Share

Chapter Two

Matapos nilang makausap ang doctor ay pumasok na sila sa loob ng room ni Atasha at nakita nila itong mahimbing na natutulog. 

Habang ang ina naman niya ay naiiyak na hinawakan ang kamay nito. Magkakahalong emosyon ang nararamdaman niya. 

Nang malaman niya ang ginawa ni Atasha noon ay sinisisi niya ang sarili dahil siya ang mas nagpursige sa anak na gawin naman talaga ang hindi nito gusto hanggang sa humantong na nga sa ganoong sitwasyon.

Ang gusto niya lang naman ay makita ang anak na masaya bago siya mawala sa mundo. 

“Tita sabi ko sayo buntis siya. Kahit na hindi siya nag susuka o naglilihi nakikita ko sa katawan nya ang pagbabago.”

Sabi ni Grace sa mama ni Atasha. Hinawakan naman ng mama ni Atasha ang kamay nito at ngumiti sa kaniya.

“Alam mo ba Grace napaka saya ko. Masasabi ko na hindi aksidente ang nangyari sa kanila ng anak ko. Sa tingin ko ay may plano ang dyos para sa kanila hindi pa nga lang sa ngayon.”

Napangiti naman si Grace dahil sa sinabi nito pero nakuha ang attention nila ng magsalita ang nobyo niya na si Renz.

“Tita may kasama po si Sha-sha.”

Doon napatingin ang dalawa sa likod nila.

“Hala! Oo nga pala! Hi sa inyo! Ako nga pala si Grace best friend ni Sha-sha.”

Nakangiting sabi nito na ikinangiti naman ni Ally at Eldrith nagkatinginan muna sila at lumapit sa mga ito.

“Eto nga pala ang fiance ko na si Renz.”

Ngumiti naman ang dalawa at nakipag kamay sa mga ito.

“Ako naman ang ina ni Sha-sha.”

“Nice to meet you po kaibigan po kami ni Sha-sha actually client po kami pero we consider her as a friend na po. Ako po si Ally siya naman ang fiance ko na si Eldrith.”

Nakangiting sabi ni Ally at niyakap ang mama ni Atasha. 

“Wahhh my new friend pala ang kaibigan ko! Marunong talagang pumili yun ng maganda at gwapo hahaha.”

Nagkatawanan sila dahil sa sinabi ni Grace.

“Sa totoo lang po may meeting kami with Sha-sha ngayon kaso pagbalik niya bigla nalang siyang nahimatay.”

Sabi ni Eldrith.

“Ah! Kayo pala yung sinasabi niya na kasama niyang kakain! Nako si Sha-sha kasi napapabayaan na ang sarili sa sobrang busy sa trabaho hindi naman namin alam na buntis pala siya.”

Sagot ni Grace

“Bakit hindi ko alam yan?” Kunot noong sabi ng mama ni Atasha na ikinalunok ni Grace at di alam ang sasabihin, tumingin siya sa kaniyang nobyo upang magpatulong.

“A-ah eh kasi po—”

“Tita hindi po kaming dalawa nag kulang sa pag papaalala sa kaniya pero kilala niyo naman si Sha-sha matigas ang ulo niyan pag may ginusto gagawin niya talaga.”

Napabuntong hininga naman ang mama ni Atasha dahil doon. Kilala niya ang anak niya at tama si Renz dahil workaholic talaga ang anak. Natahimik sila sandali dahil doon hanggang sa binasag ni Eldrith ang katahimikan.

“Can I ask? Nasaan ang Boyfriend ni Sha-sha hindi ba siya ang una niyo dapat na tinawagan?” Natigilan ang mga ito at nagkatinginan dahil sa tanong ni Eldrith.

“Ang totoo niyan walang Boyfriend si Sha-sha.” Sabi ni Renz na ikinakunot ng noo ng dalawa.

“Wala? Eh paano siya nabuntis kung wala?” Sabi ni Ally na ikinahawak naman sa kanya ni Eldrith dahil sa masyadong personal na tanong nito.

“Honey dahan dahan sa pagtatanong. Pasensya na po concern lang po kami kay Sha-sha at ayos lang po kung hindi niyo sasabihin.”

Nahihiyang sabi ni Eldrith pero umiling lang ang mama ni Atasha.

“No it's okay tutal kaibigan naman kayo ng anak ko dapat malaman niyo. Halika maupo muna tayo at doon ako mag kukwento.”

Naupo na silang lahat sa sofa doon at ilang minuto din tumagal ang kanilang pag uusap tungkol sa nangyari kay Atasha. Habang ang dalawa naman ay nagulat dahil sa kanilang mga nalaman.

“Bakit hindi niya po pina pulis yung lalaki?! Hindi tama ang ginawa niya!”

Galit na sabi ni Ally.

“Nako hija tinanong ko na siya ang sabi niya hindi na daw kailangan dahil ginusto niya rin naman daw ang nangyari.”

Mahinahong sabi ng Mama ni Atasha kaya napatahimik si Ally dahil doon.

“Kung ginusto niya bakit siya tumakas?”

Seryosong tanong ni Eldrith na ikinatingin ng mga ito sa kaniya.

“Tinatabutan daw siya ng hiya. Hindi ko alam kung bakit pero yun ang nag tulak sa kaniya na gawin yun.”  Sabi naman ni Grace na ikinatango ng dalawang magkasintahan.

“Sa totoo lang kanina kaya kami pumunta doon para sabihin kay Sha-sha na hindi na muna itutuloy ang kasal namin lalo na ngayon na nakita namin na buntis pala siya. Gusto ko po na si Sha-sha ang bride's maid ko.”

Nanlaki naman ang mata ni Grace dahil sa sinabi ni Ally.

“OMG! Bride's maid?! First time to! Kasi sa isang taon niyang pag mamanage ng mga wedding gustong gusto niya talagang maging brides maid nag paplano palang kasi kami ni renz at nag iipon kaya hindi muna kami mag papakasal.”

Masayang sabi ni Grace na ikinatuwa naman ni Ally at Eldrith.

“Talaga?”  Nakangiting pagsisigurado ni Ally

“Talagang talaga!”

“Nako Honey matutuwa pala si Sha-sha.”  Ngiting sabi ni Ally kay Eldrith na ikinatango din ng binata habang nakangiti sa kasintahan.

“Hijo , hija hindi maganda ang paurong urong sa kasal lalo na at nasimulan niyo na dapat ay ipagpatuloy niyo pamahiin na rin kasi yan.”

Natigilan ang magkasintahan at napatingin sa ina ni Atasha hanggang sa marealize nila ang sinabi nito at walang ibang ginawa kungdi ang tumango nalamang.

“Sige po kakausapin po namin si Sha-sha kapag nagising na.”  Sabi ni Eldrith na ikinangiti nila. 

Hinawakan naman ng mama ni Atasha ang kamay ng dalawa.

“Nawa'y mag karoon kayo ng masayang pamilya. Nakikita ko ang pag mamahalan sa inyong dalawa at alam ko rin na mahalaga kayo sa anak ko. Si Sha-sha kasi ang tipo ng tao na madaling mag tiwala mabuti nalang at hindi inaabuso ang kabaitan niya. Welcome na welcome kayo saamin.”

Napangiti naman ang dalawa dahil sa sinabi nito sa kanila kahit na kakikilala palang ng mga ito sa kanilang dalawa ay Tinanggap na agad sila ng mga ito.

Mag sasalita pa sana sila ngunit  nagulat ang mga ito at napatingin kay Atasha ng agad itong tumayo at tumakbo sa banyo. Nagkatinginan ang mga ito at agad namang  sumunod dito at nakita nila ito na nag susuka sa lababo. 

“Renz hijo paki tawag ang doctor.”  Kalamadong sabi ng mama ni Atasha at lumapit siya sa anak para hagurin ang likod nito. 

Si Atasha naman ay nagising dahil sa pakiramdam niyang bumabaliktad ang sikmura niya at sukang suka siya pero wala namang ibang lumalabas sa bibig niya kungdi tubig kaya naisip niya na malamang ay dahil iyon sa gutom.

“M-ma nagugutom na po ako.”

Sabi ni Atasha habang nakatingin sa ina kaya tumango naman ang mama niya. 

“Eldrith hijo pwede mo bang ibili ang anak ko ng makakain?” Ngumiti naman si Eldrith at tumango.

“Sure! Ano bang gusto mo Sha-sha?”

Nagulat si Atasha doon lalo na at andoon parin pala ang dalawa niyang kliyente.

“Hala sorry hindi natin natuloy yung meeting. Siguro sa sobrang gutom hinimatay na ako.”  Sabi ni Atasha na ikinatinginan naman nila sa isa't-isa.

“Ayos lang yun Sha-sha. Sabihin mo na kay Eldrith ang gusto mo para makakain na kayo este ikaw pala.”  Sabi ni Ally na kamuntikan ng ikatawa ni Grace dahil doon mabuti at nakapag pigil siya.

“Ganon ba sige gusto ko ng burger at ice cream, cookies and cream ah.” Tumango naman si Eldrith at umalis na. Inakay na ng mama niya si Atasha pabalik sa higaan. 

“Ma sorry napapabayaan ko na ang sarili ko ang dami kasing gawain sa office.”  sabi ni Atasha na ikinahawak naman sa kamay niya ng kaniyang ina.

“Anak makinig ka saakin. Please wag mo ng pabayaan ang sarili mo lalo na ngayon na buntis ka.”

Natigilan si Atasha dahil sa sinabi ng Mama nya. Hindi sya makapaniwala sa sinabi nito at nag po-proseso pa ito sa utak niya hanggang sa maya maya ay tumawa siya.

“Hahaha Ma naman, wag ka ngang mag biro sabi ko naman sa inyong dalawa ni Grace hindi nga po ako buntis impossible na mabuntis njya ako it's just one night.”  Tawang sabi ni Atasha pero napatigil din siya ilang sandali ng makita niyang seryoso ang mga kasama niya at hindi natatawa kasama niya.

“T-teka nag bibiro lang kayo diba?”  Sabi ni Atasha. Sasagot na sana sila ng bumukas ang pinto at paglingon nila dito ay pumasok ang isang doctor. 

“Kamusta ang pakiramdam mo? Ako ang doctor mo siguro naman alam mo ng buntis ka please lang wag mong hahayaan na nalilipasan ng gutom mabuti nalang at malusog ang bata kaya hindi ito naapektuhan.”  

Sabi ng doctor sa kaniya habang chinecheck ant vital sign niya. Natahimik sandali si Atasha hanggang sa nanlaki ang mata nito dahil sa sinabi ng doctor at napaturo sa sarili niya.

“Ako po buntis?!” Gulat na sabi niya na ikinatawa naman ng doctor niya. 

“You know what, ganyan din sila kagulat kanina ng malaman nilang buntis ka mukang matagal nyo ng iniintay ng Mr mo na mag kaanak ano?”

Ang pagkagulat ni Atasha ay nawala dahil sa sinabi ng doctor mabuti na lamang at si Grace na ang sumagot.

“Wala po ang ama ng bata doctora.” Nagulat naman ang doctor doon.

“Oh sorry to hear that! But please wag mong iisipin na ipalaglag ang bata dahil ang sanggol na nasa sinapupunan mo ay isang biyaya.”

Napatingin naman si Atasha sa doctor niya.

“Doc never ko pong inisip yan. Kahit na hindi inaasahan ang nangyari saamin, noon pa man nangako na ako sa sarili ko na kung may mabubuo ay aalagaan ko siya ng mabuti.” 

Seryosong sabi ni Atasha na ikinangiti naman nila. Habang ang ina ni Atasha ay  hindi na napigilan na maluha kaya hinawakan nila Grace at Ally ang balikat nito at hinagod ang likod.

“Good to hear that from you Atasha.”

“Call me Sha-sha nalang po.” Nakangiting sabi ni Atasha.

“Okay Sha-sha makinig ka saakin ah? Being pregnant is not easy lalo na sa stage mo na isa't kalahating buwan palang dapat maging maingat ka and always drink vitamins and eat fruits and vegetables. Babalik ka din dito buwan buwan okay para sa check ups mo, para na rin matignan natin kung maayos ang baby mo.”

Napangiti naman si Atasha dahil sa sinabi nito. Excited na siyang gawin ang mga iyon.

“Yes po doc hindi ko kakalimutan ang sinabi niyo pero may tanong po ako. Bakit wala akong sintomas na buntis ako noong nakaraan na buwan?” Napatango naman ang doctor nya at sumagot.

“It's normal Sha-sha meron talagang mga cases na ganyan kapag nag bubuntis. Ang iba nga ay 3 months bago malaman na buntis sila. May mas malala na cases na dahil wala ngang sintomas ay nalalaglag ang bata masuwerte ka at malakas ang kapit sayo ng baby mo kaya alagaan mo sya okay?”

Napaisip siya sa sinabi ng doctor at napangiti naiisip niya na masuwerte siya kaya hinawakan nito ang tiyan niya.

“B-baby sorry kung napabayaan ka ni mommy hindi ko alam na anjan kana pala.”

Napangiti lang ang iba dahil sa nakita nila habang ang Mama niya ay hindi na napigilan ang luha nito at iyak na talaga ang nangyari. 

Masayang masaya siya dahil nakikita niya ang saya sa mata ng anak niya at ang unikahija nila ay isa na ring ina ngayon hindi siya makapaniwala na ang inaalagaan niya noon, ngayon ay ina na rin katulad niya. 

“Sige na maiwan ko na muna kayo babalik ako mamaya para ibigay ang mga dapat mong inumin na vitamins okay? At pag dating ng kaibigan mo kumain kana okay?”

Nakasalubong kasi ni doctora si Eldrith kanina kaya alam nito. Tumango naman siya at nag pasalamat dito. 

Napatingin si Atasha sa mama niya na umiiyak kaya nag alala siya dito.

“Ma why are you crying? Halika po.”  Sabi ni Atasha. Lumapit naman ang ina niya sa kaniya at inalalayan niya ito na maupo sa tabi niya.

“A-anak sobrang saya ko. Magiging ina kana, hindi ko akalain na maabutan pa kitang maging isang ina.” Napangiti naman si Atasha dahil doon at naiiyak narin.

“Ma naman, makapag sabi naman po kayo hindi niyo pa ako iiwan noh matagal ka pang mawawala okay? Makakasama niyo pa ang apo niyo so wag na po kayong umiyak sige ka malulungkot ang apo niyo.” Sabi ni Atasha na ikinangiti ng Mama niya at tumango. Hanggat maaari ay gusto ni Atasha na mas maging malakas lalo na ngayon na magkaka anak na siya.

“Wahhh magiging Tita na ako!” Napatingin sila kay Grace ng tumili ito kaya napatawa nalang sila. 

“Babe ang ingay mo nanaman nasa ospital tayo.”  Sabi ni Renz pero inirapan lang siya ni Grace na mas ikinatawa nila. Lumapit naman si Ally kay Atasha at tumabi sa kabilang gilid niya.

“Congrats Sha-sha magiging Mommy kana!”  Masayang sabi ni Ally na ikinangiti ni Atasha.

“Salamat Ally. Salamat at anjan kayo ni Eldrith baka napano na ako kung wala kayo kanina.”

“Ano kaba kaibigan ka namin kaya natural lang yun.” Napangiti naman si Atasha dahil sa sinabi nito at napatingin sila sa pinto ng pumasok si Eldrith. Naamoy agad ni Atasha ang burger na binili nito sa Jollibee na ikinangiti niya ng malaki. 

“Wahh!! Ang bango naman ng burger Eldrith! Gutom na gutom na ako!” Napatawa naman sila sa reaction ni Atasha at agad na ibinigay ni Eldrith ang burgers at ice cream na isang gallon.

“Thank you!”

Agad na binuksan ni Atasha ang plastic at inuna niyang buksan ang Ice Cream tapos sinunod ang burger. Kumagat muna siya sa burger at napaungot pa dahil sa sarap.

“Woo! The best talaga to!”  Napatawa nanaman sila dahil doon. Nakita ni Atsha na may kutsara doon kaya kinuha niya ito at sumandok sa Ice Cream. 

“Ang sarap! Gusto nyo?!”  Sabi niya sa kanila na ikina atras naman nila kaya napakunot ang noo ni Atasha.

“Bakit? Masarap kaya! At isa pa ang daming binili ni Eldrith oh!” Napatawa naman ang Mama niya dahil sa uri ng tanong nito.

“Haha anak hindi mo ba alam na hindi dapat sabayan kumain ang nag lilihi? Dahil sa ayaw at sa gusto ng tao na yun ay parang mag lilihi din siya katulad mo.”Napaisip si Atasha sa sinabi ng Mama niya at napangiwi nalamang na tumango si Atasha dahil doon.

“Mukang lumalabas na ang pag lilihi mo Sha-sha.”

Sabi ni Eldrith na ikinatango nila. 

“Nako muka nga mahirap pa namang maglihi lalo na kapag gabi ako inatake nito.” Sabi ni Atasha habang may burger pa ang bunganga.

“Ano kaba andito kami para tulungan ka!” Sabi ni Ally.

“Tama si Ally Sha-sha at para saan pa tong mga Fiance namin diba kaya nila yun!"  Sabi ni Grace na ikinangiti naman ni Atasha pero si Atasha kasi yung tipo ng tao na mas gusto niya na walang naaabala ng dahil sa kaniya.

“Sige na kumain ka ng kumain para mabusog na din baby mo.” Sabi ng Mama niya na ikinatango nito. Pero napatigil si Atasha ng mag salita si Eldrith.

“Sha-sha bat dimo sabihin sa ama ng anak mo na may anak kayo?” Natigilan siya at patingin dito dahil sa tanong na iyon hindi niya inaasahan na dito manggagaling ang tanong na yun. 

“P-paano mo nalaman?” Gulat na sabi niya

“Anak kami ang nag kwento sa kanila tutal kaibigan mo din sila kaya deserve nilang malaman ang tungkol doon.”

Napatango naman si Atasha dahil sa sinabi ng Mama niya. Natahimik siya sandali at kumain muna ng Ice cream bago nag salita.

“Sa totoo lang gusto kong sabihin. Pero naisip ko din na baka hindi niya tanggapin ang anak namin. Hindi ko siya kilala at hindi niya rin ako kilala. Pabango nga lang niya ang naaalala ko sa kaniya pero ang muka niya hindi. Nahihiya ako kasi dahil saakin nangyari ito, nagkaanak kami. Isa pa malay ko bang may asawa o Girlfriend na pala yun baka mamaya magalit lang siya saakin at ipag tabuyan ako at worst ang anak namin.”

Malungkot na sabi ni Atasha at tumingin sa kanila na tahimik lang na nakikinig.

“Ayoko na mangyari yun. Mas okay na ako nalang ang masaktan kesa ang anak ko. Kaya please hayaan niyo na ako sa decisyon ko palalakihin ko ng mabuti ang anak ko dahil siya na ang mundo ko ngayon.” Nakangiting sabi niya. Nagkatinginan naman sila at tumango dito kaya bumalik na siya sa pag kain. 

Masaya parin sila dahil sa magandang balita na buntis si Atasha. 

“SHA-SHA GUSTO sana namin na ang kasal ay 7 months from now.”

Sabi ni Ally. Andoon sila ngayon sa bahay nila Atasha dahil pumunta silang dalawa doon. Isang linggo narin ang lumilipas mula ng malaman nilang buntis si Atasha.

Sa nagdaang araw ay maayos naman ang lahat at ganon parin ang pinag lilihian niya na mas pabor sa kaniya kesa naman mag hanap pa sya ng iba.

“Sigurado na kayo doon? Teka kabuwanan ko din yun ah!” Nakangiting sabi ni Atasha na ikinatango naman nila.

“Haha alam namin sikato talaga namin sa kabuwanan mo kasi mahalaga ka na saamin” Tawang sabi ni Eldrith na mas ikinangiti ni Atasha sa nagdaang araw ay unti unti ng umuumbok ang tyan ng dalaga na ikinatuwa niya dahil unti unti ng lumalabas ang baby bump niya at sumisipa narin ang batang nasa tiyan niya.

“Salamat talaga sa inyong dalawa ha? Ang saya ko kasi naging kaibigan ko kayo hindi niyo ako pinabayaan lahat kayo.”

Nakangiting sabi ni Atasha dahil kitang kita niya kung paano siya alagaan ng mga ito. Palagi siyang binibigyan ng mga ito ng masusustansyang pagkain na ikinatuwa naman niya dahil gustong gusto niya ang mga iyon.

“Ano kaba Sha-sha pinangako namin na aalagaan ka naming dalawa kaya kasama mo kami hanggang dulo.” Napangiti naman si Atasha at niyakap ang dalawa. 

“Wow Sha-sha lumalabas na ang baby bump mo.”

Sabi ni Ally ng matapos nila ang yakapan.

“Oo nga! Hindi na ako makapaghintay na lumabas siya.” Napangiti naman sila dahil doon. 

ILANG ARAW pa ang lumipas at madalas nalang sa bahay si Atasha dahil ang secretary niya muna ang nag aasikaso sa business niya. Madalas ay gutom ang dalaga dahil narin nag lilihi at hindi naman nakakaligtaan nila Grace at nila Ally na pumunta doon isang beses sa isang araw.

Doon na din nila pinag uusapan ang pag hahanda sa kasal ng dalawa. Nag paplano na sila at namimili ng mga soot , decorations at kung ano ano pa.

Gabi ng magising si Atasha dahil sa gutom pumunta siya sa kusina para kunin ang Ice Cream at burger pero napatigil siya ng parang ayaw na niya ng mga iyon. 

“Gusto ko ng french fries at Hot cake.”

Agad siyang naghanap sa kusina nila ng gusto niya and luckily may nakita siya na Hot cake at French fries kaya agad siyang nag luto dahil nag lalaway na siya sa gutom. Nang matapos siya ay agad siyang kumain. 

Sa gitna ng gabi ay may isang buntis na nag lilihi at kumakain habang ang mga kasama nito sa bahay na mama niya at ilang katulong ay tulog na. 

Napatingin siya sa ref habang kumakain parang gusto niyang isawsaw sa Ice cream ang french fries at gusto niya ring ipalaman ang hot cake sa burger kaya agad niya yung kinuha at sinunod ang gusto ng anak nya. 

Alam niyang hindi niya ugaling kumain ng ganon dahil hindi normal yun. Marahil ay iyon ang gusto ng anak niya kaya agad siyang kumain non.

“Wahh ang sarap naman nito!” Sabi niya at tuwang tuwang kumain. Nang matapos kumain ay busog na busog ang dalaga. Nag timpla pa siya ng gatas para makatulog siya matapos nun. 

Pagkatapos non ay natulog na siya. Pero kahit na anong dami ng kain niya ay nagising parin siya ng maaga dahil sa gutom naabutan niya sa baba ang mama niya na nag luluto pero iba ang gusto niya , ang kinain niya kagabi.

“Anak gising kana pala andoon ang Ice Cream at burger mo bagong order lang yan.”

Nakangiting sabi ng mama niya.

“Ma kulang pa po yan kagabi po kumain ako ng French fries at hot cake kaso naubos ko na po lahat eh. Ako nalang po ang bibili para makalabas din ako." 

Napangiti naman ang mama niya dahil doon.

“Sigurado ka? Samahan na kita.”

“Nako ma wag na kaya ko na po ang sarili ko don't worry.”

Agad na naligo si Atasha at nagbihis ng isang dress napatingin siya sa salamin at kitang kita na talaga ang baby bump niya. Napahawak sya doon.

“Baby ang takaw mo ah? Mabuti nalang at sexy parin si mommy mo.”  Natatawang sabi niya dito. Matapos iyon ay bumaba na siya at nag paalam sa mama niya. 

Pag kaalis niya ay siyang  dating nila Ally at Eldrith at bibisitahin si Atasha pero nalaman nilang lumabas ito kaya sumunod sila sa dalaga. 

Si Atasha naman ay nakaagaw ng attention sa mall dahil kahit na kabubukas palang niyon ay marami naring tao. Hindi maipagkakaila ang kagandahan ni Atasha lalo na at ang amo ng muka nito.

At kahit na buntis siya ay sexy parin siya at mas lalo siyang nag blooming. May kasabihan pa nga na kapag ang isang buntis ay blooming ibig sabihin babae daw iyon. Kapag naman bilog na bilog ang tiyan at nangingitim ang kilikili ay lalaki.

Tumungo si Atasha sa grocery at bumili ng maraming gusto niyang French Fries at hot cake halos punuin na niya ang basket na dala niya. Bumili narin siya ng magustuhan niya. 

Nang makabayad ay nag request siya na ipadala nalang ang pinamili niya sa kotse niya dahil nga buntis siya at pumayag naman ang mga staff doon.

Naglakad siya palabas at naglibot libot muna. Hanggang sa nagutom siya kaya bumili siya ng Ice cream at French fries katulad kagabi ay isinasawsaw niya iyon sa Ice cream niya habang naglalakad at patingin tingin sa paligid.

Sarap na sarap siya sa pagkain ng may makabangga siya dahil busy siya sa kakatingin sa paligid.

“What the?! Ang dress ko!”

Galit na sabi ng babae na nakabunggo niya pero si Atasha ay wala doon ang attention kungdi nasa pagkain niyang nalaglag na ngayon sa sahig. 

“Y-yung pag kain ko.” Naiiyak na sabi niya na mas ikinainis ng babae.

“What?! Pag kain pa talaga ang mahalaga sayo?! Alam mo bang mas mahal pa to sa buhay mo! You bitch!”

Sabi ng babae at itinulak siya na ikinagulat ng mga andodoon lalo na at alam nilang buntis ito.

“Sha-sha!!”

Sigaw nila Ally at Eldrith dahil nakita nila kung paano siya itulak ng babae. 

Habang si Atasha naman ay napapikit naman dahil sa hindi niya inaasahan iyon. Napahawak siya sa tiyan niya ng makaramdam siya ng sakit doon.

“A-aray a-ang baby ko.”

Sabi ni Atasha at halos himatayin siya ng makita niya ang dugo sa binti niya kaya agad siyang napaiyak.

“Sha-sha! Omygod! Ang baby mo! Honey tumawag ka ng ambulance!”

Tarantang sabi ni Ally kay Eldrith na agad na ginawa nito. Habang ang tumulak naman kay Atasha ay nagulat din dahil doon hindi niya alam na buntis pala ang babae at naitulak nya. 

Madami ang naawa kay Atasha at nagalit sa ginawa ng babae halatang halata naman ang umbok na tyan nito pero hindi lang talaga iyon pinansin ng babae dahil galit na galit nga sya. 

Agad na dumating ang ambulance at dinala si Atasha sa hospital na hindi na rin matigil kakaiyak kaya hinimatay na. Alalang alala si Ally habang si Eldrith naman ay naiwan sa mall. 

“Anong ginawa mo Catty! Buntis siya! Buntis siya at tinulak mo!” Sigaw ni Eldrith. Oo kilala nilang dalawa ang babae at alam na alam nila ang masamang ugali nito.

“H-hindi ko alam Eldrith. Hindi ko alam!”

 

“Kapag may masamang nangyari sa kanilang dalawa pag sisisihan mo yan Catty tandaan mo! You will live in hell!”

Galit na sabi ni Eldrith at umalis na doon. 

ILANG ORAS ang lumipas at nag hihintay silang lahat ngayon sa labas ng kwarto ni Atasha. Alalang alala sila sa dalaga lalo na sa bata.

Kumpleto silang lahat ngayon. Maya maya ay lumabas na ang doctor ni Atasha.

“Doctora! Kamusta ang kaibigan ko?! Ang baby nya!” Sabi ni Grace.

“Ligtas na ang bata. Masuwerte tayo at malakas kumapit si baby at hindi niya iniwan ang mommy niya he or she is a great fighter.” 

Nakahinga naman ng maluwag ang lahat dahil sa sinabi nito.

“Dapat ay mag ingat na tayo dahil hindi natin alam baka kapag naulit pa ito ay may masama ng mangyari sa bata. Sa ngayon ay katulad parin noon masusutansyang pagkain ang kailangan niya at wag kakalimutan ang Vitamins. Maiwan ko na kayo.”

Nagpasalamat naman sila kay doctora at umalis na. Pumasok sila sa loob at tulog parin si Atasha.

“Mabuti at ligtas ang bata nag alala ako ng sobra.”  sabi ng Mama ni Atasha at natahimik naman sila. Makakahinga na sila ng maluwag dahil doon.

ILANG BUWAN ang lumipas at mas naging healthy si Atasha pati ang baby niya  mas naging maingat na sila ngayon dahil nga sa nangyaring insidente. 

Sa nagdaang buwan ay pinag hahandaan narin nila ang kasal nila Ally at Eldrith. Si Atasha ang nag asikaso sa flow ng event. 

Kabuwanan na ni Atasha ngayon at talagang malaki na ang tiyan niya. Asa simbahan sila ngayon dahil sa rehearsal nila para sa kasal ilang araw nalang ay ikakasal na ang dalawa at hindi din nila alam kung kailan manganganak ang dalaga.

Hindi siya nag pa ultrasound dahil gusto niyang surprise ang magiging gender ng bata.

“Sha-sha! Lalo kang gumaganda ah!”

Masayang sabi ni Ally at niyakap ito. Kadarating lang nga dalawa at si Atasha naman ay inaasikaso ang ibang gawin. 

“Nako natural na ata saakin ito sa tingin ko kapag babae to ang kikay kikay.”

Nakangiti niyang sabi na ikinatawa nila. Nag simula na ang rehearsal ngunit kulang.

 

“Eldrith nasaan ang best man mo at ibang partner ng mga abay nyo?”  Tanong ni Atasha dito.

“Nako busy kasi sila kaya hindi makakapunta alam na naman nila ang gagawin nila kapag araw na ng kasal kaya no worries.” Nakangiting sabi ni Eldrith na ikinatango ni Atasha at nagsimula na sila.

Sa buong maghapon ay napagod si Atasha kaya pagdating niya sa kanila ay agad siyang nakatulog. 

DUMATING ang araw ng kasal nila Ally, si Atasha ay nasa bahay ni Ally nakilala na rin niya ang magulang ng dalawa ilang buwan na ang lumipas at masaya sila ng makilala si Atasha. Kasama nila si Grace dahil abay din ito.

“Kinakabahan ako! Paano kung hindi sya makapunta?! Isang linggo kaming di nagkita.”

Napatawa naman ng dalawa habang nakatingin sa salamin. Nakasoot na si Ally ngayon ng gown at ready ng umalis dahil nga sa tradisyon ay hindi muna silang dalawa pwedeng magkita bago ang kasal kaya ganon nalang ang reaction ni Ally. 

“Ano kaba naman Ally forever na kayo ni Eldrith kaya wag kang mag alala!”  Sabi ni Grace na natatawa sa kaibigan.

“Tama si Grace Ally ang tagal na nating pinag hahandaan to.”

Nakangiting sabi ni Atasha na ikinangiti ng pilit ni Ally. Nakasoot na din ang dalawa ng kanikanilang gown na kulay Violet. Pero natigilan sila ng makitang mapangiwi si Atasha. 

“A-ahh aray!”

Nagulat ang dalawa dahil pagkakita nila kay Atasha ay pumutok na ang panubigan nito. 

“Sha-sha manganganak kana! Tita! Tito! Asaan na kayo?! Si Sha-sha manganganak na!”

Sigaw ni Grace na ikinarinig naman sa labas at agad na pumasok doon. Nagpatawag na ng ambulance para kay Atasha.

“Anak hingang malalim. Kaya mo yan.”  Sabi ng mama ni Atasha andodoon na din ang magulang ni Ally. 

“A-ally makinig ka saakin. K-kahit na anong mangyari tuloy ang kasal niyo okay? W-wag nyo akong ahh!! Alalahanin!” Nahihirapang sabi ni Atasha na ikinatango naman ni Ally pero ang totoo ay alalang alala na sya.

Agad na dinala si Atasha sa hospital kasama ang Mama niya habang ang iba ay sa simbahan ang tuloy.

“Papa! Paano si Sha-sha baka mapano siya sa panganganak!"  Sabi ni Ally habang papunta sa kasal.

“Anak wag kang mag alala kaya ni Sha-sha iyon. Tulad ng sabi niya wag kang mag alala kasal mo ngayon kaya dapat mag enjoy ka.”

 

Sa kabilang banda naman ay hirap na hirap si Atasha na manganak. 

“Ahhh!! D-doc bakit ang sakit nito huhu!”

Sabi ni Atasha sa doctora niya na ikinatawa naman nito.

“Sha-sha hindi bat sinabihan na kita tungkol dito? Kaya mo yan sige na ire.” 

“Ahhhh!!!”

Isang mahabang ire ang ginawa ni Atasha pero wala pa rin.

“Anak kaya mo yan andito lang si Mama.”

Kasama ni Atasha sa loob ang mama nya.

“Sha-sha ire pa nakikita ko na ang ulo.”

“Ahhhh!!”

Matapos ang ilang minuto ay napalabas na ni Atasha ang isang malusog na lalaki. Pumalibot sa loob ng kwarto ang ingay ng iyak nito.

“Ahh!! Doc bakit ang sakit nanaman!” 

Sabi ni Atasha na ikinagulat nila at doon ay nalaman na may isa pang bata. 

“Sha-sha kambal ang anak mo! Umire kapa dahil kapag hindi mo siya nailabas mamamatay siya!”

Sabi ng doctor nya dahil nga nakikita na nya ang pagod sa muka ni Atasha. Kahit nagulat si Atasha dahil kambal ang anak niya ay natakot siya sa sinabi ng doctor na mamamatay ito kaya kahit anong pagod niya ay pinilit niya paring palabasin ito.

Na nagawa niya matapos ang ilang minuto.

“Babae! Lalaki at babae ang anak mo Sha-sha!”

Iyan ang huling narinig ni Atasha bago siya mawalan ng malay dahil sa sobrang pagod sa panganganak. 

Mga Comments (8)
goodnovel comment avatar
Mary Rose Talosig
maganda ung story my trill cya kaso ang mahal ung unlock nya Kya hanggang chapter 5 na lang ako
goodnovel comment avatar
Marsha Manmuth
wow kambal
goodnovel comment avatar
Mhera Lolo
lalong matutuwa an ina ni atasha
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status