Share

High & Mighty -6

"Sana ay madami silang huli ngayon." saad aling Sonia habang tinatanggal sa pagkakasalansan ang mga lalagyan ang mga banyera. "May order kasi sa akin, diyan sa malaking bahay sa kabilang bahagi ng isla."

Isang linggo na kami ni Zion dito sa isla, kaya halos makasanayan na namin ang buhay dito.

Sumasama si Zion sa pangingisda, ako naman ay sinasalubong siya sa umaga. Kasama ng mga kababaihang naghihintay din sa kani-kanilang asawa.

Napahigpit ang hawak ko sa jacket ni Zion. Agad na nabuo ang hinala sa isip ko na ang tinutukoy nitong bahay ay ang dahilan ng pagpunta namin ni Zion dito sa isla.

"May malaking bahay ho pala dito?" kaswal na saad ko sa kabila nang malakas na pagpintig ng puso ko.

Tumango si aling Sonia, lumapit ito at bumulong. "Oo ineng, napakagandang bahay."

"Bakit hindi ko ho nakikita?"Mukhang malaki ang maitutulong ni aling Sonia sa amin.

"Sa kabilang bahagi iyon ng isla, ineng." Mahina ang boses na saad nito. "Pribado ang parte na iyon ng isla kaya ipagnag-babawal ang magawi roon."

Sinenyasan ako ng matanda na lumapit dito kaya agad naman akong sumunod. Inilapit ko ang tenga ko.

"Nagbabala ang may-ari kay kapitan Milo, na kung sino mang magagawi doon ng walang permiso ay maaring mapahamak. Ako lang ang---"

Naputol ang kwento nito dahil dumating na ang mga mangingisda kasama si Zion.

"Ali—"

Hindi na natuloy ang tanong ko dahil sa pagtalikod nito upang lumapit sa mga banyera ng isda na ngayon ay ibinababa na.

Kung may order sa matanda ibig sabihin may permiso itong pumunta at pumasok sa lugar na iyon.

"Hey."

Hindi ko namalayang nasa tabi ko na pala si Zion. As usual basa ang damit nito kaya bakat na bakat ang matipuno nitong katawan.

Iniabot ko sa kanya ang jacket niya. "O, isuot mo muna para hindi ka lamigin."

Sa halip na kunin niya ang jacket sa aking kamay ay hinawakan ang dulo ng tshirt niya. Sa suwabeng kilos ay tinanggal niya ang damit at isinampay sa balikat.

Tila lumipad sa isip ko ang kaunting impormasyong nalaman ko kay aling Gloria nang maka face to face ko ang mga monay nito sa katawan.

"Like what you see?"

"Ha--?"

Doon ako natauhan at dinapuan ng hiya.

Upang pagtakpan ang aking pagkapahiya ay padarag kong ibinato dito ang jacket sa mukha niya.

"Hindi kaya, ang pangit ng view."

Tumalikod ako at malalaki ang hakbang na iniwan si Zion.

"Juicekolord naman Thea, anyare?"

Pagdating ko sa kubo, matapos ang hindi ko mabilang na buntong hininga ay nagtimpla ako ng kape. Nawalan ng saysay ang pagpapakalma ko sa aking sarili ng makita ko siyang pumasok sa aming kubo.

Act normal, Thea

"Kape."

Hindi ko iniabot sa kanya ang mug, nginuso ko lang ito.

"Thank you." Aniya matapos kunin ang kape sa mesa.

Tumango lang ako.

Sabi nila pampa-nerbyos ang kape, ngunit tila kabaliktaran ito ng epekto sa akin. Malaki ang tulong nito sa aking pagkalma.

Imbes na umupo ay tumayo si Zion sa harap ko.

"Papansin talaga."

"What's for lunch?"

Bossing my labs, help me. Hindi ko na nagugustuhan ang titig ng kapatid mong epal. Baka hindi ko matapos ang misyon na to.

Speaking of misyon, humigop muna ako ng kape bago ikinwento dito ang nalaman ko kay aling Sonia.

"Pwede akong makapasok kapag nakumbinsi ko si aling Sonia na samahan siya sa paghatid ng mga order sa kanya."

Seryoso itong tumango. "I need to go out tonight." Ibinaba nito ang kape sa mesa. "Bago ka pumasok, kailangan kong magpag-aralan ang lugar."

Ko? Ibig sabihin ito lang ang lalabas?

No way!

"Sasama ako."

Bumakas ang pagtutol sa mukha nito. "No, you stay here."

"Stay mong mukha mo, dalawa tayo sa misyong ito." Matalim akong tumingin sa kanya. "Kung ayaw mo akong kasama fine." Humalukipkip ako."Mauna ka, susunod ako."

"Stubborn woman."

Inirapan ko siya bago tinalakikuran. Wala ng lunch lunch! Kung gusto niya ilaga niya ang mga monay sa tiyan niya. Gigil niya ako!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status