Share

Chapter 9

Last night all I think is about him. Hindi ako mapakali sa hinihigaan kong kama. At wala akong nagawa kagabi kundi umikot lang at nagpalimbag-limbag sa aking malapad at malambit na kama. Para akong nawawala sa sarili dahil sa huli niyang sinabi. Gusto ko mang intindihin ang mga huling katagang kaniyang binitawan ngunit hindi kayang abutin ng aking pang-intindi. Tayo, higa at paikot-ikot sa buong kwarto pero wala pa rin akong maintindhan. At ang buong gabi na iyon ay pinuyat ako ng husto. 

Lumabas ako ng kwarto at nagtempla ng sariling gatas. Dinala ko iyon sa kwarto at ininom upang makatulog. Ngunit dalawang baso na ang naubos kong gatas pero gising na gising pa rin ang aking diwa. 

Kinabukasan inabala ko ang sarili ko sa pagbabasa sa cafeteria. Nakita kong kumakain si Petrus kasama ang mga kaibigan niya at pati na rin si Salme.

Gusto ko sana siyang kausapin pero hindi niya ako pinapansin. Parang wala lang ako sa kaniya simula kaninang umaga. Nang magkasalubong kami ay dinaanan niya lang ako. Ngayon naman ay nakita niya akong nakaupo sa pwestong paborito ko ay malalamig pa rin ang mga titig niya. Sa nga pinapakita niya ay parang hindi niya ako kilala, nakakasakit ng damdamin ang ginawa niyang pambabalewala sa akin. Wala siyang kahit ano mang emosyon sa kaniyang mukha at bumalik ang dati niyang trato sa akin. Ang suplado niyang ugali ay mas lalo pang naging suplado kompara noon.

He just passed me at our table and made a sharp stare at Taniel. My seat was in front of Taniel and next to his girlfriend Ergie. Maging sila rin ay nagtataka kong bakit gano'n si Petrus. Nagkibit balikat na lang ako bilang tugon dahil wala rin akong kaalam-alam. 

Sumimangot ako at nawalan na ng gana. Nang dumating ang mga pagkaing dala ng kasama namin ay binigay ko ang pagkain ko sa kasama ni Taniel. Hindi ko pa iyon nagagalaw at hindi rin binigyan nang sulyap. Malungkot akong nagpaalam sa kanila at nagpapahangin na muna ako sa labas. Wala rin ang pumigil sa akin at iyon naman ang gusto ko. 

Habang nasa labas ng campus wala akong maisip na puntahan. Bigla na lang sumagi sa isip ko na mag-cutting classes sa iba kong subjects. When I feel so empty, naisipan kong bumalik at inubos ang oras sa pagbabasa sa library. At hindi ko inaasahang makikita ko siya roon. It so annoying because he suddenly became rude again. He didn't even text me last night.

"Oh, ba't ka nandito?" he rudely said. He is like a woman who is menstruating because of being rude. 

I frowned at him. He even meant to time out first, just to ask me such a mean thing.

"Bakit ayaw mo ba akong nandito? May rules na ba na bawal akong manuod dito?" masungit kong ani rito. 

"Baka hinahanap ka na ng Taniel mo?" may diin nitong sabi. 

"Huh?" nagtataka ko siyang tiningnan dahil hindi ko alam kung ano ang pinapalabas niya. 

"Baka ma-misinterpret pa niya ang pagpupunta mo rito madamay pa ako sa away niyo," mahinahon niyang sabi ngunit wala sa akin ang kaniyang paningin. 

Tumayo siya sa gilid ko at ininom ang dala niyang tubig na nakalagay sa kulay black na tumbler. Aalis na sana siya nang bigla ko siyang tinanong. 

"Hindi kita maintindihan," naguguluhan kong sabi at kunot noo ko siyang hinarap. 

"Ang sabi ko pumunta ka na do'n sa Taniel na 'yon. Kung sa bagay gwapo naman 'yon. Maganda ka at gwapo naman siya! Pareho kayong mayaman!" matigas niyang sabi. Hindi maipagkakaila sa boses niya ang pagtatampo. 

Napangiti ako. "Ano ba 'yang mga pinagsasabi mo?" 

"Tsk, pumunta ka na ro'n baka kanina ka pa hinihintay nun," masungit niyang saad. At hindi ako makapaniwala sa inasata niya dahil para siyang bata na inagawan ng candy. 

Uminom ulit siya at tinunga ang laman ng tumbler na hindi ako pinapansin. Hindi niya ako tinitingnan pero nasa amin ang paningin ng mga kasamahan niya. Lalong-lalo na si Julle, matgal ko ng napapansin na nagseselos ito. Alam kong seryoso ang mga kaibigan niya noong sinabi nito na may gusto ito sa akin. Ngunit dinadaan lang nila sa biro para hindi ito mapahiya. 

"I didn't know you were so immature. Of course I was there because I promised Ergie we would watch. Bakit ka ba nagkakaganyan? Nagseselos ka ba?" hindi makapaniwalang tanong ko. 

"Ano namang karapatan kong magselos? Girlfriend ba kita?" panunumbat niya. 

"Iyon naman pala eh bakit ka ganyan makitungo sa akin?" nasaktan man ng konti sa sinabi niya pero binalewala ko na lang. 

"Ano namang pakialam mo?" 

"Akala ko ba okay na tayo?" pagpapaalala ko sa kaniya at may paglalambing din ang aking boses. 

Hinawakan ko siya sa kamay at pinagsiklop ang mga kamay namin. Ngumiti ako sa kaniya at humarap para matitigan siya nang maigi. 

"Bakit hindi ba tayo okay?" nauytal niyang sabi. 

Napansin kong hindi niya ako masalubong nang tingin. At ang kaniyang mga tenga ay namumula rin. 

"Kung ikinakainis mo ay dahil sa nangyari kahapon, sorry na hindi ko naman alam na hinihintay mo ako rito?" pananadya kang sabi. 

"At sino namang nagsabing hinihintay kita?" he denied. 

"Alam mo napaka-denial mo. Halata naman eh! At huwag mo nga akong sinasabihan na bagay kami ni Taniel. Boyfriend 'yon ng best friend kong si Ergie. Kapag iyan dumating sa kaniya lagot ka talaga sa akin. Baka 'yan pa ang maging dahilan na magkahiwalay sila," naiimis kong sabi. 

Namamangha niya akong tiningnan at bumalik na ang saya sa akaniyang mukha na kanina ko pa gustong abangan. 

"Hindi kayo?" tanong niya at parang hindi makapaniwala. 

Napansin ko ring pinipigilan niyang ngumiti sa harap ko. At ang magkahawak naming mga kamay ay mas hinigputan niya ng kapit. 

"Ano bang inaakala mo?" I said angrily to him.

I was annoyed because of what he was just saying. If he's jealous, he can tell me at hindi iyong kung ano-anu ang pinagbibintangan niya. 

Binawi ko ang kamay ko at nagpanggap na nagalit. Tinalikuran ko siya kaagad at iniwan siyang nakatayo roon na walang paalam. At sa labas ng campus bawat nadadaanan kong maliit na bato ay sinisipa ko sa inis. Maraming pumapansin sa akin ngunit wala ako sa mood para bigyan sila ng atensyon. Akala ko kasi ay hindi niya ako sinundan. Nag-iinarte lang naman ako kanina dahil gusto kong magpasuyo. 

"Alam naman niyang siya lang ang gusto ko tapos kung ano-anu pa ang iniisip niya. Pwede naman niya akong kausapin at tanungin pero hindi niya ginawa," inis kong sabi at medyo nagsisisi na rin kung bakit ako umalis. Nakakahiya naman kung babalik ako, dahil ano na naman ang idadahilan ko. 

Malalaki ang ginawa kong mga hakbang ko at tuluyan na ngang nakalayo sa covered court. Ngunit paglingon ko sa likod laking gulat ko na nakasunod pala ito sa akin. Hindi ako makapaniwala dahil hindi ko siya napansin kanina. Akala ko ay hinayaan niya na lang akong umalis. 

*****

Sa kabilang banda kanina pa nakasunod si Petrus kay Dawn. Napapangiti siya habang nakikinig ito sa mga pinagsasabi ni Dawn. Patuloy niya itong sinusundan habang kinakausap ni Dawn ang kanyang sarili. Halatang nauubusan na ito ng pasensiya dahil hindi na nito pinapansin ang mga taong tumatawag at kumakausap sa kaniya. Nang makita nilang nasa likod ako napanganga sila sa kanilang tinatayuan kaya sininyas ko ang kamay ko na huwag silang maingay. 

"Ano'ng ginagawa mo rito? 'Di ba may ensayo ka pa?" mataray niyang sabi at halatang nagulat nang bigla akong sumulpot sa likod niya. 

"Sorry akala ko kasi —," pinutol ko ang sasabihin dahil nahihiya akong umamin sa kaniya. Napakamot na lang ako sa leeg ko dahil hindi ko alam kung ano ba ang magiging reaksyon niya. 

"What do you mean by that? You mean nagseselos ka nga?" nanlaki ang kaniyang mga mata at hindi siya makapaniwala. "You mean may gusto ka rin sa akin?" patuloy niyang tanong at hindi na makapaghintay na sumagot ako. 

"I like you," nahihiya kong amin. "I never fall in love in anyone before but I can't get enough of you," patuloy kong sabi. 

Malapad ang ngiti niya. "Talaga?" tinawanan ko lang siya sa reaksyon niya. Parang hindi ito makapaniwala sa narinig. At ang susunod na pangyayari ay ako naman ang natulala nang bigla niya akong niyakap nang mahigpit at tahimik na umiiyak. Hinaplos ko ang likod niya para tumahan siya pero hindi pa rin ito nagpapigil. 

"Hindi ako makapaniwala, kung alam mo lang kung gaano ako kasaya Petrus. Sapat na sa aking magustuhan mo lang ako. Hindi mo man ako mahal pero naniniwala akong darating ang panahong magugustuhan mo rin ako," umiiyak niyang sabi at ang huli niyang sinabi ay tumagos sa aking puso.

Ilang sandali pa kami nakapag-usap bago dumating ang kotse na susundo sa kaniya. 

Ganito pala ng pakiramdam, parang mas lalo akong ginanahang mag-practice at mas lalong ginanahang mag-aral. Pinangako ko noon sa aking sarili na hindi ako papasok sa isang relasyon hangga't hindi ako makakapagtapos sa pag-aaral. Ngunit ang nararamdaman ko ngayon ay mahirap nang pigilan. Simula sa araw na ito kasama na siya sa lahat ng mga pangarap ko. I used to think before that a relationship was just a distraction to me. Because that it might even be the reason that I can’t finish my studying. But I realized that not all relationships end like that. Magsisikap ako para sa aking pamilya at para sa kinabusan naming dalawa. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status