Share

Chapter XXIII

MATAPOS NILANG ma-briefing si Lovely sa gagawin, kaagad din naman na itong pumuwesto sa tapat ng laptop at sinumulang tawagan si Jake thru video call.

"Aba! Lovely M. is requesting a video call to Jake C.!" saad pa ni Tommy na tila nangaasar ng lumitaw sa laptop ni Jake ang tawag ni Lovely. Nakikigamit kasi ito dahil naglalaro.

Kaagad namang lumapit doon si Jake mula sa banyo para tingnan nga kung totoo ito. "Alright, labas ka muna dun pre." utos naman ni Jake sa kaibigan ng makita nga ang request call ni Lovely. "Sara mo pinto ah."

"He-he! Hinay-hinay lang pre ah." pangaasar pa nito at tapik sa balikat ni Jake bago tuluyang lumabas ng kwarto.

Kaagad ring pumuwesto si Jake sa mesa katapat ng laptop niya. Inayos pa niya ang buhok niya bago sagutin ang tawag.

"Hey there." nakangisi namang bati kaagad nito kay Lovely sa kabilang linya.

"Hi." bati naman din ni Lovely. "You alone?" tila binago ni Lovely ang tono ng boses niya para mas magmukhang sexy ito sa pandinig ni Jake. Todo magpipigil naman ng tawa ang tatlo habang nanonood kay Lovely dahil alam nilang nagpipigil din ito ng tawa habang nakikipag-videocall kay Jake.

Napatingin pa si Jake sa pintuan ng kwarto niya saka humarap ulit kay Lovely. "Yeah. You?"

"Yeah, and it so sad because I'm so --" pagtingin pa ni Lovely kay Prim na tila may isinulat. "So -- so lovely." tila nangaakit pang sagot ni Lovely.

"Of course, you are so lovely." sagot naman din ni Jake.

Kaagad inagaw ni Irma ang sketch pad na sinulatan ni Prim ng sasabihin ni Lovely kay Jake at pinalitan niya nag word na 'Lovely' into 'Lonely'.

"I mean, lonely!" mabilis na tugon ni Lovely na tila kinatawa ni Jake ng bahagya. "I'm so lonely." pagpapa-cute pa ni Lovely para hindi naman siya mahalata ni Jake.

Pinandilatan naman ni Irma si Prim bilang babala.

"Well, maybe I could come over there and keep you accompany?" mabilis namang tugon ni Jake kahit pa kunwari ay nagbabakasakali lang ito.

"Ohw. I'd like that." sagot naman ni Lovely at napapatingin pa rin siya sa tatlo bilang nakikinig ito sa kanya at sumisenyas na ituloy niya lang ang ginagawa niyang pagkausap kay Jake. "Kaso -- may problema eh. Si coach William nasa hallway lang at nagpapatrol. Alam mo na, nagbabantay talaga siya sa atin. Kaya imposibleng makaputa ka dito.”

Tumungo-tungo naman si Jake bilang pagsangayon dito. "Right. Damn it."

"Unless, mag-spiderman ka dyan sa may bintana hanggang sa makarating ka dito sa kwarto ko, pero alam ko namang mas imposible yun mangyari, di ba?" tila pangaakit pa rin ni Lovely rito.

"Absolutely!"

"I know. That's crazy." sarcastically teasing pa ni Lovely kay Jake.

Napatingin naman si Lovely kay Agnes na ibinaba ang damit niya hanggang sa makita ang shoulder niya na tila pinagagawa niya rin kay Lovely. "Sayang naman, nakapag-prepare pa naman sana na ako para sayo." at ginaya nga ni Lovely ang ginawa ni Agnes. Binuksan niya at binaba ang robe niya na nagpasilip kay Jake ng suot niyang lingerie.

Tila natulala naman ito sa kanya at parang lalong naaakit.

"Ah -- ahm actually, I could try the window then come to your balcony." mabilis namang tugon nito kay Lovely. Gusto ng sumigaw ng tatlo sa harapan ni Lovely sa narinig. Tila nagtatagumpay na naman sila.

"Really? Great! I'm only two rooms away from yours. Nabilang ko lang." pasimpleng tugon naman nito habang nagpapa-cute pa rin.

"Yeah. I'll be right there!" mabilis ng tumayo si Jake ngunit sinenyasan ni Prim si Lovely na wag muna itong paalisin.

"Wait! Hold -- hold on!" sigaw naman ni Lovely kay Jake at napabalik ito sa harap ng camera.

"Yes, what?" nakangisi pa ring tugon ni Jake na tila nae-excite at bumalik sa pagkakaupo.

"Ahm, I got you a -- present?" pasimpleng saad naman niya habang nakatingin kina Prim na may dino-drawing na parang regalo.

"Oh yeah?" 

Pagsensyas pa ni Prim na tila tinutukoy ito sa ilalim ng kama. "Yeah. It's under -- you bed." sumenyas ulit si Prim sa kanya na tama ang sinabi niya kay Jake.

Nagtataka man, tiningnan din ni Jake ang ilalim ng kama niya at kinuha ang pink paper bag na nakitang naroon. Buong taka pa rin siya kung paano ito nailagay doon. Dinukot niya ang laman ng paper bag at tila natutuwa sa pulang thongs na naroon.

"Is this some kinda of little preview?" pagangat pa ni Jake sa thongs.

Sumenyas naman si Agnes ng 'hindi' kay Lovely at tinuturo si Jake.

"Ahm, no. Actually, I want you to wear that." hindi naman malaman ni Lovely kung papaano pa magpipigil ng tawa na hindi nahahalata ni Jake ang ginagawa nila. Halos maglupasay naman sa kama at sa sahig sina Prim at Irma sa pagtawa ng walang tunog.

Napatingin naman si Jake sa hawak na thong at hindi makapaniwala sa sinabi ni Lovely na suotin niya ito.

"What's wrong? It's so sexy kaya! Hindi ka pa ba nakakasuot niyan dati?" tila pang aasar pa ni Lovely.

"Ahm, no!" tila umaayaw naman si Jake sa gusto nito.

"Ugh? That is so cute, Jake. You are so -- inexperienced." pagpatong pa ng baba ni Lovely sa mga kamay niyang nakatukod sa mesa bilang pagpapa-cute pa rin.

"What?! Ako? I am not inexperienced?!" depensa naman nito kay Lovely.

"Jake -- Jakey.." malambing pang pagtawag niya rito kaya napatingin ulit si Jake sa kanya. "I thought you might do this little for me. And then -- " dahan-dahang tinanggal ni Lovely ng tuluyan ang kanang parte ng robe niya. "I might do some little things for you." tinanggal naman niya ang kabilang parte ng robe niya. "And we might do little something -- together." tuluyang nagpakita ng upper body niya si Lovely na naka-lingerie lang.

Halos mag-cheer at hiyawan ang tatlo ng makita si Lovely ginawa niyang pangaakit kay Jake na halos parang hindi nila akalaing magagawa nito ng tama at hindi nahahalata man lang.

Natahimik naman si Jake na tila natulala sa ginawa ni Lovely habang nakapisil ng hawak sa thongs niya. Kinakabahan pa rin ang tatlo at nagiintay ng isasagot nito kay Lovely.

"Kaso --" naghikab naman si Lovely dahil tila nainip siya sa sagot ni Jake at nagpakita na ng walang interes. "Inaantok na ko. Pagod kasi talaga ako eh. Saka, late na oh? So -- I'll see you tomorrow." pagsuot niya ulit ng robe niya.

"Wait!" pagpigil naman ni Jake sa kanya dahil patayo na sana si Lovely pero tingingnan naman din niya ito. "Wait -- ahm, give me five minutes." alanganing sagot pa ni Jake.

Ngumiti naman kaagad si Lovely sa kanya na tila nagtagumpay ang plano. "Okay."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status