Share

Chapter 2

"Arkesha Keyshey Larqueza na pinapanganak sa barong-barong noong panahon ng kupong-kupong!"

Nagising ako mula sa malalim na pagtulala dahil sa lakas ng boses ni Marj para lang makuha ang atensyon ko. Tumatakbo pa ito palapit sa akin.

"Ito na 'yong kalahati ng mga chocolates na pinadala ni Adamson sa akin gaya ng pangako ko dahil tinake-over mo ako noong nakaraang gabi." Tuwang-tuwang inabot ni Marj ang tatlong pirasong chocolate bar.

"Kalahati? Eh tatlo lang 'to?” Itinaas ko ang chocolates na hawak. “Anim na chocolates lang ang binigay ni Adamson mo?"

"Ayy hindi ‘no," agad nitong kontra, "Hindi naman gan’on ka-cheap si Adamson. Papayag ba akong maging jowa niya kung gigipitin niya ako ng chocolates. Paano pa ang mga magiging anak namin pag ganun." She laughed. "Kaya tatlong piraso na lang ang natira sayo kasi syempre binigyan ko pa ang buong angkan ni Aleng Gemma para pautangin kami uli sa Avon niya, atsaka syempre bibigyan ko pa sina Bree at Sir D'lo pati yung iba maliban kay Raquel para may matira sayo," mahabang litanya na naman ni Marj.

Napailing na lang ako dahil sa sobrang daldal nito.

"Wuy, tirhan mo ang extra kong inaanak, ah. Padala kamo ng extra niyang ninang na di naka-abot sa binyag niya," tukoy ni Marj kay Noah.

Sobra siyang na-cute-an dito at gusto niyang maging inaanak ito pero dahil bago ko lang naman siya nakilala kaya extra’ng ninang na lang ang tawag niya sa sarili niya. Biro pa nga niya, ipabinyag ko daw uli sa Noah para daw malinis na malinis ang anak ko at pasok na pasok sa langit tapos siya lang ang ninang para siya lang kakain ng lumpiang shanghai na handa.

"Oo na lang, Marj. Sa dami ng sinabi mo parang hinigop mo na lahat ng letra sa buong Pilipinas," tugon ko na lang.

"Ow-kay, ang havey mo d'on sa parteng yun, teh, pero tanggap kita kahit ganyan ka. Charr lang." Parang baklang ani ni Marj dahil sa tinis ng boses.

"Alam mo, kung minsan nagdududa talaga ako sa sexuality mo. Baka bakla ka dati na nagpa-transgender lang, baka dati ka palang Mark na naging Marj," biro ko.

"Ano ka ba. Ni pambayad sa Wifi namin sa bahay ay kinukulang na kami, pang-opera pa kaya ng vagina este cock whatever," prangkang sabi ni Marj.      

Hindi ko na lang siya inintindi at nagsimula nang magpalit ng uniform dito sa maintenance crew room nang may maalala ako.

"Nga pala, d'on ba sa 14th floor ay nililinis mo rin ang office ni President Leigh?" usisa ko sa kanya nang maalala ko.

Napatigil si Marj sa ginagawang paghuhubad at napalingon sa akin.

"Ayy oo, bebs. Kaso inaabot na ako doon minsan nang pasado alas-otso ng gabi ng uwi dahil kung anong oras na rin umaalis si President Leigh," sagot ni Marj.

Napatango ako. "May nakikita ka bang matanda sa loob ng office ni President Leigh?" dagdag kong tanong.

"Matanda? Ayy iba na 'yan, bebs, ah. Wag ka namang manakot nang ganyan dahil ako na lang ang natitira sa gabi pag naglilinis d'on."

"Tangek, hindi yun." I frown. "Natanong ko lang kung may matandang bumibisita sa kanya."

"Presidente siya syempre at di maiiwasan 'yon pero madalas sa lobby o sa labas ng company ang meeting place kung may appointment ka sa kanya,” sagot nito, “Ang alam ko kasi tanging yung secretary niya lang, sina Chairman, at Director Sandoval, pati Sir Freire lang yata ang nakakapasok sa office niya. Maswerte nga ako kasi araw-araw ako d'on."

Secretary niya? Chairman? Director Sandoval? Sir Freire?

"Wae?"

"Huh?" Napatingin ako kay Marj dahil sa sinabi niya.

"Bakit’ ang ibig sabihin nun, in Korean 'wae', gets? Para naman may alam ka sa mundo, simulan mo sa mga langguage, bebs. At hindi yung parang sa Pilipinas ka lang nakatira, tandaan mo nasa mother earth ka rin, teh, ha?" Ang haba talaga kahit kailan kung sumagot nitong si Marj. Pinangaralan pa ako tungkol sa mga lengwahe.

Ikukwento ko sana kay Marj yung tungkol sa nakita ko n’ong nakaraang gabi, nang dumating si Bree na nakasimangot agad ke aga-aga.

"Bwisit!" asik nito, "Kakapasok ko pa lang ng pintuan sa labas ay tinadtad na ako ng De Carlo na 'yan ng mahaba niyang listahan ng mga gagawin ko," she groaned in annoyance, "Bukas talaga magre-resign na ako at di na makatarungan 'to," gigil na gigil na saad ni Bree. Hinagis nito ang bag niya sa locker.

Ang tinutukoy niyang De Carlo ay si Sir D'lo, ang head namin dito sa Maintenance Department.

"Handa ka naman kasing tulungan ni Chino, bebs, eh. Ikaw lang 'tong masyadong pa-bebe," hirit ni Marj.

Si Lin Xuawei o Chino ay isang pure Chinese but Filipino at heart. Isa na rin siya sa mga matagal at parang may mataas na katungkulan na rin sa maintenance department sunod kay Sir D'lo. Matatawag na ring supervisor namin. Sobrang bait ni Chino at may lihim siyang gusto kay Bree. Well, parang hindi na rin lihim iyon dahil alam ng lahat dito sa department na pinopormahan niya si Bree. Kaso itong si Bree bilang ‘mahinhing binibini’ ay pabebe na minsan ay ang sarap na niyang bigwasan para matauhan na walang ibang nagkakagusto sa kaniya kundi si Chino lang.

"Ano? Siya taga-hawak ng lubid na ipupulupot sa katawan ko habang nililinis ko ang buong bintana ng company?" sarkastiko nitong saad.

"Ito Judge bubblegum, bebs, at chillax ka lang nga muna." Inakbayan ni Marj ang kaibigan namin at hinahagod ang likod upang pakalmahin. "Fine, tutulungan kita mamaya ng one-fourth sa mga gagawin mo. Ano-ano ba?" 

Bree heav a lungful sigh. "Linisin ko daw ang bintana ng company sa labas tapos ang rooftop pati ang apat na floor ng parking lot tapos wag ko daw kalimutan ang pesteng office niya atsaka kasama rin sa utos niya na sabihin ko daw sayo Arkesha na pinapatawag ka ni President Leigh sa taas," she enumerated.

Napatigil ako dahil sa sinabi nito at napatingin sa kaniya.

"A-ako? Bakit daw?"

"Bakit di ka na lang umakyat para malaman mo, ‘no?"

Aray, sa sobrang badtrip ni Bree kaya pati ako ay nabalingan niya ng inis.            

Pero sa totoo lang, dahil doon nagsimula na akong kabahan dahil alam ko na kung anong mangyayari. Malaki ang posibilidad na tanggalin na ako dahil sa pagiging usyusera ko n’ong nakaraan.

Anong gagawin ko? Hahanap uli ng bagong trabaho?

Sana pagalitan niya na lang ako kung bakit di ko nilinis ang office niya at bigla na lang umalis. Promise, kakalimutan ko na 'yong nakita ko.

"U-uh miss, mabubunggo k-"

Huh?

Huli na ang lahat nang ma-realize ko na babangga ako sa pader dahil sa sobrang lalim nang pag-iisip ko.

Napahawak ako noo ko dahil sa sakit. I internally groaned in pain.

"Okay ka lang ba, miss?" Agad akong inalayan ng isang lalaki makatayo mula sa pagkakatumba ko at pagkakasalampak dahil sa sobrang katangahan ko.

"Yes, sir. Thank you po." Magalang akong yumukod dito nang makatayo.

"Be careful next time, miss,” ngiting tugon niya.

Hindi ko mapigilang hindi matulala dahil ang gwapo niya. Alam kong may asawa't anak na ako pero nasa stage pa rin naman ako na marunong maka-appreciate ng perfect works of God gaya nang nasa harap ko ngayon.

"Ayos ka lang ba talaga?"

"U-uh, opo. Salamat uli, sir." sabi ko na lang nang magising mula sa pagkakatulala.

"No worries.” He genuinely smile. “Nga pala, ikaw ba ang bagong na-assign na maglilinis dito? Asan ‘yong isang morena?" salita nito kung saan nakatitig lang ako sa perfect structure ng maputi niyang ngipin.

"Ayy hindi po, pinapatawag daw po kasi ako ni President Leigh," sagot ko.

"Ni Miss President? Ikaw ba si Ms. Larqueza from Maintenance department?" usisa niya.

Tango ang naging sagot ko.

"Kanina ka pa nga hinihintay ni Miss President. Let's get inside," pag-aaya niya.

Sa loob? Teka, akala ko ba walang pinapapasok si President Leigh na basta-bastang tao sa office nito.

Hindi na lang ako umimik dahil may sinisigaw ang utak ko na isang tanong.

I cleared my throat. "Kayo po ba ang secretary ni President Leigh?" curious kong tanong.

"Oh, I'm sorry, my bad. I forgot to introduce myself. Yes I'm Alastair, secretary of Miss President Faioli," pormal na pagpapakilala niya.

Kung siya ang secretary, cross out siya sa listahan. Hmm.

"Miss President, andito na po siya." Mr. Alastair respectfully bowed down nang makapasok kami.

Agad na nag-flashback sa utak ko ang mga nasaksihan ko n’ong nakaraang gabi dito mismo sa office niya.

Hindi ko kasi alam kung anong mararamdaman ko, hindi ko alam kung mandidiri ba ako o ano.

Ilang segundo ang lumipas na hindi siya nag-angat ng tingin dahil abala siya sa kung anumang binabasa niya sa isang papel, but that seconds are enough for me to scan her office.

Ito ang unang beses na nakapasok ako dito. Tama lang ang lapad at laki ng kanyang office. Abo ang kulay na bumubuo sa buong kwarto, dahil halos lahat ng gamit kung hindi man black ay gray. Ang buong lugar ay napapalibutan ng salamin na natatakpan lamang ng kulay gray rin na malalaking kurtina. May coffee station sa kanang bahagi sa sulok, sa gitna ang engrandeng sala set habang sa kaliwang bahagi ng kwarto ay ang desk ni President Leigh. Unang kapansin-pansin sa desk niya ay ang name plate nitong sinisigaw ang pangalan niya at kung gaano siya nakakataas dito sa company.

Napayuko lang ako nang magtama ang aming mga mata nang bigla siyang mag-angat ng ulo.

"You can leave," walang emosyong tugon nito kay Sir Alastair.

Yumukod lang muli sa kanya si Sir Alastair at lumabas rin ng office.

Nang magsarado ang pintuan ay nabingi ako ng sobrang katahimikan. Tanging ang paghinga niya at paghinga ko lang ang bumbabalot na ingay sa buong kwarto. Napalunok na lang ako dahil ngayong kami na lang dalawa ay mas tumaas ang kaba ko dahil nararamdaman ko nang ito na ang katapusan ko dito sa kumpanya, isesesante na niya ako.

Napa-angat ako ng ulo nang tumayo siya mula sa kanyang desk at dumaan sa harap ko. Nalanghap ko ang matamis nitong pabango mula sa kaniya.

"Let's sit," she offer her small sala set.    

Tinitigan ko siya ng ilang segundo bago sumunod sa utos nito.

"Do you want to have some coffee? Tea? Juice?" alok niya.

"I'm okay po," mabilis kong sagot.

Hindi ko maipaliwanag ang sobrang pagwawala ng buong sistema ko sa loob ko. Parang gustong lumabas ng puso ko sa rehas ng buto ko sa sobrang kaba kaya hindi ako mapakali.

"Are you nervous?" she ask.

Napakagat ako sa labi ako dahil nabasa niya ako loob lang nang ilang segundong pagtitig lang sa akin.

"Don't worry, I just want you to tell me something about yourself," she calmly stated.

Pinag-cross niya ang mahahaba nitong binti at komportableng sumandal sa sofa. Napatigil ako at kunot noong na napatingin sa kanya.

"P-Po?"

"Tell me something about yourself," ulit niya, "Pero ayoko nang ang sagot mo ay kung ano ang sinabi mo sa job interview. I just want to know something about you, that's all."

Ano daw? Gusto niya akong makilala? Tama ba ang pagkakaintindi ko? P-pero bakit?

"T-tungkol saan po?" naguguluhan kong sabi.

"Like, kung saan ka nakapagtapos?" simula niya.

"A-ang totoo po....hindi po ako nakapagtapos," nanliliit kong sabi, "M-maaga po kasi akong nabuntis."

Nakatingin lang sa akin ngayon si President Leigh na parang interesadong-interesado talaga makinig. Hindi ko alam pero nagpatuloy ako.

"Graduating na ako sa kursong Business Management nang mabuntis ak-"

"Business Management? Then, why are you here at my company working as a maintenance personnel?" usisa nito.

"Sa tingin ko po kasi ay ito lang po yung trabahong pupwedeng pasukan ng mga tulad kong hindi naman nakapagtapos," simple kong sagot, "Pero hindi ko pinagsisisihan ang nangyari, ang pagdating ni Noah sa buhay ko ang tanging bagay na hindi ko pinagsisihan."

"Noah?"

"Yun po ang pangalan ng anak ko. Six years old na po siya ngayon at sobrang bibo na sobrang lambing," nakangiti kong sagot.

Saglit akong natigilan nang ngumiti rin siya.

"I see that you really love your son so much, but why are you here? Sa edad niya ay dapat pa rin siyang bantayan."

"Hindi po kasi kinakaya ng sahod ng asawa ko ang patuloy naming gastusin sa bahay kaya tumulong na po ako," kwento ko.

"Ano bang trabaho ng asawa mo?" patuloy na pagtatanong ni President Leigh.

Sandali akong huminto at nakatitig lamang sa kanya.

Puro patungkol sa pamilya ko ang tinatanong nito, walang kinalaman sa trabaho. Gusto ko siyang basahin pero wala akong makita sa mga mata niyang walang emosyon.

"I just want to know something about you, since you 'knew' something about me. Just to be fair," dagdag niya.

Napa-kagat labi na lang ako dahil parang pinutol ang dila ko nang ma-realize kong nakita nga niya ako n’on.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status