Share

Be Officially Mine
Be Officially Mine
Author: D.VAYN

I. The Shocking Kiss

“Kuya, ano ba!  ba’t ba gustung-gusto mong makipaglaro sa batang yan?”  himutok ng batang si Trisha sa kanyang kuya na magiliw na nakikipaglaro sa kapitbahay nila nang masilayan niya ang mga ito sa harapan ng kanilang mansyon.

Tumayo ang mga ito at nagtawanan.  “Gummy, ang bata-bata pa natin, para ka ng matandang dalaga kung magtatalak,” tugon ng siyam na taong gulang na si Marsden. Dalawang taon ang tanda niya kay Trisha samantalang ang kapatid nitong si Marco ay isang taon ang tanda sa kanya.

“Will you stop calling me that gummy, gummy…I hate it and I super duper hate you!” pairap na saad ni Trisha kay Marsden.

“Patawarin mo na siya  Trish, kawawa naman mag-isa lang siya sa bahay nila ngayon.  Halika sali ka na lang sa’min,” paanyaya ni Marco sa kapatid habang hawak-hawak ang remote control niyang sasakyan.

“Ayoko…ayoko, ayoko, AYOKO!  Hmph!  Mas gusto ko pang kalaro si Rapunzel noh!” sabay yakap sa paborito nitong Barbie at inis na pumasok ng bahay.

“Hey Trish, relax ,okay?” saad ng matalik niyang kaibigan na ngayon ay kasama niyang sakay ng taxi papuntang NAIA.

“Gosh!  Bakit ba ako nagpadala sa mga sinabi ni Chelsea?  I trust Drake and I shouldn’t be here,” aniya na hindi mapakali dahil sa mga oras na ito ay may posibilidad na nagloloko ang kanyang long-term boyfriend.  Ni minsan hindi niya inisip na magagawa ng nobyo ang ibinibintang ng kanyang pinsan.

Matagal niya ng nababatid na subrang nagiging close ang pinsan niya at si Drake.  Minsan na rin siyang binalaan ng bestfriend niya nang makita nitong magkasama ang dalawa sa isang mamahaling restaurant.  May tiwala siya kay Drake kaya naman hindi niya ito pinansin and assured her bestfriend na wala lang ‘yon dahil sanay na siyang may mga lunch or dinner arrangements ang nobyo dahil marami rin itong clients outside the company.

Company Attorney si Drake sa kompanyang pinagtatrabahohan niya.  Samantalang siya naman ay sa Accounting Department bilang Junior Accountant.  Gwapo ito, malakas ang sex appeal at higit sa lahat kahit na mukha itong chickboy because of his friendly attitude, wala siyang naririnig na babaero ito, kabaliktaran pa nga dahil ang last relationship nito lasted for two years and the girl was the one who broke it up. Malambing ito at maalalahanin, kaya naman nang magpahangin itong manligaw ay pumayag siya.

After half a year of courting, sinagot niya ito and they are together for three years now.  They were a happy couple until suddenly Drake changed.  Palagi nalang itong busy, palaging may rason ‘pag gusto niyang magdate sila.  Namimiss na niya ang dating Drake na lahat gagawin makita lang siya. Ngunit hindi siya kailan man nagcomplain dahil alam niyang kailangan nitong kumayod para sa mga kapatid nitong nag-aaral pa. 

Heto nga ngayon papunta sila ng airport to settle things.  Gusto niyang ipakita sa bestfriend niya na faithful ang nobyo sa kanya.  That everything is alright between them.  To prove na lahat ng sinabi ng pinsan niya about Drake waiting in the airport for her cousin’s arrival rather than celebrate their 3rd Anniversary together are big fat lies.

Ngunit nang makarating sila ng airport, napakalakas ng tibok ng kanyang puso.  Para siyang hihimatayin sa kaba.  Pa’no kung totoo?  Ano ang magiging reaksiyon niya?  Bata palang sila alam niya ng kinaiinisan siya ni Chelsea.  Halos lahat ng mayro’n siya ginagaya nito, minsan inaagaw at sinisira.  Mula sa laruan, mga damit and even her school friends.  Inaagaw rin ba nito ang kanyang nobyo? Kaka-graduate palang ng kuya niya noon sa kolehiyo at siya naman ay magse-second year college pa lang ng mangyari ang aksidente na ikinamatay ng parents nila. Just like the wheel of fortune, from being a princess, Trisha’s life in just a blink of an eye turned upside down. She was left lonely and hurt by the sudden death of the parents she loved, by the big change in their status in life and the abandonment of  friends she thought would give her comfort.  Dahil nga mga bata pa sila at ang daddy ni Chelsea ay naging majority shareholder, ito na ang naging chairman ng kompanya. Family business ‘yon na nagmula pa sa kalololohan nila kaya naman wala silang nagawa.

Nang malaman nilang naubos ang savings at company share ng parents nila  kasabay rin ng forclosure ng bangko sa kanilang mansyon  dahil nalulong ang daddy nila sa casino, wala silang nagawa kundi ang pumayag na kopkopin sila ng parents ni Chelsea.  Ang kanyang tito Fernan at ang pamilya nito na lamang ang natitira nilang kamag-anak.  Ang kuya Marco naman niya ay dalawang beses ng nagtake ng bar examination hindi talaga pumasa kaya naman kumikita lamang ito ng kakarampot kada-buwan sa trabaho nitong Purchaser sa isang kompanya.   Hindi ito sapat para umalis sila sa poder ng tiyo nila.  Napilitan silang tumira dito ng libre kapalit ng pagtulong nila sa mga pambahay na gawain.  Kulang na lang tawagin siyang personal maid ni Chelsea.  Palautos ito at mainitin ang ulo.  Nag-iisang anak kaya naman spoiled brat.  Kahit sa school ginagawa siya nitong tagabuhat nito, tagagawa niyon, taga-awat pag may sumasabunot ditong nobya ng nilalandi nitong lalaki.  Kahit minsan pumapatol si Trisha sa pinsan at nakikipagsabunutan  hindi nya kailan man kinamuhian si Chelsea dahil naranasan din niyang maging isang brat.  No’ng una mabuti ang trato ng tito nila sa kanila ngunit nang tumuntong na siya ng ikatlong taon sa kursong Accountancy, hindi na siya nakakatanggap ng allowance at hindi na rin binabayaran ang tuition fee niya kaya naman napilitan silang umalis sa poder ng mga ito.  Dahil hindi kaya ng kuya ni Trisha na suportahan ang kanyang pag-aaral sa pribadong paaralan, minabuti niyang lumipat sa pampublikong kolehiyo.  Hindi sila close ni Chelsea kahit noon pa man especially nang tumira ito ng Amerika pero hindi niya kailan man inisip na magagawa siya nitong traydorin.

Pilit niyang pinakalma ang sarili, hindi tama na basta na lang siyang maniwala without giving Drake the benefit of the doubt but deep inside she’s praying that being here is just a waste of time for Drake is surely waiting for her at the apartment this very moment.

“Girl, andito lang ako okay? Whatever happens hawakan mo lang kamay ko.”

Kahit kinakabahan ay tumango siya at ngumiti kay Chloe.  Alam niya kung gaano itong nag-aalala sa kanya.  Magkahawak kamay silang pumasok sa waiting area.  Gumaan ang pakiramdam niya sa comfort  ng kaibigan pero bigla siyang natigilan ng makita  ang nobyo sa di kalayuan.  Nakafocus ang paningin nito sa exit kung saan dadaan ang mga pasaherong nagsidatingan.   Huminto ang mundo at tila siya napako sa kinatatayuan.  Gusto niyang puntahan ang nobyo at sumbatan.  Tanungin kung bakit?  Ngunit hindi siya makagalaw.   Pisil sa kanyang kamay ng matalik niyang kaibigan ang nagpabalik sa kanya ng reyalidad.  Drake was cheating on her with her cousin, her own blood.  She wanted to shout at them.  Tell them to go to hell! Pero natamimi siya nang makita niyang nagyakapan ang dalawa.  Hindi niya napansing dumating na pala si Chelsea pushing the knife even deeper.

“Trish!” tawag sa kanya ni Chloe.

Unconsciously, she walked towards them pero huli na ng mahinuha niyang may mababangga siyang tao.  Dalawang malalakas na mga bisig ang tumigil sa kanyang pagkakadapa. 

“God!  Woman, are you okay?”

She looked at the man with unfocused eyes.  Nakahawak parin ito sa baywang niya at siya naman ay nakakapit parin sa mga bisig nito.

Napalingon siya kina Drake at Chelsea na dalawang metro lang ang layo sa kanila.  Busy ang mga ito sa paglalandian kaya naman hindi  sila napapansin ng mga ito.

Dahil sa galit na nararamdaman, tumingin siya sa lalaking kaharap at pilit ngumiti.

“Babe! Finally andito ka na, I miss you  so much,” at malambing itong niyakap at hinalikan sa mga labi. 

Sa oras na ito ay nakuha nila ang pansin ng dalawa dahil sa lakas ng boses ni Trisha.  Si Chloe naman ay nasa likuran niya at napanganga sa ginawa ng kaibigan.  Ang lalaki naman sa umpisa ay naramdaman niyang natigilan but in a second he goes with the flow.  When Trisha felt him response, something she can’t explain happened at that very moment. Just like a quick surge of electricity, mild but she felt it all over her body.  She suddenly  opened her eyes and directly saw the laughing eyes of the man she was kissing.  Everything disappeared as she looked into his eyes.  She blushed and felt ashamed for what she did. So she ended it. The kiss lasts for just seconds but it seemed like minutes.  Right then,  she can’t look at him.  It felt like he can see the depth of her misery.  In a second she forgot the situation where she was in, as if with just that look he’s giving her it radiates comfort and warmth.  Ngunit bago paman siya tuluyang malunod ikinurap niya ang mga mata  at pilit na inilayo ang mukha dito at  nilingon ang nobyo.  Nakatingin na pala ang mga ito sa kanila at kitang-kita niya ang naiinis na mukha ng pinsan habang nakatingin sa lalaking nakahalikan niya.  She felt guilty and uncomfortable kaya naman pasimple siyang lumayo dito but the guy didn’t let her go but instead he seemed like his enjoying everything.  He even looked at her with a smirk fueling Drake’s annoyance.

Pilit siyang tumingin sa manlolokong kasintahan.  Nakakuyom ang mga palad nito at pigil ang galit. “What is the meaning of this?” lumingin ito sa lalaki na para bang kakainin niya ito ng buhay.

Lumapit si Chloe at sumali narin sa laro, calming herself for the benefit of her bestfriend whose hurting right now.

“Oh, the original one-” sabay turo sa lalaki, “-and the spare,”  turo naman nito kay Drake with hate in her eyes. Gustung-gusto niya itong upakan for her friend doesn’t deserve this humiliation.  Trisha gave her love openly, trustingly and she admired that of her but Drake didn’t deserved all of it.  Chloe glared at Chelsea,  the snake was enjoying it, damn her!

Silently Trisha thanked her bestfriend for the support.  Alam niya kung gaano itong nagtitimpi na huwag komprontahin ang dalawa.  Huminga siya ng malalim at pinakalma ang sarili.  “Oh my gosh!  Andito ka pala with my cousin. What a coincidence!”  Trisha pasted an innocent smile towards them.  Hopefully they won’t see her hands were trembling in restraining herself not to confront them like a wild animal in pain.

Napansin niyang tumingin si Drake kay Chelsea at napalitan ng guilt ang expression nito.  Bago paman ito makapagsalita ay hinila na niya palabas ng airport ang lalaki and Chloe followed.  She’s proud of herself for she courageously bested Drake yet when they neared the exit she can’t contain it anymore.  Kailangan na niyang makalabas bago paman tumulo ang luhang kanina pa niya pinipigilan.  Without looking at the man beside her, she ran off at pumara ng taxi.  Bago sumunod si Chloe ay pinasalamatan nito ang gwapong lalaki.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status