Share

HIGH & MIGHTY - 5

Mabilis na lumipas ang oras, matapos ang salu-salo kila tiyo Milo at pagpapakilala sa amin sa ibang mga taga isla ay madilim na.

Hindi pa abot ng elektrisidad ang isla kaya lampara muna ang nagsisilbing liwanag ng mga kabahayan. Hampas ng alon at huni ng mga kuliglig ang nagsisilbing musika.

Nakahiga ako sa papag, habang si Zion ay naglatag sa lapag. Lihim akong nagpasalamat, may itinatago din palang pagka-maginoo ang loko.

"Sleep, magpahinga muna tayo ngayong gabi."

Hindi ko alam kung uto-uto ako oh ano, para kasing may mahika ang boses niya. Unti-unti akong napapikit, hanggang hindi ko namalayang nakatulog na ako.

Pagmulat ng aking mga mata ay maliwanag na dahil sa sumisingit na sinag ng araw mula sa bintana. Wala na si Zion sa hinigaan nito. Tanging ang unan at nakatuping kumot nalang ang nakita ko.

Bumangon ako at bumaba, matapos ayusin ang aking sarili ay ipinasya kong lumabas.

Bumungad sa akin ang maaliwalas na paligid. Sa malayo ay kumikislap ang pinaghalong asul at berdeng dagat dahil sa tumatamang sinag ng araw. Puti ang buhangin, may nakahilerang puno na niyog na tila nagsilbing bakod.

Napapikit ako at ninamnam ang preskong hangin na tumatama sa aking balat.

"Magandang umaga."

Napamulat ako nang makarinig ng pagbati. Isang matandang babaeng may nakapatong na bilao ito sa ulo ang nabungaran ko.

Ngumiti ako. "Magandang umaga din ho."

"Ikaw ba ang asawa ni Buboy?" May maluwang ding ngiti ang nakaguhit sa labi ng matanda.

Tumango ako "Oho, Andrea ho ang palangan ko." Pakilala ko.

"Ay kay gandang pangalan, bagay sa iyo." Mula sa ulo ay inipit nito sa kanyang bewang ang bilao. "Ako nga pala si Sonia."

"Magandang umaga ho ulit, aling Sonia."

Natawa ang matanda, "Ineng ng apala, nakita ko ang asawa mo." Tinuro niya ang direksyon kung saan maraming puno ng niyog. "Nangunguha sila ng buko."

"Ganun ho ba?" Wala akong paki Aling Sonia.

Bumulong siya sa akin. "Oo iha, magmadali ka na't puntahan mo na." utos nito sa akin.

Napakunot ako ng noo, tila may pagmamadali sa boses nito. "Bakit ho?"

Lumarawan ang pagkairita sa mukha ni aling Sonia. "Pinagpi-piyestahan ng mga kadalagahan dito ang asawa mo." Hinawakan niya ang braso ko at marahang itinulak.

Lhim akong natawa.

"Mga kirengkeng, alam naman nilang may asawa na yang si Buboy." umiiling pang saad nito.

"Sige ineng puntahan mo na at ako'y lalakad na." Inayos niya ang mga pinatuyong isda sa bilao. "Marami-rami pa ang ipapa-ubos ko."

Tumango ako sa matanda."Sige ho, magiingat ho kayo, aling Sonia."

Wala akong pakialam kahit makipag-landian pa ang tukmol. Ngunit tila may sariling isip ang aking mga paang tinahak ang direksyong itinuro ng matanda.

Malayo palang ay tanaw ko na si Zion. Nakasuot ito ng pantalong may tastas sa bandang tuhod. Nakabalandra ang katawan nito dahil imbes na suot ang puting tshirt ay nakasampay ito sa kanyang balikat.

"Epal talaga."

Napapitlag ako ng may marinig na impit na tilian galing sa kumpol ng mga babaeng nakatayo sa lilim habang nakatingin kay Zion.

Si Zion naman ay tila sinasadyang pagalawin ang mga muscle nito sa braso habang binubuksan ang buko.

Malandiiii!

Hindi ko alam bakit nakaramdam ako ng inis. Gusto kong takpan ang ang nakabalandrang monay nito sa tiyan. Bigla ko ding na-feel na gusto kong mambasag ng trip ngayon, pati mga nguso kung maari.

Huminto ako sa tapat ng mga babae. Tumikhim muna ako bago magsalita. "Magandang umaga." Nakapaskil sa aking mga labi ang pinaka-plastik na ngiti sa buong buhay ko.

Nang bumaling ang mga ito sa akin ay itinikwas ko ang aking mahabang buhok.

Ganda ko, diba mga te?

Natigilan ang mga ito, itinago ang mga gilagid.

"Buboy, nandito ang maganda mong misis." Malakas na saad ng isang lalaking kasama ni Zion ng makita ako.

Trot ka diyan kuya, sige ipaglandakan mo sa mukha ng mga mukhang galagid na yan na maganda ako.

Parang nagsho-shoot ng commercial, slow-motion ang pag-angat ng mukha ni Zion. Nang makita ako ay tumuas ang slok ng labi niya. Agad niyang binitawan ang hawak na buko at tila modelong naglakad ito palapit sa akin. Habang papalapit ay mas naging malinaw tuloy sa paningin ko ang mga monay nito sa tiyan.

"Diosmio marimar!"

"Goodmorning, mahal."

Para akong naestatwa ng wala itong pasabing humalik sa king noo. "maykan Thea! Di ka agbatbati."(Ilocanong salita na sinasabi kapag napadpad ka sa liblib na lugar para hindi ka mabati ng engkanto o mga taong hindi nakikita o kaya kapag nagulat ka.)

Alam kong kasama ito sa pagpa-panggap namin, ngunit tila may sariling isip na nagtayuan ang mga balahibo ko sa katawan.

"Pasensya na mahal, hindi na ako nakapag-paalam bago ako umalis kanina.Ang himbing kasi ng tulog mo, napagod ba kita ng husto kagabi?"

Kasabay ng pag-iinit ng aking pisngi ay ang pangangantiyaw ng mga kalalakihang nadatnan kong kasama niya roon. Gusto kong isigaw na wala naman kaming ginawa kagabi.

"Kapitan mukhang dito talaga sa isla makakabuo ng panganay itong si Buboy."

Anang matandang lalaking katabi ni tiyo Milo.

"Bilisan mo Buboy, dapat sa susunod na buwan ay buo na." Tumatawang sabi naman ni tiyo Milo.

"Sana nga ho,"

Nanigas ako at napasinghap, para akong nawalan ng hangin sa dibdib dahil sa pagpulupot ng mga braso ni Zion sa akin. Palihim na nagwala ang sistema ko dahil sa init na sumisingaw mula sa katawan nito.

Basa ito ng pawis, ngunit mas naging lalaking-lalaki ang amoy nito. Hala may ganito pala?

"Di ba mahal?" untag niya ng hindi ako sumagot. Nanuknukso ang ngiting mas inilapit ang mukha sa akinKonting lapit pa ay didikit na ang labi nito sa aking labi.

Mas lalo akong nanigas, teana ng labi nitong pula.

He chuckled, "breathe, I won't kiss you." Napahingal ako ng dumiretso ang labi niya sa aking noo.

"Napakatamis naman." Anang isang taga isla, hindi ito nalalayo sa edad ni Zion.

Natawa si Zion, samantalang ako ay nanatiling tuod sa loob ng mga bisig niya. Napakunot ang aking noo ng may nararamdaman akong matigas na bagay sa hita nito.

Akala ko ba napag-usapan na namin na kukunin muna namin ang loob ng mga taga isla bago isagawa ang tunay na pakay namin dito.

"Bakit ka nagdala ng baril?" naninitang tanong ko sa kanya. "Paano kung makita nila?" mariing bulong ko sa kanya.

Kumunot ang noo niya, "Wh--, baril?" Napapikit ito at napamura ng magalaw ko ulit ang dala nitong baril. "D*nm!"

Marahan itong lumayo sa akin habang tila hindi makapaniwalang nanatili ang mga mata sa akin. "Don't touch it, baka pumutok."

Tinignan ko ito ng masama.

Napahawak ito sa noo, "god." Tila nahihihirapang bulong nito.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status