Share

Chapter XXX

“LOUDER”

"What are you talking 'bout?!"

Sigaw pa ng mga tao sa lugar.

Napabuntong hininga naman muna si Lovely. "We tried to break your heart para malaman mo ang pakiramdam nun." dagdag niya pa.

"We?" takang tanong pa ni Jake.

Napatingin naman si Lovely sa tatlo at gayun din si Jake. Umiwas-iwas naman ng tingin si Irma pero sina Agnes at Prim ay tila proud pa rito.

"O -- okay, I get it." napagtanto ni Jake ito ng makita ang tatlong babaeng dati nga niya naka-date. "Well, hey! You girls pull it off!" dismayadong tugon naman ni Jake sa mga ito. Humarap siya ulit kay Lovely. "Yeah. It worked." malungkot namang tugon nito kay Lovely. "I did really fell for you, and now it broke my heart."

Pag-iling pa sa kanya ni Lovely. Hinubad nito ang relos ni Jake na binigay sa kanya at inabot sa binata. "I'm so sorry."

"HOY! Ano bang nangyayari dyan? "

"Nagbi-break ba kayo?!"

Sigaw pa ng mga tao sa kanila.

Humarap si Lovely sa kanila kahit pa halos nangingiyak na siya. "Look, this entire time -- I was lying about for who I really am. But -- I'm done pretending."

Tila napalapit pa si Blake sa stage para mas makita at marinig ang nangyayari roon. Hindi rin niya akalaing nangyayari ito ngayon pa sa birthday ni Jake.

"This is the real me, this is the real Lovely." saad pa nito at napangiti ng matipid.

Halos maantig naman ang tatlo sa kanya at parang naiiyak na rin.

"Hey Lovely?" tila pagtawag pa sa kanya ng isang lalaki.

"Yeah?"

"Wooooooah!" 

Marami naman ang nagulat pati na rin sina Jake at ang tatlo ng buhusan si Lovely ng drinks.

“Wala kaming paki!”

"Sinisira mo yung party sa drama niyo eh!" inis pang bulyaw nito. Nagtawanan at kantyawan naman ang mga tao.

Bigla namang nagmadaling umakyat ang tatlo sa stage.

"This is not just your fault, Love."

"You do not deserve this!"

"They should have done this to you!"

Inis ring paglapit ng tatlo kay Lovely at tila inaayusan siya sa pagtapon sa kanya ng drink.

"Okay! So ano naman kung nagsinungaling siya?! Lahat naman tayo nagsisinungaling ah?!" pag-agaw ni Primng mic kay Lovely at tugon nito sa mga audience.

"Parang hindi rin kayo nagsisinungaling ha?!" galit ring saad ni Irma pagka-agaw niya ng mic.

"Tama! Dapat kami ang buhusan niyo, hindi si Lovely!"

At -- ganoon nga rin ang ginawa sila.

Bigla rin silang sinabuyan ng drink na kinagulat din nilang tatlo.

Lumakas naman ang bulyaw ng mga tao.

"Hey! Hey! Sandali!" pagkuha naman ni Jake ng mic. "Look, tama nga sila! I lied and pretend to be someone na para mas magustuhan ako ng mga babae." paliwanag pa nito.

"At epektib, dude!"

"You're the man!"

Bulyaw pa ng ilang tao.

"No! I'm not saying it's a good thing."

"It's a great thing, man!"

"Guys, I'm trying to say is -- it's wrong. Mali yun gawin sa lahat." paliwanag pa ni Jake.

Tila natahimik naman ang mga tao at napatingin sa kanya ang apat na babae na natutuwa dahil sa sincerity nito.

"Ain't nothing wrong in hooking up with the finest girls at school!"

Sigaw pa ng isang lalaki at biglang nagsigawan naman ang mga tao.

"Carter! Carter! Carter!"

Malakas na cheer pa ng mga ito.

Napatingin naman sila kay Jake na tila wala na ring magawa, nagkibit balikat ito at ngumisi na ng nakakaloko na para bang sinasabi niyang ayos lang pala ang ginagawa niya at gusto pa rin siya ng mga tao dahil roon.

Nainis naman si Lovely sa naging arte ni Jake kaya ng makita ang malaking cake sa tabi niya, dumakot siya ng icing at binato lahat kay Jake. Sapul naman si Jake sa gilid ng ulo nito hanggang mukha.

"Woooah?!"

Kinagulat naman nila itong ginawa ni Lovely at nagkantyawan sila.

Mukhang hindi magpapatalo si Jake kaya lumapit din siya sa cake niya at kumuha ng icing, at binato rin kay Lovely sa mukha. Hindi nila malaman, pero pinagkatuwaan na lang nila iyon. Gumaya rin sina Irma, Agnes at Prim na tila nagkaroon sila ng food fight roon sa cake. 

Nagkapahiran sila ng mga icing hanggang sa mapuno ang buong mukha at katawan nila nito. Nasira na rin ang cake dahil pinagbabato nila ito sa isa't isa, at binabato rin nila ang mga tao sa baba ng stage.

Nagkabatuhan naman din ng mga food and drinks ang mga tao sa lugar na iyon.  

HABANG nagkakasaya ang lahat sa food fighting, napahinto naman si Irma dahil nakita niya si Stephen na nakikipagbatuhan rin ng pagkain sa baba ng stage sa ilang babae at kaibigan rin nito. Bumaba siya doon at naglakad ng mabilis para malapitan ito.

"Hey!" pagtawag niya ng pansin nito at nilingon naman siya. Bago pa siya makalapit ng tuluyan, binato na niya ito ng hawak na icing at nasapul sa mukha. Nakantyawan naman ito ng mga kaibigan niya. Ngitian naman niya ito ng nakakaloko at napakagat labi siya.

Hinawi ni Stephen sa mata ang icing na binato sa mukha niya bago hinarap ulit si Irma. "You -- little brat!" at nakakita ito ng pasta sa sahig, dinampot niya ito at hinagisahan ito bilang ganti. Nagulat din si Irma pero nagtawanan na lang sila.

"Haha -- how dare you!"

Pero bago pa man ulit makaharap si Irma kay Stephen ay sinugod na siya nito. "No! Wait!" tili niya pa pero nabuhat na siya kaagad ni Stephen na nakakapit sa beywang niya. "Put me down!" natatawang saad nito.

Ibinaba na rin siya ni Stephen at ngayo'y magkaharap sila.

Hinawi ni Stephen ang buhok niya nahulog sa mukha at inalis ang ilang dumi nito. Gayun din ang ginawa ni Irma sa kanya habang hindi naalis ang mga tingin nila sa isa't isa.

"Look, I'm sorry about everything." sumeryoso namang saad ni Irma rito.

"I also never expected you could be that brave admitting your mistakes, especially on what you did on Jake."

"I know, it was so childish and pathetic."

Nagkatinginan naman silang ulit na dalawa na tila natigilan.

Biglang hinalikan ni Irma si Stephen at hindi naman ito nakapalag sa kanya. Inalis niya rin ang pagkakahalik niya rito at nginitian niya lang. Saka siya tumalikod at umalis.

Tila naiwan namang tulala at hindi makapaniwala si Stephen. Ngunit pinagtataka niya bakit siya iniwan bigla nito kaya hinabol niya rin si Irma.

"And where do you think you're going?" pagyakap nito mula sa likuran ni Irma na tila nabigla sa ginawa niya pero natuwa rin ito. Hinalikan niya ito sa pisngi habang nakapayakap siya mula sa likod ni Irma. At hinawakan naman ni Irma ang pisngi niya para mahalikan ulit siya sa labi.

"Woaah! Get a room!" bulyaw ni Agnes mula sa stage ng makita sina Irma at Stephen sa ibaba.

Napatingin rin doon sina Lovely, Jake at Prim na tila natutuwa rin para sa kanilang dalawa. Napaturo pa si Jake kay Stephen na tila proud rito.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status