Share

Chapter 4: Golden Bullet

BRIANNA ZAFFRIE COLTON

“Ang taray ng Momshie mo Zaffrie! A hairpin delivery from Night Bullet!” pang-aasar ni Cath, at saka sinipat ang board kung saan siya babato ng dagger.

“Manahimik ka na lang d’yan, Catherine, kung ayaw mong sa ’yo ko ihagis ’tong dagger ko,” pagbabanta ko, at saka hinagis ang natitira kong dagger. Bull’s eye!

Dahil ubos na ang pantira ko ay pumunta na ako sa loob para hugutin sa board ang mga daggers ko. May iilang dumaplis sa akin na naiwasan ko naman agad. Masama kong tiningnan ang tatlo na sablay tumira… o baka naman ay sinasadya nila.

“Tapos na ang training. Tara na at pag-aaralan pa natin ang nakuha kong misyon,” I announced, at nauna nang lumabas ng training arena.

Habang naglalakad pabalik sa office ay maraming Assassins ang bumabati sa akin. Kahit nakasuot ako ng usual outfit ko with cloak and mask ay nakikilala pa rin nila ako dahil nag-iisa lamang ako na may touch of gold ang suot. Bilang Assassins ay kailangang naka-all black kami para maayos na makapag-blend sa paligid lalo na sa gabi, pero dahil mahilig ako sa gold ay ’yon ang isinusuot ko. At least naka-black pa rin.

Pagdating ko sa office ay kinalkal ko agad ang mga gamit ko para hanapin ang envelope, ngunit nang makita ko ’yon ay nasa ibang lagayan na. Siguro ay pinakielaman na naman ng tatlo.

Nilabas ko lahat ng dokumento na nasa loob ng envelope. Pictures, documents and evidences ang laman n’on. Isa-isa kong tiningnan ’yon hanggang dumating ako sa pictures.

“Of all people, bakit sa amin pa napunta ito? Sa Gunster dapat ang misyon na ’to.”

“Momshie! We have something to tell–”

Hindi na naituloy ni Frizza ang sinasabi niya nang makita nila akong seryosong nakatingin sa kanila. Nabasa nila ang ibig kong sabihin kaya umupo na sila sa sofa. Tumayo ako habang hawak ang papel na naglalaman ng main mission namin.

“I read these documents and I learned that this mission isn’t suitable to our group. I suggest that we need to trade this mission to the Gunster,” sabi ko, na ikinalaki ng mga mata nila.

“Ano ba ang misyon natin, Momshie, at handa kang ipagpalit ang misyon natin sa kinasusuklaman mong grupo?” kunot-noong tanong ni Frizza.

Inabot ko sa kanila ang papel na hawak ko, dahilan upang magtabi-tabi sila at sabay-sabay na basahin ’yon.

“Steal the Golden Bullet came from Princess Golden Wasovich Cazburn’s heart.”

Sabay-sabay na tumingin sa akin ang tatlo at pare-pareho lang sila ng ekspresyon; nakakunot-noo at nakabukas ang bibig. Nang matauhan siguro si Frizza ay agad siyang lumapit sa akin at itinukod ang kamay niya sa office table ko para suportahan ang katawan niya.

“Hindi ba’t bali-balita na matagal nang sarado ang kasong ’to? Bakit parang nauungkat na naman? At saka hindi natin trabaho ’to dahil pagpatay lamang sa mga criminal ang ginagawa natin,” pag-apela ni Frizza.

Tumayo na rin si Thyrie. “Paano ba ’to nakalusot kay Papa Supremo? O baka naman may ibang nagpalit ng misyon natin?”

“Imposible ang sinasabi ninyo. Ako lang ang may kopya ng susi ng office at wala nang iba,” confused kong sagot. Napa-crossed arms ako habang naglalakad pabalik-balik sa iisang pwesto hanggang tumigil ako sa tapat ng tatlo. “Kung totoo man ang sinasabi ni Thyrie, it’s between the three of you. One of you might be the mole of this group.”

Mabilis pa sa alas kuwatro ang pagtaas nila ng dalawang kamay. “Wala kaming kinalaman d’yan, Momshie! Magkakasama tayong tatlo buong araw,” ani Cath.

Nilapitan ko si Cath habang matalim ang tingin sa kanya. “Why don’t you look on the other side? An ally might be the one who gave this to us,” sabi ko, at lumayo na rin sa kanya. “Kidding aside! Let’s just focus on our mission, kung paano mapapalitan ’to or magplano na lang tayo kung ano’ng gagawin natin dito.”

🗡️

I’m currently wearing my all black outfit but with a touch of gold: mask, tank top, ripped short skirt with an excess long cloth behind, above the knee socks, gears for my every single joints and my leather boots. I also wear my favorite leather belt where my other weapons are hidden.

“Mukhang mapapalaban tayo rito, Momshie,” ani Frizza, habang pinapakintab ang espada niya.

Hinugot ko ang aking espada at inilandas ang aking hintuturo sa talim n’on. It’s been a while since I used my sword to kill people. And yes, we kept our mission.

“Saan nga uli ang location ng bala?” tanong ni Cath.

“Kung tatanggapin natin ang misyon na ’to, what are the advantage and disadvantage of this? Will it benefit us?” tanong ni Thyrie

“Pabor sa atin ang misyon na ’to dahil dito lang din sa city naka-locate ang hahanapin natin. I know for sure na sa mansion lang nila nakatago ’yon.”

“At the Cazburn’s Royal Mansion that is located here in Geordan.”

“Bakit hindi na lang natin bigyan ng bala ang nagpa-misyon at i-spray paint na lang natin? Hindi ba’t less effort ’yon?” Thyrie suggested.

“We can’t fool Supremo. For sure ay maraming mata ’yon sa loob at labas ng Underworld,” I said, as I contradicted his suggestion.

“Okay, wala nang atrasan ’to!” Lumabas na kami ng Underworld at sumakay sa inarkila naming van. When we were about to go, I stopped Thyrie.

“Hintayin ninyo ako rito, nakalimutan ko ang hairpin ko,” sabi ko. Hindi ko na sila hinintay na sumang-ayon pa at mabilis akong bumaba ng van.

🗡️

While on our way, normal lang ang paligid namin not until I accidentally looked at the rear view mirror. Someone is following us.

“Thyrie, iliko mo ang van sa sunod na kanto,” utos ko, habang nakaturo sa isang kanto na ikinakunot ng noo ni Thyrie.

“Why would I do that? Maliligaw tayo dahil walang daan d’yan na papunta sa city.”

“Sundin mo na lang!” I shouted, kaya dali-daling sinunod ni Thyrie ang sinabi ko. “Huli ka.”

Walang pasabi kong binuksan ang pinto ng van kahit patuloy pa rin itong tumatakbo. Akmang ititigil sana ni Thyrie ang pagmamaneho ngunit sinigawan ko siya kaya itinuloy na niya.

Pagdungaw ko pa lang sa labas ay mabilis ko rin ipinasok ang ulo ko nang magsimulang magpaputok ang mga kalaban. Mula sa pocket ng belt ko ay naglabas ako ng tatlong shurikens at sunod-sunod na ibinato ’yon sa kanila. Mula sa likod na salamin ng van ay nakita ko ang paggewang-gewang ng sinasakyan nila dahil tinamaan ng shuriken sa leeg ang lalaking nagmamaneho. Bumangga ito sa isang basurahan.

“Maghanap ka ng daan palabas sa kantong ’to para makabalik tayo sa dating dinaraanan natin,” utos ko, na agad namang sinunod ni Thyrie.

Dahil sa tulong ng mapa ay nakahanap din si Thyrie ng ruta palabas ng kantong napasukan namin. Muli kaming bumalik sa daan na tinatahak namin kanina.

“You should be alert, Thyrie. Naturingan kang Assassin pero mahina kang makaamoy ng kalaban na sumusunod sa atin,” panlalait ko, habang pinapaikutan siya ng mata.

🗡️

“Wow, d’yan ba talaga nakatago ang bala? E parang isang taon tayong maghahanap d’yan sa sobrang lawak at laki ng mansion nila, e,” manghang ani Thyrie, habang nakanganga ang bibig at pinaiikutan ng tingin ang lugar.

“Mansion lang ba talaga ’yan o palasyo na?” ani Cath.

“G*ga! Mag-isip ka nga, Catherine. Saan ka makakakita ng dalawang Reyna at Hari sa iisang bansa lang?” ani Frizza, at binatukan si Cath dahilan upang samaan siya ng tingin nito.

Napailing na lang ako at napahilamos sa mukha dahil sa frustration. Dahil sa inis ay iniwan ko sila roon at mag-isang tinahak ang kasalungat na direksyon ng palasyo– ang gubat.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status