Share

Chapter 7

"Dawn Tonette, let me remind you! Iyong pinangako mo sa akin ay dapat tuparin mo 'yon," she reminded me. 

I seemed confused by what she said until I remembered what she was referring to.

I felt a little bit sad because I wanted to be with Petrus again. Especially, that we're gradually getting along now. 

Tinitigan ko siya at nagmaang-maangan. "Ah, oo nga pala muntik ko ng makalimutan," I said while putting my things in the locker.

"Tsk, mabuti na lang talaga pinaalala ko. Pero bago tayo pumunta sa topic na 'yan magkwento ka muna sa 'kin. Paano ba 'yon?" she confusedly asked me.

Her face and facial expressions could hardly be painted.

She didn't know how she was going to start the question. 

"Ano'ng ibig mong sabihin?" nakangiti kong tanong sa kaniya.

Tumigil ako sa paglagay ng mga gamit ko sa locker at hinarap siya upang pakinggan ang iba pang sasabihin niya.

Excited ang mukha niya at halatang hindi na makapaghintay sa gustong malaman. 

Tinaasan niya ako ng kilay. "There's something you're not telling me, I'm so sure," panigurado niyang wika sa akin. 

I seemed to know what she was referring to, but I still asked her to make sure that was what she wanted to know. 

"Tungkol saan?" balik tanong ko sa kaniya. 

"Tungkol sa inyo ni Petrus, I'm sure may nangyaring hindi mo kinukwento sa akin," panunumbat niyang ani at tila ba nagtatampo ito ng husto sa akin. 

Nakabusangot ang kaniyang mukha at parang nawawalan na ng ganang makipag-usap sa akin.

Ugali niya talaga ang magtampo kapag hindi siya kinukwentohan tungkol sa mga nangyayari sa buhay namin.

Kahit ang iba naming mga kaibigan ay kilalang-kilala na ang buong pagkato niya.

Ayaw niya kasing may naglilihim sa isa man sa aming lahat. 

"What are friends are for?" patuloy niyang sabi at kulang na lany ay batukan na niya ako sa inis.

I rolled my eyes to her. "Paano ko sasabihin sa inyo? Eh, hindi naman kayo nagtatanong. Baka sabihin niyong masyado akong mayabang sa inyo. 'Di ba nga ikaw rin ang nagsabi sa 'kin na hindi ako papatulan ni Petrus? Ngayon naniwala na kayo?" mayabang kong sabi.

I parted my hair to the side and fanned myself feeling hot.

She just shook her head at me and she was amazed at what happened.

"Oo, sige na bilib na nga talaga ako sa 'yo," wika niya at tinaas pa ang dalawa nitong kamay bilang pagsuko. "Kung nagkataon baka maging first girlfriend ka pa ni Petrus," mangha niyang sabi at hinila na ako papunta sa field kung saan nagpa-practise ng baseball ang boyfriend niya. 

Isang larong bola na nilalaro gamit ang isang bat at bola sa pagitan ng dalawang koponan ng siyam na manlalaro.

When we arrived on the field the game had already begun.

Sikat din ang boyfriend ni Ergie sa baseball dahil isa rin kasi ito sa mga magagaling na player. 

The teams keep batting trying to score. There are two teams each consisting of nine plays against each other.

And attack and defense will block repeatedly to score points.

Lahat sila ay nakasuot ng gear para makaiwas sa malubhang pinsala.

Ang suot nilang mga jersey ay may nakalagay na numero sa likod na hindi ko rin alam kung para saan. 

Noon pa man ay hindi na ako mahilig sa baseball dahil wala naman doon ang puso ko.

Pero sa pagkakataong ito medyo nag-enjoy rin ako. Akala ko lang dati ay boring itong panuorin. 

Ang mga manlalaro na umaatake na panig na nakatayo sa kahon ng batter ng isa-isa.

Hit the balls that the pitcher throws towards the catcher with a bat.

And based on my observation if one hits the bases of the first base, the second base, the third base and surrenders to the main base, it gets 1 point.

Nagtatalon si Ergie ng manalo ang team ng boyfriend niya, kahit practice lang naman ang naganap.

Kung tutuusin lahat sila ay magkakasama ngayon kahit hindi pa naman ito kompetisyon.

Naghahanda sila para sa isang kompetisyon sa ibang paaralan.

At may pakiramdam ako na kung ganito kagaling ang pinapakita nila sa practice pa lang.

No wonder kung sila ang manalo sa kompetisyon because they got the best team.

I can’t deny that I enjoyed watching them. Kung hindi ako sinama ni Ergie until now I wouldn’t have quite imagined that I would enjoy that kind of sports.

Ngunit sa kabilang banda ay nakalimutan na ni Dawn si Petrus.

Petrus POV

Labis ang lungkot ang nararamdaman ko dahil sa unang pagkakataon ay ngayon lang nangyari sa akin na walang nangungulit.

Parang hindi na ako sanay na wala si Dawn sa paligid.

Wala ng Dawn na nagpapansin at sumisigaw sa tuwing nakakahulog ako ng bola sa ring. 

Kanina pa ako palinga-linga sa paligid ngunit hindi ko talaga makita.

Minsan nga ay hindi pa kami nagsisimula sa practice ay nandito na ang dalaga.

Kaya nag-aalala aki kung may nangyari ba rito. Parang gusto ko tuloy mag-pass muna sa practice ngunit hindi pwede. 

Ayaw ko man aminin pero halatang nawawalan ako ng ganang mag-practice dahil nami-miss ko ang dalaga.

Hindi ako makapag-concentrate dahil nasa babae lang ang aking diwa. 

"Captain, bakit parang wala ka yata sa mode?" nag-aalalang tanong ng kaniyang kasama. 

"Pagod lang ako, sige na pahinga muna tayo," mando niya sa mga kasama and his teammates quickly followed of what he said.

Lahat sila ay nagtungo kung saan nakalagay ang mga tubig nila.

Naalala niya na araw-araw siyang niyaya ni Dawn na bigyan ng maiinom kahit alam naman nitong may tubig na siya. 

"Captain, pwede namang bumawi na lang tayo ng practice bukas. Pahinga ka muna baka ma-over fatigue ka na niyan sa kakaensayo," sinserong sabi ni Yuki.

Isa rin sa magagaling na player sa team. 

Lagi ko silang pinagsasabihan noon na huwag dalhin ang personal na problema sa practice dahil nakakasira iyon sa focus.

Ngunit ngayon alam ko na ang pakiramdam. Kaya pala ganoon sila kung umakto dahil hindi pala talaga maiiwasang mag-isip.

Kahit gusto mong kalimutan ay bumabalik talaga ng kusa.

Hindi mo man sinasadyang isipin pero ang mga alaala niya pa rin ang lumilitaw sa aking isipan. 

Marami ang sumang-ayon sa naging mungkahi ni Yuki.

Kaya sa huli ay sila ang pinakinggan ko at sa pagkakataon ito ay hindi na ako tumutol.

Isa-isa silang nagpaalam lahat na magtungo sa shower room pero ako ay nagpasyang mananatili pa rin sa covered court. 

Nagbabakasakali na na-late lang si Dawn nang dating.

Iniisip ko na baka kasi pumunta siya rito at hindi niya ako makita.

Ngunit isang oras na ang nakalipas ay wala pa rin ito.

Kaya bagsak ang mga balikat kong nagtungo sa shower room at naligo na lang. 

Nawawalan na ng pag-asa na darating pa siya para puntahan ako.

Matapos ang lahat nang pag-aayos ko sa aking sarili ay naisipan kong dumaan sa building nila.

Hindi ako mapapakali kapag hindi ko siya nakikita, pero wala rin siya roon.

Kaya dumiretso na ako nang uwi at sa unang pagkakataon ay nakaramdam ako ng labis na kalungkutan.

Parang gusto kong magtampo dahil sa ginawa ni Dawn pero wala naman akong karapatan. 

Alam ko man na may gusyo siya sa akin ay wala pa rin akong karapatan dahil magkaibigan lang kami.

Kaya dumiretso na ako nang uwi sa bahay at nagmukmok sa kwarto.

Lumabas lang ako nang tinawag na ako ni Tantan na kakain na kaming lahat nang sabay. 

"Kuya bakit nakasimangot ka?" wala sa sariling tanong sa akin ng kapatid kong babae na si Jhana. 

Sinipat ko ito kaya napayuko ito sa takot at nagpatuloy na lang sa pagsubo.

Tiningnan din ako ni Mama at may pag-aalala sa kaniyang mga mata. 

Ngumiti ako. "Mukha ba akong malungkot? Pagod lang ako dahil nasanay kasi akong pumasok sa trabaho pagkatapos ng practice," pinal kong sabi. 

Nagpaalam ako kay Mama na titigil muna ako sa papa-part time job dahil gusto kong makapag-focus sa trabaho lalo na at graduating student na ako. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status