Share

Chapter 67

Kinausap kami ni Tita Anne at si Crizza naman ay walang ginawa kundi ang umiyak. Alam kong mabait siya dahil kung sa iba pa ito nangyari ay sigurado akong kinalbo na ako.

"Ikaw Dawn! Akala ko ba nakauwi ka na kagabi?" panenermon sa akin ni Tita.

"Ikaw naman Petrus!" matigas na sabi ni Tita at napahawak ito sa kaniyang noo. "Sumasakit na ang ulo ko sa mg ginagawa ninyo," patuloy na reklamo ni Tita.

"Ma, pwede bang hayaan mo muna kaming mag-usap ni Crizza ng kaming dalawa lang."

"Mabuti pa at aatakihin ako rito sa puso," galit na tugon ni Tita Anne at ni minsan ay ngayon ko lang ito nakitang ganito kagalit.

Sininyasan ako ni Tita na pumunta sa kusina at hayaang mag-isap ang dalawa. Dalawang oras na akong naghihintay rito sa loob ng kusina pero hindi pa rin sila tapos. Sakto namang nagpaalam si Tita Anne na may aakyatin siya sa itaas kaya nagkataon ako na ng pagkakataon na makinig sa usapan ng dalawa. Hindi ako mapakali kaya sekreto akong nakikinig at

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status