Share

Chapter 3

Maka-ilang beses ko pang pinilit na hinatak pababa ang maiksing skirt na suot ko ngayon habang nakaharap sa salamin. Pangalawang araw ko na ngayon sa pagiging secretary ni Sir Freire at sa totoo lang, di ko na talaga alam – di ko alam kung paano ba ako napasok sa ganito.

Natulog lang ako tapos pagggising ko ay secretary na ako ni Sir Freire. Ito ba ang parusa ko dahil sa nakalimutan kong lagyan ng Wet Floor sign ang hallway kung saan siya nadulas. Oh gosh. Bago pa lang ako pero hindi na maganda ang encounter ko sa mga executives.

Kahapon pinasadya ni Sir Freire na sa loob ng office niya ang maging desk ko, kung saan walong oras na nag-init lamang ang pwet ko sa upuan. Lahat pa rin ay inuutos niya sa dati niyang secretary na si Myfanwy sa labas. Inutusan niya lang ako na magtimpla ng kape para sa kanya at imasahe ang balikat niya. Madalas rin siyang sumusulyap sa akin gamit ng malalagkit niyang tingin na hindi ko na lamang pinapatulan kahit nababastusan na ako.

Napabuga na lang ako ng hangin dahil mukhang wala nang ihahaba pa ang mini-skirt na suot ko ngayon na halos wala pa sa kalahati ng hita ko ang kayang takpan. Siguradong sa maling galaw ko ay makikitaan na ako.

Napadaan si Lyle sa likod ko ngunit sinulyapan niya lang ako at nagpatuloy sa paglalakad. Kahahatid niya lang kay Noah sa school at aalis siya ngayon para maghanap uli ng trabaho.

Pagdating ko sa kompanya ay para akong bidang highschool girl na pinagbubulungan kapag nali-l**k sa campus heartthrob. Ang clichè pero hindi ko sila masisisi kung pag-uusapan nila ako, galing sa maintenance department tapos mapapabalita na lang na isang araw ay secretary na bigla ng Vice President. Sobrang nakakapagtaka pero anong magagawa ko.

Habang tinatahak ko ang daan papunta sa elevator ay nahagip ng mata ko si Bree sa gilid, abala siya sa paglilinis kaya di niya man lang ako nakita. Base sa itsura niya ngayon ay pangalawa o pangatlo ang pagmo-mop sa lobby sa listahan na binigay sa kanya ni Sir D'lo ngayong araw na mga gagawin niya.

Dahil inalis na ako sa maintenance department kaya ang kalahati ng mga naka-toka sa akin noon ay kay Bree ngayon binigay. Kung si Bree ay purgang-purga na sa araw-araw na daming ginagawa, ako naman ay buong araw na uupo lang malamang sa opisina ni Sir Freire.

Napabuga na lang ako ng hangin at hindi na pinansin ang bulungan sa paligid. Pagdating sa elevator at matamang naghihintay sa pagbaba nito ay maingat akong sumakay dito dahil bawat galaw ko ay tumataas ang maiksing skirt na suot ko.

Akala ko nung una ay ako lang ang aakyat, ngunit mabilis kong pinindot ang hold button nang mamataan si President Leigh na papasok.

Pagkapasok niya ay sa akin agad nakatuon ang atensyon niya. Isa-isa niyang pinasadahan ng tingin ang suot ko. Mas lalo akong na-conscious lalo na sa suot kong mini-skirt na pasimple ko na lamang hinahatak pababa.

Naiilang ako sa kaniya sa totoo lang. Matapos nung pag-uusap namin sa opisina niya noong nakaraan ay ilang araw ko na siyang iniiwasan. Baka maka-quota na ako at i-sesante na nang tuluyan.

"Bakit gan’yan ang suot mo?"

Pakiramdam ko ay lalabas ang puso ko nang magtanong siya.

"U-uh eh kasi po, ito po ang gustong ipasuot sa akin ni Sir Freire," nakayuko kong sagot.

"Ni Kinnon?"

"K-Kinuha po kasi niya ako bilang bagong secretary niya,” sagot ko.

"Kailan ka nagsimula?" usisa ni President Leigh.

"Kahapon lang po."

Matapos nun ay hindi na nagsalita pa si President Leigh kaya nakayuko na lang akong nagsumiksik sa gilid. Nabalot nang sobrang awkward na katahimikan ang loob ng elevator. Naalala ko tuloy ang naging una naming pagkikita n’on dito rin sa loob ng elevator.

Pasimple akong napasulyap kay President Leigh na tulad noon ay deretso lang na nakatingin sa pintuan ng elevator. I’m just wondering if she also remembers that day. I chuckled. What I am thinking, of course she's not. Why would she bother to remember that day? Pero hindi ba parang ang unfair kung ako ay ginugulo pa rin nung nangyaring iyon samantalang sa kanya ay parang wala lang iyon.

Naputol ang paglalakbay ng utak ko habang nakatulala kay President Leigh nang tumunog at magbukas ang elevator sa fifth floor.

"Ayy sorry po Miss President. Sige po at mauna na kayo," saad nang isang grupo ng mga office staff na papasok sana ng elevator.

Tantya ko ay nasa walo yata sila na halos puro lalaki.

"It's okay, pumasok na rin kayo. Pare-parehas lang rin naman tayong tao na gumagamit ng elevator so there's no room for special treatment," simpleng tugon lamang ni President Leigh.

Hindi ko napigilan ang sarili kong hangaan si President Leigh sa pagiging humble niya sa mga empleyado niya.

Nagkahiyaan man ay nakangiti na lang silang pumasok dito sa loob at pinindot ang tenth floor button. Dahil nasa pinaka-gilid ako ay napunta sa harap ko si President Leigh at doon pumwesto pero nakatalikod sa akin para bigyan ng espasyo ang walong lalaki.

Ngayong nadagdagan ng tao dito sa loob ng elevator at lumiit ang espasyo sa pagitan namin ni President Leigh ay muli ko na namang nalanghap ang vanilla-ish scent niya mula sa pabango niya. Napayuko na lang ako dahil medyo hindi ako komportable.

"Look at the front, boys" rinig kong sita ni President Leigh.

Saktong pag-angat ko ng tingin ay nahuli ko ang katabi kong lalaki na agad nag-iwas ng tingin mula sa pagkakatitig sa hita ko. Napatingin tuloy ako kay President Leigh dahil doon na seryoso pa rin nakatingin sa harap.

Pagdating ng elevator sa tenth floor ay nagsibabaan na ang walong lalaki at lumuwag na ang loob ng elevator. Ngunit hindi pa rin umaalis si President Leigh sa harap ko. Pasimple sana akong aalis sa likuran niya nang bigla siyang umikot paharap sa akin para i-corner ako at matamang tinitigan ako.

Mas lalo akong hindi naging komportable sa ganoong posisyon. Hindi ko napigilan ang mapalunok na parang mauubusan ako ng tubig sa katawan.

"Bakit ka pumayag na maging secretary niya?" seryosong tanong nito.

"U-uh e k-kasi, ano po uhm...." Nangapa ang dila ko ng sasabihin.

Hindi ko alam kung paano ko siya sasagutin. Nakatingin lang ako ngayon doon sa digital floor detector ng elevator sa bandang taas sa gilid. Hinihintay ang pagdating ng elevator sa 12th floor upang makaiwas lamang sa mga mata ni President Leigh.

"Why?" ulit niya sa tanong.

Namamawis na ang kamay ko at may tumutulo na ring malamig na butil ng pawis sa noo ko dahil sa kaba. Wala namang dapat ikakaba ang tanong niya pero ngayong ganito siya kalapit ay parang nagma-malfunction ang utak ko at di makapag-isip nang tama dahil sa sobrang kaba.

Bahagyang lumuwag ang paghinga ko nang tumuntong na ang elevator sa 12th floor. Makakatakas ako.

Gan’on na lamang ang pagkahigit ko sa hininga nang ako ni President Leigh sa pulsuhan at hilahin palabas ng elevator.

"M-Miss President-"

Hindi ko na naitanong kung saan kami pupunta dahil nagulat na lang ako nang pumasok kami sa opisina ni Sir Freire nang walang katok-katok.

Halos mapatakip ako ng mata sa naabutan namin. Halos wala na kasi sa pagkakabutones ang polo ni Sir Freire habang naka-upo siya sa kanyang swivel chair at nakakandong sa kanya si Myfanwy.

"Fuck Leigh. Don't you know how to knock?" Halos nahulog si Myfanwy nang biglang tumayo si Sir Freire.  

"Are you cussing at me?" mataray na tanong ni President Leigh.

"No, I'm sorry. It just that, you startled me," mahinahon na tugon ni Sir Freire.

“Let's talk," seryosong tugon ni President Leigh at umupo sa office sofa, "At ang hindi kailangan ditto, kung maaari lang ay lumabas," dugtong ni President Leigh na nakatingin kay Myfanwy.

Dahil doon ay madaling lumabas si Myfanwy ng office kahit hindi pa naka-ayos ang kanyang damit.

"G-Good morning, Sir Freire" bati ko na lang.

Dahil sa ginawa ko ay napatingin sa akin si Sir Freire. Mukhang doon pa lang niya ako napansin.

"Looks like, you have already met my new secretary,” panimula ni Sir Freire habang na kay President Leigh ang tingin.

"She's from maintenance department last week. How come she's your secretary now?" kompronta ni President Leigh.

"Simple, I want her to be my secretary, so I promoted her."

"You promoted her as your secretary or as your new toy?"

"Fine, don't you see how beautiful she is? Kung ang mga mop lang ang makikinabang ng malambot niyang mga kamay kung may mas kayang gawin naman ang mga ito katulad ng pagpapaligaya," malisyosong wika ni Sir Freire.

"Don't mess up with her. May pamilya na siya at anak,” madiin na sabi ni President Leigh.

"I'm sorry? I didn't know?” sarkastikong tugon ni Sir Freire, “Wala pa akong ginagawa sa kanya."

"I am warning you Kinnon, just don't mess up with her," pinal na sabi ni President Leigh sa ma-awtoridad na tono at tumayo na sa pagkaka-upo, "And one thing also, she will be my secretary starting tomorrow."

Napa-angat ako ng tingin at napatanga sa narinig kong huling sinabi ni President Leigh.

"Let's go," huling sinabi ni President Leigh habang tuloy-tuloy siya sa paglabas sa opisina ni Sir Freire.

A-Ako ba ang tinutukoy niya?

Napatingin pa ako nang ilang beses kay Sir Freire at President Leigh sa sobrang pagkalito pero sa huli ay wala akong nagawa kundi ang habulin si President Leigh na nakalabas na ng office.

"M-Miss President," tawag ko rito na naghihintay na ngayon ng elevator paakyat, "Gusto ko lang po sana sabihing pwede niyo naman po akong ibalik na lang sa maintenance department. Okay na po ako d’on, wala po kasi akong kaalam-alam sa pagiging secretary."

"Kahit hindi ka nakapag-graduate, you still know some of the process and system in a corporation, so I bet there's only a little adjustment in your case."

"P-Pero Miss President-" angal ko sana.

"Tomorrow will be your first day. Come in at the company by 8am, I will instruct Secretary Alastair to train you as my secretary," ani nito ngunit nasa harap pa rin ang tingin.

"Y-Yes, Miss President," alanganing tugon ko na lang.

Mukhang hindi ko na mababago ang desisyon niyang gagawin niya akong secretary.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status