Share

IDENTITY: THREE Pt.2

Nasa kwarto ako ngayon, nakahiga sa malambot kong kama habang nakapikit ang mga mata. Medyo sumasakit pa din ang ulo ko but unlike earlier, the pain was bearable. I wanted to sleep but I couldn't. Paano ba naman kasi, eh nakaupo sa gilid ko 'yong Sky na 'yon. Iniwan kasi siya ni lola para bantayan ako habang kinukuha niya 'yong gamot.

Ano akala niya sa akin, bata?

"You like to draw?" biglang tanong ni Sky sa malalim niyang boses. Ewan ko pero sa tuwing nagsasalita siya, mas sumasakit ang ulo ko. And I could feel the vibration of air coming from his mouth.

"Sometimes," maikli kong tugon.

"And how often is that sometimes?" Bakit parang feeling ko, iniinterogate ako. Ano bang pake niya? "Sorry. I'm just curious." Curious daw.

Biglang natahimik ang buong kwarto at tanging naririnig ko lang ay ang mga sasakyan at mga kalapit na mga ingay.

"She's must be a nice friend."

Sino? Si Maica? Wait...speaking of her...

"A great friend," sagot ko sabay bukas ng mga mata at saka inabot ang cellphone. Nagulat nalang ako nang makita ko ang limang messages mula sa mama ni Maica. It's so strange to receive a message from her. Ang naaalala ko, nagtetext lang si Tita sa tuwing-

Agad kong binuksan ang mga messages nang maisip ko ang posibleng nangyari. Masama man, pero mabuti na 'yong maksiguro ka. At isa pa, 'yong panaginip ko. I knew there's something behind that dream.

The first message was sent an hour earlier. Ito 'yong time na nakahiga ako. Pano ba naman kasi, nakasilent ang phone.

From: TitašŸ§”

09-21-19

6:45 am

Alex?

***

From: TitašŸ§”

09-21-19

6:47 am

Nandyan na ba si Maica? Naiwan niya kasi cellphone niya.

***

Nakahinga ako nang maluwag nang malaman kong hindi pala masamang balita 'yong laman ng message ni Tita. Akala ko kung ano na. Sinunod kong binuksan ang pangatlong message ni Tita at saka ko nalaman na naiwan lang pala ni Maica ang cellphone niya sa bahay nila. Ang panglima ay humihingi ng pabor si Tita na I-text siya kapag nagkita na kami ni Maica.

To: TitašŸ§”

Sige po, Tita.

***

Pagkatapos kong I-send ang mensahe ay muli akong napahiga. I let out a big sigh at saka muling ni-relax ang katawan.

"Alex?" tawag sa akin ni Sky.

"Hmm?"

"I-"

Hindi na nakapagpatuloy si Sky sa pagsasalita nang biglang bumukas ang pinto nang pagkalakas-lakas. Sa lakas nito ay napatayo ako sa gulat at napatingin sa bandang pinto. Gulat ako nang makita si Maica na nakahawak sa pinto, hinahabol ang hininga, pinagpapawisan, at bakas ang isang pasa sa kanang gilid ng labi niya.

"What the?! Anong nangyari?" tanong ko na may pag-aalala. Dali-dali akong umalis sa higaan at pinuntahan siya. I cupped her cheeks at saka mas nakita ko nang malinaw ang mga pasa. Hindi lang sa may labi ang pasa niya kundi pati rin ang kaliwang pisngi niya na tila may sumampal sa kanya.

I saw Sky na tulalang nakatingin sa amin na tila hindi pa napoproseso ng utak niya ang nangyayari. Muli akong napatingin kay Maica na umiiyak na. Inalalayan ko siya patungo sa kama at saka siya inupo doon.

"Sky? Pwede humingi ng pabor?" tawag ko sa kanya.

"Yes, what is it?"

"Puntahan mo si Lola, tapos magdala ka ng tubig at first aid kit."

"Sige."

"Salamat."

Sinundan ko ng tingin ang pag-alis ni Sky hanggang sa hindi ko na siya makita. Muli kong hinarap si Maica na nakayukong umiiyak. I couldn't help but to pity her. Pero mas nangibabaw 'yong galit ko sa taong may gawa nito.

"What happened, Maica?"

She just stared at the floor while sobbing. I saw both of her hand turned into a fist, like she was holding a grudge at someone. At sa tingin ko ay meron nga. Hinayaan ko muna siyang umiyak. All I could do now was to comfort her. After a few minutes of crying and comforting, ay napatigil din siya. Sakto namang dumating si Sky na kasunod nito si Lola. Lola Vemine instantly showed her shocked face nang makita niya si Maica at saka dali-daling niya itong pinuntahan.

"What happened, hija?" tanong at saka napaupo sa tabi nito. Sky just stared at us na tila pinipilit na hindi na makisali.

"Na...nadapa lang po ako, La," pagsisinungaling niya. Alam kong useless ang palusot na 'yon kasi hindi basta-basta naniniwala si Lola. Alam kog sinabayan niya ito.

"Sa susunod kasi, mag-ingat kung maglakad. Sayang ang magandang mukha mo kung masusugatan lang din naman," pahayag ni lola na agad namang ikinangiti ni Maica. "O siya, Alex. Ikaw na bahalang gumamot dyan kay Maica. May mga aasikasuhin lang ako. May bagong lipat kasi," paalam niya na sinundan ko nang tango. Agad tumayo si Lola at saka naglakad palabas ng kwarto. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa tuluyan na siyang makaalis.

Muli akong bumalik kay Maica na tahimik pa din. Ramdan ko ang panginginig niya na buhat ng takot ng kung sino man ang may gawa nito sa kanya.

"Here's the kit and the water you asked, Alex," disturbo sa akin ni Sky. Inilagay niya ito sa isang upuan at saka nilapit sa amin. Kukunin ko na sana ang dimpo nang magsalita si Sky. "You should do ice compress first bago hot," mungkahi niya, kaya agad kong kinuha ang ice bag at saka ibinigay kay Maica. Agad namang kinuha ni Maica ang icebag at saka inilagay ito sa pasa niya.

I was about to ask her again nang magsalita siya. "That bitch."

Sinong bitch? Si...

"Sino tinutukoy mo?"

"Sino pa ba? Nakuha pa talagang ipabugbog ako."

"You mean, Trisha?"

Hindi siya tumango, pero sapat na ang galit sa mga mata niya para kompirmahin ang hula ko. "She messed with the wrong girl. She's gonna pay for this." Her fist became tighter at nanginginig na siya sa sobrang gigil.

Natakot ako.

Natakot ako na baka kung anong gawin niya o baka kung anong mangyari sa kanya. I didn't want that dream to become reality.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status