Share

Chapter 64

Lasing na lasing akong dumating sa bahay nila Petrus. Dumiretso ako sa kanila matapos naming mag-inuman ni Ergie sa bar. Siguro ay dahil sa kalasingan ko kaya may lakas na loob akongbkausapin siya. Hindi ko pa rin matanggap na ikakasal na siya sa iba.

Ang laki ng pagsisisi ko kung bakit ipinagtabuyan ko siya noon. Akala ko ay kaya kong wala siya sa buhay ko pero nagkamali ako. Dahil ngayon pa lang ay hindi ko na kayang tiisin ang sakit na mkitang ikakasal siya. Pakiramdam ko ay mamatay ako sa lungkot kapag nangyari 'yon.

"Tita Anne, please namn po kakausapin ko lang po si Petrus kahit saglit lang," pagmamakaawa ko kay Tita Anne nang makarating ako sa bahay nila. 

"Hija, lasing ka na at isa pa ay tulog na rin si Petrus ngayon. Mabuti pa ay tawagan ko ang Mommy mo para mapasundo ka ng driver niyo."

Umiling ako bilang pagtanggi sa kaniya at buo na ang pasya ko na hinding-hindi ako uuwi hangga't 'di kami nagkakausap ngayon.

"Tita Anne, please po!"

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status