“Hintayin ninyo ako rito, nakalimutan ko ’yong hairpin ko,” sabi ko. Hindi ko na sila hinintay na sumang-ayon pa at mabilis akong bumaba ng van.
Kasalukuyan akong naglalakad papasok sa Underworld nang biglang mag-ring ang cellphone ko. Pinindot ko muna ang elevator’s button bago tiningnan kung sino ang tumatawag.
Unknown Number is calling…
“Sino kaya ’to?” kunot-noong tanong ko, at ipinasok na muli ang aking cellphone sa bulsa.
Nang makababa ang elevator papunta sa Underworld ay halos takbuhin ko na distansya nito papunta sa aming office.
“Midnight Blade! Midnight Blade!” a voice from behind shouted.
Nilingon ko siya at nakita ko ang pamilyar na outfit nito. “Yna, bakit?”
Nang makalapit siya sa akin, halos mapigtal ang litid ko sa lakas ng pagsampal niya. Lumingon ang ulo ko sa kabilang direksyon at agad naramdaman ang hapdi nito sa aking pisngi. Napahawak ako roon at masama siyang tiningnan.
“How dare you?!”
“How dare you!” she shouted while emphasizing each words, at dinuro-duro pa ako. “Inagaw mo na nga sa akin ang pagiging leader ng Fencer, pati ba naman si Night Bullet ay papatusin mo na rin?!”
Napanganga ako at sarcastic na tumawa. “Napakababa rin talaga ng pagkatao mo, ano? You slapped me because of a boy? Oh come on, Yna…” natatawang sabi ko, at pumalakpak pa dahil sa amazement. Ilang sandali lamang ay sumeryoso na ang mukha ko at tiningnan siya nang masama. Nilapit ko ang aking mukha sa kanyang tainga. “Hindi ka pa rin nagbabago, you’re still the second best.”
Matapos ’yon ay tinalikuran ko na siya at pumasok na sa aming office. Agad ko namang namataan ang naiwan kong hairpin sa ibabaw ng envelope na pinaglalagyan ng mission namin.
Akmang aalis na ako nang makuha ko ang aking kailangan nang maagaw ng isang papel na bahagyang nakalabas ang pansin ko. Nilapitan ko uli ’yon at kinuha mula sa loob ng envelope.
“We traveled the sea far and wide. At one time, two of my sailors were standing on opposite sides of the ship. One was looking at the West and the other one on East. And at the same time, they could see each other clearly. How can that be possible?” pagbasa ko sa nakasulat sa papel.
Kasama ba talaga ’to sa envelope na ’to? Bakit hindi ko ’to nakita kanina? At ano’ng ipinahihiwatig ng riddle na ’to? Is it possible na ang magiging sagot ng riddle na ’to ay ’yong exact location ng bala?
When I was about to go, I stopped when my phone rang. Nang tingnan ko ’yon ay nakita kong ’yong unknown number na naman ang tumatawag sa akin. Dahil sa inis ay padabog kong sinagot ang tawag niya.
“Ano ba?! Nakakaabala ka na, e!”
“Napakaganda mo pa rin talagang bumati, Zaffrie. Hindi ka pa rin nagbabago, still a hot tempered brat,” tumatawang sambit ng malagong na boses mula sa kabilang linya.
“Sino ka ba? Kanina ka pa tumatawag e ayoko ngang sagutin.”
“Why did you answered my call, then?” pang-aasar niya, at narinig ko muli ang tawa niya. “Kidding aside… I want to tell you na nandito na ako sa Underworld ngayon. Magkikita na uli tayo, mahal kong kapatid.”
Awtomatikong nanlaki ang aking mga mata dahil sa sinabi niya. “Jill?”
“Ako nga, ate.”
“Kailan ka pa pumasok dito? Nasaan ka ngayon?” sunod-sunod kong tanong.
“Pumunta ka sa East wing at lakarin mo ’yon hanggang makarating ka sa gitna ng East at West wing,” utos niya, kaya dali-dali akong lumabas ng office at naglakad patungo sa East wing.
Para hindi masayang ang oras ko, habang naglalakad ay iniisip ko na rin ang maaaring maging sagot sa riddle na kasama ng envelope.
We traveled the sea far and wide…
Nakakainis naman kasi at napakaraming arte nitong si Jill. Pwede namang dito na lang siya sa North makipagkita para malapit lang dito sa office.
Hindi ko na sinayang ang oras at tinakbo ko na lang ’yon mula North wing hanggang East wing. Nang nasa bukana na ako ng East wing ay muling nag-ring ang cellphone ko na agad ko namang sinagot.
“Nasaan ka na–”
“Nasa likuran mo na ako…”
Agad akong lumingon sa likod at nakita ko ang silhouette ng isang lalaki na naglalakad papunta rito sa bukana ng East wing.
At one time, two of my sailors were standing on opposite sides of the ship. One was looking at the West and the other one on East…
“Matagal kong hinintay na mamukhaan at makilala mo ako, ate,” ani Jill nang makalapit.
Dahil malapit na siya sa akin ay naaninag ko na rin ang mukha niya. Ibang-iba na ang itsura niya ngayon kumpara sa madungis at mukhang napabayaang bata.
And at the same time, they could see each other.
“Because we’re facing to each other!” pasigaw kong sambit, at napatalon pa ako sa tuwa.
Nang tingnan ko si Jill ay nakita kong nakakunot na ang noo niya at mukhang nawiwirduhan sa ginagawa ko.
“Mag-uusap tayo pagtapos ng mission namin,” sabi ko, at tumakbo na palayo sa kanya. We have missions to complete at alam ko na kung nasaan ang bala.
🗡️
Napailing na lang ako at napahilamos sa mukha dahil sa frustration. Dahil sa inis ay iniwan ko sila roon at mag-isang tinahak ang kasalungat na direksyon ng palasyo– ang gubat.
The Cazburn’s Royal Mansion is located at the East while the forest is at the opposite of it– at the West. It means that the golden bullet was hidden inside the forest.
“Momshie, bakit mo kami iniwan doon?” hinihingal na tanong ni Cath, nang makahabol sila sa akin. Narito na kami ngayon sa bukana ng gubat.
“Ano’ng ginagawa natin dito? Hindi ba’t nasa loob ng mansion ang bala?” tanong ni Frizza, habang nililibot ang tingin sa paligid.
I gestured my hand kaya napatahimik sila. Naglakad-lakad ako sa harap niya habang naka-crossed arms.
“Ganito ang gagawin natin…”
Nagkumpulan kami at sinabi ko sa kanila ang plano. Kailangan kasi na ako lang mag-isa ang maghahanap ng bala habang sila ay magbabantay at magpoprotekta sa akin kahit ano ang mangyari. I know that there are groups who are against our mission.
Nang maayos na ang plano ay isinuot ko na ang dala kong backpack at naglakad na papasok ng gubat. Madilim ngunit mabilis namang nag-adjust ang paningin ko dahil sanay na ako sa ganito.
Habang naglalakad sa kawalan at kadiliman, tunog lamang ng bawat hakbang ko at mga natatapakang tuyong dahon ang aking naririnig. Ilang minuto rin ang itinagal ng paglalakad ko hanggang matanaw ko ang isang di-kataasang tore mula sa ’di kalayuan.
“Baka ito na ang lugar kung saan nakatago ang bala na hinahanap namin,” mahinang bigkas ko.
Dahan-dahan kong nilakad ang daan patungo roon ngunit nang malapit na ako sa area ay agad akong huminto. May mga armadong lalaking nagbabantay roon at hindi bababa sa sampu ang bilang niyon, siguro ay nasa labing-limang kalalakihan ito. Paano ko ito kakayanin nang mag-isa?
Kinuha ko ang aking bag at hinalungkat ang mga gamit na maaari kong gamitin na panlaban sa mga armadong lalaki, ngunit laking dismaya nang makita kong lubid at isang dagger lang ang laman n’on. Nang ibaba ko ang aking tingin sa bewang ko ay nakita ko naman doon ang espada na palagi kong ginagamit. Pwede na ’to!
Napailing na lang ako at walang nagawa kundi kunin ang aking dagger at espada. Sa kaliwang kamay ay hawak ko ang aking dagger at sa kabila naman ay ang aking espada.
Ipinosisyon ko na ang aking sarili para sa magaganap na labanan. Tumingala muna ako sa madilim na kalangitan at saka kumaripas ng takbo patungo sa mga kalaban. Please guide and protect me throughout this mission.
“Miss, bawal–” hindi na naituloy ng lalaki ang sinasabi niya nang pinaglandas ko ang talim ng dagger ko sa kanyang leeg. Agad naman bumulwak ang masaganang dugo roon na nasundan ng pagpapaputok ng kanilang mga armalites.
Dahil mas marami sila, puro sangga lamang gamit ang aking mga sandata ang ginagawa ko at kapag nakahanap ako ng tiyempo ay saka ako umaatake. May ilang dumadaplis na bala sa akin pero hindi ko na inalintana ang sakit.
Nang maubusaan sila ng bala, hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon at tumakbo nang napakabilis. Pinagaan ko ang aking katawan at tumalon, dahilan upang magpaikot-ikot ako sa ere. Bago ako tuluyang bumagsak sa lupa, itinarak ko ang aking dagger sa ulo ng isang lalaki at hiniwa gamit ng espada ko ang isa pang lalaki.
Bumagsak ako sa lupa at nakitang walo pa ang natitirang mga lalaki. Naglabas sila ng espada at sabay-sabay na sumugod na kinaroroonan ko. Hindi ko naiwasang mapangisi at pumamewang habang hinihintay silang makalapit sa akin.
Dalawa ang unang sumugod, inindayugan ako ng hiwa ng isa ngunit agad ko itong nasalag gamit ang dagger. I used that opportunity to use my other hand, carrying a dagger, and slit his throat. A peck of his blood splattered on my face. Pinunasan ko ’yon gamit ang likod ng aking kamay at ramdam ko ang pagkalat nito sa aking mukha. I really like how smelly their bloods are.
Hindi ko pa natatapos ang pagpupunas niyon nang makarinig ako ng putok ng baril. Nang lingunin ko ang pinanggalingan n’on, nakita ko ang dahan-dahang pagbagsak ng lalaking may hawak na espada na ngayon ay nababahiran na ng dugo. Kasabay ng pagbagsak niya sa lupa ay ang pagkirot ng likod ko. Hinawakan ko ’yon at nakita ang masaganang dugo sa aking palad.
Akmang hahanapin ko pa sana kung sino ang nagligtas sa akin nang may tumalon mula sa itaas ng puno at nalaglag sa aking tabi… It’s Zio! Ano’ng ginagawa niya rito?
Nagtalikuran kami habang hawak-hawak pa rin ang aming mga sandata, ngunit hindi na ’tulad kanina na malakas at maliksi pa ako.
“What are you doing on here? You shouldn’t be interfering with our mission,” inis kong tanong.
“Can you just be grateful that I saved your life earlier?” inis din niyang tanong sa akin, at pinaputukan ang mga lalaking akmang susugod sa amin. “Just focus on your mission without getting stabbed again.” Tuluyan siyang tumakbo pasugod sa mga kalaban habang unti-unti itong inuubos.
Habang abala siya sa pag-ubos ng mga kalaban, sinusubukan ko pa ring lumaban ngunit malalim ang sugat na nakuha ko kaya sa bawat paggalaw ko’y gumuguhit ang sakit sa aking likod.
Nang muli kong lingunin si Zio, agad na nanlaki ang aking mga mata nang makitang may tumatakbong lalaki patungo sa kanya at mukhang hindi niya ito nararamdaman.
Mabilis kong dinampot ang dagger na nahulog ko kanina at ibinato ’yon sa kinaroroonan ng lalaki. Agad namang tumarak ang dagger sa ulo nito bago niya pa masaksak si Zio… at bumagsak sa lupa.
“Headshot!”
BRIANNA ZAFFRIE COLTON Bumagsak ang lalaki at kumalat ang dugo niya sa lupa habang nakatarak pa rin ang dagger ko sa kanyang ulo. Hingal na hingal na tumakbo palapit sa akin si Zio at inalalayan ako sa likod. “You’re bleeding,” aniya, habang nakatingin sa kamay niyang puno ng dugo ko. Punong-puno ng pag-aalala siyang tumingin sa mga mata ko. “May first aid kit ka bang dala?” Umiling ako bilang sagot. “Stupid.” Dahan-dahan niyang hiniga ang likod ko sa hita niya at pinunit ang laylayan ng kanyang damit. Muli niya akong hinawakan at maingat na pinaupo ngunit hindi ko maiwasang mapangiwi nang kumirot ang sugat ko. “Tiisin mo ’to.” Maingat niyang ibinenda ang kapirasong tela sa sugat ko. Hindi ko naiwasang mapasigaw nang hinigpitan niya ang pagkakatali nito upang tumigil sa pagdurugo. Nang matapos ’yon ay hinang-hina akong sumandal sa dibdib niya, dahilan upang medyo mapaiktad siya. “Let me rest on your chest for a while,” I said, at wala na akong natanggap na apela niya hanggang tul
DZION WILLIAM MHRIZ “Kumusta si Midnight?” Iyon agad ang bumungad sa akin nang makapasok ako sa loob ng office namin. Dinakuan ko ng tingin si Caz na kasalukuyang kunot-noong nakatingin sa akin. “Bigla siyang nag-hysterical at nawalan muli ng malay,” simpleng sagot ko, at nakita ko ang biglaang pagtayo niya sa peripheral vision ko. “What did you do?!” galit na aniya, at hinawakan pa ako nang mahigpit sa kwelyo. I grinned. “Do you like her?” I asked. Biglang lumambot ang ekspresyon niya at pabarog akong binitawan. Bahagya naman akong napaatras sa ginawa niyang iyon. “Ano ba, Caz! Baka nakakalimutan mong leader natin ’yan at isa siyang Prinsipe sa labas ng Underworld,” pag-awat ni Jerome. “I don’t f*cking care. Bullsh*t Royalties and their rules!” galit na ani Caz, at padabog na lumabas ng office. “Mukhang tinamaan ng espada ni Midnight. Sapul sa puso e,” natatawang ani Terson, pero agad din siyang huminto nang makita niyang masama akong nakatingin sa kanya. Huminga ako nang mal
DZION WILLIAM MHRIZ “Handa na ba kayo?” I asked, habang naglalakad kami palabas ng Underworld. “Kailangan nating maghiwa-hiwalay mamaya para mas mabilis matapos ’to. I already assigned you to your respective parts and who will be your companion.” “Aye, aye, Master!” sabay na sigaw nina Terson at Jerome at nag-salute pa. Hays, mga siraulo talaga. We parted ways when we reached the parking lot. I hop into my car. Dinukot ko mula sa aking bulsa ang kapirasong papel na naglalaman ng clue para sa misyon naming ito. “Ako ang tagalutas ng problema.” I read it several times, but I still don’t get it. I was in the middle of thinking who the hell is the culprit when my phone rang. “I have something for you, Prince Dzion,” Dex said, and ended the call. Inis kong hinampas ang stirring wheel ng kotse ko na naglikha ng malakas na tunog dahil sa busina, at saka ko ito pinaharurot ng paalis. 🗡️ “What is it this time, Dex?” I asked, when I arrived at her office. Lumapit siya sa akin at ibin
BRIANNA ZAFFRIE COLTON “Momshie ano’ng misyon ang nakuha natin?” tanong ni Thyrie nang makabalik ako sa office. Umupo ako sa swivel chair at itinaas ang paa sa table saka binuksan ang envelope na naglalaman ng misyon namin. Binasa ko ang nilalaman niyon at hindi ko naiwasang makaramdam ng kirot sa dibdib. “It’s an animal serial killing and we need to assassinate the culprit,” I explained. “Napakawalang-puso naman ng tao na ’yan, pati mga hayop ay idinadamay,” umiiling na ani Cath. “Fencers, be ready. Iisa lang ang serial killer, pero marami tayong makakalaban. For sure there are groups who are assigned to protect the culprit.” Lumabas na sila para kumuha ng mga armas sa weapon room ng Fencers, habang ako ay isa-isa kong tiningnan ang mga documents na kasama ng misyon namin. Together with our mission, there is a picture of a cell. Ano’ng kinalaman ng kulungan na ito sa misyon namin? Is it one of the clue where we can find the culprit? Tumayo ako at lumabas ng office habang dala-
BRIANNA ZAFFRIE COLTON “Paano ba ’yan, Gunster, ako na naman ang nagwagi,” mapang-asar na sambit ko nang tuluyang mawalan ng buhay ang killer. “We are supposed to make her surrender, pero sa ginawa ninyong pag-atake, we failed to save her from your wrath,” ani Caz. Agad niyang naagaw ang pansin ko. Nilapitan ko siya at tiningnan ang leeg niyang nagkaroon ng kaunting laslas dahil sa ginawa kong pagbato ng shuriken kanina. Mula sa gilid ng mga mata ko, nakita ko kung paano ako tingnan nang masama ni Night Bullet. I turned my gaze to him, pero hindi siya nagpaawat. “Is there a problem, your highness?” I curiously asked, dahilan upang bumalik siya sa katinuan. “W-wala… May iniisip lang ako,” nauutal na sagot niya. “Gunster, let’s go. Bumalik na tayo sa Underworld.” After that, iniwan na nila ako roon at umalis na. Naglakad na rin ako paalis at para puntahan ang Fencers na nakikipaglaban pa rin base sa naririnig ko sa earpiece. “Retreat, Fencers, tapos na ang misyon natin dito.” “M
DZION WILLIAM MHRIZ “Dex!” sigaw ko nang makarating ako sa bahay niya. Agad namang lumabas ang mga guards niya at iginaya ako papunta kung nasaan siya. Pagbukas ko pa lang ng pinto ay nakita ko siya sa tapat ng human-sized window ng office niya. Nakatanaw siya sa labas ng bahay. “Bakit hinayaan mong malamangan kami ng Fencers?” Hinarap niya ako. “That ranking was based on your group’s performance,” maikling aniya at marahang naglakad palapit sa akin. “Did your group did well?” Natahimik ako sa tanong niya. Aminado naman ako na puro palpak ang mga nakaraang misyon namin, but I know that she can manipulate the result since she’s the one who’s making it. “’Yan lang ba ang ipinunta mo rito? I didn’t know that you can go this low, kuya, and just for a rank?” “Pumapayag na akong imbestigahan si Midnight Blade.” A smile formed in her lips. “Excellent choice.” 🗡️ Pagbalik ko sa Underworld ay sinalubong ako nina Terson. “Master, may misyon tayong kailangan gawin. Personal na ipinadal
BRIANNA ZAFFIE COLTON “Gumising ka na riyan, Midnight,” pangbubulabog ni Thyrie sa pagtulog ko. Umupo ako sa aking kama at humikab bago siya tiningnan nang masama. “Ano ba, Thyrone?” Hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin dahil abala siya sa paghahalungkat nang kung ano sa loob ng cabinet ko. Dahil sa inis ay kinuha ko ang ang dagger sa bed side table ko at binato ’yon sa kanya. Daplis lang ’yon para makuha ang atensiyon niya. “Balak mo ba akong patayin, Zaffrie?!” sigaw niya habang nakahawak sa kanyang dibdib na parang minasilya naman, pero nagsusuot pa siya ng bra. “Ayaw mo kasi akong pansinin. Ano bang nangyayari? Ang aga-aga ay nangbubulabog ka?” “Nakalimutan mo na ba? My gosh, Zaffrie! Ikaw pa naman ang president ng Student Council tapos nakalimutan mo kung anong ganap ngayon?” “Bakit hindi mo na lang sabihin? Ang dami mo pa kasing sinasabi, hindi ako manghuhula.” “Tomorrow is our foundation day sa school, don’t you remember? Today is our preparation day for the event
DZION WILLIAM MHRIZ “Maayos na ba ang lahat?” tanong ko sa kanila. “Ayokong magkaroon ng abeerya mamaya.” “Maayos na. We also build an alliance sa jail booth if ever na walang pumunta sa booth natin ay may maidadala sila,” ani Caz at inayos pa ang salamin niyang nahulog na sa bridge ng kanyang ilong. “Prince Dzion!” sigaw ng isang jail guard na tumatakbo palapit sa akin. “Any suggestions sa susunod na ipapahuli?” Tumingin-tingin ako sa paligid hanggang dumako ang paningin ko sa isang nakakaaga-pansin na mukha ng isang babae. She looks so familiar, but I can’t remember where did I saw her. “Those who are wearing any white clothes,” sagot ko. Umalis na siya, pero ang paningin ko ay nakatuon pa rin sa babaeng naglalakad palayo. “Kilala niyo ba ’yong babaeng iyon?” tanong ko kay Jerome at itinuro ang babae. Nginuya muna niya ang kinakain na hotdog. “Hindi mo ba siya nakikilala? Student Council president natin ’yan. Bakit?” Umiling na lang ako at naglakad na paalis sa booth namin. I d