Share

Chapter Two: First Day

Stella

I FOUND MYSELF facing the man that I will marry. Hindi ko maiwasang ilibot ang paningin ko sa kabuuan ng mukha niya. Tama nga ang naririnig kong balita, sobrang gwapo nga ng taong kaharap ko ngayon. 

His black round eyes that you want to stare, his pointed nose, his pinkish lips that suits his face. Sa isang salita he look like a Greek God. Also, matatakot kang hawakan ang kutis niya dahil sa puti at kinis nito. 

Pero nawala ang atensyon ko ng marinig ko ang mahina niyang pagtawa. Hindi ko alam pero matagal na pala ang pagkakatitig ko sa kanya. Kaya iniwas ko ang paningin ko at pinagmasdan na lamang si Father na ngayon ay binabasbasan na lamang kami.

"You may now kiss the bride." 

Nabingi ako sa narinig at mabilisang nilingon ang mapapangasawa ko. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng pagkataranta dahil siya ang kauna-unahang lalaking makakakuha ng first kiss ko. 

Naramdaman ko na lamang ang pag-angat ng wedding veil ko at tuluyan ko ng nakita ang kabuuan ng mukha ni Jaxon. My heart beat stopped for a while when he smiled at me. 

Pakiramdam ko ay may mga paru-parong lumipad sa tiyan ko dahil sa kakaibang pakiramdam na nararamdaman ko ngayon. Oh god, what the hell is going on with me? 

Without any thoughts I felt his lips crushed into mine. Dahil doon ay nanlaki ang mata ko ng maramdaman ko ang malambot niyang labi. Halos magwala ang puso ko ng hapitin niya ako sa bewang at mas lalong pang pinalalim ang halik na binigay niya sa akin ngayon. 

Nararamdaman ko na lamang na tinugon ko ang halik niya kaya narinig ko ang malakas na hiyawan ng mga kaibigan niya. 

"Yown oh! Pareng Jaxon, congratulations! Hindi ka na binata!"

"Honeymoon na 'yan!"

Bigla akong napahiwalay ng marinig ko ang sigawan at palakpakan ng mga taong nakasaksi ng sikretong kasalang naganap. Pilit kong pinakalma ang sarili ko nang maramdaman ko ang paglapit niya sa akin at mas lalong hinigpitan ang pagkakahawak sa bewang ko.

Ngumiti ako sa camera na nakatutok sa amin ngayon at hindi muna iniintindi ang titig ng taong katabi ko. Ramdam na ramdam ko ang kakaiba niyang titig sa akin ngayon pero hindi ko magawang tingnan siya ng diretso dahil kakaiba ang nararamdaman ko sa lalaking ito.

Halos mapugto ang hininga ko ng maramdaman ko ang mainit niyang hininga sa tainga ko. What the hell is he doing? Gusto ko mang itulak siya ay hindi ko magawa dahil maraming mga mata ang nakatitig sa amin. 

"I can't believe that my surname suits you well, Wife." Bulong niya at doon ay tuluyan na akong nabingi dahil sa malakas na tibok ng puso ko. 

What did you do to me, Jaxon Azrael? 

… 

"Wow!" My mouth opened in shock when I saw how big his house is. Hindi na yata bahay ito, eh. Mansion na dapat ang itawag. Pagkatapos kasi ng reception ay dito kaagad ako dumiretso sa bahay ni Jaxon. 

Pagpasok pa lamang ay mahihiya ka na agad dahil sa sobrang kintab ng sahig, mahihiya kang apakan ito. May malaking chandelier na nakasabit sa gitnang bahagi ng hagdan dahilan para maging elegante itong tingnan. 

There are so many beautiful paintings that you will see in every corner of his house. Halatang mahilig siya sa mga painting and I find it relaxing when you stared at them. Hindi ko talaga maiwasang mamangha dahil dream house ko talaga itong nakikita ko ngayon. 

"Omg!" Lalo pa akong tumili ng makita ko sa gilid ng mga mata ko ang cute na mga teddy bears na nakalagay sa isang sofa. Sa isang cute na mini room sila nakalagay kaya tiningnan ko si Jaxon para magpaalam kung pwede ba akong pumasok.

"Can I enter this ro-" Hindi niya agad ako pinatapos at kusa siyang tumango dahilan para mag-tatalon ako sa tuwa.

"Really? Thank you!"

I immediately throw myself to the sofa and hug these cute teddy bears. Sa ginawa kong 'yon ay nakaramdam ako ng kaginhawaan, pakiramdam ko ay nawala ang stress sa katawan ko.

"Are you okay?" Baritonong tanong niya kaya tumayo na ako at inayos ang mga teddy bears na nagulo. Dahil sa sobrang tuwa ko ay hindi ko na mapigilan ang sarili kong yakapin ang braso niya at mapalapit ang mukha ko sa kanya.

"Yes, I'm super duper okay. Alam mo ba na this is literally my dream house when I was a teenager. And I can't believe what I am seeing right now!" Malawak na pagbibida ko at nakita ko ang pagtawa niya.

Dahil sa nakita ko ay natulala ako at hindi ko mapigilang mapatitig pa lalo sa gwapo niyang mukha. Saka lamang ako natauhan ng maramdaman ko ang mainit niyang hininga sa pisngi ko kaya nanlalaking mga mata at mabilis akong humiwalay sa pagkakayakap sa braso niya.

"I'm sorry, nadala lang ako sa saya." Paghingi ko ng sorry kaya tumaas lang ang kilay niya at nauna ng umakyat habang ako naman ay napakagat labi ng sumunod sa kaniya. 

Nakakahiya ka, Stella. Anong pinaggagawa mo?

"Isa lang ang kwarto?" Hindi ko na mapigilang tanong kaya lumingon siya sa gawi ko at umismid.

"Yes. May problema ba? Besides mag-asawa naman tayo kaya normal lang na magkasama tayo sa isang kwarto," paliwanag niya kaya napailing na lamang ako at nauuna ng pumasok sa kwarto. 

Miski sa kwarto ay mas lalo akong humanga sa disenyo. Ang kulay ng pintura ay peach na malamig sa mata. May veranda rin na tanaw na tanaw mo ang magagandang tanawin sa labas. Iisa lang talaga ang gusto kong itanong kay Jaxon ngayon. 

Gaano ba siya kayaman?

Saka lamang ako natigil sa pag-eenjoy ng maramdaman ko ang pangangati ng likod ko dahil sa maikling gown na suot ko ngayon. Kaya dahan-dahan akong pumasok sa banyo at nakitang kong kumpleto na ang pamalit ko ngayong gabi.  

Inisa-isa kong tinanggal ang make up sa mukha ko at pati na rin ang mga pin na nakalagay ngayon sa buhok ko. Pinuyod ko na lamang ang buhok ko at pilit na inaabot zipper sa likod ng damit para tuluyan na itong mahubad.

Pero sa kasamaang palad ay hindi ko magawa kaya kahit nahihiya ay sumilip ako sa pinto at hinanap ng mga mata ko si Jaxon at natagpuan ko na lamang siyang nakahiga at nagbabasa ng libro. Kaya malakas akong nagpakawala ng hangin at pikit matang tinawag siya. 

"Jaxon," pagtawag ko at ng imulat ko ang mga mata ko ay nakatitig na siya sa akin at hinihintay ang sasabihin ko. Kaya nilunok ko na ang lahat ng hiya sa katawan ko at walang preno-prenong sinabi ang gusto kong gawin.

"Can you help me unzip my dress? Hindi ko lang talaga abot at tanging ikaw lang ang kasama ko sa oras na ito," dire-diretsong kong saad at namayani ang katahimikan sa aming dalawa  

Gusto ko tuloy sapukin ang sarili ko dahil sa kagagahan ko. Malamang ay hindi papayag si Jaxon dahil lalaki siya at baka hindi makapagtimpi at makagawa ng hindi maganda. Kaya umubo na lamang ako at akmang isasara na ang pinto ng makita kong tumayo siya at diretsong tumitig sa mga mata ko.

"Let me. Para hindi ka na mahirapan. Don't worry, hindi ako titingin." He assured me kaya napatango na lamang ako at tumalikod. Nakita ko pa ang kinakabahan niyang mukha dahil nasa harapan lang namin ang salamin.

"I'm warning and watching you, Jaxon," pagbibiro ko pa at tuluyan na niyang ipinikit ang mga mata niya at dahan-dahang binaba ang zipper ng dress ko. Dahil sa ginagawa niyang 'yon ay hindi ko maiwasang mapamura ng mahina. 

Pero halos tumigil ang mundo ko ng maramdaman ko ang daliri ni Jaxon na ngayon ay naglalakbay sa exposed kong balikat kaya nakaramdam ako ng paru-paro sa tiyan ko. Hindi ko rin maiwasang makiliti dahil sa ginagawa niya. 

"Jaxon." Pagtawag ko sa pangalan niya at ng tingnan ko siya ay mariin na siyang nakapikit at mabilis na ang paghinga niya na akala mo ay nagtitimpi sa maaari niyang gawin.

"Oh God, forgive me. You have a beautiful body, Stella. Everything about you is perfect."

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
ay makakatikim naba ng heaven si Stella
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status