder niya na tila may iniintay itong mag-play sa screen.

"Com'on Love, sit here." pagpapaupo naman sa akin ni Irma sa tapat ng laptop niya.

(Man, you're whipped!)

(Whipped ka pala!)

(Whipped ka, Jake!)

(Woah! Woah! Woah!) (Walang whipped dito, okay?! Jake Carter is not whipped!)

(Let's just say sa ngayong final game. I'm going to score more than just the basket!)

(Uncorked it and pork it!)

(Uncorked it and pork it!)

(Uncorked it and pork it!)

Irma showed me a video she recorded inside the basketball team locker room. I've seen and heard everything Jake ever said to his friends. He seems so confident and really acts like an asshole. I just couldn't believe that I let my guards down to him. I really thought we also shared something special, even though I know I'm just pretending.

"Such a dork! Jake Carter, you are going down!" - As I feel disgust on what I just watched. I take the pink paper box that Prim gave to me and went straight to my bathroom.

Third Person's POV~

Sa sobrang pagkainis ni Lovely, dumiretso na lang siya sa banyo dala-dala ang pink paper ba inabot sa kanya ni Prim.

Tila mga ngiting tagumpay naman ang tatlo ng mag-walkout sa kanila si Lovely at nagapiran pa sila. Sa wakas ay tila napabalik nila si Lovely sa panig nila at maging against ito kay Jake ulit.

Ilang minuto nag-intay ang tatlo kay Lovely.

"Bakit parang ang tagal naman yata niya dun? Hindi naman gown yung binigay ko?" pagtataka pa ni Prim habang nananalamin sa compact powder niya.

"Baka naman napakakomplikado suotin ng binigay mo? Dapat maakit si Jake dun, hindi mabwisit." sagot pa ni Agnes habang nagse-selfie.

Napatigil naman si Irma sa pagtingin sa phone niya at tumingin sa dalawa. Sabay-sabay naman silang tumingin sa pintuan ng banyo ng marinig din nilang tila nagbukas na ito.

Lovely's POV~

Hindi ko alam kung anong tawag dito sa binigay sa akin ni Prim pero mas hindi ko alam kung babagay ba sa akin magsuot ng ganito. Kung mala-katawan nila akong tatlo, pwede ko pang tangkain pero susko! Hindi ko malaman kung payat ba ako o kawayan sa sobrang wala ko yatang curves man lang.

Kahit alanganin ako, sinuot ko ito pati na rin ang manipis na itim na robe na kasama nito. Ilang minuto ko pang tinitingnan sarili ko sa salamin. Sinusubukan kong mag-sink in sa akin kung babagay nga ba ito sa akin.

Sa huli, wala na rin naman akong choice kundi lumabas ang magpakita sa kanila. Teka? Bakit nga pala ako pinasuot ng ganito? Hindi kaya -- ?

Hindi naman siguro? Virgin pa ko noh susko! Hindi pa ko handa isuko ang Bataan, lalong-lalo na kung sa Jake Carter lang na yun!

Dahan-dahan naman akong lumabas ng banyo at tila nakaabang naman sa akin yung tatlo. Napatingin sila sa akin mula paa hanggang ulo ko na parang hindi makapaniwala.

"Ano? Okay lang ba? Hindi ba akong mukhang pinausukang manok?" pagaalangan ko pang tanong sa kanila ng ipakita ko ang suot kong pulang lingerie. Medyo umiipit-ipit nga sa pwetan ko. Nakikita kong may ganito si mama pero never pa kong nakapagsuot noh.

"Sabi ko na eh, hindi ba ---"

"No no no!"

"You should totally wear that at school!" saad pa ni Irma.

"She's so hot!"

"You look freaking hot!"

Halos tumili naman silang tatlo sa tuwa ng makita ako at natuwa na lang din ako sa kanila. Na-boost tuloy self-confidence ko at nag-pose ng sexy sa kanila. Mabuti naman at aprubado nila.

Hindi ko malaman kung dapat pa ba akong kabahan ko ma-excite dahil rito.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status