Share

Four: Messy

JANICE

-----12 years ago-----

"Nabasa mo na ba?"

Tanong sa akin ni Tanya pag upo nya sa tabi ko.

"Hindi pa. Eh kasi naman natatakot ako. Baka mamaya eh, sungitan nya lang ako!"

Nag papanic na sagot ko kay Tanya. I kept touching my phone. Nagiisip kung babasahin ko naba ang message mula kay Raine.

"Not here. Maybe in the library. Eating those fucking books."

Ang bilis ng tibok ng puso ko. Nakangiti akong tumingin kay Tanya.

"Patingin!?"

Mabilis kong ipinakita sa kanya ang message sa akin ni Raine. Kunwari ay hinahanap ko sa kanya ang kakambal nyang si Tanya, para lang magkaron kami ng conversation. Noon ko pa crush si Raine, since gradeschool. she's my first girl crush na nauwi sa love. Ngayong juniors na kami ay naging classmate at naging ka close ko na rin ang kakambal nyang si T, as what Raine calls her.

"Kilig na kilig ah! Dahan dahan lang, di natin alam kung type ka nya. Hahaha ang alam ko, gusto nya sa babae eh yung astig din. Yun bang palaban sakanya. I heard she's into Jennica. Bukambibig nya kasi kapag magkasama kami."

Nalungkot ako bigla sa sinabi nya.

"Hindi ko naman kayang maging ganun, T. Alam mo namang mahinhin lang talaga ako at lampa pa minsan. I'm just so fond of your twin sister. Parang ang sarap nya kasi magmahal. Ang astig nya kasi. Sa mga books na nababasa ko, kapag maangas yung guy or medyo bad boy, masarap mag mahal. OMG Tanya, she's like thaaat! Kinikilig ako!"

Panay ang yugyog ko sa braso ni Tanya.

"Ughh, tama na. Settle down. Mahinhin ka, Janice. Mahinhin."

Saway nya sa akin.

"Oopss sorry"

Ngumiti ako sakanya at napilitang manahimik nang mag simula ang next class namin.

------P R E S E N T------

"Love, you up?"

Narinig ko ang marahang bulong sa akin ni Raine sa tenga ko.

"Kanina hindi, now I am."

Pagmamaktol ko sa kanya.

"I wanna go to park with you today. Di ako papasok"

"Ha? Bakit naman? Akala ko ba maraming gagawin sa office?"

Inilusot ko ang braso ko sa pagitan ng kama at ng batok nya at itinulak sya palapit sa akin. Iniyakap ko ang braso nya sa katawan ko.

"I miss you always when I'm in the office. So I decided to take a day off."

"Hayss matatambakan ka ng gagawin nyan eh."

Ramdam ko ang hininga nya sa leeg ko. We're spooning each other and damn. It feels so good.

"Basta let's go out today. Walk in the park, go to the mall, play some games and sightseeing. We can do so much today."

Tinatamad pa man ay sabay na kaming bumangon. Magaling na ang lahat ng sugat ko at pati ang paa ko mula sa aksidenteng nangyari sa akin. So we are both so happy. She's so special to me. Hindi ko lang alam kung mahal ko na ba sya, I just missed her so much nung mga times na wala sya sa tabi ko. Miss na miss ko sya and I started to look at her as Lorraine when I was reminiscing those times that she was pretending to be my late wife, Tanya. As of T, I think I'm ready.

"Raine, before all of that, I wanna go to her."

Napatingala sya sa akin, at ako naman ay nag look down sa kanya.

"A-are-are you sure?"

Kita ko ang pag aalala sa mga mata nya.

"Yes love, I've been thinking about it for the past two weeks. And last night I asked myself again if I am ready, and there. I just felt it"

"Sure baby, I'll bring you to her."

Hinalikan ko sya sa noo at niyakap sya ng mahigpit. Ilang sandali pa ay naligo kami ng sabay at nagharutan pa. Masaya ako kay Lorraine. HIndi ko sila maikumpara ni Tanya dahil ibang iba ang way ng pag mamahal na nararamdaman ko mula kay Lorraine.

"Are you sure about it?"

Tanong nya sa akin habang nag dadrive palabas ng driveway.

"Opo, besides I miss her so much. I haven't even had the chance to say goodbye."

She held my hand. Kissed the back of it at marahang pinisil.

"Do you know Rotchelle Castaniego?"

Lumingon lang sya sa akin at ibinalik rin ang tingin sa kalsada.

"Why?"

Napakunot ako ng noo dahil hindi nya sinagot ang tanong ko.

"Do you know her?"

Pilit ko sakanya.

"Bakit nga? I know her she's our batchmate in high school. Why did you ask?"

"She's looking for you. She messaged me on insta"

She smirked.

"Why? What's with that smirk?"

Nacucurious na ako sa kanya.

"Nothing, don't mind her"

"Is she your ex?"

"Yeah. She is. We dated for a month after we graduate. "

Nanlaki ang mga mata nya at bigla akong tinapik sa braso.

"So sya yun!? Sya yun!?"

Ramdam ko ang inis na may halong pang aasar sa kanya.

"Sya yung what?"

Kunot noong tanong ko dahil wala akong idea sa sinasabi nya.

"Sya yung nag sesend sayo noon ng tit pics!?"

Hinarap ko sya. Tinanggal ko ang seatbelt at tumalikod sa pinto ng passenger seat habang nakaupo parin. Matama akong nakatitig sa kanya. Nakaka inis.

"Uhm, nah. I didn't do that with my girlfriend. I didn't let them."

"So sino yun!"

Nakakaramdam ako ng selos.

"I dunno, I don't remember at all."

"Damn it."

RAINE

Padabog syang umayos ng upo. Pagkahinto namin dahil sa stoplight ay inabot ko ang seatbelt nya at isinuot sakanya. Nakayuko sya at salubong ang kilay habang nag dudutdut ng phone nya.

"Hey, what are you doing?"

Hindi sya sumasagot.

"Baby ko are you mad? Or jealous? Or just not in the mood?"

"Go to hell."

Mahinang sambit nya, na syang ikinahagalpak ko ng tawa. Napatingin sya sa akin.

"HAHAHAHAHA I love you, Janice. It was years ago, so please don't be mad or jealous. All I can see is you."

She slightly smiled. Nang makita ko iyon ay tuluyan ko na syang nilambing and I drove off to cemetery.

"T, may bisita ka."

Bungad ko sa puntod ng kakambal ko.

"Tanya."

Sumalampak sya sa green grass.

"Tanya I'm so sorry kung na late ako. Sorry I wasn't there mahal to be with you nung kailangan mo ako."

Unti unting nabasag ang boses nya gawa ng pag iyak. Umupo ako sa tabi nya at marahang pinisil ang balikat nya, telling her to let it all out, I'm just here for her.

"I wish you could've told me. I wish I could've been there. I wish I could've taken care of you Tanya ang daya daya mo! Pinagkait mo sa akin lahat eh. Kaya pala ang bilis mong pumayag. Kaya pala okay lang sayo na nasa malayo ako! Kaya pala bumalik ka kaagad nung binisita mo ako! Kaya pala! Kaya pala Tanya!"

Hinayaan ko syang ilabas ang lahat. Nasasaktan ako dahil nasasaktan sya. Ganun naman talaga diba? Nasasaktan tayo sa pain na dinadala ng taong mahal natin. She's throwing a tantrum, mabuti nalang at kami lang ang tao dito sa mga oras na ito.

"T, masyado mong ginalingan. Madaya ka!"

She wiped her tears at tahimik na lang na nakatingin sa puntod ng kakambal ko.

"Goodbye my wife. I'm sorry and thank you for everything."

Marahan syang tumayo, sumunod ako at hinawakan sya sa braso. She looked at me at tahimik na naglakad pabalik sa kotse.

"You're gonna need these."

Iniabot ko sa kanya ang sunglasses na nakasukbit sa white shirt ko na napapatungan ng denim sleeveless cardigan.

"Thank you, Raine."

"Are you okay na ba love?"

Tanong ko sakanya, habang nakatanaw sya sa labas ng bintana ng kotse. It's been a while since she last said a word.

"Are you tired? Do you wanna just, you know go home?"

Tumingin sya sa akin.

"Would that be okay?"

Tumango ako na may kasamang ngiti.

"Of course. I'm gonna let you rest today."

Nakaramdam ako ng lungkot. Una, dahil ang laki parin ng epekto sa kanya ng pag kawala ni Tanya at given naman yun, kahit naman sino. Pangalawa, ay hindi natuloy ang pinlano kong dinner namin tonight so I'm gonna need to cancel everything I planned.

Pag dating ay dumiretso lang sya sa kwarto without saying anything.

"I'm gonna let you sleep but still gonna be here beside you when you need anything."

Humiga ako sa tabi nya kahit na nakatalikod talaga sya sa direksyon ko. Facing the glass sliding door to our terrace.

"No, please let me be alone today."

Hindi ko sya matantya. Pakiramdam ko ay galit sya sa akin na masama ang loob nya na nasasaktan sya na hindi ko alam. I think I should've bought us food. Maybe it did the trick at natuloy kami.

"What am I gonna do?"

Matamlay na tanong ko kay Pat na nasa kabilang linya.

"Just let her grieve Raine. Kasi bago lang sakanya. Ngayon lang nag sisink in sa kanya ang katotohanan. Let her. If she asks for space, give it to her."

Nakinig ako sa sinabi ni Pat. Maybe she needs it talaga, I'm gonna let her do what she needs to do just to get over it.

"Ngayon ka lang?"

Naalimpungatan ako nang maramdaman ko ang pag balibag ng katawan nya sa kama.

"Yeah. Save your speech, I'm tired."

Napailing ako. It's almost 5 a.m., she went bar hopping again with her new friends. Bumangon ako then took a shower, I went for a morning run dahil gusto kong mairelease yung sama ng loob na hindi ko masabi kay Janice.

"Tulog pa ba si Ma'am Janice mo Basha?"

Pawisan man ay dumiretso ako kay Basha sa kusina na nagluluto ng breakfast namin.

"Opo hindi pa po lumalabas eh"

Umakyat ako at nagpahinga then took a shower.

"Love, papasok na po ako. I love you"

I kissed her on her lips. She reek of alcohol but it's fine I still love her so much.

"Hmmmmm"

She took my hand at mabilis na iniyakap ito sa kanya dahilan para mapahiga ako sa kama namin at yumakap sa kanya. Nang nakatalikod na sya at yakap ang braso ko payakap sakanya ay napangiti ako. Naramdaman ko ang mabilis na tibok ng puso ko, just a thought of us making love. But not now, lasing pa sya at pagod, as for me, I should get going.

"My love, I'm gonna go."

Bulong ko sa kanya at sabay na sinamyo ang mabangong buhok nya at hinalikan ito ng masuyo sa buhok.

"Hmmm"

Marahan nyang niluwangan ang pag yakap sa akin. Isa pang halik sa buhok at sa pisngi ng babaeng mahal na mahal ko bago tuluyang bumangon at umalis para pumasok sa opisina.

"Raine"

Seryosong tawag sa akin ni Leslie. She calls me by my name and I let her do it just a heads up that something wrong and serious happened. Pag pasok ko sa office ay sinundan nya ako. Pag lapag ko ng bag ko ay nag salita sya.

"Raine, the board is waiting for you in the conference room."

Napalingon ako sakanya. This is a number 10 serious if the board is involved.

"Yes. That serious. And they are waiting for you."

I took my phone at nag lakad papunta sa conference room.

"Finally, you showed up"

"I-I didn't get any memo that we are having a board meeting today so please pardon me for being late"

Umupo ako sa pinakamalaking chair sa gitna ng isang glass table.

"MIss Alcavar, what happened to your investment?"

Napatingin ako ng masama sa tiuhin kong sakim. I know how dirty he worked his way up to be the chairman of the board.

"Wala pa, as of now but I'm gonna cont--"

"There's no need miss Alcavar"

Putol nya sa sasabihin ko. Nagkatinginan kaming dalawa. Nag sukatan ng mga mata, kita kong may hindi magandang kasunod ang salitang mamumutawi sakanya. Hindi na rin naman kabataan, may pa naka-nakang white hair pati ang kanyang goatee. Kitang kita na ang wrinkles nya sa mukha, sagisag ng edad nitong kwarenta'y singko. Kita sa eyebags nya ang ilang libong gabing kulang sa tulog para planuhin ang "future ng kumpanya" na ilang taon ko nang naririnig sa kanya.

"Kindly open the files infront of you, gentlemen"

I took the black folder na nasa harap ko.

"What's inside is how Miss Alcavar lost the 100-million peso worth of investment in stock market using the company's money, na sinabi nya sa atin is "you need to trust me on this" ay pumalpak. Now we lost the money, which is no bueno but I am more concerned if you are still capable to be the CEO of this company. I'm afraid your judgment nowadays is gonna make the company fall into places."

Nang gigigil ako sa mga narinig ko but I needed to keep my calm.

"Wait, that's not entirely true. I ran this company for the past five years and look how well it's going. Nababayaran ang mga naunang utang, tuloy tuloy ang takbo ng kumpanya at walang masyadong nagiging problema."

Napatango ang mga members ng board. Alam nila kung gano ka crucial ang mga pinagdaanan namin nang mamatay ang mga magulang ko at inayos ko iyon lahat kahit na noong una ay wala silang tiwala sa mga sinasabi at ginagawa ko dahil ako ang known "black sheep" of the family

"This is just a setback, I'm gonna bring it back to the table. Let me do it my way. If you just let me."

"No, you are not gonna do anything about it. Just do your job if you want to keep it."

Napakuyom ako ng palad pero hindi ko ito ipinakita. Sa tingin ko ay dapat private conversation ito sa halip na pinag uusapan sa board meeting. Kahit na mas matanda sya sa akin, hindi sya ka respe respeto.

"Is that all? Kasi nakakabastos na yung mga salitaan eh. I dont wanna stoop down that level"

Nang walang sumagot ay nag walk out ako sa conference room.

"Ano pong nangyari?"

Pumasok ako sa loob ng office ko at sumunod sya sa akin.

"Close the fucking door."

Marahan nyang inilock ang pinto.

Malalim akong nag iisip habang naka upo sa swivel chair.

"We lost the fucking hundred"

Her jaw dropped the moment she heard what I said.

"What! Hala! Ma'am ang laking halaga nun!"

"I don't care! Kuko lang yun dito sa kumpanya. Ang kina bibwisit ko ay yang tiuhin kong hilaw! Putang ina! Akala mo kung sino!"

"D-do you want water po ma'am?"

"Nah Nah. I'm gonna need you to call some people."

Binuksan ko ang pc ko at nag trabaho maghapon. I've been calling Janice but she's not answering her phone. It's 2 pm and she must be awake by this time. Baka napasarap ang tulog so I did everything necessary for today at umuwi sa bahay. I need my stress to be relieved so I need my happy pill called Janice.

Pag pasok ko sa kwarto ay wala sya sa kama. The shower is running so I took my clothes off at marahang nag lakad papasok sa cr.

"Hahahaha"

Narinig ko ang halakhak nya. Nag taka ako sa narinig ko. Pag pasok ng cr ay may glass door mula sa lavatory papunta sa shower. The glass door and wall is blurry, dahil sa mga talsik ng tubig at pawis ng lamig nito. I saw her, laughing alone, or she is not alone? Ang lakas ng tibok ng puso ko, takot sa pwede kong malaman pero gusto at kailangan kong malaman.

"You are so gorgeous"

I heard another woman's voice coming through her phone. She's way too busy to look back at me kasi I walked in like a ninja. I hear my heart quietly breaking inside.

"Fuck"

I murmured in the air pag labas ko ng cr at nag tapis ng towel at naligo sa cr ng master's bedroom.

"Is it me? Hindi na ba sya masaya sa akin? Hindi na ba nya ako mahal? O minahal nya ba ako talaga? When was the last time that she said she loved me? Kailan nga ba?"

Nag mumuni muni ako habang sinasabon ang sarili ko at paulit ulit sinasabon ang sarili ko ng wala sa isip.

"BAka hindi na sya nasasarapan sa akin? Did I get fat? am I not that attractive anymore?"

Tanong ko sa sarili ko at napatingin sa sarili ko sa harap ng salamin ng banyo kahit na puro pa ako bula ay lumabas ako ng shower room.

"Still the same. Baka kasi wala akong oras sa kanya? Baka nakukulangan na sya sa akin?"

Pagka bihis ko ay pumasok na ako sa kwarto namin at narinig ko syang nag aayos habang kausap sa phone ang friend nyang si Kylie.

"Hello my sunshine"

Binati ko sya ng may halik sa labi at saka ngumiti. She's sitting in front of the mirror.

"Going out again tonight?"

Tanong ko sa kanya pag katapos nila mag usap ni Kylie.

"Yeah, Kylie told me about this new bar that just opened up around Tagaytay and she won't shut up about it so she's taking us out!"

Excited na sambit nya. Ngumiti ako sa kanya.

"Could I maybe, uhm come to join you?"

Tanong ko sabay halik sa pisngi nya pababa sa leeg papunta sa tenga.

"Raine, can't you see I'm busy? Besides, madaling araw na kami makakauwi, maybe we're gonna book a hotel and spend the night."

Pabagsak akong humiga sa kama.

"Spend the night my ass"

Nakasimangot kong sambit. Nainis na talaga ako.

"What did you just say?"

Tanong nya sa akin na nakasalubong ang kilay.

"Wala."

"Don't start a fight with me, Raine. You know you're not gonna win."

I smirked.

"Damn it, did you just smirk at me!?"

Tanong nya sa akin sa mataas na boses.

"Yeah why? Can't I express my feelings inside my house?"

"OH yeah? Your house? Inaangkin ko ba?"

"May sinabi ba ako Janice?"

"Yan! Yan ang mahirap sayo eh! Nakakasakal ka na!"

Nag pantig ang tenga ko sa narinig kong sinabi nya.

"WOW"

I clapped dramatically, sarcastically. Habang umiiling iling.

"Nakakasakal? Janice? You've been in and out of bars for the past two fucking months! You don't even talk to me anymore! Tang ina! Janice! Nakakatawa! May narinig ka ba? Sa twing kakausapin kita you keep telling me "I'm tired" "I'm drunk" "I'm in a rush" Putang ina Janice girlfriend mo ako! Hindi mo ako tauhan lang dito sa bahay na 'to!"

"That's true! I'm tired! Alam mo ang dami mong sinasabi! Sumama ka kung gusto mo! Bahala ka sa buhay mo!"

"Hindi na ikaw nalang. Mag aaway lang tayo dun. Baka maistorbo ko pa ang pag checheat mo sa akin."

Padabog syang nag ayos ng mga gamit nya, at nag lakad palabas ng kwarto. I am so mad right now.

"Sige, talikuran mo ako! You always do that! Enjoy!"

She drove off at ako ay naiwan sa bahay, but I decided to go out at uminom sa bar. Thinking about how things became this messy.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status