Share

Chapter Five: Taking Risk

Stella

I AM AN EXCEPTION TO HIM? But why? I didn't get it. Kaya muli akong umayos sa pagkakaupo at tinignan ulit siya ng seryoso. Gusto kong alamin. Gusto kong marinig ang paliwanag niya.

"Why?" Maikling sagot ko at halos mapugto ang hininga ko ng lumapit siya sa akin. Kaunting espasyo na lamang ang natira ay magkadikit na ang labi naming dalawa.

"Jaxon, I'm asking you. Why am I the only exception?" Muli kong pagtatanong pero mariin lang siyang tumitig sa akin at lumipat naman ito sa labi ko. Hindi ko alam pero kinakabahan ako sa mga titig na binigay niya sa akin.

"Can I kiss you, Wife?" 

Halos lumipad ang utak ko sa naging tanong niya. Umawang ang labi ko sa gulat at hindi makapaniwala na nakatitig sa kanya.

Gosh, what are you saying Jaxon? Imbis na sagutin niya ako ay ito pa ang ginawa niya.

"Anong-" Naputol na lamang ang sinasabi ko ng maramdaman ko ang malambot niyang labi sa labi ko. 

Nanlaki ang mata ko, nanlalamig ang katawan ko. Parang tumakas ang kaluluwa ko.

Miski ang tibok ng puso ko ay bumilis. Hindi ko na alam kung ano ang nangyayari sa paligid ko. Masyado akong lutang sa ginagawa ngayon ni Jaxon.

Ang kanina niyang magaan na halik ay mas lalong lumalim. Kahit anong pagpipigil ko ay naramdaman ko na lamang ang unti-unti kong pagtugon sa halik niya.

This is the second time around when we kiss. Sa una ay noong kinasal kami, ang pangalawa ay ngayon.

Kahit magkadikit na ang labi naming dalawa ay naramdaman ko naman ang pag-ngiti niya. Hindi ko alam kung ano ang sumanib sa akin at tumugon ako.

Kasal naman kayong dalawa, Stella. Anong masama doon? Pero arrange marriage lang 'yon at hindi mo alam kung ano ang nararamdaman sa'yo ni Jaxon. 

Pull yourself together, Stella! Push him away! 

Akmang itutulak ko na sana siya pero naramdaman ko na lamang ang pagkawala ng labi niya at doon ay natauhan ako. Umakyat yata lahat ng dugo ko sa katawan papunta sa pisngi ko. Ramdam na ramdam ko na rin ang pagpula ng pisngi ko.

"Why? Why did you kiss me?" Mahina ngunit hindi ko na mapigilang tanong. Nakita ko naman ang pagsilay ng maliit niyang ngiti sa labi niya sabay haplos ng pisngi ko.

"Because you're my Wife and I can't stop myself from kissing you. You are irresistible, Stella. You are so beautiful." 

Habang sinasabi niya ito ay malalim ang pagkakatitig niya dahilan para magwala na naman ang puso ko sa narinig. 

Hindi ko alam kung paniniwalaan ko ba siya o hindi. Ang hirap niya talagang basahin.

"Jaxon!" I shouted when he kissed my neck and hugged me tightly. Kulang na lamang talaga ay mahimatay ako sa ginagawa niya ngayon.

Naka-drugs ba ang lalaking ito ngayon?

"You smell so sweet, my Wife. Good night. Have sweet dreams." Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay dahan-dahan siyang umalis sa pagkakayakap at tumabi sa akin. 

Naramdaman ko pa nga ang mabilis niyang pagnanakaw ng halik sa akin.

Nang patayin na niya ang ilaw sa side table ay nanginginig ko namang hinawakan ang labi ko. 

Hanggang ngayon ay ramdam na ramdam ko pa rin ang labi niya. His lips are so soft and sweet. I admit it. 

Pero nagtataka ako, bakit niya ginawa 'yon? Because we're married? O baka trip niya lang ako? But whatever it is, I hope it will not harm me in the future.

That's why I need to always let my guard up. Hindi ko man alam kung ano ang binabalak ni Jaxon dapat ay maging handa ako. 

Baka kasi maramdaman ko ang dapat maramdaman. Mahirap na, baka matalo lang ako sa dulo. Kaya bago ko tuluyang ipikit ang mata ko ay nag-remind muna ako sa sarili ko.

Don't let yourself fall to him, Stella. Don't.

NAGULAT na lamang ako paggising ko. Pagbaba ko kasi sa kusina ay nakita kong si Jaxon ang nagluluto. 

Nakapang-bahay siya ngayon at naka-apron na maroon. Hindi ko alam pero napangiti ako sa nakita ko.

"Good morning." Ako na ang bumasag sa katahimikan kaya mabilis siyang tumingin sa akin at ngumiti. 

Dahil sa ginawa niyang 'yon ay muli na namang nag-react ang puso ko.

Heart, kumalma ka. Huwag kang malandi diyan.

"Good morning, Stella. How's your sleep?" Malambing niyang pagtatanong at nakita kong hininaan niya ang kalan sabay lapit sa akin. Nagulat naman ako ng ipalibot niya ang dalawang braso niya sa bewang ko. 

Ako naman ay halos nanlalambot ang tuhod ko. Mabuti na lamang at yakap-yakap niya ako para hindi na ako tuluyang mahulog.

"It's good. Wala ka bang pasok ngayon?" Pang-uusisa ko at nagpasalamat naman ako ng umalis siya sa pagkakayakap sa akin at muling bumalik sa niluluto niya.

"Rest day time. Ikaw? Wala ka bang photoshoot ngayon?" Balik naman niyang tanong kaya tumabi ako sa kanya at nanubig ang bagang ko ng makita ko ang niluluto niya.

"Hmm… wala. We're the same. Rest day ko ngayon." Nakangiting sagot ko kaya napatango naman siya.

"That's great! Pagkatapos kasi nating kumain ay may pupuntahan tayo." Aniya kaya napatitig ako sa maaliwalas niyang mukha.

Tatlong linggo na ang nakalipas simula ng ikasal ako sa kanya. At sa tatlong linggo na pagsasama namin ay nakikita ko ang tunay na Jaxon. 

Kung sa camera at magazine ay seryoso siya pero pagdating dito ay palagi naman siyang nakangiti at tumatawa. 

Maybe he's good at pretending when he is in public places. Kaya siguro nasasabihan din siyang misteryoso. Makulit rin pala ang lalaking ito.

Sometimes he's sweet but sometimes he's too mysterious. Hindi mo rin talaga mababasa ang mga emosyon sa mata niya.

"Masarap? Tama lang ang lasa?" Pagtatanong niya ng subuan niya ako ng isang hipon kaya napa-thumbs up ako dahil masarap talaga. 

"Perfect." Pag-amin ko kaya sa kauna-unahang pagkakataon ay nakita ko ang saya at pagkamangha sa mata niya. And I wonder what emotion is that for.

"But you're the only perfect for me, Stella."

Halos masamid ako sa laway ko dahil sinabi niya. Saglit akong natulala at hindi ko pinapahalata na nakaramdam ako ng kilig sa sinasabi niya. Humugot ako ng hangin at pilit tumawa. 

"I'm not, Jaxon. By the way saan pala tayo pupunta?" Pag-iiba ko ng usapan at tumalikod para umupo sa lamesa. Naramdaman ko naman ang pagsunod niya. 

"Secret." Aniya at kinindatan ako.

What's with you, Jaxon? Why are you doing this to me?

"WOW! Totoo ba 'to?!" Mangha kong tanong ng makita ko ang lugar na pinagdalhan niya sa akin ngayon. 

Nasa isang ice skating kaming dalawa. 

Hindi ko alam kung bakit dinala niya ako dito kaya mabilis ko siyang nilapitan at tinanong. 

"Why are we here? Baka mamaya ay may makakita sa atin." Puno ng pangamba ang boses ko kaya nginitian niya ako at marahang hinaplos ang pisngi ko.

"Calm down, Stella. Walang makakakita sa atin. Pinasara ko 'to para sa ating dalawa." Sagot niya dahilan para umawang ang labi ko at hindi siya mapigilang hampasin sa braso.

"Kaya pala ang lakas ng loob mong pumunta dito. By the way, bakit nga tayo nandito. I don't know how to skate." Pag-amin ko kaya natawa naman siya habang ako naman ay nakasimangot.

"Huwag mo akong tawanan, Jaxon. I'm serious, anong gagawin ko? Papanoorin ka lang mag-skate diyan?" Irita kong tanong kaya napatigil siya at mabilis na hinawakan ang kamay ko.

"I'm sorry. Gusto ko lang naman na samahan ka since gustong-gusto mo itong gawin. Diba nga noong nag-korea kayo ng pamilya mo ay hindi ka nakasama." Aniya kaya nanlaki ang mata ko sa nalaman.

"Paano mo nalaman? Wala naman akong nake-kwento sa'yo? At saka oo, hindi ako nakasama kasi nagkasakit ako noon. Grabe tuloy ang pagtatampo ko sa kanila noon." Nakangusong saad ko at nakita ko na naman ang maliit niyang ngiti.

"Your dad told me. Kaya pinasara ko ito kasi gusto kong maranasan mo ito. Don't worry, I will guide you on how to skate. Trust me." Nakangiti niya pang sagot kaya excited akong tumango at humawak sa mga kamay niya.

Nang hawakan ko ito ay libo-libong kuryente ang naramdaman ko. Ngayon ko lang naramdaman ito kaya nagsimula na namang bumilis ang tibok ng puso ko. Saglit akong natulala sa mukha niya ng makita ko ito ng malapitan.

"Try to relax, Stella. Slide your right shoes first and then your left. Tapos balance ka lang," pangaral niya kaya tumango ako at ginawa ang sinabi niya.

Sa una ay kinakabahan pa ako dahil baka bigla na lang akong matumba. Baka mamaya ay hindi pala ako saluhin ni Jaxon, masakit pa naman ang hindi masalo.

"Hoy Jaxon baka kapag nahulog ako ay hindi mo ako masalo," pagbabanta ko pero tumaas lamang ang sulok ng labi niya at pumunta sa harapan ko.

"Baka ako pa nga ang hindi mo masalo kapag nahulog na ako." Banat naman niya kaya inismiran ko siya at napahawak naman ako sa bewang ko.

"Aba bakit pa kita sasaluhin kung marunong ka naman sa ganito." Pambabara ko kaya umawang ang labi niya at hindi makapaniwalang tumingin sa akin kaya tinaasan ko naman siya ng kilay.

Kaya ng nag-try akong mag-isa ay hindi agad ako naka-balance. Mabuti na lamang at mabilis si Jaxon at nahawakan niya ang bewang ko. Dahil sa nangyaring 'yon ay sabay kaming natawa.

Habang tumatawa siya ay pinagmamasdan ko lamang siya. Mas gwapo siya kapag tumatawa at ngumingiti. 

Kaya ang sarap niyang pagmasdan kapag ngumingiti o tumatawa kasi ang aliwalas ng mukha niya.

"This is the first time I saw you laughing." Hindi ko na mapigilang sabihin kaya tumigil siya at tumitig sa mga mata ko.

"It's because of you."

Kaya napairap naman ako at mahina siyang tinapik sa dibdib. "Bolero." Akmang aalis na ako pero mas lalo niya pang hinapit ang bewang ko kaya mas lalong lumapit ang mukha niya sa mukha ko.

"Stella, let's give our marriage a try. I want to take risks in this marriage."

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
yes Stella huwag mong pigilan ang iyong nararamdaman para kay Jaxon
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status