Share

Chapter XXVIII

PAGKALABAS NI LOVELY ng journalism room, hindi niya napansin si Blake na nasa audio area at nakikinig ng sounds kasama ang kaibigan niya. Nagtaka si Blake kung anong ginagawa ni Lovely roon at bakit siya galing journalism room.

Ilang sandali pa ay sabay-sabay ring lumabas sina Irma, Agnes at Prim kung saan galing si Lovely at tila may kakaibang napagtanto si Blake kaya tumayo siya kaagad para sundan ang mga ito palabas.

Naglakad si Lovely sa hallway at mabuti ay wala masyadong estudyanteng naroon na. Sa isip-isip niya, hindi siya makapaniwala na aabot talaga sila sa ganito sa mga ginawa nila. Hindi naman din niya gustong magkasiraan sila, pero tila nalulungkot siya dahil tingin niya ngayon ay nawala na sa kanya ang mga tinuring niyang mga kaibigan. 

"That's a nice watch. Seems familiar." bungad nito sa likuran ni Lovely na pabukas sana sa locker niya. Napahinto naman ito at tingin sa kanya.

"Blake? Look, i - it's not -- what it looks like." tila depensa kaagad ni Lovely rito. Pero alam naman niya sa sarili niya na ito nga ang totoo.

"Eh ano pala?" tila tinitingnan naman siya ni Blake na nagdududa. "Kailan pa naging friends sina Irma, Agnes at Prim? Di ba halos magpatayan sila noong nalaman nilang pinagsasabay-sabay sila ni Jake?" pagkompronta pa nito.

Halos mapanganga na lang si Lovely dahil hindi niya rin alam ang isasagot rito.

"At bakit ka nila ngayon kinakausap na? Imposibleng hindi nila alam na ikaw ngayon ang dini-date ni Jake, di ba?" napabuntong hininga pa ni Blake sa kanya. "What happened to you, Love? Ibang-iba ka sa kanila noon pero ngayon isa ka na rin sa kanila? Na in love ka rin bigla kay Jake."

"Hindi! I mean, hindi sa ganun na in love na ako kay Jake at gusto ko na siyang maka-date rin --"

"Eh ano? Nagpapanggap ka lang na gusto rin si Jake dahil ba sa sinabi sayo ng tatlong yun? Pinalado niyo ba toh?!"

Napatameme naman si Lovely at hindi na rin alam pa ang isasagot kay Blake dahil tama nga ito sa lahat ng mga sinabi niya sa kanya.

"Alam mo ba kung bakit talagang nahulog sayo si Jake? Kasi tingin niya ikaw ang pinaka honest na taong nakasama niya bukod sa akin." pagkuyom pa ni Blake ng labi niya na tila nadidismaya.

"Alam mong siya yung hindi talaga honest na tao, di ba? Alam mo kung ano talaga siya!" depensa pa ni Lovely.

"Of course, he is because he is Jake Carter! Maraming babae ang nagsisinungaling para lang maka-date din siya. Kaya ganun na rin ang ginagawa niya. Because people made him like that. Then, he really thought you were the only person he can be with himself."

Halos napahiya naman si Lovely sa mga sinabi ni Blake na hindi niya rin ito akalain.

"At hindi ko lubos maisip ang ganung gawain ng mga tao, ikaw ba?" sarcastic namang tugon pa ni Blake kay Lovely at iniwan na siya nito sa kinakatayuan.

Alam niyang dismayo na rin sa kanya si Blake ngayon dahil sa ginawa niya. Pero hindi niya rin ito masisi dahil ginusto rin naman na niyang gawin ito kay Jake.

"MA! It's frosting! Ay? Cake pala toh?!" sigaw ni Lovely sa mama niya pagkababa niya mula sa kwarto niya at makita ang chocolate cake sa kitchen bar nila.

"Yeap, it's for you." nakangiting saad naman ng mama niya pagkadaan nito sa kanya dala-dala ang basket ng mga natuyong damit.

"Sa akin?" pagtataka pa niya.

"I sent Intro home."

"Really?" hindi naman makapaniwala si Lovely pero aminado siyang kinatuwa niya ito. "At kailan mo pa natutunan tawagin din silang Intro?" pagbibiro pa nito sa mama niya.

Napangiti naman din si Mercy saka sinimulang magtupi ng damit. "Ahm, Love.. Alam mo, noong namatay ang papa mo, halos ma-depress ako pero hindi pwede kasi kailangan pa kitang alagaan dahil baby ka pa nun. Walang araw at oras na hindi ko siya naiisip. Gusto kitang maalagaan ng maayos nun pero iniisip kong -- ni walang tatayong ama na para sayo, kaya sinimulan kong makipag-date muli." tila nakikinig namang mabuti si Lovely sa ina. "Little did I know na hindi pala ganun kadaling humanap ng magiging father figure sana sayo. Kita mo nga, sa daming lalaki na nagdaan sa buhay ko, ni isa walang naging seryoso sa single mom na kagaya ko. Kaya hindi rin kita masisisi kung apektado ka sa mga yun." 

Tila naawa naman si Lovely sa mama niya. Hindi niya akalaing ganito pala ang nasa isip nito kaya siguro hinahayaan lang nitong masaktan siya ng mga lalaking naging karelasyon.

"Ma, hindi ko naman kailangan ng ibang tatay eh. Ikaw lang, sapat na sa akin. Sobrang idol kita kasi -- kasi nakakaya mong itaguyod ako ng mag-isa. Ikaw yung nagsilbing nanay at tatay ko, kaya hindi ko kailangan ng ibang tatay. Lalo kung hindi naman din kayang mahalin at alagaan ka. Okay na sa aking tayong dalawa lang." paglapit pa ni Lovely sa mama niya at niyakap niya ito sa patagilid.

"Thank you, anak. Mahal na mahal ka ni mama, tandaan mo yan ah? Kahit sino ka pa."

"I know, ma."

Kumalas naman ang mama niya sa pagkakayakap sa kanya at tiningnan siya nito. Hinawi pa nito ang buhok sa inipit sa tainga ni Lovely. "Alam kong nagkamali ako sa part na yun, pero -- kahit kailan hindi ko naging intensyon na manakit ng ibang tao. Oo, nagmahal ako, nasaktan ako. Pero alam ko sa sarili ko na -- wala akong ginawang masama para makasakit." tila saad pa ni Mercy at tinamaan si Lovely sa narinig.

"Sobrang naipit na lang din ako sa sitwasyon na toh, ma. It's like -- I was so invisible for so long that it felt so good being noticed." paliwanag pa ni Lovely.

"Love, ikaw may gustong maging invisible. Ikaw yung umiiwas kasi tingin mo mas madali yun para sayo."

"Hindi ko alam, ma. Hindi ko na rin alam kung anong ginagawa ko. Tapos ngayon, hindi ko na rin alam kung sino ba talaga ang mga totoong kaibigan ko." tila may lungkot naman sa tono ni Lovely dahil naalala niya ang tatlo at aminado niyang nami-miss na niya ang mga ito.

"Siguro kung ipapakita mo sa kanila kung sino ka talaga, malalaman mo rin kung sino ba talaga ang tunay din sayo." pagngiti pa ni Mercy sa anak.

Tila napagtanto naman ni Lovely ang sinabi ng ina.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status