Share

VI. Gummy Friendship

Kakalipat pa lamang nila Marsden sa BLUE STREET Subdivision nang makilala niya ang dalawang batang magiliw na naglalaro sa maliit na park inside the Exclusive Subdivision.   Palaging wala ang mama niya dahil palagi itong nasa business trip kaya naman sa parke siya lumalage  pagdating niya galing sa eskwela.  Maraming gustong makipagkaibigan sa kanya lalo na ang mga batang babae dahil na rin sa looks niya.  Pero dahil sanay siyang mag-isa, walang kapatid o matalik na kaibigan hindi niya alam kung paano ewe-welcome ang mga ito kaya naman palagi siyang mag-isang naglalaro ng skateboard sa sementadong daanan within the park.

“Kuya naman eh, ang daya daya mo, enemy na tayo,” sabay kabit ng matabang  batang babae ng little finger nito sa batang lalaking nakaupo sa damuhan.

“Sige na nga, o ikaw nanaman,” binigay nito ang brick game sa kapatid.

“Kainis naman oh!” with pouty lips the girl was annoyed nang hablutin ng kuya nito ang laruan.

“Hindi ka naman marunong eh, talo ka kaagad,” natatawa nitong tukso.

Tumayo ang batang babae at nakapamaywang na umirap sa kapatid sabay alis at sinubukang makigpaglaro sa mga batang babae ring kasing edad nito.  Napangiti si Marsden nang ilang minuto lamang ang lumipas bumalik ang batang babae at ngayon ay nakangiti ng tumabi sa kanyang kuya na nakangiti na rin habang busy ang mga kamay sa hawak na laruan.

“Here,” sabay taas ng right hand.  “Bati na tayo kuya, kaya ako na naman okay?”

Napangiti si Marsden nang marinig ito at nakita niyang nag-appear ang dalawa at nagtawanan.  Actually naiinggit siya, kung mayro’n lang sana siyang kapatid siguro hindi siya malungkot.  Ilang beses na niyang gustong makipagkaibigan sa dalawa dahil palagi niyang nakikita ang mga ito sa park, palaging magkasama at masayang nagtutuksuhan.

One day, dala-dala ang laruang brick game papunta ng park nakita niya ang tatlong batang lalaki na nagtatawanan habang nakatayo sa harapan ng long bench. Schoolmate niya ang mga ito pero hindi niya kaibigan kaya naman  patuloy siyang umupo sa damuhan.

“Pwede ba lubayan niyo na ako Francis, binigay ko na lahat sa’yo.  Ano pa bang gusto mo?”  Narinig niyang may nagsalita sa harapan ng mga ito. 

“Gusto naming mawala ang mga matataba dito sa park, parke ‘to hindi farm ng mga baboy,” sabay tawa ng malakas ng schoolmate niyang si Francis.

Lumingon si Marsden sa long bench.  Napakunot ang noo niya nang mahinuhang may binu-bully ang mga ito.  Minsan niya lamang itong makita sa park.

“Isusumbong ko kayo sa kuya ko, hintayin mo lang Francis,” naiiyak na ang batang babae nang mapansin niya ang boses nito.

“Nasaan ang pinagmamalaki mong kuya?”  astig nitong tanong.

“Leave her be Francis!”  Galit na turan ni Marsden nang makitang naiiyak na ang binu-bully.  Ito ‘yong batang babae na gusto niyang kaibiganin.

Nakita niyang natigilan si Francis samantalang ang mga kasamahan nito ay napaatras nang makita siya.  May lahi siyang American and Spanish kaya naman mas matangkad siya kumpara sa mga bata living in their neighboarhood.  “Kaibigan ko ang kuya niya at hindi niyo gugustuhing malaman niya ang ginagawa niyo sa mahal niyang kapatid.”  With threat in his eyes nilapitan niya ang mga ito.  Nakita niyang napalitan ng takot ang kanina ay matapang na disposition ni Francis at tuluyan na nga itong umalis kasama ang mga alepores nito.  Nang lingunin niya ang batang babae nagulat siya sa reaction nito, akala niya makikita niya itong umiiyak.

Tumayo ito at hinarap siya with a cute smile. “That was amazing!  You’re my hero, I like you already!”

Marsden is nine years old and this girl seemed younger than him.  Mataba ito and have a short hair just above her shoulders.  She’s cute and as she saw her smiling face this close napansin niya ang mga mata nitong pabilog at may napakaitim na mga eyeballs.  That moment he knew this girl would break a lot of hearts someday.  She’s pretty and he blushed nang mapansin niyang kinuha nito ang mga kamay niya and hold on to it.

“Alam ko hindi ka kaibigan ng kuya ko, thank you sa pagtatanggol sa akin.  I thought your kind of suplado because my classmate Anne says you don’t want to make friends.  She tried to approach you daw pero hindi mo raw siya pinansin kaya enemies na kayo.”  Binitiwan nito ang mga kamay niya at may kinuha sa bulsa ng pink mini-shorts nito.

Nang ibukas nito ang maliit na palad nakita niya ang isang orange na bola na may transparent na cellophane wrapper.

“Here, para to sayo dahil tinulungan mo ako.”  Nakangiti ito but her eyes looked at the thing longingly.

“Salamat!  Sure ka ba talaga na akin na ‘to?” CHOKS Orange Gum ang nakalagay sa pakete nito.

The little girl nodded.  “Anim ang binigay sa akin ni Beth dahil tinulungan ko siya sa assignment niya.  I wanted to share it with kuya so I brought it here pero kinuha ni Francis lahat mabuti na lang may natago akoang isa.”  Umaliwalas ang mukha nito at ngumiti.  “I wanted to share it with you because you’re nice and Francis was so scared of you, eat it.”  Umupo ito sa bench at nakatingin sa kanya habang binubuksan niya ang gum. 

Isusubo na sana niya nang makita niyang lumunok ito at longingly looked at the gum.  Gamit ang wrapper Marsden broke the round gum in half at pagkatapos kainin ang isa ibinigay niya sa bagong kaibigan ang kalahati.  “O heto, hati tayo.”

Agad nitong isinubo ang gum and Marsden laughed when the girl slowly chewed it like it was a manna from heaven.  “It’s actually our first time having a gum kaya I’m so excited to share it with kuya.  Mom doesn’t want us to eat something like this and my friends in school said it’s delicious.”

“It’s also my first time, thank you for sharing…” tumingin siya sa katabi.

“My name is Trisha Lee M. Fuentes.”

“Marsden Fonacier,” sabay lahad ng kamay for a handshake.

Napatingin lamang ito sa kamay niya.  “Nakikita ko ganito ang ginagawa nila mommy kapag may bago siyang kakilala and then they talked like friends.”

“Okay,” kinuha nito ang kamay niya pero hindi nito agad binitiwan.  Breaking the handshake agad nitong ikinabit ang big finger nito sa big finger niya at ang small finger naman nito sa small finger niya.  “Ito ang sign ko na friends na tayo kaya pwede na tayong maglaro together. Di ba diyan ka nakatira sa malapit sa amin, you can visit in the house too. I will tell kuya para mas masaya.”

Marsden happily nodded his head and he liked it that his new friend talked a lot, it entertained his lonely life.

Mag-isang kumakain si Marsden ng breakfast consisting of cereal and milk sa kitchen isles, where he prefered to eat sa kanyang condo nang maalala ang panaginip.  It was so clear because it’s a memory from his past.  “What a small world indeed!”  bulong niya sa sarili, he chuckled without amusement in his eyes,   hardly believing the cruel play of fate.  This was part of a memory he doesn’t want to revisit.  He silently prayed he won’t see her again.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status