Share

Mr. High meets Miss Mighty
Mr. High meets Miss Mighty
Author: ShyWriter07

HIGH & MIGHTY -1

Napatigil si Althea sa pagkuskos ng kilikili ng may kumalampag sa pintuan ng kanilang banyo.

"Althea nak, may tumatawag sa celpon mo." Palahaw ng kanyang ina mula sa labas.

Binuhusan muna niya ng isang tabong tubig ang mukhang may sabon bago sumagot sa ina.

"Sino po nay?"

"Boss pogi nakalagay, nak."

Nanlaki ang kanyang mga mata, sunod-sunod siyang sumalok ng tubig at binuhusan ang sarili.

"Saglit lang, nay."

Hindi pa niya nababanlawanang maigi ang katawan ay hinablot na ni Althea ang tuwalyang nakasampay. Kinuskos niya ng tatlong beses ang buhok bago ito ibinalot sa katawan.

Paglabas ng banyo, nabungaran niya ang inang nagwawalis habang hawak sa kabilang kamay ang tumutunog niyang cellphone.

"Nay, akin na."

Maaagap naman nitong iniabot ang cellphone.

"Sir?"

"You have a mission." Tipid nitong salita.

Bumilis ang pintig ng kanyang puso sa excitement.

“Yes!” "Okay, copy bossing."

Sa wakas at may misyon na siya, dalawang linggo na rin siyang nakatengga sa kanilang bahay.

Isa siyang agent sa Olympus Detective Agency.

Althea bakit sa Detective Agency?

Simple lang mga bro, mas gugustuhin pa niyang maghabol ng mga magnanakaw kaysa rumampa sa stage kahit puwedeng pumasang pang Miss Universe ang beauty niya. Sa kabila ng pagtutol ng mga magulang lalo na ng kanyang ama noong nabubuhay pa ito ay kursong criminology ang kinuha niya.

Gusto niyang maging Pulis.

Isang taon nalang dapat ang gugululin para makapagtapos ay pinili niyang huminto sa pag-aaral dahil sa dinami-rami ng pamilya sa mundo ay sa kanila pa naisipang tumira ng mga problema.

Na-stroke ang kanyang ama, walang pambayad sa hospital kaya kinailangan nilang isangla sa bangko ang hindi kalakihang bahay at lupa.

Ngunit sa kamaang palad hindi rin nagtagal ang buhay ng kanyang ama. Kalaunan ay namayapa ito. Sa kabila ng lahat ay wala silang ni katiting na pagsisi. Bahay at lupa lang iyon, ang mahalaga ay ipinaglaban nila ang buhay ng ama hanggang sa huli.

Bilang panganay sa tatlong magkakapatid, pinilit niyang magpakatatag. Siya nalang ngayon ang aasahan ng kanyanh ina at mga kapatid.

Baon ang lakas ng loob at pangarap para sa pamilya ay naghanap siya ng trabaho. Kahit pang-audition sa reality show ang motto niya sa buhay ay sa isang mall siya nag-apply.

Salamat sa Diyos at natanggap naman siya bilang sales lady ng isang brand ng sapatos.

"Thea anong oras break mo?"

Mula sa ginagawa ay bumaling siya sa  katrabahong si Jessica. Abala ito sa pag-aayos ng mga sapatos ayon sa size ng mga ito.

"Ala una, ikaw?"

Tumayo ito at nag-unat. "Ala una din, sabay na tayo."

"May baon akong kanin, bibili nalang ako ng tusok-tusok sa labas." Isang daan nalang ang kanyang pera sa wallet. Kailangan niyang magtipid para sa pamasahe at ulam. May tatlong araw pa bago ang sahuran.

Hindi naman na niya problema ang baon ng kanyang mga kapatid dahil tuwing sahod, hinihiwalay at nagtatabi na siya para sa baon ng mga ito pati na pambili ng bigas at sardinas pang ulam sa kanilang bahay.

Kaya ang naiiwan sa kinsenas niyang sahod ay tinitipid niya para sa pamasahe at pagkain.

Tatlong piso isang kalamares, makakaraos na ang ulam niya sa tanghalian sa tatlong piraso nito. Nagpapa-dagdag nalang siya kay manong na nagtitinda ng sauce kaya solve na.

"May baon akong itlog na maalat, share nalang tayo, dalawa naman yun." Ngumiti si Jessica.

Mabuti nalang at nakatagpo siya ng mabait na katrabaho, kaya sino ba naman siya para tumanggi? Grasya na iyon.

Pagpalain ito ni Lord.

Ngumiti siya ng buong pasasalamat. "Thank you, ha. Babawi ako sayo next time promise."

Kung kailan ang next time na sinabi niya ay hindi ko alam. Kailangan lang niyang maniwala at hindi mawalan ng pag-asa. Pasasaan ba at makakaraos din sila. Malalagpasan din nila lahat ng problema.

Pauwi na siya galing sa trabaho nang makasabay niya ang aking dating kaklase at kaibigan sa kolehiyo si Carlo Pulido.

Unipormado na ito, hindi tuloy niya maiwasang mainggit. Kung naka-graduate siguro siya ay katulad din ng dating kaklase ang suot niya ngayon.

"Pulido," basa niya sa nameplate nito sa dibdib.

"Corpuz?" Lumiwanag ang mukha nito. "Kumusta?"

"O-kay lang." Nahihiyang sagot niya dito.

Umiling ito at lumipat ng upuan sa tapat niya. "Hindi ka parin marunong magsinungaling."

Mapait siyang tumawa, maya-maya pa ay pahapyaw na siyang nag-kwento dito.

"Kaya mo yan tol."

"Minsan na-iisip ko na ngang pumasok sa club, mas maraming kita." Pabiro niyang saad sa kaibigan.na hindi malabong mangyari. Gagawin niya ito kung kinakailangan para sa pamilya.

"Di ka bagay dun tol, bagay ka sa fashion show."

Lumarawan ang paghanga sa kanyang mukha ng pasadahan siya ng tingin. Marahil nanibago sa kanyang itsura. Nasanay ito noong nasa kolehiyo sila na panlalaki ang kanyang gupit at siga kung kumilos.

Ngayon ay nakasuot siya ng asul na blouse na may ternong itim na skirt. May bahid ng kolorete ang mukha, required kasi na mag make-up sa kanyang trabaho. Kailangan laging presentable ang kanilang itsurang humarap sa mga customer

Umiling siya bilang pagtutol. Ni sa panaginip ay hindi siya bagay doon.

Bago bumaba, kinuha ni Pulido ang kanyang numero. Magtatanong-tanong daw ito sa mga kakilala. Baka sakali daw ay may mairekomenda ito sa kanyang trabahong na mas mataas ang pasahod.

She thanked him in advance, sana nga ay meron.

Makalipas ang dalawang araw ay nakatanggap siya ng tawag mula sa dating kaklase. Nasagot niya agad ang tawag nito dahil nasaktong opening siya sa araw na iyon kaya maaga siyang nakauwi sa kanilang bahay.

Naghahanap daw ng empleyado ang kakilala ng Hepe nito.

"Tol,medyo delikado pero hindi ko naman irerekomenda sa iyo ang trabahong iyon kung hindi mo kaya."

Delikado?

Sa halip na matakot ay halos mabingi siya sa lakas ng kabog ng kanyang dibdib sa galak.

"May training naman tol, bago ka isabak sa misyon."

"Gu-sto ko tol." Halos mabulol siya sa pagsasalita. Dalawang beses siyang suminghap upang makasagap ng hangin.

Nag-init ang sulok ng kanyang mga mata. Tumingala siya at pumikit.

“Salamat ama, akala ko ay hindi mo naririnig ang panalangin ko.”

Mabilis niyang pinahid ang nakatakas na butil ng luha sa gilid ng kanayang mga mata. "Salamat, tol." Pinigil niya ang pag-garalgal ng tinig.

"Walang anuman, basta ikaw tol."

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Renren Padua
congrats otor......
goodnovel comment avatar
Renren Padua
kht paulit ulit basahin ung kilig ramdam pa din eh ...
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status