Share

Chapter 2: The Rivals

DZION WILLIAM MHRIZ

The rays of sunlight roused me up. Tumayo ako mula sa pagkakahiga at nilibot ang paningin sa paligid. I was lying in the grass in the center of a garden. Why am I in this place?

“Wil!”

I focused on the direction the voice was coming from and caught a distant glimpse of a stunning woman.

As quickly as I could, I raced to her and gave her a bear embrace.

“I don’t wish to lose you once more. Please, ’wag mo na uli akong iwan,” I pleaded.

She looked at me with grief in her eyes. She gently rubbed her warm fingers across my face, and I closed my eyes. No words can define how much I missed this woman.

When I saw her golden iris covered with tears, my forehead furrowed. Tears began to trickle down to her cheeks with a quick blink of her eyelids.

“I can no longer stay by your side, Wil.”

“No, please. Don’t do this to me. Hindi ko na alam kung paano ko pa sisimulan ang buhay ko ’pag nawala ka uli,” I begged, pero inalis lang niya ang pagkakahawak ko sa kanyang kamay. “Isama mo na lang ako. Wala na akong dahilan para mabuhay pa, now that you’re gone.”

A smile formed in her lips, as her tears escaped from the corner of her eyes.

“Be happy, Wil. Your world is not just revolving at me,” she said, pero umiling ako bilang tanda ng ’di pagsang-ayon. “You can still find a woman who is more deserving than me.”

A ray of light suddenly hit my face. “Until we meet again, my love.”  

“Golden!”

Napabalikwas ako mula sa pagkakahiga habang hinahabol ang aking hininga. Nilibot ko ang aking paningin sa paligid at saka ko napagtanto na panaginip lang pala ang lahat. How I wished na sana ako na lang ang nawala at hindi siya. If I could turn back in time, I would save her.

Bumalik ako sa wisyo nang marinig ko ang pagkatok sa pinto ng kwarto ko.

“Wake up, your highness. The Queen wants you to join her for breakfast,” my Mamita’s royal secretary uttered from the other side of my room.

Nang marinig ko ang mga hakbang niya paalis ay tumayo na ako at nag-intindi ng sarili.

Nang makarating ako sa dining area, aabutan ko sina Mamita pati na rin ang pinsan at Tita kong s****p na kasalukuyang kumakain.

“Your royal highness, Prince Zio–”

“I have to go, Mamita. Dadalawin ko lang si Golden,” pagpapaalam ko, at tinalikuran na sila. I was about to walk when I heard my cousin spoke.

“Zio and his dead girlfriend. How pathetic.”

Awtomatikong nagpanting ang tainga ko at mabilis siyang sinugod. I was about to give him a punch, pero agad akong nahawakan ng isang kawal at gano’n din siya.

“Try to say that again and I’ll rip your face! Try me!”

“Dzion, that’s enough!” Mamita shouted, kaya pareho kaming tumigil. Binitawan na rin kami ng mga kawal kaya padabog akong umalis doon.

🗡️

“Matagal na rin mula nang iniwan mo ako,” panimula ko habang nakatingin sa puntod niya at nagbaba ng red roses doon. “’Yong sakit na idinulot ng pagkawala mo, nandito pa rin sa puso ko. Wasak na wasak ako, Golden, pero wala akong magawa. The damage has been done and I can no longer go back in time to fix it.”

Ilang minuto pa akong nagtagal doon bago umalis. Sumakay ako sa kotse ko at pinaharurot ’yon paalis ng sementeryo.

Pagdating ko sa Underworld, naabutan kong nagpupustahan ang mga bugok tungkol sa huli kong pagdating. Nang makalapit, nakita ko ang mga pera nila sa ibabaw ng table at nagpupustahan pa.

 “Paano kung mali kayong lahat ng hula? Edi sa akin na lahat ’yan?” tanong ko, ngunit ngisi lamang ang isinagot nila sa akin.

Katulad nila, ngumisi rin ako nang malaki at isa-isang kinuha ang mga pera na nakalapag doon. Nang tingnan ko sila, kitang-kita ko kung paano nanlaki ang mga mata nila nang kunin ko ’yon.

“Madaya ka Zio, ha! Nagbibiro lang naman kami,” ani Terson, habang pilit na kinukuha ang pera niya. Hinawi ko ang kamay niya at ibinulsa ’yon. Delikado, baka makuha pa nila.

“Parang-awa mo na, Master. Mahirap lang kami at papatayin ako ng Nanay ko. Kinupit ko lang ’yan, e!” naiiyak na ani Jerome, at lumuhod pa sa harap ko. Hinawakan niya ang pants ko at naramdaman ko ang unti-unti nitong pagbaba kaya sinapak ko siya.

“Umayos ka nga riyan! Baka makakita sila ng patola!” pang-aasar ko, habang tinitingnan sila isa-isa. Bumakas ang pandidiri sa kanilang mga mukha. “Oo nga pala, hindi pa ba nagpapadala ng misyon ang Supremo?”

“Try to check it on the bulletin board, baka meron na,” Jerome suggested.

Dahil wala naman akong maaasahan sa grupo ko, tumayo na ako papunta sa floor kung nasaan ang mga office ng bawat grupo. But in unexpected event, may nabangga ako sa pagtayo ko at naramdaman ang pagtilapon niya sa sahig.

I fiercely compose myself at hinarap ang nabangga ko. Nakita ko ang isang di-pamilyar na mukha ng babae na nakaupo sa sahig at masama ang titig sa akin.

“Miss, pasensya na–”

Naputol ang sinasabi ko nang tumayo siya at dinuro-duro ako, dahilan upang tumataas ang kanang kilay ko.

“Hoy, Mister! Hindi mo ba alam na bagong bili ’tong damit ko?!” sigaw niya, at itinuro pa ang damit niyang mukhang galing naman sa ukay-ukay. “Mamahalin ’to, nakikita mo?” Itinuro niya ang naka-print na ‘Guess’ sa kanyang damit.

“Ang cheap,” bulong ko.

Saksi ang dalawang mata ko kung paano siya umarte na parang hindi makapaniwala. Umayos siya ng tayo at isa-isang itinaas ang manggas ng t-shirt niya.

“Mukhang maglalabas pa yata ng mus–”

Hindi ko na naituloy ang ibinubulong ko kay Jerome nang tumilapon ako sa sahig. Nanlalaki ang mga mata kong hinarap ang babae ngunit maangas lang siyang nakatingin sa akin.

“Aba’t–”

Muli akong napatigil sa pagsasalita nang makitang nasa ere na siya dahil sa pagtalon nang mataas. Sinundan ng mga mata ko ang bawat kilos niya ngunit naging mabilis ’yon at hindi ko namalayan na may nakatapat na palang espada sa leeg ko! Jusko, paano siya gumalaw ng gano’n kabilis nang hindi ko man lang nasasabayan?

Tumingin ako sa tatlong bugok ngunit nakatulala lang sila sa amin. Inis ko silang sinitsitan para tulungan ako sa sitwasyon ko ngunit naghampasan pa sila kung sino ang tutulong. Bwisit talaga, kung hindi lang isang galaw at magigilitan ako ng espada nitong babae ay hinding-hindi ako hihingi ng tulong sa mga bugok na ’yan!

“Mga utak munggo talaga kayo! Wala bang tutulong sa akin, ha?!” inis kong sigaw, na nakapagpatigil sa kanila sa pagtutulakan at paghahampasan.

“Paano ka namin sasagipin kung nahanap mo na ang katapat mo, Master?” nanginginig na ani Terson.

Agad kumunot ang aking noo ngunit agad ’yong nawala nang muling magsalita ang babaeng baliw.

“Hihingi ka ba ng paumanhin o sa libingan kita dadalhin?” tanong niya sa maangas na tono, at mas lalong inilapit ang talim ng espada sa leeg ko. Ramdam ko ang lamig ng espada sa aking leeg at anot dahil sa tingin ko’y medyo nagsugat na ’yon dahil sa talim n’on.

Kung nasa labas lamang ako ng Underworld ay kanina pa nasistensyahan ng kamatayan ang babaeng ito dahil sa kalapastanganan na ginagawa niya sa Prinsipe.

“At bakit ko gagawin ’yon? Hindi ka ba marunong gumalang sa pinakamalakas na Assassin sa buong Underground Society?” pagmamayabang ko.

Imbes na mabakasan ng takot at ngumisi pa ito. “Pinakamalakas na Assassin? Really, huh?” pang-uusig niya. “If you really own that title, bakit papatayin ka lang ng ’di hamak na babae?” Inilapit pa niya ang kanyang bibig sa aking tainga para ibulong ang mga katagang ’yon, at mas inilapat ang talim ng espada sa leeg ko.

Ginamit ko ang saandaling ’yon. Siniko ko ang kanyang bibig, dahilan upang mabitawan niya ako ngunit agad kong naramdaman ang hapdi sa aking leeg. Sh*t! Paniguradong nagilitan ako nang kaunti, ang sakit!

I turned my gaze to that crazy b*tch who’s currently covering her bleeding mouth, while I was doing the same on my neck.

“You’ll pay for this, remember that!” banta ko, habang nakaduro sa kanya ang hintuturo ko. “Let’s go!” Umalis na ako roon at sumunod naman sa akin ang tatlo.

Pagdating namin sa office ay malakas kong hinawi ang mga gamit na nadaraanan ko, dahilan upang masindak ang tatlo. Nang lingunin ko sila ay hindi sila makatingin nang diretso sa akin.

“Napakalakas ng loob ng babaeng ’yon! Porke hindi dapat pinapatulan ang mga babae ay gano’n na ang asta niya?!” sigaw ko. Kinuha ko ang aking baril sa cabinet at marahang ’yong hinimas at saka tumingin sa tatlong bugok. “Bakit hindi ninyo ako tinulungan kanina?” Itinapat ko ang baril sa kanila.

“M-master… baka pwede naman natin itong p-pag-usapan,” nanginginig na ani Jerome.

“Magsabi nga kayo nang totoo… Sino ba ang babaeng ’yon at hindi ninyo ako magawang maipagtanggol kanina?!” muling sigaw ko, at ikinasa ang baril habang nakatutok pa rin sa kanila.

Imbes na sumagot ay yumakap pa si Jerome kay Terson at pumunta sa likod nito. Nagsukatan kami ng tingin hanggang naglakas-loob si Caz na humakbang pauna.

“Zaffrie Colton o mas kilala bilang Midnight Blade. Leader ng Fencers na pinakamalakas sa buong girl division at pangalawang pinakamalakas na buong Underground Society. In short, kasunod mo siya, Zio,” paliwanag ni Caz.

So, hindi pala basta-bastang babae ang binangga ko kanina. Kaya naman pala gano’n na lang kalakas ang loob niya na kalabanin ako dahil alam niyang may laban siya sa akin.

“Katabi lang natin ang office nila, Master. Gusto mo bang rumesbak?” ani Terson, habang itinataas ang manggas ng damit niya.

Iiling-iling kong binato ang baril ko sa kanya na nasalo naman niya. “T*nga! Naka-sleeveless ka. Ano’ng itinataas-taas mo ng manggas d’yan?”

Kunot-noo naman siyang tumingin sa damit niya. Nang mapagtanto siguro na mali siya ay napakamot na lang siya sa ulo.

“Hayaan na muna natin siya sa ngayon. Sa susunod na kalabanin niya uli ako ay hindi na ako magdadalawang isip na patulan siya.”

“Oo nga! Hayaan mo, Master, ipagtatanggol ka na namin sa susunod,” ani Jerome, at inirapan ko na lang siya.

“Hintayin ninyo ako rito, kukunin ko lang ang magiging misyon natin,” sabi ko, at tumayo na.

Pagbukas ko pa lang ng pinto ng office namin ay napatigil ako nang makita ang babaeng baliw sa labas. Kasalukuyan niyang itinatali ang kanyang buhok at ipinusod ’yon sa magulong bun.

Napatigil ako sa pagtitig nang mapansin kong pamilyar ang mukha niya pero hindi ko maalala kung saan ko ’to nakita. Kahit kalahati lamang ng mukha niya ang nakikita ko ay namumukhaan ko pa rin siya.

Nang tumagilid siya ay agad napukaw ng pangin ko ang bagay na lumitaw sa gilid ng leeg niya, ang logo ng kanilang grupo; dalawang naka-ekis na espada na may dugo sa talim. Isang Fencer… ang mahigpit na kaaway ng grupo namin.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status