Share

Moon Phase 9 Albert, I need you here.

(Samantha POV)

“I am here to meet your husband personally. Of course, to thanks his generosity.”

Saka niya inabot sa akin ang kamay.

May mga ngiti ang labi niya.

Alucard. 

Ibig lang sabihin, isa nga siyang pure blood vampire. He even emphasizes na siya lang ang anak ni Alucard.

Alucard, the vampire lord.

Tss. Kailan ba mawawala sa ibabaw ng mundo ang mga demonyong to?

Yung kamay niya. Kunyari di ko napansin. Yun lang ang maari kong gawin. Di ko na hahayaan na may makuha pa siyang impormasyon sa akin. Dahil ang ngiti niya, parang pinagtatawanan ako.

“Nice to meet you, Aiden. We are glad na nakakarating ka.”

Napansin kong tuluyan kaming iniwan ng mga kasamahan ko.

Lumingon si Leneth at napakindat siya sa akin. 

What for?

Napailing ulit ako.

“Have a seat. May ginagawa pa ang asawa ko. Mamaya lang pabalik na sila.”

Pilit ko ngang ini-entertain ang mahalagang bisita ngayong gabi.

Para sa kanila na ang gamot na ginawa ng asawa ko.

Bakit parang kailangan pa silang pagsilbihan.

Sobra na diba?

“I know. That’s why I have enough time to know you Mrs. Curie.”

Samantha. Gusto ko man sa kanya sabihin, ngunit mas makakabuting tawagin nga niya ako sa address na kinikilala niyang may asawa ako.

Sa di ako sanay na tawagin sa apilyido ng asawa ko.

Ngunit malaki ang respeto ko sa aking asawa.

Nakapaligid sa amin ang mga kasamahang tauhan ni Aiden. Pati sila nangangamoy ang kayabangan.

Wala na akong magagawa kundi maging kausap ni Aiden sandali, habang hinihintay ang asawa ko bumalik.

Nakakailang lang dahil diretso nitong tinititigan ang aking mga mata.

Hindi ko gusto ang titig niyang ipinupukol sa akin.

“You know what Mrs. Curie. You’re too gorgeous to be a human.”

May mga ngisi sa labi niya.

Di ko alam kung ano ang itutugon sa kanya.

Ngunit dahil di naman ako mayabang katulad niya…

‘Thank you sa complement but I stay with my dignity. It won’t be flatter me. Don’t flirt as if wala pa akong asawa.’

Masarap na sabihin sa kanya, ngunit maikling mga salita lamang ang lumabas sa aking bibig.

“Thank you for your compliment.”

Merong kasamaang pilit na ngiti.  

“You can be one of us.”

He offers in confident tone.

As if iga-grab ko ang opportunity.

Tss. Nagkakamali siya kung akala niya isa akong babaeng mahina ang respeto sa asawa ko. Di ako marupok. Mahal ko ang aking asawa.

Ni minsan di ako madadala sa mga material na bagay o mga kaanyuan.

Iniinsulto ba niya ang asawa ko?

Saka nga ipinakita sa akin ni Aiden ang traydor nitong ngiti.

Nagkaka-interest ba siya sa akin?

Naloko na…

Albert, di ito maganda. Asaan ka na?

Inihakbang ni Aiden ang kanyang paa malapit sa akin. Siya na itong kusang kumuha ng kamay ko. Halos magsitayuan ang aking mga balahibo ko.  Lalo na ng halikan nito ang aking palad.

Vampire can intimate you by their gentleness and sweetness. But don’t step on their bait, it’s all illusion.

Trust me, they are really arrogant.

At hinding-hindi ako mahuhulog sa pinag-gagawa nila.

Nakalimutan ata ng mga tao na kamuntik nang maglaho kami sa mundong ito dahil sa mga halimaw na nasa harapan ko ngayon.

Kung di man nakikita ng ilang tao ang totoong sitwasyon namin sa mundong ito.

Ako… Kitang-kita ko.

Itinuturing ng mga bampira na parang alagang hayop ang mga tao. Pinagkukunan nila ng dugo para mapanatili lamang mabuhay sila sa mundong ito.

Saka, they did tame human to accept them.

No. They deceive the human.

Us. 

Siguro dahil narealize nila, maaring wala na silang mapagkunan ng pagkain kapag tuluyang nag-extinct ang mga tao. So, they make the treaty between humans. Ginamit pa nila ang mga taong lobo na wala namang ikinalayo sa kanila.

The treaty.

Ililigtas nila kami sa panlulusob ng mga taong lobo. Bilang kapalit, bibigyan din namin sila ng dugo.

Kung saan naglunsad ang gobyerno kung saan sa isang pamilya, kailangan makapag bigay ng tig-dadalawang litro ng dugo sa isang buwan.

Kung hindi papatayin sila.

See. Alagang hayop nga. Mga tao, inililigtas sa mga lobo. Para nga mapanatili ang pagkain ng mga bampira.

Tss. Pagkain na inilalapag sa mesa nila.

Hinila ko kaagad ang aking kamay kay Aiden.

Kung di niya tatangapin ang mabuti kong pakikitungo sa kanya, di ko pinipilit. Kailangan niyang irespeto na meron akong asawa.

“Mr. Aiden, if that’s your name.” I sound terrible annoyed.

“Thank you once again sa pagpunta mo. If you excuse me, I should greet the other guest too.”

Matapang ko ngang sabi. Nais ko na talagang umalis sa kanyang paningin.

I don’t mind if he is the special guest. It’s enough para malaman niya na di ko nga nagugustuhan ang isang kagaya nila.

Iniinsulto niya ang asawa ko. Knowing na meron nga akong asawa, bakit niya ako nilalandi?

Tsk.

Wala akong oras para makipaglandian sa kanya.

Nanatiling nakadikit sa labi ni Aiden ang mapaglaro nitong ngiti. Talagang gusto lang niya insultuhin ako. Kaya naman di niya ako masisi kung ang isuskli ko… kahihiyan at pagtangi sa kanya.

Tumalikod na ako.

Ngunit…

Nagulat na lamang ako ng mabilis niyang hinablot ang kamay ko. Upang mapaharap ulit ako sa maputla niyang mukha.

Sinalubong ako ng ngiti.

Pinatulan niya ang sinindihan ko ngang digmaan sa pagitan naming dalawa.

“I think you need help. Let my people do it for you.” Kasunod ng pagsenyas niya sa mga kasamahan nitong tauhan.

“No. Be our guest Mr. Aiden. Do what the guest does in the party.”

Sinusubukan kong hilahin ang kamay ko, ngunit ayaw niyang pakawalan.

Iba ang nararamdaman ko sa hawak niya sa aking kamay.

Hindi ito maganda.

Mga mata niyang parang nakatagpo ng panibagong laruan.

Albert, I need you here. Asaan ka na ba?

Paano ako sa kanya makakatakas?

“My hand please.”

Ngumiti bilang tugon. Saka tuluyan nitong binitawan ang kamay ko.

Kung hindi niya ako binitiwan, gagawa talaga ako ng iskandalo.

“Mr. Aiden, I respect you as a special guest tonight. We don’t need an aid from you. It is my responsibility to greet our guest. If you don’t mind, enjoy and have a drink first.” 

@Death Wish

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Rhea Glai
maganda ang storyang ito
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status