DZIANNA ZAPPHIRE MHRIZ
As our car entered the main city of Geordan, loud noises, the sound of breeze, people, chariots, stores, long gowns, classic houses, and a retro vibe welcomed us.
In the center of the mob, our car, which had a royal flag tied in front, came to a stop. The door was opened for me by my driver. To my amazement, they all bowed down. To prevent them from bowing, I made a hand gesture, and it worked!
“Ano’ng dahilan at naparito ka sa aming siyudad, your highness?” A man from the crowd asked. A tunic with hose, leggings, and breeches are all that the bald man is sporting. I believe he was born into an aristocratic family, perhaps a viscount.
“Wala akong balak na abalahin kayo sa inyong ginagawa. Narito lang ako upang magliwaliw,” I answered and smiled at them. “Go on, enjoy the celebration. I just need to unwind myself and go somewhere else.”
People begin to drift away from me. I scanned my surroundings and noticed my bodyguards were following me. Paano ako makakatakas nito kung nakasunod sila sa akin?
I stopped walking when my phone rang.
Easthella is calling…
“Hello, East?”
“Where are you? We’ve been waiting for you for hours! Kailan ka ba makakapunta rito? Kailangan na nating matapos ang misyon na naka-assign sa atin before the deadline. Ayokong maparusahan ’no!” sermon niya sa akin.
“Ano’ng magagawa ko? They were following me because of Mamita. Sige nga, paano ako makakatakas dito?” taas-kilay kong tanong, at pinaikot ang aking mga mata sa ere.
I heard a grasped from the other line of the call.
“Ang usapan natin, one year ka lang d’yan, ’di ba? Bakit hanggang ngayon ay hindi ka pa rin pinapayagan ng Reyna na mamuhay nang normal? O ’di kaya ay magsabi ka na lang kay Tito para payagan ka na uli sumama sa amin,” she suggested.
I sighed. “Ayaw na rin ni Daddy na bumalik pa ako sa trabaho natin. I’m a Princess with royal duties and their only heiress to continue the legacy of my family. They can’t afford to lose me because of this stupid job who are killing and prosecuting criminals.”
“So we are left with no choice, then. We’ll kick you out from our group,” East said, causing my eyes to widen. I was about to ask when she precede. “We don’t need a leader who thinks that our job was stupid.” She ended the call after that.
Inis kong ibinaba ang cellphone ko at tumulala sa mga taong naglalakad. I never thought that my life would be going this hard.
When I was young, gustong-gusto kong maging kabilang sa Royalties para hindi na mahirapan si Mommy sa pag-iisip kung paano kami makakakain sa isang araw, but when I was already one of them, parang gusto ko na lang mag-back out. Too many duties and since hindi ako lumaki sa palasyo, I need to learn a lot of things on how to be a Royalty, a Princess and an almost perfect granddaughter of the Queen.
If I’m going to choose what life would I pick…? I would repeatedly choose my life with Mommy. Hindi man kami mayaman noon, but at least, there’s no pressure and I’m free to do whatever I want…
I badly want to go back in time when I lived a normal life with Mommy.
🗡️
10 YEARS AGO…
“Mommy I want ice cream!” sabi ko, habang nakaturo sa isang ice cream shop.
Mom sighed. She kneeled down in front of me and touch me on my shoulder.
“Anak, wala tayong perang pambili n’yan. Bibili na lang tayo ng tinapay mamaya para mas nakakabusog. Okay ba ’yon?”
I rolled my eyes at masama siyang tiningnan.
“No! I want it now, Mom! You made a promise na kapag pumunta tayo rito sa Viegan, you’ll buy me ice cream,” pangangatwiran ko, habang ipinapadyak ang mga paa ko. Napayuko si Mommy at hindi makatingin sa akin. “You lied.”
Inis kong inalis ang paghawak niya sa aking kamay at mabilis na kumaripas ng takbo.
I stopped running when I realized that I lost her from my sight. Hindi ko na makita si Mommy.
I tried to roam my eyes around, but I only found an abandoned street. Napaupo ako dahil sa pagod habang hinahabol pa rin ang aking hininga. Nang makabawi, I roamed my sight again.
A bling of light from afar caught my attention. Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa lupa at pumasok sa loob ng eskinita. At first, maliwanag at sementado pa ang daan na tinatapakan ko, pero habang patagal nang patagal ay nagiging madamong daan na ’yon.
Sa ’di kalayuan, natatanaw ko mula rito ang isang malaking kubo. Because of curiosity, naglakad ako palapit doon at pumasok sa loob.
Sira-sira na ang mga upuan dahil na rin siguro sa tagal nang panahon. Ang pinakasahig nito ay nababalutan ng makapal na damo. Mukhang walang napapadpad sa lugar na ito kaya napabayaan na ang kubo.
Napatigil ako sa paglilibot ng paningin nang biglang kumirot ang paa ko. Sinubukan kong maghanap ng mauupuan at hindi naman ako nabigo. May isang parte ng upuan ang hindi pa masyadong sira at pwede pang upuan.
I was about to seat when something from the grass tripped me. Muntik na akong masubsob sa lupa, but I was able to balance my body kaya hindi ’yon natuloy.
Masama kong tiningnan ang bagay na ’yon ngunit wala akong nakita. Lumapit ako roon at kinapa ang damo.
My forehead furrowed when I touch a box-liked thing underneath. Hinawi ko ang damo at mas lalong kumunot ang aking noo nang makitang may numbers ito, but it was almost faded, maybe because it was abandoned for years.
I was about to press it, when I realized that it’s already getting dark. I decided to come back from where I came from, which is outside this weird street.
Sa ’di inaasahan, paglabas ng eskinitang ’yon ay nagkita rin kami ni Mommy. She comforted me when I cried on her shoulder. Nang matapos ako sa pag-iyak, niyaya niya ako pauwi since malapit na ring dumilim at hindi kami maaaring abutin ng gabi.
We were about to leave, when we suddenly stopped. Napatingala ako ng tingin kay Mommy ngunit nakatingin lang siya sa loob ng eskinita.
“Anim na taon… anim na taon kitang binaon sa limot. Hindi ko alam na ang anak ko pa ang magiging dahilan ng pagbabalik ko rito.”
🗡️
I smirked nang maalala ko muli ang nangyari noon. I was too young that time at marami pa akong hindi alam, pero hinding-hindi ko makakalimutan ang sinabi ni Mommy bago kami umalis.
At first, hindi ko maintindihan ’yon noon, but now, alam ko na kung ano’ng ibig niyang sabihin.
It was all about the… Assassin’s World.
DZION WILLIAM MHRIZ The rays of sunlight roused me up. Tumayo ako mula sa pagkakahiga at nilibot ang paningin sa paligid. I was lying in the grass in the center of a garden. Why am I in this place? “Wil!” I focused on the direction the voice was coming from and caught a distant glimpse of a stunning woman. As quickly as I could, I raced to her and gave her a bear embrace. “I don’t wish to lose you once more. Please, ’wag mo na uli akong iwan,” I pleaded. She looked at me with grief in her eyes. She gently rubbed her warm fingers across my face, and I closed my eyes. No words can define how much I missed this woman. When I saw her golden iris covered with tears, my forehead furrowed. Tears began to trickle down to her cheeks with a quick blink of her eyelids. “I can no longer stay by your side, Wil.” “No, please. Don’t do this to me. Hindi ko na alam kung paano ko pa sisimulan ang buhay ko ’pag nawala ka uli,” I begged, pero inalis lang niya ang pagkakahawak ko sa kanyang kama
BRIANNA ZAFFRIE COLTON Malakas kong isinara ang pinto ng office namin na nakaagaw sa atensyon ng mga kasamahan ko. “Ano ba’ng problema mo, Momshie? Nahiya ka pa. Bakit hindi mo na lang sinira ang pinto?” tanong ni Frizza, at pinaikot ang mata niya. “Nakakainis kasi ’yong mga lalaki sa sugalan. Akala naman nila ay sila ang may-ari n’on,” inis kong sagot. “Ipagmalaki ba naman na siya raw ang pinakamalakas sa buong Underground Society?! Aba’y baka hindi niya ako kilala!” Iritable akong pumunta sa office chair ko at itinaas ang paa sa mesa. Nang tingnan ko ang tatlo ay nakanganga lamang sila habang nakatingin sa akin, dahilan upang kumunot ang noo ko. “Mga boba! Ano’ng nangyayari sa inyo?!” sigaw ko, at binato sila ng kutsilyong nakahawakan ko galing sa ibabaw ng aking office table. Nakaiwas naman si Catherine sa pagbato ko. “Matangkad, maputi at may braces ba ang lalaking tinutukoy mo?!” malanding tanong ni Thyrie, habang mababakas ang pagnanasa sa kanyang boses at mukha. Napatinga
BRIANNA ZAFFRIE COLTON “Ang taray ng Momshie mo Zaffrie! A hairpin delivery from Night Bullet!” pang-aasar ni Cath, at saka sinipat ang board kung saan siya babato ng dagger. “Manahimik ka na lang d’yan, Catherine, kung ayaw mong sa ’yo ko ihagis ’tong dagger ko,” pagbabanta ko, at saka hinagis ang natitira kong dagger. Bull’s eye! Dahil ubos na ang pantira ko ay pumunta na ako sa loob para hugutin sa board ang mga daggers ko. May iilang dumaplis sa akin na naiwasan ko naman agad. Masama kong tiningnan ang tatlo na sablay tumira… o baka naman ay sinasadya nila. “Tapos na ang training. Tara na at pag-aaralan pa natin ang nakuha kong misyon,” I announced, at nauna nang lumabas ng training arena. Habang naglalakad pabalik sa office ay maraming Assassins ang bumabati sa akin. Kahit nakasuot ako ng usual outfit ko with cloak and mask ay nakikilala pa rin nila ako dahil nag-iisa lamang ako na may touch of gold ang suot. Bilang Assassins ay kailangang naka-all black kami para maayos na m
“Hintayin ninyo ako rito, nakalimutan ko ’yong hairpin ko,” sabi ko. Hindi ko na sila hinintay na sumang-ayon pa at mabilis akong bumaba ng van. Kasalukuyan akong naglalakad papasok sa Underworld nang biglang mag-ring ang cellphone ko. Pinindot ko muna ang elevator’s button bago tiningnan kung sino ang tumatawag. Unknown Number is calling… “Sino kaya ’to?” kunot-noong tanong ko, at ipinasok na muli ang aking cellphone sa bulsa. Nang makababa ang elevator papunta sa Underworld ay halos takbuhin ko na distansya nito papunta sa aming office. “Midnight Blade! Midnight Blade!” a voice from behind shouted. Nilingon ko siya at nakita ko ang pamilyar na outfit nito. “Yna, bakit?” Nang makalapit siya sa akin, halos mapigtal ang litid ko sa lakas ng pagsampal niya. Lumingon ang ulo ko sa kabilang direksyon at agad naramdaman ang hapdi nito sa aking pisngi. Napahawak ako roon at masama siyang tiningnan. “How dare you?!” “How dare you!” she shouted while emphasizing each words, at dinuro
BRIANNA ZAFFRIE COLTON Bumagsak ang lalaki at kumalat ang dugo niya sa lupa habang nakatarak pa rin ang dagger ko sa kanyang ulo. Hingal na hingal na tumakbo palapit sa akin si Zio at inalalayan ako sa likod. “You’re bleeding,” aniya, habang nakatingin sa kamay niyang puno ng dugo ko. Punong-puno ng pag-aalala siyang tumingin sa mga mata ko. “May first aid kit ka bang dala?” Umiling ako bilang sagot. “Stupid.” Dahan-dahan niyang hiniga ang likod ko sa hita niya at pinunit ang laylayan ng kanyang damit. Muli niya akong hinawakan at maingat na pinaupo ngunit hindi ko maiwasang mapangiwi nang kumirot ang sugat ko. “Tiisin mo ’to.” Maingat niyang ibinenda ang kapirasong tela sa sugat ko. Hindi ko naiwasang mapasigaw nang hinigpitan niya ang pagkakatali nito upang tumigil sa pagdurugo. Nang matapos ’yon ay hinang-hina akong sumandal sa dibdib niya, dahilan upang medyo mapaiktad siya. “Let me rest on your chest for a while,” I said, at wala na akong natanggap na apela niya hanggang tul
DZION WILLIAM MHRIZ “Kumusta si Midnight?” Iyon agad ang bumungad sa akin nang makapasok ako sa loob ng office namin. Dinakuan ko ng tingin si Caz na kasalukuyang kunot-noong nakatingin sa akin. “Bigla siyang nag-hysterical at nawalan muli ng malay,” simpleng sagot ko, at nakita ko ang biglaang pagtayo niya sa peripheral vision ko. “What did you do?!” galit na aniya, at hinawakan pa ako nang mahigpit sa kwelyo. I grinned. “Do you like her?” I asked. Biglang lumambot ang ekspresyon niya at pabarog akong binitawan. Bahagya naman akong napaatras sa ginawa niyang iyon. “Ano ba, Caz! Baka nakakalimutan mong leader natin ’yan at isa siyang Prinsipe sa labas ng Underworld,” pag-awat ni Jerome. “I don’t f*cking care. Bullsh*t Royalties and their rules!” galit na ani Caz, at padabog na lumabas ng office. “Mukhang tinamaan ng espada ni Midnight. Sapul sa puso e,” natatawang ani Terson, pero agad din siyang huminto nang makita niyang masama akong nakatingin sa kanya. Huminga ako nang mal
DZION WILLIAM MHRIZ “Handa na ba kayo?” I asked, habang naglalakad kami palabas ng Underworld. “Kailangan nating maghiwa-hiwalay mamaya para mas mabilis matapos ’to. I already assigned you to your respective parts and who will be your companion.” “Aye, aye, Master!” sabay na sigaw nina Terson at Jerome at nag-salute pa. Hays, mga siraulo talaga. We parted ways when we reached the parking lot. I hop into my car. Dinukot ko mula sa aking bulsa ang kapirasong papel na naglalaman ng clue para sa misyon naming ito. “Ako ang tagalutas ng problema.” I read it several times, but I still don’t get it. I was in the middle of thinking who the hell is the culprit when my phone rang. “I have something for you, Prince Dzion,” Dex said, and ended the call. Inis kong hinampas ang stirring wheel ng kotse ko na naglikha ng malakas na tunog dahil sa busina, at saka ko ito pinaharurot ng paalis. 🗡️ “What is it this time, Dex?” I asked, when I arrived at her office. Lumapit siya sa akin at ibin
BRIANNA ZAFFRIE COLTON “Momshie ano’ng misyon ang nakuha natin?” tanong ni Thyrie nang makabalik ako sa office. Umupo ako sa swivel chair at itinaas ang paa sa table saka binuksan ang envelope na naglalaman ng misyon namin. Binasa ko ang nilalaman niyon at hindi ko naiwasang makaramdam ng kirot sa dibdib. “It’s an animal serial killing and we need to assassinate the culprit,” I explained. “Napakawalang-puso naman ng tao na ’yan, pati mga hayop ay idinadamay,” umiiling na ani Cath. “Fencers, be ready. Iisa lang ang serial killer, pero marami tayong makakalaban. For sure there are groups who are assigned to protect the culprit.” Lumabas na sila para kumuha ng mga armas sa weapon room ng Fencers, habang ako ay isa-isa kong tiningnan ang mga documents na kasama ng misyon namin. Together with our mission, there is a picture of a cell. Ano’ng kinalaman ng kulungan na ito sa misyon namin? Is it one of the clue where we can find the culprit? Tumayo ako at lumabas ng office habang dala-