Share

Chapter 6: Failed Mission

BRIANNA ZAFFRIE COLTON

Bumagsak ang lalaki at kumalat ang dugo niya sa lupa habang nakatarak pa rin ang dagger ko sa kanyang ulo. Hingal na hingal na tumakbo palapit sa akin si Zio at inalalayan ako sa likod.

“You’re bleeding,” aniya, habang nakatingin sa kamay niyang puno ng dugo ko. Punong-puno ng pag-aalala siyang tumingin sa mga mata ko. “May first aid kit ka bang dala?” Umiling ako bilang sagot. “Stupid.”

Dahan-dahan niyang hiniga ang likod ko sa hita niya at pinunit ang laylayan ng kanyang damit. Muli niya akong hinawakan at maingat na pinaupo ngunit hindi ko maiwasang mapangiwi nang kumirot ang sugat ko.

“Tiisin mo ’to.” Maingat niyang ibinenda ang kapirasong tela sa sugat ko. Hindi ko naiwasang mapasigaw nang hinigpitan niya ang pagkakatali nito upang tumigil sa pagdurugo.

Nang matapos ’yon ay hinang-hina akong sumandal sa dibdib niya, dahilan upang medyo mapaiktad siya.

“Let me rest on your chest for a while,” I said, at wala na akong natanggap na apela niya hanggang tuluyan akong lamunin ng kadiliman.

🗡️

“Ano ba kasi’ng nangyari, Papa Night?”

Kahit nakapikit ako ay kilalang-kilala ko na agad ang napakalanding tono ng pananalita ni Thyrie. Siguradong tatalon-talon na naman ang malalanding organs niya sa katawan dahil sa kilig.

Marahan kong iminulat ang aking mga mata ngunit agad din akong pumikit nang masilaw ako sa chandelier ng kwarto ko.

“Gising na si Midnight,” dinig kong sabi ni Frizza.

They used to call me by my name when other people are not around, pero kapag ganitong may iba kaming kasama at miyembro pa ng kalaban naming grupo, code name lang ang maaari naming sabihin. It’s for our own safety rin naman.

Mabilis pa sa alas-kwatrong lumapit sa akin ang tatlo kong kaibigan at nasa likuran lang nila si Zio.

“Maayos na ba ang pakiramdam mo?” tanong ni Thyrie, at tumango naman ako bilang tugon.

“Medyo kumikirot na lang nang kaunti ang mga sugat ko, pero maayos na ang pakiramdam ko,” nakangiting sagot ko. As if naman na makikita nila ang ngiti ko, e may tabon na tela sa kalahati ng mukha ko. “Oo nga pala, paano ako nakabalik dito?”

Sabay-sabay silang lumingon sa direksyon ni Zio. “Your knight in shining armor saved you from death. You should thank him, Midnight,” mapang-asar na sagot ni Catherine, kaya sinamaan ko siya ng tingin. “Um… guys, parang gusto ko ng drinks,” pagbawi niya, at tumingin kina Thyrie at Frizza. “Gusto n’yo rin ’di ba?” Umiling ang dalawa, pero wala na silang nagawa nang hilahin sila ni Cath palabas ng kwarto ko.

Nabalot ng katahimikan ang kwarto ko nang umalis ang tatlo kong kaibigan. Hinila ni Zio ang upuan palapit sa tabi ng kama ko at doon siya umupo.

“Masakit pa ba?” tanong niya, at hindi ko naiwasang paikutin ang mga mata ko.

“Ikaw kayang hiwain ko ng espada sa likod ’tapos tatanungin din kita kung masakit,” I sarcastically said while rolling my eyes.

I heard him chuckled at halos kumawala ang puso ko nang marinig ’yon. Even his laugh is as handsome as him. What a perfect man. Kung ibang babae siguro ako, I’ll be the one to make a first move.

“By the way, did I succeed in our mission?”

Umiling siya, dahilan upang manlumo ako. So, they did and we lose.

“I know what you’re thinking. We lose too. Blazer ang tumapos ng misyon na hindi mo napagtagumpayan.”

“Mabuti naman kung gano’n. Makakatulog pa rin pala ako nang maayos mamaya lalo na’t nalaman ko na natalo ka ng grupong mas mababa sa inyo,” I said with a grin on my lips.

“It’s fine with me. Don’t ever think that I’ll go low as you are whenever we succeed a mission against your group.”

Sa ’di malamang dahilan ay naramdaman ko ang biglang pagkulo ng dugo ko. Awtomatikong gumalaw ang aking kamay papunta sa ulo ko ngunit laking dismaya ko nang hindi ko nakapa ang gold single-pronged hairpin na palaging nakatusok sa buhok ko.

Inis kong hinilis paalis ang mga nakalagay na gamit sa ibabaw ng bed side table ko, dahilan upang lumikha iyon ng napakalakas na tunog ng pagkabasag ng mga gamit. Biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko at iniluwa niyon ang tatlo kong mga kaibigan at mababakas sa kanilang mga mukha ang pag-aalala.

“Midnight!” saway ni Frizza, pero hindi ako nagpaawat.

“Papa Night, lumabas ka muna bago pa lumala ang sitwasyon,” mahinahong pakiusap ni Thyrie, kaya walang nagawa si Zio kundi lumabas.

“Ano bang nangyayari sa ’yo, Zaffrie?!” pagpapagalit ni Thyrie sa akin, pero hindi ko siya sinagot.  Hinang-hina akong sumandal sa headboard ng kama ko at doon ay muli akong nilamon ng kadiliman.

🗡️

Madilim na paligid, nagsisigawang mga tao, isang ring sa loob ng arena at dalawang taong itinataya ang kanilang buhay para lang makapaglibang ng mga manonood. Pinagpupustahan at hinahatulan kung sino lang ang nararapat mabuhay.

“One! Two!” pagbilang ng referee habang pinapanood ang unti-unting pagkamatay ng isang lalaki. “Three!” kasabay ng huling pagbilang ay siya namang pagtunong ng bell.

Isa lang ang ibig sabihin nito… katapusan na ng kaawa-awang lalaki.

“M-maawa kayo… gusto ko pang ma–”

Alingawngaw ng isang baril ang pumigil sa pagmamakaawa ng lalaki. Umagos ang masaganang dugo sa loob ng ring habang ang mga tao ay tila walang pakialam sa taong binawian ng buhay.

“Para sa huling round ng Underground Combat Fight…” muling sambit ng announcer. “…makakasama natin ang nag-iisang anak at tagapagmana ng Diorama Mafia Clan, Christian Diorama!”

Agad binalot ng sigawan ang buong arena nang lumabas ang isang lalaking matangkad, makinis at may napakalaking pangangatawan. May bitbit itong sniper riffle habang ang mga bala naman nito ay nakapulupot sa kanyang katawan.

“Diorama! Diorama!”

Makikita sa hilera ng mga VIPs ang ama nito na nagpapatakbo ng iba’t ibang sindikato at siya ring Mafia Lord ng Diorama Clan.

“At ang magiging katunggali… isang misteryosong tao na gumagamit lamang ng kutsilyo sa pakikipaglaban ngunit nangunguna at pinakamalakas na underground fighter sa buong Underground Society!” pakilala ng announcer at sinasabayan pa ito ng drum roll. “Midnight Blade!”

Mula nang mamatay ang mga magulang ko at mahiwalay ako sa aking kapatid, pinilit kong buhayin ang aking sarili nang sa gayon, kapag dumating ang tamang panahon ay makapaghihiganti ako sa mga taong sumira ng pamilya ko at pumatay sa aking mga magulang.

When I am in the darkest part of my life, there, I met Forester Valeria. Tinulungan niya ako sa pagpapatuloy ko sa buhay. Ipinasok niya ako sa Underground Society at hinasa ang aking kakayahan sa pakikipaglaban.

Nang matuto ako, nabuhay kami sa pakikipaglaban sa mga maiimpluwensyang Mafia Clan at underground fighters hanggang tinagurian akong Midgnight Blade dahil sa pakikipaglaban ko na ang tanging sandata ay kutsilyo lamang.

“Midnight! Midnight!” sigawan ng mga tao, at halos mawala na ang boses ng mga taong sumusuporta sa kalaban ko.

Masama akong tiningnan ni Diorama habang nilalagyan ng bala ang sniper riffle niya. Ngumisi ako kahit hindi niya makikita dahil sa bagay na nakatabon sa aking mukha.

Maangas kong pinaglandas ang talim ng dagger ko sa aking hintuturo na nagdulot ng hiwa sa aking balat. Hindi ko alintana ang sakit at mas ngumisi pa nang makita ang galak sa kanyang mukha habang pinapanood ang pagtulo ng dugo sa aking daliri.

“Tingnan natin kung makakangisi ka pa nang ganyan mamaya,” natatawang bulong ko sa aking sarili.

“Kaya mo ’yan, Midnight!” sigaw ni Forester or Blaze sa Underground Society. After years of our friendship, our feelings developed and we became lovers.

Nagsimula na ang countdown na makikita sa napakalaking screen ng arena. Mas lalong lumakas ang sigawan ng mga tao habang unti-unting nababawasan ang segundo ng isang minute.

Three… two… one…

“Let the fight begin!”

Hindi pa nakakababa ng ring ang referee ngunit agad na akong pinaulanan ng bala ni Diorama. Sa ilang taong pakikipaglaban ko sa arena na ito ay hindi ako nakakita ng malinis na laban.

Depensa at pag-iwas lamang ang ginagawa ko habang patuloy niya akong pinapaulanan ng mga bala. His gun has limitations.

Nang dumating na ang oras na hinihintay ko; ang pagkaubos ng bala ng baril niya, ginamit ko ang pagkakataong iyon para sumugod.

Natataranta niyang nilagay ang mga bala sa kanyang baril, ngunit dahil sa pagmamadali niya ay lalo lang tumatagal ang pag-reload niya.

Nakangisi akong tumakbo palapit sa kanya at inindayugan siya ng saksak ngunit mabilis siyang nakaiwas. Gumulong ako at hindi nag-aksaya ng pagkakataon. Dumukot ako ng shurikens sa aking bulsa at sabay-sabay siyang binato nito.

May ilan siyang nailagan ngunit hindi siya makakaligtas lalo na’t napakarami kong ibinato sa kanya. Nagkaroon siya ng ilang malalalim na sugat pero hindi naging sapat iyon para mamatay siya.

Tumayo ako at pinaikot ang dagger sa aking mga daliri at mapang-asar na naglakad palapit sa kanya. Takot at pangamba ang nakikita ko sa mga mata niya ngayon. Nanginginig pa rin ang mga kamay niya habang nire-reload ang kanyang baril.

Nang malapit na ako sa kanya, ibinuwelo ko ng hagis ang dagger ko, ngunit bago ko pa ’yon magawa ay isang alingawngaw ng baril ang aking narinig.

Parang biglang bumagal ang ikot ng mundo dahil nakita ko kung paano unti-unting lumalapit sa akin ang mga balang pinakawalan ng kalaban.

Naiwasan ko ang iba ngunit ang iba ay dumaplis sa aking balat pati na rin sa balabal na tumatakip sa kalahati ng mukha ko.

Ang maingay na paligid pati na rin ang aking kalaban ay biglang tumahimik at napatigil nang makita nila kung paano nalaglag ang kalahati ng balabal sa aking mukha, dahilan upang makita nila ang labi at baba ko. Ginamit ko ang pagkakataong iyon at ibinato ko ang aking dagger patungo sa kalaban ko. Tumama ito sa kaliwang dibdib niya at tuluyan ng nabitawan ang sniper riffle niya.

Dahan-dahan akong naglakad palapit sa kanya at lumuhod sa kanyang harapan upang maging magkatapat lang kami. Hingal na hingal siya at naghihikahos na parang nilalabanan pa si Kamatayan.

“Babae ako pero natatalo ko kayo,” sabi ko, tama lang para marinig niya.

Ngumisi siya ngunit agad ding nawala ’yon nang umubo siya ng dugo.

“I-it’s fine with m-me to lose against a woman, but don’t ever think that I’ll go low as y-you are now.”

Parang nagpanting ang tainga ko dahil sa sinabi niya, pero hindi ko na siya pinatulan dahil mamamatay rin naman siya ngayon at sa kamay pa ng isang babae. Nilapit ko ang aking labi sa tainga niya.

“Bibigyan kita ng pribelehiyong makilala ang babaeng papatay sa ’yo,” mapang-asar kong bulong, pero tumawa lang siya. “Zaffrie Colton, a Princess from Europhia.”

Dahan-dahan akong lumayo ako sa kanya at mababakas ang gulat sa kanyang mukha. Ginamit ko ang pagkakataong iyon para kunin ang sniper riffle at itapat sa ulo niya.

“May you rest in hell, Deviliarama”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status