Share

Chapter 4

Gaya nang sabi ni President Leigh kahapon ay pumasok ako ng alas-otso ng umaga sa kompanya at tinungo ang opisina niya.

Tulad nang dati ay maingat pa rin ako sa bawat galaw ko, dahil tumataas ang mini skirt na suot ko sa sobrang iksi. Wala naman kasi akong ibang masuot kundi itong binigay ni Sir Freire.

Paglabas ko sa elevator nang makatuntong ito sa 14th floor ay nakasalubong ko si Sir Alastair.

"Good morning po, sir." Magalang kong bati rito.

"Just call me Mr.Alastair. You're Ms.Arkesha, right? Nabanggit ka sa akin ni Miss President," nakangiting pahayag niya.

"Okay po, sir- I mean Mr.Alastair."

"Halika. Ang bilin ni Miss President na kapag dumating ka na ay kita sa kaniya.”

Pagkapasok namin sa office ni President Leigh ay naabutan namin siyang tulad pa rin nang dati na subsob sa mga binabasa niyang papers.

Magalang na yumukod si Mr.Alastaor. "Excuse me, Miss President. Nandito na po siya.”

Pagkaangat ng ulo ni President Leigh at pagkakita sa akin ay pinaningkitan niya ako ng mata Sinuyod ng tingin nito ang kabuuan ko mula ulo hanggang paa.

"Haven’t I tell you to not wear those clothes again?" ani nito.

"H-Ho?"

"You will work as a secretary in my company not a rental girl in a cheap bar," tugon nito kung saan ako naman ngayon ang naningkit ang mata.

Iniinsulto niya ba ako?

"I-I'm sorry, Miss President.” Humingi na lamang ako nang paumanhin.

She lean her back at the swivel chair and stares at me.

"The ideal corporate skirt is two inches above the knee and 3/4 length of slit. The slacks will do but skirt would be better, if you want to come out your femenity. Just choose the right size and length for you. Another thing, the upper corporate attire would be any longsleeve or just a sleeve but not sleeveless. You can wear any V-neck clothes Secretary Larqueza as long as it won't emphasize your cleavage more. In addition, you can wear a coat if you want to. As my secretary, you should be profesionally looking in just one glance," detelyadong tugon ni President Leigh.

Wala akong nagawa kundi ang mapayuko na lang.

"Please remember that Secretary Alastair, that would be your basis.” Lumipat ang mga mata ng presidente sa katabi ko. “I want you to bring Secretary Arkesha to the mall to buy her some clothes,” utos nito kay Mr.Alastair.

Bowed his head. "Noted, Miss President."

"Uh- wait, no. Please cancel all my appointments for this morning, Secretary Alastair. Pakisabi na lang kay Director Cruz na lunch time na lang kami magme-meet. Ako na lang ang sasama para maka ng mga susuotin ni Secretary Arkesha." Biglang pagbabago ni President Leigh ng isip.

Sa isang iglap ay nakatayo na si President Leigh mula sa kanyang swivel chair at kinuha ang Coach leather black handbag.

Yumukod si Mr.Alastair nang dumaan sa harapan namin si President Leigh. Halos napatanga pa ako nang ilang segundo bago habulin para sumunod kay President Leigh.

Gaya pa rin nang dati pagkapasok naming sa elevator ay diretso pa rin ang tingin nito sa harap. Ano bang meron sa pinto ng elevator at parang interesadong-interesado siyang titigan iyon palagi?

Sinundan ko ang tingin ni President Leigh kung saan halos mapatakip ako ng mukha sa sobrang kakahiyan. Dahil reflection namin ang nakikita ko sa harap. She’s smirking at me.

Shocks, so all this time pala ay kitang-kita palagi ni President Leigh ang mga panakaw-nakaw kong tingin sa kanya noon mula sa reflection ko sa pintuan ng elevator.

Napayuko ako habang kagat-kagat nang madiin ang labi ko dahil sa sobrang kahihiyan. Tahimik pa rin na bumababa ang elevator. Kung maari nga lang ay ibaon ko ang ulo ko sa lupa, baka kasi kung ano nang iniisip niya.

"One thing you should practice, don't hide your face.” Napaigtad ako nang magsalita siya. “As a president's secretary you should be profesional not just by look. No one will know that you haven't graduated, as long as you act like a real profesional person. And one thing that a profesional person do is profesionally take embarassment."

"I-I'm sorry Miss President."

"Anyway, you look cute when your face is a bit red."

Pakiramdam ko mas laong uminit ang pisngi ko sa sinabi ni President Leigh. I heard President Leigh chuckled.

Kanina iniinsulto ako ng babaeng ito ah.

Pagkarating namin sa parking lot ay nakasunod lang ako sa kanya hanggang may matanaw akong isang black….

"Faulkerson S700,” namamanghang bulalas ko. “Wow, isa ito sa mga successful latest launched car," I whispered to my self habang palapit kami sa sasakyan ni President Leigh.

"You knew about this?" President Leigh ask with amusement.

"Konti lang po.” I smile. “Nabasa ko lang po sa isang article n’ong nakaraan – n’ong pinagaralan ko po ang kompanya dahil po sa matagumpay na pag-hit ng Faulkerson S700 sa expected sales in just three months. Isa pa, mas lalo itong naging matunog nang isang daan na Faulkerson S700 lang po ang ni-launched. Kung saan piling personalidad at mga business tycoon lang sa buong Asia ang meron nito. Kaya malabo pong hindi alam ng kahit sino ang tungkol sa F-Faulkerson S....700--" natigilan ako sa mahaba kong pagpapaliwanag at unti-unting nawala ang ngiti ko nang tumigil ito sa paglalakad at matamang tinitigan ako.

"May mali po ba akong nasabi?” Agad akong yumuko, “I-I'm sorry po."

"No, it just that. You much more amazed me than the sales that I got from my S700. Looks like you know more about cars," tugon ni President Leigh.

"Uhm konti lang po.” I shyly smile. “Meron lang po akong konting interes sa mga kotse especially sports car. I'm a racer before.”

"I know."

Napatanga ako kay President Leigh sa sinabi nito ngunit nagpatuloy na siya sa paglalakad. Paano niya nalaman?

Mabilis akong humabol. Bahagya akong nabigla nang si Mr.Alastair pa rin pala ang driver. Wow, more like assistant pala si Mr. Alastair at hindi lang basta secretary.

Nandito ako sa likod nakaupo habang ang nasa kaliwa ko ay si President Leigh na tulad ng dati tahimik lang na nakatingin sa harap.

Hindi ko maiwasang hindi mamangha sa sobrang ganda ng kotse hindi lang sa panlabas na kaanyuan kundi pati performance. Hindi ito katulad nang ibang kotse na maingay ang makina o ramdam mong tumatakbo talaga ang kotse. Ang smooth ng biyahe na parang sa hangin umiikot ang mga gulong nito.

"Faoili Malls," mahina kong basa sa pangalan nang mataas na building na pinapasukan namin.

Wow, ibig sabihin ay pagmamay-ari nina President Leigh ang mall na ito. Sa totoo lang, mas mukhang condominium type ang building sa sobrang taas imbes na mall.

"Ang Faulkerson Cars Corporation at Faoili Malls ay dalawa lamang sa matagumpay na anim na kompanya na hawak ng Faoili Empire." Napatingin ako kay Mr.Alastair nang magsalita ito. "Isa din ang Faoili Malls at isang condominium building sa mga pinapatakbo ni Miss President na kompanya. Gan’on pa man, nangunguna pa rin sina Mr.Sy at Mr.Ayala sa larangan ng real state business sa bansa. Mas gusto kasi ni Miss President maging hands-on sa Faulkerson Cars Corporation. Sa ngayon, mayroong panibagong warehouse ang binabalak na buksan sa August."

Parang natutop ang labi ko mula sa narinig. Kaya pala gan’on ka-subsob si President Leigh sa kanyang desk dahil hindi lang Faulkerson ang pinapatakbo nito. Mas lalo tuloy akong humanga sa kanya.

Sa sobrang pagkamangha ay hindi ko na lang namalayan nang mag-park ang kotse sa isang exclusive parking lot dahil sinadyang ilang dipa ang maging layo ng ibang kotse na naka-park rin na mga Lambourghini, Hammer, Mercedes Benz at iba pa.

Mabilis na bumaba si Mr.Alastair para pagbuksan si President Leigh. Sumunod rin ako.

Mabilis na pumasok si President Leigh sa isang malaking boutique ng FashionB.A. - a popular shop for both men and women internationally. I know them, they tailored high-quality and fashionable business attires.

Malayo pa lang kami ay tanaw ko na ang mga staff sa loob ng boutique na bahagyang nagkagulo nang matanaw si President Leigh.

Pagkapasok namin ay isa-isang yumukod ang mga staff sa loob na naka-hilera sa magkabilang gilid. Dire-diretso lamang si President Leigh sa womens section at humugot ng isang white coat na naka-display at sinuri.

"What is your vital stat?" tanong ni President Leigh.

"H-Ho?"

"Anong vital statistic mo para sukat na sukat sayo ang mga pipiliin natin."

"U-Uhm 34-23-33 po,” I answer, “Pero simula po n’ong nanganak ako ay hindi ko na alam kung gan’on pa rin po ba."

Nahigit ko ang hininga ko at na-estatwa ang buong katawan nang mabilis na lumapit sa akin si President Leigh at parang niyakap ko. Seconds after naramdaman ko ang pangahas niyang kamay na dumapo sa bust, waist, at hips ko. Parang biglang naging sensitibo ang katawan ko at damang-dama ang paglakbay ng kamay niya.

Agad akong lumayo nang matauhan at niyakap ang buong katawan ko habang nakatingin sa kanya. Anong ginawa niya?

"Hmm 36-24-36"

H-Huh? Hinipuan niya ako para malaman ang exact vital stat ko.

Comments (3)
goodnovel comment avatar
Marnie MQ Ricardo
me too. 3 novels na po but d ma.tuloy². d rin mkapasok payment trough Gcash
goodnovel comment avatar
Cherrie mae
Kahit ako......
goodnovel comment avatar
Jennif Flores Cañete
bakit dko matuloy sa pagbasa to
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status