Share

Kabanata 3

Kabanata 3

Cold encounter

"Baka curious lang talaga siya kay Kiel. Huwag mo na lang masyadong bigyan ng meaning lahat." saad sa akin ni Lynne sa kabilang linya.

Umikot ang mga mata ko sa kawalan at pinagpatuloy na ang ginagawa ko. Nakita ko sa gilid ng mga mata ko ang pababang si Kuya Roy.

"There is something wrong, ramdam ko." mariin kong sinabi kay Lynne.

Kung anu-ano pa ang sinabi ni Lynne sa akin ngunit wala rin naman akong pinakinggan sa mga iyon.

Habang nakatitig ako sa bawat pag galaw ni Kuya ay biglang nag beep ang cellphone ko. Nang makita kong international number iyon ni Mommy ay binasa ko agad ang message.

Mom

Kailan ang uwi mo rito?

Napataas ang kilay ko dahil sa nabasa ko. Hindi ko alam kung magiging bastos ba ako sa isasagot ko sa kanya o huwag na lamang pansinin iyon.

Anong pakialam niya? Noong nandoon ako sa kanila ni Dad sa States ay gustong-gusto na niyang umuwi ako rito sa Pilipinas. Anong nangyari ngayon?

Mabilis akong nagtipa ng reply para sa kanya.

To Mom

Nag e enjoy pa ako rito. Uuwi ako kapag sinabi ni Dad. 'Di ba ay ayaw mo ako riyan?

Ramdam kong nagsisimula na namang magliyab ang apoy ng galit ko para sa kanya. Hindi ko alam kung kailan mawawala ito. Sa tingin ko ay hindi na. Hangga't maaari, ayoko na siyang makita o makausap pa dahil sa ginawa niya sa pamilya namin noon. Kung hindi lang naman dahil kay Dad at kung hindi ko lang mahal si Dad ay gusto ko nang umalis siya sa buhay namin ng tuluyan gaya ng ginawa niya noon sa amin.

Nawala ang atensyon ko sa pasulyap-sulyap sa akin ni Kuya Roy nang mag beep ulit ang cellphone ko.

Mom

Stop being so rude to me, Acel. I'm just checking on you. Your Dad wants me to check on you, too.

Kung nasa harap ko lamang ito ngayon ay hahalakhak kaagad ako sa kanya ng walang humpay.

Oh gods! Hindi siya marunong umarte!

To Mom

Sinasabi ko lang ang gusto kong sabihin. Uuwi ako kapag sinabi ni Dad. Besides, you don't need to check on me. Kaya ko ang sarili ko.

Kahit kailan ay hindi pumasok sa isip ko na sundin siya. Hinding-hindi mangyayari ang bagay na 'yon.

Hindi ko na pinansin ang cellphone ko at bumaling na ako kay Kuya na panay lang ang kalikot sa laptop niya.

"Kuya, wala ka ba talagang sasabihin sa 'kin?" panimula ko dahilan para matigilan siya at lumingon sa akin ng nakakunot ang noo.

"What are you talking about?" takang tanong niya sa akin.

Tumayo ako at nilapitan siya. "Bakit mo tinanong sa akin ang family name ni Kiel and his Mom?"

Agad na nag-iba ang ekspresyon niya at nag-iwas ng tingin sa akin. "Sinagot ko na iyan kagabi. Huwag ka nang makulit."

"Really? Hindi ako naniniwala. Stop acting like mom." puno ng iritasyon kong sinabi sa kanya dahilan para tuluyan na niya akong tingnan ng diretso.

"Why are you saying that? Anong kinalaman ni Mom rito?" tanong niya at dinig ko roon ang pagbabanta sa boses niya.

Hindi ko mahanap sa utak ko ang dapat kong isagot sa kanya nanatili lamang akong nakatingin sa kanya.

Matigas pa rin ang ekspresyon niya at tingin ko'y hindi ito matatapos rito.

"Nagtatanong lang ako. Sagutin mo kasi ako nang maayos!" puno ng iritasyon kong buga sa kanya.

Ramdam ko ang pag-iinit ng sulok ng mga mata ko dahil sa inis sa kanya at sa sitwasyon. Ayoko ng may tinatago sa akin ang kahit na sino! Ayoko ng sikreto! Kaya nga noong nilihim sa amin, lalo na sa akin ang tungkol sa panloloko ni Mom kay Dad ay galit na galit ako hanggang ngayon.

Ngayon ay dadagdag pa siya? Ano bang tinatago nila sa akin?

"I told you, sinagot ko na iyan kagabi pa." pilit niyang hindi itinataas ang boses niya.

Kita ko na ang pamumula ng leeg niya kaya tumigil na ako. I heave a sigh, "Huwag niyo na sanang hayaang malaman ko pa sa iba, Kuya. Hindi ninyo magugustuhan." I almost whispered and a tears stream down my face kaya mabilis akong umalis sa harapan niya.

There is a tendency na may mangyayari talaga. Ramdam ko at patuloy akong ginugulo nito. Ayoko mang pansinin ay hindi ko pa rin maiwasan. Lalo na ngayon na wala pa akong masyadong pinagkakaabalahan.

Lynne

I'm not available, Cel. Nag overtime ako at marami pa akong tatapusin.

Umikot ang mga mata ko nang mabasa ko ang reply ni Lynne sa text ko sa kanya na magpapasama sana ako sa bagong bukas na bar sa Tagaytay.

I'm not an alcoholic type of a person pero nitong mga nakaraang araw ay gustong-gusto kong mabahiran ng alak ang katawan ko. Maybe, because of the situation. Ang tinatago sa akin ni Kuya, ang pagkakaroon ni Kiel ng instant 'amnesia' dahil hindi man lang ako nakilala ng gagong iyon at marami pa. Bwisit rin ang babaeng ito dahil hindi man lang ako makasingit sa schedule niya. Kahit kailan talaga!

Hindi ko na siya nireplyan. I took a quick shower at sinuot ko ang black knitted dress ko na pinarisan ko ng itim rin na flat sandals. Nang matapos ako ay gumayak na kaagad ako patungo roon. Hindi na ako nagpaalam kay Kuya dahil hindi pa rin kami nagkikibuan hanggang ngayon.

It is a long ride kaya masyado na akong badtrip nang makarating ako sa bar na iyon. Idagdag mo pa na nag comute lamang ako dahil hindi ko nahanap ang susi ng sasakyan ko. Bwisit talaga!

Pagkapasok ko sa bar ay bumungad kaagad sa akin ang nakakasilaw na ilaw na may iba't ibang kulay. Maging ang malakas na tugtog ay pumapasok hanggang sa kalooban ko kaya napangiwi ako.

This isn't like the Horizon Nights. Doon kasi ay moderate lang ang mga tao dahil moderate lang rin ang atmosphere. Dito naman ay parang lahat sila ay may problema at gustong-gusto nang kumawala kaya dito nila napiling pumunta.

Mali yata ang ideya kong magpunta pa rito. Shit lang talaga, Acel!

Dahil wala na akong choice ay tuloy-tuloy na akong pumasok sa loob. Namumura ko pa ang bawat taong bumabangga sa akin dahil pati paa ko ay hindi nila pinapatawad. Gaya ng isang 'to na walang humpay sa pagsabay ng beat ng tugtog. She's too wild to the point na wala nang kayang lumapit sa kanya dahil nagmimistula siyang bagyo sa daan not until I pass by.

"Putang ina!" malutong na buga ko nang maramdaman ko ang pagdiin sa akin ng matulis niyang takong sa paa ko.

Nagsugat pa yata iyon at kapag nalaman kong nagsugat nga iyon ay siya ang pagbubuntungan ko ng galit at inis ko.

Mabilis siyang lumingon sa akin na bahagya pang na-out of balance. "What the fuck?" she hissed kaya napataas ang kilay ko.

Ganoon pa ang ibibigay niya sa aking reaksyon? Really, huh?

Matalim ang tingin na binigay niya sa akin kaya ginantihan ko rin siya. "Tanga ka ba? Nakita mo na ngang nagsasayaw ako, dito ka pa dadaan?" bulyaw niya sa 'kin na talagang kinainis ko.

Ang iba ay walang pakialam sa amin, samantalang ang iba naman ay nag-aabang na ng kung ano.

Mabilis ko siyang tinulak dahil hindi pa rin niya inaalis ang takong ng heels niya sa paa ko. "Kapag nakita kong may sugat 'tong paa ko, susugatan ko rin 'yang mukha mo." kalmado kong sinabi sa kanya at yumuko na ako ng kaunti upang tingnan ang nangyari sa paa ko.

Napangiwi ako nang makita kong nagdurugo iyon kaya bumaling kaagad ako sa kanya. "It's bleeding, Miss. Paano ba 'yan.."

Before she could react ay mabilis ang kilos ko upang sampalin siya sa kaliwang pisngi niya at sinamahan ko pa ito ng kalmot. Dinig ko ang hiyaw niya kaya natawa na lamang ako at iniwan na siya roon.

Paika-ika akong tumungo sa dulo ng bar na iyon kung saan may couch kaya umupo na ako doon.

"Tang ina talaga." I whispered to myself nang sipatin ko ang paa ko.

"Let me help you, Miss."

Bago pa ako makatingin sa nagsalita ay bigla na lamang siyang lumuhod sa harapan ko. Marahan niyang hinubad ang sandals ko at pinatong sa tuhod niya. Napamura pa ako nang muntikan nang tumaas ang dress ko.

What in a world? Who is this?

Nakita kong may ipinahid siyang kung ano roon saka nilagyan ng band-aid. Nang matapos siya ay marahan pa rin niyang ibinalik ang sandals ko saka tiningala ako.

"Don't worry, it will help to stop the bleeding." he said in his baritone voice at ngumiti pa sa akin.

Natigilan ako nang may maalala akong mukha when I saw his face. He looks familiar. Sino ito?

Nang hindi ko siya kinibuan ay tuluyan na siyang tumabi sa akin kaya umayos kaagad ako ng upo.

"I'm not here to flirt or something," I uttered to him na ikinangisi niya.

He look so familiar! Parang nakita ko na ang mga ngiting iyon. Parang nakita ko na ang ekspresyon na iyon.

"Hindi rin naman ako nandito para sa bagay na iniisip mo. Nakita lang kitang naglakad nang paika-ika rito so, I rushed here to help you. I'm with my friends." nakangiti pa rin niyang pahayag sa akin at sinimulan na naman akong titigan.

Iniwas ko na ang tingin ko sa kanya dahil naiilang ako. His eyes are so expressive. Kitang-kita ko na hindi siya nagsisinungaling sa sinabi niya.

I suddenly remembered someone..

"Wala akong pakialam," bulong ko na sigurado akong narinig niya.

Nailing na lang ako dahil sa sinabi ko. Hindi ko talaga kayang maging approchable sa mga ganitong tao. Lalo pa't sa ganitong lugar nangyari.

"Okay, fine. I'm Jack. Iyong babaeng sinapak mo kanina ay girlfriend ko. I'm so sorry about what happened. Nag-away kasi kami kaya gano'n iyon ngayon. Pasensya na talaga." he pleaded.

Napairap na lamang ako nang maalala ko na naman ang tangang babae na 'yon kanina lamang. Bigla tuloy akong napaisip kung totoo ngang girlfriend niya ba talaga 'yon dahil masyadong gentleman ang isang 'to para sa gano'ng babae.

"Okay lang. Nakaganti na naman ako sa kanya. I don't need your sorry." tamad na sinabi ko sa kanya then I tried to stand-up.

Nang kamuntikan na akong ma-out of balance dahil sa paa ko ay mabilis siyang dumalo sa akin para masalo ako.

"You should sit here. Huwag ka munang umalis rito. Baka kung anong mangyari sa 'yo." he gently said to me at inalalayan pa ako paupo.

Hindi pa ako nakapagsalita dahil nauna na ang ikot ng mata sa kung saan. Pero dahil sa nakikita ko ngayon sa bar counter ay tuluyan ko na siyang binalewala.

"Kiel?" I ask to myself while still looking at the guy who sits at the bar counter at panay pa ang hilamos sa mukha niya. Tila naiinis.

"Ha?" takang tanong sa akin ni Jack kaya nawala ang atensyon ko kay Kiel.

"I'm sorry. Okay na ako. You can leave. Salamat na lang." alangan kong sinabi sa kanya at tinanggal ang pagkakahawak niya sa braso ko.

Mahirap na, baka makita ako ni Kiel sa ganito naming posisyon. I feel like I'm cheating! Why is that?

"Are you sure?"

Bakit ba ang kulit ng isang 'to?

Kumunot ang noo ko sa kanya, "Ayoko talaga sa makulit kaya iwan mo na ako rito." naiiritang sinabi ko sa kanya.

Dinig ko ang paghalakhak niya saka tumayo na. "Fine. Nasa gawing iyon lang ako kung may kailangan ka pa." magiliw nitong sinabi sa akin saka tinuro ang isa pang couch malayo sa kinaroroonan namin.

Sasagutin ko pa sana siya ng hindi ko siya kailangan sa buhay ko ngunit nauna na siyang umalis kaya hinayaan ko na lamang.

Mabilis akong tumingin ulit sa may bar counter only to see Kiel is now laying down his head at the counter. May isang baso sa tabi niya at nangangalahati na ang laman nito.

Ramdam ko ang kagustuhan kong lapitan siya at tanungin kung anong problema niya pero natatakot ako. Sa t'wing nakikita ko kasi siya ay parang sumisigaw ang katawan niya sa akin na huwag na huwag ko siyang lalapitan.

Maya-maya pa ay iniangat na niya ang ulo niya saka bumaling ng tingin sa direksyon kung nasaan ang dance floor. Kita ko ang pag-iling niya kaya tiningnan ko kung sino ang tinitingnan niya roon pero hindi ko naman malaman kung sino dahil crowded ang gawing iyon. Bumaling muli ako ng tingin sa kanya ngunit natigilan ako sa nakita ko.

His pair cold eyes are now looking at me. Nanliit pa ang mga mata niya na tila sinisipat ako ng maayos. Umiling muli siya at napangisi. Kumunot ang noo ko nang bigla siyang tumayo dala ang isang bote ng Jack Daniels saka ang basong iyon.

"Tang.. ina?" I whispered when I noticed na patungo siya sa direksyon ko.

Pasimple pa akong tumingin sa likuran at sa tabi ko dahil baka nag-aassume lang ako pero wala. Ako lang mag-isa sa couch na ito.

Hindi na kumalma pa ang sistema ko nang tuluyan na siyang makalapit sa akin. "Sabi na nga ba. You look familiar." bungad niya kaagad sa akin nang makaupo siya sa tabi ko.

I don't know how to react. I'm really not prepared for this to happen. Hindi ko alam na may ganito. Ano ba? Anong gagawin ko? Anong sasabihin ko? Si Kiel 'to!

"Flirting with someone who has a girl already, huh?" dagdag pa niya na ikinakunot ng noo ko.

What the hell?

"Kaya ba panay ang buntot mo sa akin dahil ganyan ka?" he added again.

Napatikhim na ako roon. Hindi ko siya kayang sigawan o murahin man lang kahit ganito na ang sinasabi niya sa akin. Bakit ang unfair?

"Bakit ka nandito? You're not belong here." tanong ko sa kanya at pinagmasdan lang siyang tunggain ang laman ng jack daniels na iyon.

I was about to stop him pero inilayo na niya ang sarili niya sa 'kin. "Huwag mo 'kong pakialaman, Miss. Wala kang alam." malamig na sinabi niya sa 'kin.

Biglang nag-iba ang ekspresyon niya. Kanina lamang ay halatang lasing na siya at inis sa kung ano ngunit ngayon ay biglang nawala iyon. Biglang naging blangko ang ekspresyon niya habang nakatingin sa kung saan.

"You are lucky dahil walang paparazzi dito. You should go home, Kie-"

"Wala kang karapatang pakialaman ako." he said, cutting me off.

Parang sa isang iglap ay gusto kong tunggain naman ang alak na iyon sa harapan namin.

"Tell me, what are you doing in this kind of place?" he ask in his cold baritone voice.

Hindi na ako nagdalawang-isip pa na lagyan ng laman ang basong kanina lang ay hawak niya saka ininom ang laman nito.

I can still feel the beat of my heart. It is pounding. Sobrang bilis. Maging paghinga ko ay naging mabigat rin. Pakiramdam ko ay may sumasakal sa akin.

Pasimple ko siyang tiningnan. His messy hair, black jeans, grey shirt at chucks. He look so wasted yet he's still look so good at my eyes. So good to the point that I suddenly wanna lay down with him right here, right now.

Oh gods.. help me.

"To escape," saad ko sa kanya.

Nakita ko ang pag-angat ng mukha niya. Bago pa siya tumingin sa 'kin ay iniwas ko na agad ang tingin ko sa kanya.

I suddenly wanna ask him kung hindi niya ba talaga ako kilala o nagbibiro lang siya. Pero baka matapos bigla. Ayoko pa. Ayoko pang tapusin ang gabing 'to kung saan malaya akong kausapin siya..

"To escape from what? May humahabol sa iyo?" tanong niya na ikinatawa ko.

He is acting now like an idiot. My god!

"To escape the reality. To unwind. To forget my toxic life." sagot ko sa kanya.

Ang bait lang ni God dahil hinayaan niya akong makita ka rito at makausap ng ganito. Sana lasing ka na lang palagi para kahit papaano, mabait ka.

"Hindi ba kasama do'n ang sundan ako at i-stalk?"

Kita ko ang pagtagilid ng ulo niya upang tingnan ako. "Bakit mo ako sinusundan? You're hitting on me?"

Nalaglag ang panga ko dahil sa mga tanong niya. Bigla akong nakaramdam ng init sa buong mukha ko nang lumapit pa siya sa akin.

The distance between us isn't that big. Halos maamoy ko na ang hininga niya pati na ang pabango niyang iyon na napakasarap sa ilong.

"Huwag mo nang ituloy. Nagsasayang ka lang ng oras." he whispered on me at bigla rin akong nilayuan.

Nilagok niyang muli ang laman ng boteng iyon kaya sinabayan ko siya.

Putang ina! Bakit wala akong lakas ng loob na sagutin ang mga tanong niya ngayon?

Tiningnan kong muli siya. Nakayuko na siya sa mesa kaya umayos na ako ng upo.

Tatlong beses akong lumunok bago tuluyang nagsalita.

"Hindi mo talaga ako kilala?" tanong ko sa kanya dahilan para iangat niya ang ulo niya.

Tinagilid niya ang ulo niya saka diretsong tumingin sa akin. "Bakit? Sino ka ba?" malamig nitong tanong sa 'kin.

Tang ina, Kiel.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status