Share

Chapter XXVI

NAPANSIN NAMAN NI Irma na tila kapapasok lang ni Stephen sa court room na tila nagtataka bakit ang daming tao rito. Hinatak niya ito palayo sa ilang tao. Tila nagulat naman si Stephen sa ginawa niya pero sumunod lang din siya kay Irma.

"Don't tell me naka-T back ka rin?!" diretsong tanong ni Irma.

"Ha?!" buong pagtataka naman nito sa tanong ng kaibigan.

Napatingin naman si Stephen kina Jake at sa mga ka-team niya, napagtanto na niya kung bakit tila ang daming tao ngayon rito sa court room nila. Hindi naman na niya napigilang matawa dahil hindi siya makapaniwala na mga naka-suot pala ang mga ito ng thongs kaya siguro madami biglang nanonood.

"Aren't you proud that it made more popular now than people shaming him?" sarcastic namang tugon ni Stephen kay Irma. Inirapan naman siya nito at tumingin sa ibang direksyon.

"Ugh.." nagpaikot pa ito ng kamay niya sa harap.

"Don't worry, hindi ko ipapahiya ang sarili ko para lang suportahan yang si Carter. Nasa katinuan pa pagiisip ko." natatawa pang saad nito kay Irma. "Kung ano man yang ginagawa niyo sa kanya, sana lang hindi kayo mapahamak." sumeryosong saad naman nito kaya napatingin sa kanya si Irma na tila nagi-guilty.

"We're just giving him the taste of his own medicine."

"And you're using Lovely, isn't it?"

Tila hindi na naman makatingin si Irma kay Stephen sa mga sinabi nito. Mukhang alam na nito ang ginagawa nila.

Napabuntong hininga na lang si Irma na hindi naman alam ang isasagot at tumingin ulit sa ibang direksyon.

"I know you're an ambitious and over-achiever person, Irm. But -- I never imagine that you are capable of doing this such desperate revenge on Jake. He's not even worth it."

Tila lalong nahihiya si Irma sa kaibigan ng mahulaan na nga nito ang ginagawa nila. Nangingilid ang luha niya pero pinipigilan niya iyon. Naghiyawan ulit ang mga tao doon sa court room at tila doon palang nabawasan ang tensyon sa pagitan nilang dalawa, at hindi naman sila nagpahalata sa ibang taong dumadaan.

Nag-walk out na lang din si Irma at sinundan lang siya ni Stephen ng tingin palabas ng court room.

MAG-isang naglalakad ngayon si Lovely palabas ng building sa natapos niyang klase. Patungo na siya sa journalism room para kitain ang tatlo dahil tinext sila ni Irma na magpunta na sila roon.

"Love! Lovely!" rinig niyang tumawag sa kanya at nang lingunin niya ito sa likuran niya, nakita niyang si Jake na tumatakbo papunta sa kanya. Pero nagpatuloy lang siya sa paglalakad. "Hey! Hindi ka nagre-reply kahapon pa ah?" bungad nito sa kanya.

"Hmm.." ngiting matipid lang niya at binilisan naman niya ang paglalakad na.

"Ahm, nung nakaraang gabi sa hotel, sobrang napahiya lang ako nun kaya -- dumiretso na kong kwarto ko." paliwanag pa ni Jake at nagmadali rin sa paglalakad para maabutan si Lovely.

"I know. I'm sorry." matipid lang na sagot ni Lovely na tila iwas kay Jake.

"That's okay. Hindi ko rin akalaing babagay pala yun sa akin." biro pa nito.

"Pansin ko nga. Now, everybody knows Victoria's secret." sarcastic pang biro ni Lovely pero seryoso pa rin ang ekspresyon niya.

Natawang parang pilit naman si Jake at ramdam ang coldness niya. Pero hindi siya sumusuko para mapansin pa ni Lovely. "Sabi ni Tommy, maganda daw yun gawing theme sa birthday ko -- Thongs and balloons. Tapos lahat naka-thongs dapat." natatawa pa niyang saad na tila nagdi-describe kay Lovely.

Tiningnan naman siya ni Lovely saglit. "Nice." matipid lang sagot nito at tinaasan niya pa ng kilay si Jake na lalong nagpamukha ritong hindi siya intersado sa sinasabi sa kanya ng binata. Napahinto naman si Jake habang si nilagpasan naman siya ni Lovely lang sa paglalakad.

"Love, Lovely, wait. Look."paghabol at pagharang naman na nito sa harapan ng dalaga kaya napahinto ito sa paglalakad. "Hindi mo ba talaga ma-gets? I was humiliated just trying to get your attention. At hindi ko yun ginawa para rin magpapansin sa iba." tila sincere namang saad ni Jake sa kanya.

Napabuntong hininga pa si Lovely at tingin lang din ng seryoso kay Jake. "So, are you saying na sa lahat ng babaeng na-'uncorked and pork her' mo, ako lang ang napag-effort-tan mo ng ganun?" sarcastic namang sagot din ni Lovely. "Dapat ba akong matuwa?"

Tila napanganga naman si Jake sa pagkagulat sa sinabi ni Lovely. "Sinong nagsabi sayo niyan?" 

Nag-smirk lang naman si Lovely sa kanya bilang tugon.

Napabuntong hininga pa si Jake at tila hindi malaman ang sasabihin. "Wa -- walang ibig sabihin yun, okay? Usapang lalaki lang yun but it doesn't mean na totoo yun."

"So, you're acting like a pig so you wouldn't sound like a whipped?"

"Yes! Exactly!" sagot pa nito. "Look, I'm saying things I don't believe. I'm doing things I don't understand -- like magsuot ng t-back at mag-Spiderman sa hotel building at pumarada sa hallway!"

Ngumiti lang si Lovely sa kanya na tila proud pa ito sa pinagawa kay Jake.

"I'm trying so hard to impress you na kahit kailangan hindi naman ako nagpakahirap sa ibang babae." napatingin naman si Lovely kay Jake ng masama. "Love, you're the one." sabay ngiti pa nito. Halos mapanganga naman si Lovely sa narinig.

"Look." bumuntong hininga muna si Jake at tila may hinanap ng paningin. "Never done this before, so hindi ako sigurado kung tama ba itong ginagawa ko." - At saka naman hinubad niya ang rolex niyang wrist watch. "This is something personal, my grandfather gave this to me before he died." kinuha niya ang kaliwang kamay ni Lovely at sinuot ang relos niya.  

Tila napapanganga na lang din si Lovely sa ginagawa ni Jake pero hindi niya maunawaan ito.

"I just want to show and prove it to you --" tinaas ni Jake ang braso ni Lovely na nakasuot ng relos niya. "If anybody wants to know -- that I am whipped!" tila pag-announce pa nito at nakita ni Lovely na marami ring tao sa paligid nila sa path way. Tinuro-turo pa ni Jake ang relos niyang suot ni Lovely.

May narinig naman si Lovely na mga nagkantyawan at palakpakan. Napatingin lang siya kay Jake at hindi malaman ang sasabihin. Tila hindi siya na-rehearse sa ganitong moment.

"Yeah. I am whipped, Lovely." pagngiti pa niya rito. Huminga ulit ng malalim muna si Jake habang diretsong nakatingin kay Lovely na nasa state of shock pa rin. "Will you be my girlfriend, Lovely?"

Halos napanganga na lang din si Lovely sa pagkabigla sa sinabi nito. Hindi niya talaga alam kung anong dapat niyang isagot pa rito.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status