Share

IDENTITY: FOUR

***

Alex

Hinihintay ko ngayon si Maica sa labas ng boarding house ko. Even after what happened to her ay may lakas ng loob pa rin siyang maglakad nang mag-isa. Ewan ko kung saan niya nakuha ang pagkamatapang niya. Speaking of her, nakikita ko na siya. She's walking towards my direction na may ngiti sa mukha, na para bang walang nangyari sa kanya kahapon. Agad siyang kumaway the moment na nakita niya ako. Tumakbo siya hanggang sa marating niya ang puwesto ko.

"Okay ka lang, Maica?" salubong na tanong ko, habang nakatingin sa nakangiti niyang mukha. She's so energetic today..

"Bakit? Is there something wrong with me?" she asked, shifting his face into an agitation.

"Not...nothing. Napansin ko lang na sobrang saya mo," I answered and then Maica let out a smile. Tamang-tama rin na lumabas si Sky sa pinto at saka tinungo ang puwesto namin. As usual, he still wore this stoic face.

"Shall we?" paanyaya ni Maica at saka ako tumango. To be honest, wala kaming maisip na pwedeng puntahan o gawin ngayon. We already did our weekly goal noong nakaraang araw. So this will be a bahala-na-si-batman gala. "Since you're new here, Sky, is there a place na gusto mong puntahan?" tanong ni Maica sa binatang tahimik na naglalakad sa gilid ko.

"Nothing specifically. A recommendation would be nice," tugon nito.

"Good! 'Cause I know a perfect place," sabik na sabi ni Maica. So, dito na nga nagsimula ang pagiging tour guide namin ni Maica.

Una naming pinuntahan ang favorite place ni Maica which was ang Terraria Garden kung saan makikita mo ang lahat ng klase ng bulaklak at mga halaman. This place was as huge as a university, and was divided into four for four different ecosystems: a desert, a tundra, a rainforest, and a tropic. It was free kaya marami ang pumupunta dito.

Sunod naman naming pinuntahan ay ang Arcade. All sorts of games were here - from joystick-type to PC-type. Lahat nandito na, kaya dito palagi naglalakwatsa ang mga estudyante at nagka-cutting. Pinuntahan din namin ang kilalang mall dito. It was twice the size than the Terraria Garden, kaya kumpleto lahat ng paninda dito. Medyo may kamahalan nga lang pero sulit naman ang mabibili mo.

Nasa cinema kami ngayon pinanonood ang isang "now showing" na movie at mukhang nage-enjoy ata ang dalawa. Napapagitnaan ako ng dalawa kaya ang wierd tingnan na 'yong katabi ko ay nakangiti habang ako ay nakasimangot. I didn't seem to enjoy our gala today kasi nga bumabagabag pa rin sa akin ang nangyari kay Maica at sa posibleng gawin niya. It always bothered me. 'Yong tipong kahit anong pagda-divert ang gawin ko ay pumapasok pa rin sa utak ko ang nangyari.

"Mukhang hindi ka yata nage-enjoy," biglang puna ni Sky na ikinagulat ko. I looked at him at unang napansin ko ang mga mata niya. Even in this dark cinema ay kumikinang pa rin ang mata niya. It's like a galaxy was trapped inside it. "Staring in my face makes me uncomfortable," reklamo niya na siyang nagpaiwas sa akin ng tingin mula sa kanya.

"Sor-sorry." Muli kong hinarap ang screen at pinilit na in-enjoy ang pelikula. Pero napansin kong nakatingin pa rin siya sa akin.

What's wrong with this guy?

After an hour of enduring the movie na ewan ko kung bakit ito ang pinili naming panoorin, ay natapos nga namin ito. We were on our way to a fast food chain para mananghalian, since hindi kami nabusog sa popcorn at chichirya na binili namin kanina sa cinema.

Nang marating namin ito ay agad kaming naghanap ng bakanteng upuan at saka nag-order. Since hindi ito restaurant, kailangan pa naming pumunta sa counter para um-order. At sa 'di inaasahang pangyayari, si Sky ang nagboluntaryong um-order kaya naiwan kami ngayon ni Maica sa table namin.

"He's nice," biglang komento ni Maica. Si Sky ang tinutukoy niya.

"You like him don't you?" pang-aasar ko.

"What?! No way! Though he has the look," depensa niya na nagpatawa sa akin. But then, I remembered what happened to her yesterday. The smile instantly turned into a frown. I thought na ako lang, pero nang makita ko si Maica mas lumala ang pagkalungkot ko.

Nakayuko na naman siya, with her hand forming a fist. I held her hand and I could feel her trembling out of anger.

"Maica."

The moment she heard her name ay agad nawala 'yong panginginig niya. The fist started to release and her body began to relax. "Yes? Harap niya sa akin na may kasamang ngiti sa mukha. Without a reason, ay bigla nalang akong kinilabutan. I never knew that pretending would be this creepy.

"Shall we eat?" biglang disturbo sa amin ni Sky na may dalang dalawang tray ng pagkain. Ang mas nakakagulat pa ay puno ang mga ito ng pagkain at hindi lang man siya nahirapan. Pinagtitinginan na din siya ng mga tao.

"Jesus, Sky! Humingi ka sana ng tulong," alalang sabi ko at agad kinuha ang isang tray. Mas nagulat ako nang malaman kong ang bigat pala ng mga 'to.

How did he manage to carry two of this heavy shits!?

"I don't want to disturb you guys," ani niya sa malalim at lalaki niyang boses. I just smirked at saka inilagay ang tray sa mesa. Umupo sa tabi ko si Sky at saka dahan-dahang nilapag ang tray na hawak niya. I never thought na ganito kadami ang bibilhin niya. Parang pang-isang pamilya ata 'to.

"Jeez, ang dami ng inorder mo, Sky. Mukhang ubos pera ko dito," pagbibiro ni Maica.

"Don't bother. It's my treat," deklara ng binata na ikinagulat namin ni Maica.

"Hindi pwede 'yan. Magbabayad kami," pagtanggi ko.

"I'm serious. Really. This is a payment for having a great tour guides like you." Napatigil ako sa pagbaba ng pagkain mula sa tray nang marinig ko ang sinabi ni Sky. Even Maica was surprised by his statement. Pero ang mas nakakagulat ay nang makita ko ang ngiti ni Sky. It's so genuine. 'Yong tipong kaya mo itong titigan buong araw

"At may nakuha ka nga, Sky!" biglang sigaw ni Maica na siyang nagbalik sa akin sa katinuan.

Jeez, kanina pa pala ako nakatitig sa kanya.

"What? Anong nakuha ko?" takang tanong ni Sky.

I looked at Maica na nakatingin din sa akin. She was smirking na parang may kademonyohan siyang naiisip. "Nevermind. Baka umalis."

"Hindi kita naiintindihan, Maica."

"You don't have to. Let's eat! I'm so hungry!"

Bwisit talaga 'tong babaeng 'to.

"Alex? Are you okay?" tanong sa akin ni Sky. Nakayuko ako ngayon para itago 'yong namumula kong pisngi. I slowly raised my face at saka siya tiningnan. Sana hindi niya mapansin. "Are you okay? Your face are turning red. May lagnat ka ba?"

Shit~!! Napansin nga niya!

"He's fine, Sky. It's just his reaction," pagpapalusot ni Maica.

You're a life-saver, Maica!

After that embarrassing scene ay kumain na nga kami. Tahimik lang akong kumakain habang panay naman ang kwentuhan ng dalawa. Inabot kami ng dalawang oras bago kami natapos. Paano ba naman kasi 'tong dalawa, 20% kain, 80% kwento.

"Nabusog ako d'on ah. Ikaw, Alex?" biglaang tanong ni Maica na ikinagulat ko. Nagtatanong ba naman bigla-bigla. Tumango lang ako sabay pakawala ng isang ngiti. It's still awkward for me after what happened earlier. Parang gusto ko nalang umalis at umiwas sa dalawang 'to bago pa lumala. "Patay! Late na ako!" natatarantang sigaw ni Maica.

"Late saan?" takang tanong ko.

"May appointment kasi ako regarding sa nangyari kahapon. Papacheck-up sana ako," tugon niya.

"Eh 'di tara!" paanyaya niya.

"No need, Alex. Ako nalang, kasi dadaan din ako pagkatapos sa palengke. May pinapabili kasi sa akin si Mama."

"Are you sure?"

"I'm sure, Alex. Huwag kang mag-alala. If you're worried that something might happen to me again, well, it's not gonna happen again. Ever," pagpapagaan ng loob niya sa akin at saka nagpakawala ng isang ngiti. Kahit labag sa kalooban ko ay wala akong magawa kundi ang hayaan siya. "O siya! Alis na ako! Ingat ka. Alex. Ikaw din, Sky. Enjoy kayo sa date niyo!" Date?! Gaga talaga ng babaeng 'to.

Tumakbo paalis si Maica at saka iniwan kaming dalawa ni Sky. Napatingin ako kay Sky na tinitingnan ang paalis na si Maica. Up until now, I'm still stunned with his eyes.

"I'm starting to get insecure because of your stares."

Bwisit!

"Sorry."

Ilang sorry mo na 'yan, Alex!

"So...anong next?" tanong ko sa kanya. We started to walk papuntang ewan.

"I don't know. Ikaw 'yong mas may alam sa lugar 'di ba?" pagpupunto niya.

"Oo nga pala." Sinimulan ko nang mag-isip sa kung saan kami pwede pumunta next. I knew a place, pero exclusive lang 'yon para sa akin eh. Wala naman sigurong masama kung dadalhin ko siya doon. "Tara. I know a place."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status