Stella
"Hi, good morning!" Bungad ko kay Jaxon ng makita ko ang pagbaba niya sa hagdan namin kaya sinalubong ko siya ng matamis na ngiti dahilan para matulala siya.
Gusto ko kasing maging komportable kami sa isa't-isa. Ayoko namang mag-iwasan dahil lalong maging awkward kaya ako na mismo na ang nag-adjust. Baka kasi mahirapan si Jaxon kapag siya pa ang gumawa niyon.
"Ahm… papasok ka na ba?" Pagtatanong ko dahil nakita kong nakabihis opisina na siya, kaya tumango siya at umiwas ng tingin. Kaya napatango na lamang ako at walang pag-aalinlangan hinawakan ang dalawang balikat niya at hinigit siya sa lamesa para sabay kaming kumain.
Nasanay na kasi akong kakain sa umaga kaya nagtataka ako dahil parang gulat na gulat si Jaxon sa nakikita niya ngayon. Lahat kasi ng nakahanda sa harapan niya ay paborito niya.
"How did you know?" Pagtukoy niya sa mga pagkaing nakahain sa harap niya ngayon kaya proud na proud kong itinaas ang magazine na hawak ko kung saan nakasaad lahat dito ang tungkol sa kanya.
Dahil sa ginawa kong 'yon ay nakita ko ang pagdaan ng saya sa mata niya at ang pagpigil niya ng ngiti.
"Since mag-asawa na tayo. Gusto kitang makilala," paliwanag ko at naramdaman kong namula ang pisngi ko dahil sa sinabi ko. Hindi ko alam pero nahiya agad ako ng makita ko ang reaction niya sa narinig sa akin.
"Wow! Really?" Ramdam ko ang tuwa sa boses niya kaya peke akong tumawa at tumango-tango. Kung pwede lang magpakain sa lupa ay ngayon ko na mismo ipapagawa dahil sa kahihiyang nararamdaman ko sa harapan ni Jaxon.
"Let's eat. Baka lumamig pa sayang naman." Pag-iiba ko ng usapan kaya tumango naman si Jaxon at palihim ko siyang pinagmamasdan habang tinitikman niya ang niluto ko para sa kanya.
Sana ay nagustuhan niya dahil siya ang kauna-unahang taong nakatikim ng luto ko. Habang kumakain ako ay napaisip naman ako sa reaksyon niya kanina.
Kitang-kita ko kasi sa mga mata niya na parang nabigla at nanibago pa siya sa mga nakita niya. Hindi kaya siguro sanay si Jaxon na may kasama kaya ganun na lamang ang ipinakita niya.
"Jaxon, nanibago ka bang kasama mo ako? Kitang-kita kasi kanina, eh." Hindi ko na mapigilang bulalas kaya napatigil siya sa pagsubo at napatitig sa mga mata ko.
Ito na naman ang pakiramdam ko na parang lumulutang kapag tinititigan ko ang mga mata niya. Ang ganda-ganda kasi tapos ang misteryoso pa, hindi mo mabasa ang nasa isip niya.
"Yes, I mean nanibago lang ako na may nag-aasikaso na sa akin. Buong buhay ko kasi ay ako lamang ang nag-aasikaso ng sarili ko." Paliwanag niya dahilan para matigil ako sa pagkain at mapatitig sa kanya.
"Then from now on, masanay ka na." Nakangiting saad ko dahilan para matigilan siya at tipid na ngumiti. Palihim na lamang akong ngumuso dahil ang tipid niya talagang magsalita.
Kung ano ang tinanong mo ay iyon lang din ang isasagot niya. Dibale na masasanay rin ako kay Jaxon.
"How about you? Wala ka bang photoshoot ngayon?" Pang-uusisa niya kaya uminom muna ako ng tubig bago sumagot sa kaniya.
"Mamaya pa namang 10. May 3 hours pa akong natitira," maikli kong sagot kaya napatango na lamang siya at tumayo na kaya napatayo na rin ako.
"Take care on your way to the photoshoot, Stella. Text me kung nakarating ka na," saad niya pero bago pa siya tuluyang makalabas ng kusina ay bigla kong hinarang ang katawan ko dahilan para kumunot ang noo niya.
Ano ba 'yan! Kahit sa pagkunot ng noo ay sobrang gwapo niya pa rin. Isa ba siya sa mga favorite ni Lord?
"Why? Is there something wrong?" Bakas ang pag-aalala sa boses niya kaya marahas akong umiling at inayos ang maling pagkakalagay niya sa tuxedo niya. Nang makita kong ayos na ay napangiti na lamang ako at inangat ang paningin ko para tingnan siya.
Pero gusto ko yatang magsisi sa ginawa ko dahil kitang-kita ko ng malapitan ang itim na itim niyang mga mata. Matagal ang naging titigan namin kaya ako na ang unang umiwas dahil sa kakaibang pagtibok ng puso ko.
"Ayan, pwede ka ng pumasok sa trabaho mo. Take care on your way to the company, Jaxon." Habilin ko at akmang tatalikod na ng maramdaman ko ang paghigit niya sa braso ko at pinaharap sa kanya.
"What are you doi-" Nahigit ko ang hininga ko sa sunod na ginawa ni Jaxon. Halos gusto ng lumabas ng puso ko dahil sa ginawa niya sa akin. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon.
He kissed me on my forehead.
"Thank you, Stella. I appreciate your effort." Saad niya at tuluyan na akong iniwan na tulala sa kusina.
…
"Stella!" Nabalik ako sa reyalidad ng marinig ko ang pagsigaw ng manager slash kaibigan ko sa harapan ko. Kaya ngumiti ako at kunwaring nakikinig sa kaniya dahilan para irapan niya ako.
"Huwag ka ngang magpanggap na nakikinig ka sa akin. Baka masabunutan lang kita." Ramdam ko ang inis sa boses niya kaya natawa ako at nangalumbaba.
"I'm sorry, napagod lang kasi ako sa photoshoot natin ngayong araw," dahilan ko para lumambot ang ekspresyon niya at inayos ang inuming nasa harapan namin.
"So, anong balita sa unang araw?" Pang-uusisa niya kaya kumunot ang noo ko dahil hindi ko maintindihan ang ipinapahiwatig niya.
"Ha? Pinagsasabi mo?"
"Alam mo Stella, kung pwede ka lang sakalin nagawa ko na ngayon. Ang slow mo, kagigil ka!" Ramdam ko ang irita sa boses niya kaya malakas akong natawa. Dahil doon ay pinagtitinginan tuloy kaming dalawa.
"Joke lang. He's nice and gentle-" Naputol agad ang sinasabi ko ng hinampas niya ako sa braso at malakas tumili kaya napatakip ako ng tainga dahil naririndi ako.
"He's gentle in bed? Naisuko mo na ang bataan mo?!" Histerikal niyang pagtatanong kaya hindi ko maiwasang mamula at tampalin ang bibig niya.
"Watch your words, Lara! I mean he's a gentleman at saka anong bataan? My Gosh! Kung ano-ano ang naiisip mo." Namumulang saad ko kaya napanguso siya at bagsak ang balikat sa narinig.
"So, walang nangyari sa pagitan niyong dalawa?" Pag-uulit niya pa kaya napahawak ako sa noo at mariing napapikit.
"Wala! Kaya pwede ba hinaan mo muna 'yang boses mo. Nagtataka na sila kung ano ang pinag-uusapan natin." Gigil kong bulong kaya muling umikot ang mga mata niya at sa wedding ring ko naman dumako ang paningin niya.
"Pero sobrang rare ng wedding ring mo. Para bang pinasadya talaga, saktong-sakto pa talaga sa daliri mo. Umamin ka nga sa akin, Stella. Matagal na ba kayong magkakilala ni Jaxon at pinalabas niyo lang na arrange marriage lang ang kasal niyo." Pangungulit niya kaya muling sumama ang tingin ko sa kanya pero tinaasan niya lamang ako ng kilay.
"Fine. Alam mo naman na nitong nakaraang buwan lang ako umuwi, right?" Panimula kaya napakamot siya sa ulo niya at natawa.
"Oo nga pala, tapos ito agad ang bumungad sa'yo. Nakasal ka kaagad sa isang Jaxon Azrael Buenaventura na bilyonaryo at sobrang gwapo!" Kinikilig niyang saad at pumapadyak-padyak pa ang paa kaya napailing na lamang ako.
"Pwede ba, itong trabaho muna ang intindihin natin. Mamaya mo na pinagpapantasyahan si Jaxon," saad ko kaya tumango siya at tumayo na ako dahil muli na naman magsisimula ang shooting namin.
Pero bago pa man ako makaalis sa pwesto ko ay nabigla na lamang ako ng hawakan ni Lara ang braso ko at seryosong tumitig sa akin.
"Cassiopeia," seryosong tawag niya kaya naging seryoso na ako dahil ang unang pangalan ko ang binanggit niya. Ang ibig sabihin lang niyon ay may mahalaga siyang sasabihin kaya kailangan kong makinig.
"Kahit alam nating pribado ang naging kasal niyo ni Jaxon ay maging maingat ka pa rin. Because you're now the billionaire's secret."
After hearing those words to her, iisa lang ang tumatakbo sa isip ko ngayon. This is my first warning as a billionaire secret.
Stella WHAT IF one day nabunyag ang kasal namin ni Jaxon, ano kayang mangyayari? Anong gagawin ko? Aamin ako o magtatago? Siyempre, joke lang 'ang magtatago ako. Bilang isang asawa ng pribadong tao na katulad ni Jaxon ay maging maingat na lang ako sa magiging kilos ko lalo na at kapag lalabas kami sa publiko. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko kung sa oras na mabunyag ang sikreto naming dalawa ni Jaxon. Siguro sa ngayon ay maging alerto na lang talaga ako. "How's your day?" Napasigaw na lang ako sa gulat ng makita ko ang mukha ni Jaxon pagkabukas ko ng pintuan ng bahay namin. Nagkagulatan pa nga kami dahilan para hawakan niya ang braso ko dahil matutumba pa ako. "I'm sorry if I startled you." Mahinahong saad niya at marahang binitawan ang braso ko kaya tumawa na lang ako at diretsong pumasok. &nbs
StellaI AM AN EXCEPTION TO HIM? But why? I didn't get it. Kaya muli akong umayos sa pagkakaupo at tinignan ulit siya ng seryoso. Gusto kong alamin. Gusto kong marinig ang paliwanag niya."Why?" Maikling sagot ko at halos mapugto ang hininga ko ng lumapit siya sa akin. Kaunting espasyo na lamang ang natira ay magkadikit na ang labi naming dalawa."Jaxon, I'm asking you. Why am I the only exception?" Muli kong pagtatanong pero mariin lang siyang tumitig sa akin at lumipat naman ito sa labi ko. Hindi ko alam pero kinakabahan ako sa mga titig na binigay niya sa akin."Can I kiss you, Wife?"Halos lumipad ang utak ko sa naging tanong niya. Umawang ang labi ko sa gulat at hindi makapaniwala na nakatitig sa kanya.Gosh, what are you saying Jaxon? Imbis na sagutin niya ako ay ito pa ang ginawa niya."Anong-" Naputol na lamang ang sinasa
StellaANONG ISASAGOT KO SA KANYA? Hanggang ngayon kasi ay nakatulala lang ako at nabigla sa sinabi niya. Isa rin ito sa pinaka-ayoko kay Jaxon. straight to the point kung magsalita, sasabihin niya talaga kung ano ang nasa isip niya.Wala ba talagang preno ang bibig nito? Bigla-bigla na lang manggugulat?"You're not scared? Paano kung isang araw ay malaman ng lahat? Kahit nga itong ginagawa natin ngayon delikado na kahit tayong dalawa lang." Saad ko pero ngumiti lang siya sa akin at muling hinaplos ang pisngi ko."I'm also scared, Stella. Pero gusto ko bigyan ng try 'tong relationship natin. Ayokong maging awkward tayo sa isa't-isa."Kaya pumikit ako ng mariin at malakas na bumuntong hininga. Kinagat ko pa ang labi ko bago muling magsalita."Why are you willing to take a risk with me, Jaxon? Kapag ba dumating ang panahon na malaman
Stella NAPAHAWAK AKO SA BIBIG KO at tuluyan ng napahagulgol sa nakita ko. Nakita kong nataranta naman si Jaxon kaya bigla niyang naibaba ang cake sa maliit na lamesa at nilapitan ako. "Bakit ka umiiyak? Did something bad happen, Stella?" Pag-aalala niya kaya umiling ako at sumisinghot bago sumagot. "This is the first time that someone surprised me on my birthday. You're the first man who did this to me. Kaya naging emosyonal ako." Humihikbi kong sagot kaya naramdaman ko naman ang pagyakap niya sa akin at ang paghaplos niya sa likod ko para pakalmahin ako. "Thank you, Jaxon. Nakakainis ka, ang haggard ko na nga ngayon tapos paiiyakin mo pa ako. Baka mamaya ay ang panget ko na pala." Pagbibiro ko kaya natawa naman siya at hinalikan ang noo ko. Ako naman ay nabigla na naman sa ginawa niya dahilan para bumilis na naman ang tibok ng puso ko. Palihim
StellaNAKATULALA akong pumasok sa kumpanya namin. Nagpasalamat na lang ako dahil mamayang hapon pa ang photoshoot para sa ine-endorse kong pabango at bag.Wala pa si Manager, siguro ay late na namang gumising dahil alam niyang mamayang hapon pa ang magiging photoshoot ko. Nang makapasok ako sa opisina ay basta ko na lamang binagsak ang sarili ko sa sofa.Mariin akong pumikit dahil hanggang ngayon ay naaalala ko pa rin ang sinabi sa akin ni Jaxon. Ito ang kauna-unahang beses na hindi talaga ako nakatulog ng ayos ngayon."You're my present and future, Stella.""My Gosh! Self huwag kang masyadong kiligin! Baka mamaya ay iba pala ang ibig sabihin ni Jaxon. Malay mo ikaw pala ang magiging future friend niya. Edi ligwak ka kaagad."Pagalit kong saad sa sarili ko at umikot-ikot pa sa sofa. Mabuti na lamang ay
StellaHE'S JEALOUS? But why? Si Devron lang naman ang kaharap at kausap ko. Hanggang ngayon ay nakatitig lang siya sa akin ngayon kaya hindi ako maka-iwas ng tingin."You don't have to be jealous of him, Jaxon. He's my cousin. Walang aagaw sa akin." Paninigurado ko at doon ay tuluyan ng lumambot ang mukha niya sa narinig.Kinagat niya ang kanyang labi at mahina muling natawa. Ipinikit niya ang mga mata niya na akala mo ay nagtitimpi sa kung ano niyang kayang gawin."I'm sorry, Stella. Pinangunahan lang ako nitong nararamdaman ko. Hindi lang ako sanay na may kasama kang iba bukod sa akin." Masuyong sambit niya at naramdaman ko na lamang na hinigit niya ako at ikinulong sa mga bisig niya.Napapikit Naman ako sa ginawa niya. Gusto kong tanungin kung bakit siya nagseselos? May nararamdaman na ba siya sa akin? O nasanay lang siya ang kasama ko
Stella"You'll be away for three days, right?" Paninigurado niya ulit habang nasa sasakyan kami papuntang airport."Yes. At saka sure ka bang ihahatid mo talaga ako papasok sa airport? Paano kung may nakakakilala sa'yo kahit naka-disguise ka na?" Nag-aalala kong tanong kaya nginitian niya lang ako at marahang hinawakan ang kamay ko.“Don’t be scared, Wife. Walang makakakita at makakakilala sa akin. I just want to make sure that you’re safe.” Sagot niya kaya hindi ko na mapigilan ang mapangiti at nilagay ko naman ang ulo ko sa balikat niya.“Thank you, Jaxon. Kahit wala naman akong sinasabi na ihatid mo ako sa airport ay ginawa mo pa rin. Mas inuuna mo pa ako kaysa sa trabaho mo.” Saad ko pa kaya muli ko namang narinig ang pagtawa niya.“Because you are my wife, Stella. Nakakapaghintay naman ang trabaho ko, mas gusto k
StellaNAPAKAGAT labi naman ako ng marinig ko ang sinabi ni Jaxon. Mariin ko ulit itong kinagat upang hindi kumawala ang impit na sigaw ko na nagmumula sa bibig."Stella, are you still there?" Nabalik na lang ako sa ulirat ng marinig ko ang boses niya kaya peke akong umubo at kinalma ko ang sarili ko."Hmm… I'm still here, Jaxon.""I miss you, Wife. Don't you miss me?" Muli niyang pagtatanong kaya huminga muna ako ng malalim at sinagot na siya."Jaxon, kalahating araw lang tayong hindi pa nagkikita, miss mo na agad ako. Ako kasi ay hindi kita namimiss." Pagbibiro ko at nagulat na lang ako ng magreklamo siya na akala mo ay isa siyang bata na