Share

HIGH & MIGHTY -4

"Mahal, dahan-dahan lang."

Pinaikot ko ang mga mata, hanep kung maka-acting ang epal.

Nasa braso ko ang kamay niya, ina-alalayan ako habang naglalakad papunta sa dulo ng bangka.

"Kaya ko na."

Palihim kong ipiniksi ang kamay niya, ngunit tila pader na hindi natinag.

Pinigil ko ang inis dahil sa pagka-ilang na nararamdaman mula sa mainit at matigas nitong mga braso.

Pagdating sa dulo ng bangka ay lihim akong nagpasalamat ng bitawan ni Zion ang aking braso at naunang bumaba. Akala ko ay maglalakad na siya patungo sa pampang ngunit humarap ito sa akin.

Nabulabog ata ang mga ibon sa himpapawid ng mapatili ako. Bigla kasing hinawakan ni Zion ang aking baywang at ibinababa ako sa bangka.

Sinamaan ko siya ng tingin, mumurahin ko na sana siya ng maunahan niya akong magsalita. "Gag---"

"You sure, you can do this?" Walang kangiti-ngiting saad niya.

Natigilan ako, aba marunong din palang magseryo.

"If not," tumingin siya sa bangkang umiikot, mukhang babalik na ito agad sa bayan. "You, can go back. I can do this mission alone."

Itinaas ni Zion ang kamay at sumenyas sa bangka upang panandaliang patigilin ito habang naghihintay ng disisyon isya.

Bigla akong napahiya. Pumikit ako nang mariin para hamigin ang sarili.

"Althea, misyon ito, misyon."

Humugot ako ng hininga bago muling imulat ang aking mga mata.

Natatarantang itinukod ko ang aking mga kamay sa matigas niyang dibdib nang mamulatang ang lapit na pala ng mukha niya sa akin.

"Decide now, Althea."

Pabulong ngunit mariin niyang saad.

Go back? No, hindi pwede. "I – uhmmm I can." Gusto kong murahin ang sarili ko. Hindi ito ang oras para mag-inarte.

"Focus, Thea. Focus."

He nodded. "Good." Tinanggal niya ang kamay sa aking baywang.

"Let's go, naghihintay na si tiyo Milo." Inilahad nito ang palad sa akin.

Naiilang man ay tinanggap ko ang kanyang kamay. Ako na ngayon si Andrea. Ang asawa niya.

Pinilit kong iwaksi ang nakakailang na pakiramdam na iyon sa muling pagdaraop ng aming mga palad. Kailangan kong masanay kung hindi ay mabubuko kami dahil sa akin.

"Buboy, ikaw na ba yan?" Sinalubong kami ng isang matandang lalake sa pampang. Base sa larawang ipinakita ni bossing my labs, siiya si tiyo Milo ang kapitan ng isla.

"Tiyo." Hawak parin ang kamay ko ay lumapit si Zion sa matanda upang magmano gamit ang bakanteng kamay.

"Aba, ang tangkad mo na at ang gandang lalake pa"

Napairap ako ng tumawa si Zion, hindi man lang mag pa-humble kahit plastic lang?

"Kanino pa ho ba naman ako magmamana?"

Napangiwi ako, trulalu?

Proud na proud ding humalakhak ang matanda.

Hindi naman ako mapanlait pero malabong nagmana ang tukmol dito. Maliit si tiyo Milo, malaki ang ilong kulot at maiitim. Samantalang si Zion ay matanggakad, mamula mula ang kutis at matangos ang ilong.

"Si Andrea ho pala tiyo, asawa ko" pakilala ni Zion sa akin.

"Kay gandang dilag." Puno ng paghangang saad ng matanda.

Maluwang akong ngumiti.

"Salamat ho, tiyo" Pawang katotohanan po ang sinabi niyo.

"Oh siya, halina na kayo at nakahanda na ang titirhan ninyong mag-asawa" anang matanda, nagpatiuna na ito sa paglalakad.

Sumunod naman kaming dalawa ni Zion dito.

Matapos ang tatlong minutong paglalakad ay itinuro ng matanda ang tutuluyan namin.

"Yan ang kubong tutuluyan niyo Buboy."

Yari ito sa pawid at kawayan, namangha ako ng buksan ng matanda ang kawayang pinto. Sa loob ay mayroon maliit na kusina at hapag kainan. Kawayan din ang hagdang patungo sa hindi kataasang pangalawang palapag.

"Andrea, dito ang palikuran."

Tumango ako nang ituro ni tiyo Milo ang parang malaking kahong yari sa plywood. Wala itong bubong, tiyak na kapag maliligo kang nakatayo ay kita na ang leeg pataas.

"Magpahinga muna kayo, titignan ko lang kung nakaluto na ang tiyang niyo."

Tinapik ni Tiyo Milo ang balikat ni Buboy.

"Maiwan ko na kayo, ipapatawag ko kayo kapag nakahain na ang pagkain."

Tumango si Zion. "Oho, salamat."

"Ako ang dapat magpasalamat sa inyo." Makahulugang saad ng matanda.

Tapik lamang ang isinagot ni Zion dito.

Bumaling naman sa akin ang matanda. "Andrea."

Ako naman ang tumango. "Sige ho, tiyo."

Nang makaalis ang matanda ay umakyat ako sa taas. Pagpasok ko sa nag-iisang kwarto, pandalawahang papag ang tumambad sa akin. Mayroong itong manipis na kutson, dalawang unan at isang kumot.

Sa kaliwang bahagi ay isang tokador. Katabi nito ang lamesang kahoy na may nakapatong ang lampara. Sa gitnang bahagi ay naroon ang bintana.

Muling dumako ang aking paningin sa pangdalawahang papag. Saan matutulog si Zion kung sakali?

Naagaw ng atensyon ko ang paglangitngit ng pinto. Bumukas ito at iniluwa si Zion.

Iginala din niya ang paningin sa loob. "Better than my expectation." Napako ang tingin niya sa papag na inu-upuan.

Natawa siya ng magsalubong ang aming mga tingin. Marahil ay nabasa niya ang babala sa mata ko. "Don't worry, I'm harmless. Hindi ako nangangagat"

"I don't bite, I lick."

Sinamaan ko siya ng tingin, hindi ko naintindihan ang huling sinabi niya. "Anong sabi mo?"

Humalakhak ito, "wala."

"Subukan mo lang gumawa ng hindi maganda, sinasabi ko sayo." Kinuha ko ang unan at idinuro ko sa kanya. "Magpapaalam ka ng wala sa oras sa kaligayan mo."

Alam ko kung saan ang weakest point ng mga lalaki. Isang sipa lang ay maaari na siyang magpa-alam sa pagiging ama.

"Okay." Natatawang itinaas niya sa ere ang dalawang kamay bago lumabas.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status