Share

Chapter 59

"Good morning po Tita Anne, kumusta po kayo?" alanganin kong ngiti sa mama ni Petrus.

"Halika Dawn, pasok ka," tigon ni tita sa akin at pinatuloy ako sa loob ng bahay nila.

Nilibot ko ng tingin ang buong bahay nila at napakalaki na ng mga pinagbago. Mas lalo itong gumanda at masasabing naging maayos na ang buhay nila. 

Ngumiti ako ng tipid dahil nahihiya akong magpakita sa kanila pagkatapos akong awayin ni Tantan dahil sa nangyari sa kapatid niya.

Labis daw itong nasaktan at hindi ko alam kung ano ang mga pinagdaanan niya. Dumaan pala ito sa matinding depresyon dahil sa paghihiwalay namin at kinailangan niya pang magpagamot para makausad sa buhay. 

Pabalik-balik ako sa kanila kahit wala na si Petrus at hindi ko na nakikita. Alam kong alam nila kung nasaan si Petrus pero wala sa kanila ang gustong magsalita dahil nirerespito raw nila ang desisyon ni Petrus. 

Dumating na ako sa puntong nagmamakaawa ako sa kanila at halos lumuhod

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status