Share

Kabanata 2

Kabanata 2

Note

Maaga akong gumising para gumawi saglit sa gym ni Reyster. Ilang araw na akong hindi nakakapag-exercise 'cause I'm too busy collecting news about them, about my boys kaya feeling ko ay tumataba na ako.

Pagdating ko sa bahay kagabi ay hindi ko na naabutan si kuya na gising. Ngayong umaga naman ay maaga raw siyang umalis sabi ng maids namin kaya clueless pa rin ako hanggang ngayon about his questions last night. Ano kayang mayroon?

"Long time no see, a. Kailan ka dumating?" salubong sa 'kin ni Reyster when I entered his gym.

Tumango lang ako sa kanya saka mabilis na napangiti when I heard the song he's playing in his gym. "Ganda ng bungad ko sa'yo, a." tawang-tawa kong sinabi sa kanya.

Nagkibit-balikat siya at iginiya na ako sa loob, "Nagugustuhan ko na, e."

Lumawak ang ngiti ko dahil sa sinabi niya. Madali talagang impluwensiyahan ang isang 'to.

"I told you, they're awesome and talented as fuck." ngiting-ngiti kong sinabi sa kanya na tinanguan lamang niya. "Kiel is mine, then."

Mabilis akong lumingon sa kanya at sinamaan siya ng tingin. "What?"

"Kiel is m-"

"Don't you ever say that again on my face, Reys kung hindi ay babasagin ko 'yang mukha mo." pagbabanta ko sa kanya.

Humalakhak siya at itinaas ang dalawang kamay na parang sumusuko. "Chill! I'm just kidding. Doon pa rin ako sa drummer."

Nginisian ko lang siya at hinampas ko ang tiyan niya dahilan para mapamura siya. "Mahiya ka nga. Ang laki-laki ng katawan mo, mas malandi ka pa pala kaysa sa 'kin." natatawa kong sinabi sa kanya.

Nakita ko ang pag nguso niya kaya inirapan ko na lamang ito.

Saglit pa kaming nagkulitan bago nagsimula. Nasa kalagitnaan ako ng pag te-threadmill nang biglang lumaki ang tainga ko sa narinig ko.

"Are you sure na walang tao rito ngayon?" dinig kong sinabi ng isang lalaking buong-buo ang boses.

Tang ina! Bakit parang kaboses niya si Kiel?

"Wala kayong fans rito, don't worry." Reyster said kaya ini-stop ko na ang threadmill at tumungo sa direksyon niya.

Literal na nalaglag ang panga ko when I saw him, 'yong lalaking kausap ni Reyster. What the hell?

Mabilis silang bumaling sa 'kin. Nagulat pa ako nang makita ko na naman ang mga mata niyang 'yon na depenisyon na yata ng salitang 'lamig'.

Bumaling agad ako ng tingin kay Reyster, asking him what the hell is happening right now pero tinawanan niya lang ako.

"Kaibigan ko, 'tol. Siya lang naman tao rito bukod sa inyo. Don't worry, behave ang isang 'yan." pang-gagagong sinabi ni Reyster sa kanya.

Gusto ko na sana siyang murahin pero nawala na iyon sa isip ko nang tingnan niya ulit ako.

"I know her." he said in his cold baritone voice.

Sumenyas lamang siya kay Reyster at nilampasan na ako para tuluyan nang tumungo sa loob.

Sinundan ko pa siya ng tingin hanggang sa pumwesto na siya sa threadmill kung saan ako galing kanina.

Paksyet! 'Yung cellphone ko.

"Ano, okay ka lang? Nakalimutan kong sabihin-"

"Tang.. ina." malutong na sambit ko na lang nang makita kong nagsimula na si Kiel sa pagtakbo gamit ang threadmill.

Narinig ko na rin ang boses ng tatlo pa ngunit hindi ko na sila nagawang lingunin pa dahil nakatutok lang ako kay Kiel, sa kung anong gagawin niya once he saw my cellphone.

"Acel,"

"Tang ina! Ano? 'Yung phone ko, Reys!" bulong ko sa kanya at hinila pa siya sa braso niya.

"Ano? Nasaan?"

"Kiel," I uttered na naintindihan naman niya agad.

Narinig ko ang paghalakhak niya at ni-tap pa ako sa balikat ko, "Ako na. Pahinga ka muna." paalam niya sa 'kin.

Bago pa niya ako talikuran ay kinurot ko na siya sa braso niya dahilan para mapamura siya. "Tang ina naman, Acel!"

"He. Is. Mine. Bitch!" pagbabanta ko sa kanya na inikutan niya lang ng mga mata niya.

Umupo ako sa may bleacher roon at tinitigan mabuti ang apat. I can't believe what I'm seeing right now! Paanong.. kailan sila nagsimulang mag gym rito?

Umangat ang sulok ng labi ko nang makita kong nilapitan na ni Reyster si Kiel, asking about my phone na nasa ibabaw ng mga buttons ng threadmill. Kiel look at my phone then, look at me. I stunned when he paused a minute, staring at me habang nakikita ko ang pagbuka ng bibig ni Reyster na halatang may sinasabi rito.

Hindi ko binitiwan ang titig na iyon ni Kiel dahil masyadong nakakadala. Sa huli ay siya na ang nag-iwas ng tingin. I'm expecting that he will give my phone to Reyster pero hindi niya ginawa. Sa halip ay tiningnan niya lang muli ito at bumaling kay Reyster. Parang gusto kong lumapit bigla sa kanila para lang marinig ko ang sinabi niya sa baklang iyon pero naninigas pa rin ang mga tuhod ko.

Tang ina! Anong nangyayari na naman?!

Maya-maya pa ay nakita ko nang naglalakad patungo sa direksyon ko si bakla kaya tinaasan ko agad siya ng kilay.

"What did he say?"

"Ha? Wala." pang-aasar niya sa 'kin. Tumayo na ako at akmang kukurutin na siya ngunit nakaiwas agad siya.

"Fuck!" I hissed.

"Anong sinabi?" I frustratedly ask to him.

He just laugh at me at iniangkla pa ang kamay niya sa braso ko, "Tara sa baba muna." bulong niya sa 'kin kaya sinabunutan ko na siya sobrang inis ko.

"Putang ina naman, Reys!" galit na buga ko sa kanya para lang tigilan na niya ako sa pangbibiting ginagawa niya.

"Makukuha mo rin iyon mamaya. Sinabi ko na." ngiting-ngiti niyang sinabi sa 'kin.

Sinundan ko lang siya ng tingin nang sumandal siya sa railings ng hagdan.

"Anong sinabi niya?"

"Secret,"

"Fuck you! I fucking hate you!" inis na inis na sinabi ko sa kanya na kulang na lang ay patayin ko na siya.

Nagsimula na naman akong makaramdam ng kaba nang maalala ko na naman ang pagtitig na ginawa ng Kiel na 'yun sa 'kin kanina.

What the hell is wrong with him? Bakit parang ayaw niyang ibigay ang cellphone ko? Aanhin niya iyon? Mas gusto niya ba 'yon kaysa sa 'kin?! Or better yet, kilala na niya kaya ako? I mean, naaalala na niya kaya ako?

Paulit-ulit na akong nagmumura sa harap ni Reyster para lang sabihin niya kung anong sinabi ni Kiel pero ayaw niya pa rin talagang sabihin. Pag ako nainis ng tuluyan sa baklang 'to ay gugupitin ko na ang ari ng bwisit na 'to!

"Chill, Cel." tawang-tawa niyang bulong sa 'kin nang paakyat na kami patungo sa gym niya.

Sasagot na sana ako but I stop when I saw Kiel, pababa na kasama ang tatlo. Tumutok agad ang mga mata ko sa kanya ngunit hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin.

Wait, 'yung phone ko! Shit! Shit! Shit!

"R-reys.." kinakabahan kong tawag kay Reyster.

Sinenyasan niya ako at hinabol ang apat. Nakatingin lang ako sa kanila habang kinakausap niya si Kiel.

Gusto kong sumigaw at utusan siyang tingnan ulit ako pero tingin ko ay nakakahiya 'yun. I can't take it anymore! Pakiramdam ko ay malapit na akong sumabog at kaunti na lang ay susugurin ko na siya at magmamakaawa akong iuwi na lang niya ako o isama niya na lang ako kung saan man siya pupunta ngayon!

"Balik kayo, 'tol! Ingat." paalam ni Reyster sa kanila.

Huli na para mag react pa ako when I saw them enter their mobile van.

What the hell?! Where is my fucking phone?!

"Reyster, 'yung phone ko?!" sigaw ko sa kanya nang makaalis na sila.

Patakbong umakyat si bakla patungo sa 'kin, "Sa kanya daw muna."

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya, "Ano?! Bakit daw?! Sana sinabi mong pwede niya ring iuwi ang may-ari ng cellphone na iyon!" histerikal na sinabi ko sa kanya at hinampas pa siya sa balikat.

Humalakhak lang siya at iginiya na ako patungo sa taas,

"Tanga, joke lang! Asa ka naman. Nandu'n sa taas phone mo."

-

"What's your problem? Ba't dito mo gustong makipagkita?" salubong sa 'kin ni Lynne nang makababa siya sa Hazzard niyang kulay itim. Bakit paiba-iba ng kotse ang isang 'to?

May gusto ba siyang patunayan sa 'kin o iniinggit niya lamang ako?

Kailan ko kaya pwedeng gamitin ang Sedan ko? Tang ina kasi.

Humalik ako sa pisngi niya at tamad na sinabayan siyang pumasok sa loob ng Horizon Night, isang bar na nasa 3rd floor.

"Sa loob na lang," I said to her. She just simply nodded at me at pumasok na kami sa loob.

We ordered our usual drink na hindi naman masyadong hard and we sat at our usual spot of the bar.

Napapikit agad ako nang humangin at bumalot iyon sa buong katawan ko. Nilipad pa ang iilang hibla ng buhok ko. Bigla kong naalala ang note sa phone ko na ilang gabi kong kinainisan.

Nang dumating ang drinks namin ay tumungga kaagad ako saka bumaling kay Lynne na pinagmamasdan lang ako.

"I met him last last day on Reyster's gym." I started.

"Him?" tanong niya at umayos ng upo.

"Kiel.. and the three of Fourgotten Souls." I said to her.

Naging hugis bilog ang bibig niya kaya inirapan ko siya. Bago ko iiwas ang tingin ko sa kanya ay nakita ko pang pinanliitan niya ako ng mga mata.

"So, what happened?" blangko niyang tanong sa 'kin.

Imbes na sagutin ko siya ay kinuha ko ang cellphone ko at iniabot iyon sa kanya.

Kumunot ang noo niyang tiningnan ang phone ko, "Anong gagawin ko rito?"

"Basahin mo, tanga." tamad na sinabi ko sa kanya.

Padarag niyang kinuha ang cellphone ko at binasa ang note roon na itinipa ni Kiel noong nakaraang araw.

"Oh.."

"Tang ina, ba't ganyan?" naiinis na tanong ko kay Lynne at kinuha na sa kanya ang cellphone ko.

Tinitigan ko ang nakalagay roon.

Stop stalking me. Wala kang mapapala sa 'kin.

At sa tingin niya talaga ay titigilan ko sila? Titigilan ko siya? I don't think so. Wala siyang karapatang utusan ako ng ganito. Magkakaroon lamang siya kung pakakasalan niya ako. Sa ngayon ay wala pa so, huwag na siyang umasa na susundin ko ang pesteng note na ito.

Nagpangalumbaba ako sa ibabaw ng table at tumingin sa city lights. "Akala ko ay naaalala na niya ako." I almost whispered.

Narinig kong tumikhim si Lynne, "Sa tingin mo, bakit ka niya kinalimutan?"

Tamad na bumaling ako kay Lynne at binigyan siya ng dirty finger. "Hindi niya ako kinalimutan. Nakalimutan nga, e."

Umirap lamang siya sa kawalan at umiwas ng tingin sa 'kin. Ngumisi siya habang nakatingin sa buong city lights. "Walang pinagkaiba 'yon. Pareho ring masakit." seryoso niyang sinabi kaya natahimik ako.

Matapos akong ihatid ni Lynne sa bahay ay tumulak na siya pauwi sa kanila. Naalala ko na naman ang mga tanong na iyon ni Kuya kaya hindi ko na napigilan ang sarili kong puntahan siya sa kwarto niya.

Hindi na ako kumatok dahil wala naman rito si Ate Jamilah. Nang buksan ko ang pinto ng kwarto niya ay nadatnan ko siya sa harap ng laptop niya.

"Kuya,"

Mabilis siyang lumingon sa 'kin at isinara kaagad ang laptop kaya kumunot ang noo ko.

May hindi ba siya sinasabi sa 'kin?

"Bakit? Ba't ka nandito?" tanong niya at nilapitan kaagad ako. "Uminom ka ba?"

Napangiwi ako, "Slight lang."

Napailing na lamang siya at iginiya ako patungo sa upuan. "What do you want?"

"Kuya.. it's about last night. Why suddenly asked about Kiel's family name and her Mom?"

Bigla niyang iniwas ang tingin sa 'kin at sumeryoso ang ekspresyon. "May dapat ba akong malaman?" dagdag ko pa.

He heave a sigh at tumayo na. Tiningnan niya ako saka siya ngumiti, "Wala 'yun. Nakita ko lang sa internet. Curious lang ako sa personality ng lalaking iyon. To know the reason why you're so fond at him." pangungumbinsi niya sa 'kin kaya tumango na lamang ako.

Hindi ako kumbinsido. May itinatago ito sa 'kin ngunit hinayaan ko na lamang muna at lumabas na sa kwarto niya.

Malalaman ko rin iyon.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Aesthetica_Rys
Awww. Sakit ba, Acel
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status