Share

Kabanata 4

Kabanata 4

Drunk night

Kiel is still Kiel. Siya pa rin 'yon. Ramdam kong siya pa rin ito. Hindi lang ako sigurado kung ginusto niya bang magbago o ano.

Tinitigan ko siyang muli na mahimbing na ang tulog sa passenger seat ng kotse niya. He's sleeping peacefully. Walang bakas ng problema. Walang bakas ng kasungitan. Ang mahabang pilik-mata niyang iyon, ang magulong buhok, ang mga mata niyang 'yon na kung hindi lang binago ng panahon, masasabi kong salamin pa rin ng nakaraan, ang labi niya.. ang buong mukha niya. Bawat parte ng katawan niya ay nakakapanghina pa rin. Just like before. Parang gaya lang din ng dati noong una ko siyang nakita. Noong una kaming nagkakilala.

Siya pa rin 'to. Siya pa rin naman 'to pero bakit hindi na ako ma-convince?

I smiled bitterly at inilapit ko ang katawan ko sa kanya. Hinawi ko ang kaunting buhok niya na napunta na sa mga mata niya. Pinadausdos ko ang daliri ko sa ilong niya pababa sa labi niya.

"Ang layo mo na talaga. Hindi na kita maabot." bulong ko sa sarili ko.

I suddenly wanna kiss him. Pero pinipigilan ko ang sarili ko dahil baka magising siya at magalit pa lalo sa akin.

Nawala ang atensyon ko sa kanya nang mag ring ang telepono niya. Umayos na ako ng upo at kinuha iyon sa dashboard.

Nang makita kong si Miko ang tumatawag ay sinagot ko na agad. Napalingon pa ako sa entrance ng bar kung saan kami galing kanina.

"Bro! Nasaan ka na? Akala ko ba pupuntahan mo lang siya?"

Kumunot ang noo ko dahil sa narinig ko sa kabilang linya.

Sino 'siya'?

"Uhm.. hello?"

Saglit na natigilan siya sa kabilang linya. Parang bumigat pa ang paghinga nito bago nagsalita.

"Mali ba ako ng natawagan?" dinig kong sinabi niya.

"A, no! This is Kiel's phone." agap ko kaagad sa kanya dahil mukhang ibababa na niya ang tawag.

Hindi puwede. Kailangan ko pang malaman kung saan ang headquarters nila.

"Wait, sino 'to? Nasaan si Kiel? Bakit na sa 'yo phone niya?" sunod-sunod na tanong niya sa 'kin.

Nilingon kong muli si Kiel sa tabi ko na patay pa rin sa tulog. "He's here, sleeping peacefully." nakangiti kong sinabi habang nakatitig pa rin sa kanya.

Narinig ko ang paghalakhak ng kung sino sa kabilang linya kaya nawala ang atensyon ko kay Kiel. Umayos na ako ng upo at hinahanda na ang sarili na iuwi ang lalaking ito.

"Anong.. bakit tulog? Anong nangyari.. may nangyari sa inyo?"

Nalaglag ang panga ko dahil sa sumunod na tanong niya. Pakiramdam ko ay ngayon lang umakyat sa mukha ko ang init na galing sa ininom ko kanina lamang.

Kung pwede nga lang na may mangyari ay kanina ko pa ginawa. Ang kaso ay tulog at lasing na lasing ang isang 'to! Mas gusto ko pa rin na paulit-ulit niyang maaalala ang gagawin ko sa kanya pag gising niya sa umaga.

Napailing na lamang ako habang tumatawa sa isip ko. "He's drunk. Tinulungan ko lang siya kanina na dalhin rito sa sasakyan niya dahil nag-aamok na sa loob ng bar. I just saved him from trouble knowing that you all are famous." saad ko sa kanya. Gusto ko nang mainis dahil sa dumi ng utak niya.

Narinig kong muli ang halakhak na iyon sa kabilang linya kaya kumunot na ang noo ko. Pakiramdam ko tuloy ay pinagtitripan ako ng Miko na ito.

"Okay? Where is he? Can I talk-"

"Tulog nga." mariin na sinabi ko sa kanya, "Can I get his address, instead? Ihahatid ko na lang siya."

"Whoa! Hindi ka namin kilala. Bakit ko ibibiga-"

"Really, huh? Sige! Hahayaan kong makita siya rito ng mga paparazzi at sasabihin ko pa na nag cause siya ng trouble sa loob! Bye!" inis na inis na buga ko sa kanya at pinatayan na siya ng tawag.

Gagong 'yon! Mukha bang hindi katiwa-tiwala 'yung boses ko?

Nang ibabalik ko na sana ang cellphone ni Kiel sa dashboard ay biglang nag beep iyon. Tiningnan ko iyon at natigilan ako nang makita ko ang nasa wallpaper.

Sa tingin ko ay stolen ang shot na iyon dahil parang biglang lingon ang ginawa ng babae. She has a beautiful smile. Totoong-totoo ang mga ngiti niyang iyon dahil umaabot ito hanggang sa mga mata niya. Those genuine smile is making her more beautiful. Parang.. nakakainggit. Sino ba 'to? Bakit wallpaper siya ni Kiel?

Napakagat ako sa ibabang labi ko at binalewala na lamang iyon. Tumungo na ako sa message at doon ko nakita ang message galing kay Miko.

Miko

Caleb's on his way. Wait for him.

Umikot ang mga mata ko nang mabasa ko iyon. Somehow, pakiramdam ko ay napakaswerte ko ngayon dahil nangyari 'to. Nagkausap kami kanina kahit wala namang katuturan ang lahat at nasaktan lang ako and this. Sana lang ay pumayag si Caleb na sumama ako patungo sa headquarters nila.

I heave a sigh at ibinalik ko na ang cellphone ni Kiel sa dashboard. As much as I wanted to look at his phone and check every single details of it, hindi ko magawa. Nasasaktan ako kapag nakikita ko ang wallpaper niyang 'yon.

I wonder who's that lucky girl..

Kinuha ko na lamag ang cellphone ko at naisipang kuhanan siya ng picture habang natutulog. Ilang shot lang iyon at napangiti pa ako nang may isang beses na nakangiti siya sa kuha ko. It seems like he's having a good dream.

Maya-maya pa ay nag beep naman ang cellphone ko 'cause of Lynne's text message.

Lynne

Where are you at? Dumaan ako sa bahay ninyo pero wala ka.

Tingnan mo ang tangang 'to. Pakatapos akong i-reject kanina ay hahanapin din ako.

I type a message for her habang nainis na naman.

To Lynne

Why? I'm at Kiel's car. Dito sa bagong bar sa Tagaytay. Stop asking questions, Lynne! Naiirita pa rin ako sa 'yo dahil hindi mo ako sinamahan dito. Kung gusto mong pumunta dito, bilisan mo na lang. Tss!

Minsan talaga gusto ko nang itakwil ang isang 'yon.

Ilang minuto pa akong naghintay hanggang sa may kumatok sa wind shield sa may driver's seat kung nasaan ako. Binuksan ko agad iyon nang makita ko si Caleb. Natigilan pa ako saglit nang makita ko siya ng malapitan sa personal. This is the first time I saw him in person and my heart just keep beating louder than ever. Hindi lang naman si Kiel ang hinahangaan ko sa kanila kundi silang lahat. And I'm fucking stunned when I saw how adorable Caleb is in person right now!

"Sorry, natagalan. Nag commute lang kasi ako. Muntik pang mapa-trouble." nangingiwi niyang sinabi sa akin.

He's wearing a gey hoodie jacket at may cap pa ito sa ulo. Naka-nerd glass at mask pa ito ngunit tinanggal naman niya kaagad nang magsalita siya.

Tumikhim ako at pinilit kinalma ang sarili ko. "O-okay lang. Bababa pa ba ako or.."

"Pwedeng ikaw na lang? Ituturo ko na lang sa 'yo 'yung way," putol niya sa sasabihin ko at sumakay na sa backseat. "Pagod din kasi kami sa maghapong rehearsal. Hindi lang kami sumama sa mokong na 'yan dahil masyadong hassle." dagdag pa nito habang nagsusuot ng seatbelt.

Nakatingin lang ako sa kanya habang nagsasalita siya. Bawat kilos niya ay sinusundan ko. I just can't still believe it. Dati kai ay sa screen ko lang sila nakikita pero ngayon ay personal na. I am not prepared for this kaya siguro ay para akong tanga ngayong nakatitig kay Caleb. Alam kong hindi ito 'yung oras ng fangirling ko but I just can't resist it! They are so fucking amazing!

"Okay ka lang, Miss?"

Napakurap lang ako nang mag snap siya sa harapan ko kaya iniwas ko agad ang tingin ko sa kanya. "I'm sorry. Acel na lang."

"Yeah, I know you. Ikaw 'yung babaeng pumunta sa studio namin before." nakangiti niyang sinabi sa akin kaya napangiwi ako.

I just simply nodded at him the I started the engine. Handa na sana akong paandarin ang sasakyan ni Kiel nang biglang tumunog ang cellphone ko dahil sa isang tawag.

When I saw Lynne's name flashes on screen ay kinuha ko agad iyon at sinagot siya.

"O?"

"Nasaan ka? Nandito na ako sa tapat ng bar. Buti na lang ay malapit lang 'to sa pinuntahan ko." malamig na bungad niya sa 'kin.

Automatic na nilingon ko ang entrance ng bar kung nasaan kami ngayon and there, I saw Lynne standing in front of the entrance. Para siyang tangang nakatayo roon kaya hindi ko na napigilang tumawa.

"Why are you wearing that ripped jeans and hoodie jacket? And oh! Converse? Really, Lynne? Para kang isang highschool student na pinilit maging adult." tawang-tawa kong sinabi sa kanya.

Nakita ko ang paglingon niya sa paligid niya kaya mas lalo akong natawa. "Tang ina, Acel. Hindi ka nakakatuwa." mariing sinabi niya sa 'kin.

"Hindi ko naman sinabing matuwa ka." I uttered. Nakita kong lumingon siya sa direksyon ko and then she raises her middle finger on me.

"Ang creepy ng lalaking 'yan sa backseat, a. Sabihin mong tigilan niya ang pagtitig. Tutusukin ko ang mata niya." maarte niyang sinabi sa akin kaya napatingin ako kay Caleb sa rearview mirror.

Napataas ang kilay ko nang makita ko si Caleb na nakadungaw sa bintana habang nakatingin sa papalapit na si Lynne.

Okay? What's he thinking?

"Si Caleb," I mumbled to her nang makalapit na siya.

Pinatay niya ang tawag at nakita ko pa ang pag-irap niya. "Staring is rude if that isn't obvious to you." seryoso niyang sinabi habang nakatingin sa 'kin.

Natawa lang ako nang narinig kong tumikhim si Caleb sa likod at nakita kong umayos na siya ng upo. "Anong nangyari? Bakit may ganito?" tanong sa akin ni Lynne at napansin ko pa ang pagbaling niya ng tingin kay Kiel na tulog pa rin hanggang ngayon.

"I.. just saved him from trouble?" I said to her.

He raise her brows, "Hindi ko dala ang sasakyan ko. Saan ka pupunta ngayon? I'm expecting-"

"Ihahatid ko lang sila, bitch." nagsisimula na akong mainis dahil sa inaasta niya.

"Bakit? Hindi ba sila marunong umuwi mag-isa? Driver ka na ngayon?"

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Caleb heard her, I'm sure of that! Nasaan ang manners ng babaeng ito? Pinapahiya niya ako sa harap.. oh gods!

"Just shut up, Lynne and get-in the car. Tang.. ina." mariin kong sinabi sa kanya at inirapan ko na siya.

Kokontra pa sana siya kaya sinarhan ko na siya wind shield. She's lucky! Makakatabi niya ang magaling na bassist ng Fourgotten Souls nang hindi lasing habang ako nama'y katabi ng vocalist na ito na hanggang ngayon ay patay pa rin sa kalasingan.

Tiningnan ko ang dalawa sa rearview mirror. Naririnig ko ang mga bulong ni Lynne kaya mas lalo akong nainis sa kanya. Pinaparinggan niya si Cal! How rude is she!

Nang makarating kami sa isang malaking bahay na purong kulay grey ang itsura ay sumalubong kaagad sa amin sina Asher at Miko. Natigilan pa sila nang makita kaming dalawa.

"Bakit mo sinama? Stalker natin 'yan, e." I can almost hear what Miko said.

Kung hindi lang ako masyadong natutuwa sa kanila ngayon ay kanina ko pa sila minura. But Lynne isn't that happy at pinagsisisihan ko nang isinama ko pa siya rito.

"Hindi kami stalker. Huwag masyadong makapal ang mukha. Hindi ko nga kayo kilala, e." Lynne sarcastically said to them at umirap pa.

Inawat ko na siya bago pa humaba ang usapan. I apologized to Miko and Asher for Lynne's behavior saka namin inasikaso na si Kiel.

"Salamat pala sa pagtulong sa kanya," Asher approached me habang ibinababa ni Cal at Miko si Kiel sa kama nito.

I just smiled at him, "Can I take.. care of him as a payment?" nahihiya kong tanong sa kanya na ikintawa naman niya.

Namangha ako nang makita ko kung paano lumawak ang ngiti niyang 'yun. Asher has a beautiful smile among them at hindi ko na talaga kinakaya ito.

"Hindi ka naman katulad no'ng ibang fans na gusto nang magkaanak kay Kiel, no?"

Pwede kong pag-isipan ang tungkol diyan..

I bit my lower lip then I simply nodded, "H-hindi. Promise." I declared.

Nang tumango si Asher ay hinayaan na nila akong lahat maliban lang kay Lynne kaya humingi na ako ng tulong kay Cal para ilabas siya. Bwisit talaga ang babaeng 'yon!

Ramdam ko na naman ang matinding kalabog ng puso ko habang nakatitig ako sa kanya. Para akong sinasakal dahil maging ang paghinga ko ay bumibigat. I changed his shirt saka ko siya pinunasan. Tinanggal ko rin ang sapatos at medyas niya saka siya inayos ng higa.

I sat beside him. Napakagat ako sa ibabang labi ko when he murmured something. Noong una ay mahina pa lang iyon pero nang paulit-ulit na siya ay mas lumilinaw na sa pandinig ko.

"A.."

Natigilan ako sa narinig ko. Automatic na tumulo ang mga luha ko when I remembered something. Tang ina..

Hindi ko na napigilan ang sarili kong yugyugin siya para magising. I want him to tell me the fucking truth!

"K-kiel.."

He slowly open his eyes at diretsong tumingin sa akin. Bakas sa mukha niya ang pagkagulat. Bigla siyang bumangon at umupo sa kama. "W-what are you doing here?" tanong niya sa 'kin.

Kanina lamang ay nakita ko pa ang ekspresyon niya ngunit ngayon ay unti-unti na namang nagbabago.

"Uh.."

"What are you doing here? Paano ka nakapasok sa kwarto ko?" malamig niyang tanong sa 'kin saka tuluyan nang lumayo sa akin.

May kung ano siyang kinuha sa side cabinet roon at nanatiling nakatalikod sa direksyon ko.

"I just saved you earlier sa bar-"

"Alam ko. That's enough. You can leave now." he said in his cold baritone voice.

Tang ina! Tinataboy na niya ako ngayon?

Mabilis kong pinalis ang mga luha ko. I heave a sigh at inayos ko ang sarili ko, "I don't know what happened to you pero kung ano man 'yung nangyari sa 'yo, that was so cruel." natatawa kong sinabi sa kanya.

"Bakit ba kung makapagsalita ka ay parang kilalang-kilala mo na ako? Who are you to said that to me? Sinabi ko nang wala kang mapapala sa akin. If you're doing this just for fame, please, just stop. Hindi ako pumapatol sa mga katulad mo." diretso niyang sinabi sa 'kin at sunod kong narinig ay ang padarag na pagbukas at pagsara ng pinto.

Great.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status