Share

Chapter 3: Girl's Fight

BRIANNA ZAFFRIE COLTON

Malakas kong isinara ang pinto ng office namin na nakaagaw sa atensyon ng mga kasamahan ko.

“Ano ba’ng problema mo, Momshie? Nahiya ka pa. Bakit hindi mo na lang sinira ang pinto?” tanong ni Frizza, at pinaikot ang mata niya.

“Nakakainis kasi ’yong mga lalaki sa sugalan. Akala naman nila ay sila ang may-ari n’on,” inis kong sagot. “Ipagmalaki ba naman na siya raw ang pinakamalakas sa buong Underground Society?! Aba’y baka hindi niya ako kilala!”

Iritable akong pumunta sa office chair ko at itinaas ang paa sa mesa. Nang tingnan ko ang tatlo ay nakanganga lamang sila habang nakatingin sa akin, dahilan upang kumunot ang noo ko.

“Mga boba! Ano’ng nangyayari sa inyo?!” sigaw ko, at binato sila ng kutsilyong nakahawakan ko galing sa ibabaw ng aking office table. Nakaiwas naman si Catherine sa pagbato ko.

“Matangkad, maputi at may braces ba ang lalaking tinutukoy mo?!” malanding tanong ni Thyrie, habang mababakas ang pagnanasa sa kanyang boses at mukha.

Napatingala ako sa kisame habang iniisip kung ano ang itsura ng bakulaw na lalaking ’yon. Matangkad, maputi–

“Oo, siya nga! Kilala mo, Thyrone?” Ako naman ang binato niya ng shuriken na mabilis ko namang maiwasan. “G*go ka, ah!”

“Thyrie nga kasi!” pagmamaktol niya. “And yes… kilala namin siya, actually, kilala siya ng buong Assassins sa Underworld.”

Kumunot ang aking noo. “Kung kilala siya ng buong Assassins, bakit hindi ko siya matandaan? He’s not that famous kaya hindi ko siya kilala.”

“Kailan ka ba nagka-interes sa ibang tao? Puro pera lang naman ang nasa isip mo, e,” umiiling-iling na ani Frizza. Well, she has a point!

“Hindi mo ba talaga naaalala ang napaka-yummy na katawan–” Sinamaan ko ng tingin si Thyrie. “…napakagwapong mukha ni Papa Zio?

“Z-zio…?”

“Oo, Zio nga. ’Yan ang tawag ng mga Assassins kay Night Bullet dito sa Underworld,” sabat ni Cath.

“Kung gano’n, siya pala ang nakakalaban natin sa mga misyon na palagi nating napagtatagumpayan?”

“Tumpak! Siya nga, Momshie!” sagot ni Frizza, at nakaturo pa sa akin.

I was about to talk when it was interrupted by a knock. Sinenyasan ko si Cath na buksan ang pinto na agad naman niyang sinunod. Kinuha ko ang aking espada sa bewang ko at trinace ang talim nito gamit ang daliri ko.

“Miss Zaff, meron nang mga misyon na nakapaskil sa bulletin board. Ikaw na lang ang hinihintay para makakuha na rin ang iba pang grupo,” ani Joanna; a member from Armies.

“Armies… Armies… Armies…” marahan at madiin ang bawat pagsambit ko sa pangalan ng kanilang grupo. “Ang pinakahuli sa mga nangungunang grupo.” Tumayo ako habang hawak pa rin ang aking espada. Hinayaan ko ang talim nito na sumadsad sa tiles habang naglalakad ako palapit kay Joanna.

“M-miss Zaffrie…”

“Shh…” Inilagay ko ang aking hintuturo sa labi niya. “Isang tanong, isang sagot. Kayo na ba ni Zian?” Zian is the leader of Armies and owns the fifth rank in Underground Society.

Kahit nakatakip ang kalahati ng mukha niya ay kitang-kita ko kung paano bumakas ang gulat sa kanyang mukha habang dahan-dahang tumutulo ang pawis niya sa kanyang noo. Putlang-putla na ang mukha niya dahil sa ginagawa kong paninindak.

“B-bakit mo naman naitanong?” nanginginig ang boses na tanong niya. Zian was my ex suitor, pero dahil masyado akong maganda para sa kanya ay binusted ko siya.

Tumingin ako sa tatlong bruha na kanina pa nag-aabang ng sagot. “Itanong mo rito sa tatlo. Sila ang nagsabi sa akin na parang may something sa inyo ni Zian.”

Tiningnan naman ni Joanna ang tatlo habang pinanlalakihan ng mga mata ang mga bruha. Nang tumingin siya sa akin ay lumunok muna siya. Nang akmang magsasalita na sana siya ay siya namang biglaang pagbukas ng pinto ng office namin. It’s Forester; the leader of Blazer and the one who owns the fourth rank, and also my ex boyfriend.

“Kanina pa kami naghihintay sa labas, Zaff. May balak ka pa bang lumabas d’yan?” inis na tanong ni Forester, habang nakasilip lang sa pintuan. “Bilisan mo na riyan, ’wag mo nang i-bully ’yang girlfriend ni Zian!” Lumabas na rin siya pagtapos.

Muli kong ibinaling kay Joanna ang aking tingin at nagkibit balikat. Ibinalik ko na rin ang aking espada sa lalagyan nito na nakasabit lang sa bewang ko.

“Let’s go!” sigaw ko. Nauna na akong lumabas at naramdaman ko naman na sumunod na rin sila sa akin.

Paglabas ko pa lang ng office ay kitang-kita ko na ang matatalim nilang titig sa akin. Ang tatlong leaders ay nasa harap na ng bulletin at mukhang dalawa na lang kaming hinihintay.

Bago ako lumapit sa kanila ay ipinusod ko muna ang aking buhok. Nang matapos ay akmang aalis na sana ako ngunit naudlot ’yon nang makita ko mula sa aking peripheral vision na may nagmamasid sa akin.

Hindi ko pinahalata ang pagdukot ko ng shuriken sa aking bulsa. Nang makapa ko ito ay inaral ko ang pwesto niya para siguradong tatama ito sa kalaban. Isang segundo… dalawang segundo… at tatlo! Walang pakundangan kong inihagis ang shuriken sa gilid ko ngunit bumagsak lang ’yon sa sahig nang barilin ito ng kalaban.

Masama kong tiningnan kung saan nanggaling ang putok ng baril. Gano’n na lang ang pagkamangha ko nang makitang may hawak nang baril si Zio. Napakabilis din pala ng reflexes nito. No wonder kung bakit niya ipinagmamalaki ang title niya.

“Woah! May nag-aaway ba rito?” tanong ni Caz.

“Master, kalmahan mo lang. Hindi tayo nananakit ng babae, remember?” singit naman ni Jerome, na nalaman ko ang pangalan based sa bulungan ng mga tao kanina. Ibinaba naman ni Zio ang baril niya at masamang tumingin sa akin.

“Hindi naman ako ang nauna. Binato niya ako ng shuriken at prinotektahan ko lang ang sarili ko,” depensa niya.

“Pasalamat ka’t hindi espada ang ibinato ko sa ’yo. Wala ka na sanang ulo ngayon,” banta ko, at saka siya nginisian. “Sa susunod kasi ay ’wag kang natutulala sa akin kung ayaw mong mamatay nang maaga.”

Tinalikuran ko siya at pumila sa pinakauna ng pila. Since leader lang ng bawat grupo ang pwedeng mamili ng assigned mission, kami lang din ang maaaring kumuha nito.

“Welcome, my Assassins!” a voice from the speaker greeted. “Nariyan na sa bulletin ang mga misyon na pagpipilian ninyo. Alam kong nagtataka kayo sa biglaang pagpaparamdam ko ngunit gusto ko lang ipaalam sa inyo na may naisip akong bagong pakulo para sa mga butihing Assassins ko.”

“Supremo, pagpapalitin mo na ba kami ng style ng damit? Napakainit kasi ng suot namin!” ani Georgie; a member of Venom.

“Sang-ayon ako sa kanya, Supremo, dahil maaari lang naming tanggalin ang mask at cloak ’pag nasa loob ng office ngunit hindi namin maaaring tanggalin sa labas! Napakainit na nito,” maarteng ani Ariessa; from Blazer and Forester’s current fling.

“Manahimik kayo! Walang sinuman ang maaaring magdikta sa dapat kong gawin!” sigaw ng malalim na boses mula sa speaker. “Dahil pinangungunahan ninyo ako ay hindi ko na itutuloy pa ang pagdadagdag ng perang makukuha ninyo sa bawat misyon!”

Iyon ang huling salita ng Supremo at hindi na nasundan pa. Sh*t talaga ang Ariessa na ’yon! Pera na, naging bato pa!

Inis kong binalingan ng tingin si Ariessa na ikinaputla ng mukha niya. Walang pasabi akong tumakbo papunta sa kanya at hinugot ang single-pronged hairpin ko. Inis kong inamba ’yon sa dibdib niya ngunit bago ko pa siya tuluyang masaksak ay agad akong napigilan ng dalawang kamay. Tig-isa sila na nakahawak sa dalawa kong kamay.

Nang binalingan ko sila ay nakita kong nagsusukatan sila ng tingin. Pumalag ako kaya naputol ’yon at sabay nila akong inilayo kay Ariessa.

“Napaka-war freak mo talaga,” bulong ni Zio, ngunit napakinggan ko pa rin ’yon at sinamaan siya ng tingin.

“Bitawan n’yo nga ako!” sigaw ko, at kumawala mula sa pagkakahawak nina Zio at Caz sa kamay ko.

Binitawan naman nila ako ’tulad ng gusto ko. Matapos ’yon ay lumapit ako sa bulletin board at basta na lang kumuha ng envelope roon at umalis na. Badtrip!

Pagdating ko sa office ay pabagsak akong umupo sa swivel chair ko at inilagay ang envelope sa ibabaw ng office table ko. Itinaas ko rin ang aking paa at kinuha ang espada. ’Tulad ng lagi kong ginagawa, trinace ko muli ang talim ng aking espada gamit ang hintuturo. This is how I release my stress.

Ilang minuto pa lang akong nakaupo roon nang makarinig ako ng pagkatok mula sa labas. “Pasok!” I shouted. Ilang segundo lamang ay narinig ko nang bumukas ang pinto. Bawat paghakbang niya ay naririnig ko hanggang tuluyan na siyang makarating sa harap ko. Iminulat ko ang aking mga mata at matalim na tiningnan ang taong nasa harap ko.

“Ano’ng kailangan mo?” tanong ko. Ibinaba ko naman ang aking espada sa lamesa at humalumbaba habang nakatingin sa kanya.

May dinukot siya sa kanyang bulsa at saka inilagay ’yon sa lamesa. Nang tingnan ko ang bagay na inilapag niya roon, nakita ko ang aking gold single-pronged hairpin na gagamitin ko sanang pangpatay kay Ariessa kanina. This hairpin means a lot to me.

“I think this belongs to you, Midnight Blade.”

“I don’t usually say this, but since you did me a favor… Thank you, Night Bullet.”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status