Stella
ANONG ISASAGOT KO SA KANYA? Hanggang ngayon kasi ay nakatulala lang ako at nabigla sa sinabi niya. Isa rin ito sa pinaka-ayoko kay Jaxon. straight to the point kung magsalita, sasabihin niya talaga kung ano ang nasa isip niya.
Wala ba talagang preno ang bibig nito? Bigla-bigla na lang manggugulat?
"You're not scared? Paano kung isang araw ay malaman ng lahat? Kahit nga itong ginagawa natin ngayon delikado na kahit tayong dalawa lang." Saad ko pero ngumiti lang siya sa akin at muling hinaplos ang pisngi ko.
"I'm also scared, Stella. Pero gusto ko bigyan ng try 'tong relationship natin. Ayokong maging awkward tayo sa isa't-isa."
Kaya pumikit ako ng mariin at malakas na bumuntong hininga. Kinagat ko pa ang labi ko bago muling magsalita.
"Why are you willing to take a risk with me, Jaxon? Kapag ba dumating ang panahon na malaman nila ang lahat ang sikreto natin, iiwan mo ba ako?" Matapang kong tanong kaya nakita kong naguluhan siya at natigilan.
"No, I will protect you Stella. I will protect you. That's why this is a secret marriage because I want to protect your career and yourself. You're too soft to their harsh words, Stella."
Dahan-dahan ang kaniyang pananalita ngunit mababanaag mo doon ang kasiguraduhan sa mga salitang binitawan niya. Miski ako ay napa-isip. Am I willing to take a risk on our marriage? Paano kung hindi mag-work? Sinong masasaktan ng sobra? Edi ako.
Kasi kahit sa kakaunting panahon na nakakasama ko si Jaxon ay alam kong sa sarili kong may nararamdaman ako sa kanya.
And I'm scared that Jaxon wouldn't be there for me when I fall for him. Kaya nagdadalawang isip ako kung susugal din ako.
Pareho naman kaming single. Walang third party. Kahit na pareho kaming single at walang third party ay baka may nagugustuhan naman siyang iba.
Ano 'yon one sided love? Ako lang ang magmamahal kung sakaling lumalim pa lalo ang nararamdaman ko.
"May nag-utos ba sa'yong gawin ito? Inutusan ka ba ni Papa?" Hindi ko na mapigilang bulalas kaya nakita ko ang matinding iritasyon na nagdaan sa mga mata niya.
His jaw clenched before answering my question.
"Damn. Why would I do that, Stella? Gusto ko lang naman mag-work ang marriage natin. What's wrong with my question?" Ramdam ko ang pagtitimpi sa boses niya kaya hindi ko maiwasang lumayo sa kanya ng kaunti at mamuo ang luha sa mga mata ko.
Hindi naman sa ganun paraan ang gusto kong iparating kay Jaxon. It's just… I'm traumatized when it comes to my father's actions and words.
Naalala ko dati, someone approaches me and makes friends with me. I treasure and treat them fairly pero nalaman ko na lamang na inutusan lang sila ni Papa para malaman niya ang ugali ko sa ibang tao at ano ang naging pakikitungo ko sa kanila.
Because of that, when someone approaches me and does something good for me, I always ask them if my dad is involved. That's the reason why I don't trust someone again because of my dad. I'm scared of trusting someone again.
"I'm sorry. I didn't mean to offend you, Jaxon. It's just… I'm scared that my dad is involved again in this kind of stuff. Because of him I'm scared that someone will break my trust again." Mahinang saad ko at doon ay tuluyan na akong humikbi sa harapan niya.
Kahit nakakahiya ay ginawa ko 'yon sa kaniya. Ilang taon ko na rin kasing itinatago ito at sa kauna-unahang pagkakataon ay si Jaxon ang napag-sabihan ko. Siguro ay naging komportable na rin ako sa kanya maliban sa Manager ko.
Naramdaman ko na lamang ang pagpunas niya ng luha sa pisngi ko at ang magaan niyang yakap. Hindi ko alam kung ano ang sumapi sa akin at niyakap ko pa rin siya pabalik.
For the first time in my life, I felt strange emotions when I hugged him. His hug… his hugs feels like home. It feels like home to me.
"Hush now, Stella. I'm sorry. I'm sorry for cursing, I didn't mean to say it too. Nabigla lang ako. Tahan na.Walang kinalaman ang Papa mo dito. This is my own decision, baby. You're safe with me. Calm down now, Stella. You're safe with me."
My tears automatically stopped when I heard those words from him. Nakakagaan ng pakiramdam, nakakaubos ng lakas. Ang malakas kong hikbi ay biglang humupa. Ang takot na namumuo sa dibdib ko ay biglang nawala. Ang tensiyonadong hangin ay biglang kumalma.
At iisa lang ang nasa isip ko sa mga oras na ito. I'm safe now. I'm safe with him. Siya lang ang nagpaparamdam sa akin ng ganitong pakiramdam. At natatakot na ako sa nararamdaman ko dahil lumalalim ito ng lumalalim.
Kaya ng humiwalay ako ng yakap sa kanya ay mabilis akong ngumiti sa harapan niya. Dahil sa ginawa kong 'yon ay tumaas ang kilay niya.
"Stop pretending that you're okay, Stella." Aniya kaya napanguso na lamang ako. Hindi nakatakas sa akin ang pagtitig niya sa labi ko at ang mariin niyang paglunok.
"And stop pouting your lips. I'm gonna kiss you if you do that again." Pagbabanta niya kaya mabilisan kong inalis ang pagkakanguso ko at inismiran siya.
"It's okay kung hindi mo pa kayang sumugal sa marriage natin, Stella. Alam kong nabigla kita. I don't want to rush you, gusto ko kapag tinanong na ulit kita ay sigurado ka na." Ramdam ko ang determinasyon sa mga salitang binibitawan niya kaya hindi ko maiwasang humanga pa lalo sa kaniya.
Ayan ka na naman, Jaxon. Pinapalakas mo na naman ang tibok ng puso ko. Hindi na talaga ako magugulat kung isang araw ay tuluyan na akong mahuhulog sa'yo.
"Hindi mo na kailangan pang sabihin 'yan, Jaxon. Wala naman akong sinabing tutol ako sa sinabi mo. Ang inaalala ko lang ay ang career mo. You worked hard just to aim this position, Jaxon. At ng dahil lang sa akin at sa sikretong kasal natin ay mawawala na lang ang pangarap mo." Paliwanag ko kaya natigilan siya at umiling.
"You're wrong, Stella. Kahit malaman pa nila ang pinakatatago kong sikreto ay hindi na nila ako mawawala sa pwesto. I am born to this position, baby." Mahanging saad niya at kinindatan pa ako. Kaya inirapan ko siya sa ginawa.
"Sabagay. Your title suits you. Jaxon Azrael Buenaventura, the handsome billionaire." Nakataas ko pang kilay at tumango-tango pa siya.
Kaya ng maalala ko ang pinag-uusapan namin ay muli akong sumeryoso at tumitig sa mga mata niya.
"Just like you, Jaxon. I also want to take a risk in our marriage. Hindi ko man alam kung ano ang mangyayari sa susunod na araw pero gusto pa kitang makilala, Jaxon. Let's work on our marriage.". Matapos kong sabihin 'yon ay taas noo akong tumalikod sa kaniya.
Whatever will happen, you must embrace yourself Stella. Embrace yourself.
…
"So pumayag ka?" Pang-uusisa ng Manager ko kaya marahan akong napatango.
Kanina kasi ay hindi ko mapigilan ikwento ang nangyari sa pagitan namin ni Jaxon dalawang araw na ang nakalipas. Since komportable naman ako kay Manager ay hindi ako nag-dalawang isip na mag-kwento.
"Aray naman!" Pagsigaw ko ng malakas niya akong hampasin ng pamaypay sa braso. Halos mahilo pa ako ng ialog niya ako kaya lumayo na ako ng kaunti.
"Sabi ko na nga ba at rurupok ka rin diyan kay Jaxon! So, pagkatapos mong pumayag, ano ang nangyari. Nagwo-work naman ba ang secret marriage niyo?" Talagang pinagdiinan niya ang sinabi niya sa dulo kaya hindi ko mapigilang mapa-irap.
"He became sweet." I honestly said at muli na naman siyang tumili. "I mean, he's a sweet person pero naging sweet siya ngayon. Mas naging vocal siya sa nararamdaman niya and sometimes I found it weird." Paliwanag ko kaya malakas niya hinampas kamay niya sa lamesa at dinuro ako ng pamaypay niya.
"Wow naman, Stella! Weird pa sa'yo 'yon? Isang Jaxon Buenaventura na ang vocal sa'yo tapos weird lang sa'yo? Jusko ka!" Histerikal niyang saad kaya hindi ko na mapigilang hampasin siya.
"You know me, Lara. Hindi ako vocal na tao, pagsasabi pa lang ng I love you ay kinakahiya ko na. Ang pagpaparamdam ko pa kay Jaxon na gusto ko siya, sa tingin mo ay magagawa ko?" Hindi ko na mapigilang bulalas ko kaya nanlaki ang mata niya at mas lalo pang kinilig.
Ako naman ay napakagat sa labi ko at umiwas ng tingin. Magaling ka, Stella. Nilaglag mo ang sarili mo.
"Kailan pa? Kailan mo siya nagustuhan?" Pagtatanong niyang muli kaya wala na akong nagawa kundi ang sumagot. Wala na nandito na, eh. Alangan namang magsinungaling pa ako.
"Noong isang linggo pa. Dahil sa pagiging vocal niya ay nararamdaman ko na ang dapat kong maramdaman."
"But are you sure that you take a risk to your marriage, Stella?" Pagtatanong niyang muli kaya natulala ako saglit at paglalaon ay ngumiti.
"I'm sure about my decision, Lara. Mas makilala pa namin ang isa't-isa kapag nag-take kami ng risk. Also, it's okay to take a risk than to regret it when you didn't take a chance if it." Saad ko kaya naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin.
"I'm so proud of you, Stella. You're such a mature woman now. Happy 28th birthday my baby girl."
Bigla akong napahiwalay sa yakap niya at napahawak sa dibdib ko ng maalala kong birthday ko pala ngayon. Dahil siguro sa dami ng endorsement at photoshoot ay nakalimutan ko na ang mahalagang araw ngayon. Kaya napatingin ako sa calendar at natawa na lamang.
July 28, 2021. Wednesday. Happy birthday, myself.
"Oh my gosh, nakalimutan ko na. Thank you for reminding me, Manager. I love you," naiiyak kong saad dahil may cake pa siyang hawak. Nakita ko rin ang pamumuo ng luha sa mata niya kaya natawa kami.
"You're always making me proud, Stella. For the past five years of our friendship, always remember that I'm here for you, okay? Happy birthday again!" Masayang saad niya at muli akong niyakap.
Miski ang birthday ko ay pribado. Ayoko lang naman kasi masyadong maraming eksena tuwing may birthday ako. Mas mabuti na 'yung kaunti lang ang nakakaalam at least totoo sila.
Matapos naming mag-celebrate at magkaroon ng kaunting pagsasalo-salo sa kumpanya ay nagdesisyon naman akong umuwi. Nang tingnan ko ang oras ay alas-siyete pa lang. Maaga pa.
Nakauwi na kaya si Jaxon sa bahay? Sila Mama kaya? Wala kasi silang text sa akin kaya nagkaroon ako ng tampo. Kada birthday ko kasi ay sila pa ang nangungunang bumati pero ngayon ay wala.
Baka busy sila Stella. Intindihin mo na lang.
Si Jaxon kaya? Alam niya bang birthday ko ngayon? Hays, masakit ang umasa, Stella. Siguro ay hintayin ko na lang ang pagbati niya.
Kaya malakas na lang akong suminghap at nang makarating ako sa bahay ay nagtataka na lamang ako dahil hindi pa bukas ang ilaw. Siguro ay hindi pa nakakauwi si Jaxon at baka maraming ginagawa sa opisina niya.
Kaya wala na akong magawa kundi ang tanggapin na lamang na mag-isa akong mag-celebrate ng birthday ko. Pero ayos lang, may taon pa naman at araw. Baka makasama ko na ulit sila.
Kahit nanlalambot ay pinihit ko na ang seradura ng pinto namin. Nang buksan ko na ang ilaw ay halos tumigil ang pag-ikot ng mundo ko sa nakita. Ang kaninang taong hinahanap ko lang, ngayon ay nasa harapan ko.
Si Jaxon na may hawak na cake at malawak ang pagkakangiti sa akin.
"Happy birthday, wife."
Stella NAPAHAWAK AKO SA BIBIG KO at tuluyan ng napahagulgol sa nakita ko. Nakita kong nataranta naman si Jaxon kaya bigla niyang naibaba ang cake sa maliit na lamesa at nilapitan ako. "Bakit ka umiiyak? Did something bad happen, Stella?" Pag-aalala niya kaya umiling ako at sumisinghot bago sumagot. "This is the first time that someone surprised me on my birthday. You're the first man who did this to me. Kaya naging emosyonal ako." Humihikbi kong sagot kaya naramdaman ko naman ang pagyakap niya sa akin at ang paghaplos niya sa likod ko para pakalmahin ako. "Thank you, Jaxon. Nakakainis ka, ang haggard ko na nga ngayon tapos paiiyakin mo pa ako. Baka mamaya ay ang panget ko na pala." Pagbibiro ko kaya natawa naman siya at hinalikan ang noo ko. Ako naman ay nabigla na naman sa ginawa niya dahilan para bumilis na naman ang tibok ng puso ko. Palihim
StellaNAKATULALA akong pumasok sa kumpanya namin. Nagpasalamat na lang ako dahil mamayang hapon pa ang photoshoot para sa ine-endorse kong pabango at bag.Wala pa si Manager, siguro ay late na namang gumising dahil alam niyang mamayang hapon pa ang magiging photoshoot ko. Nang makapasok ako sa opisina ay basta ko na lamang binagsak ang sarili ko sa sofa.Mariin akong pumikit dahil hanggang ngayon ay naaalala ko pa rin ang sinabi sa akin ni Jaxon. Ito ang kauna-unahang beses na hindi talaga ako nakatulog ng ayos ngayon."You're my present and future, Stella.""My Gosh! Self huwag kang masyadong kiligin! Baka mamaya ay iba pala ang ibig sabihin ni Jaxon. Malay mo ikaw pala ang magiging future friend niya. Edi ligwak ka kaagad."Pagalit kong saad sa sarili ko at umikot-ikot pa sa sofa. Mabuti na lamang ay
StellaHE'S JEALOUS? But why? Si Devron lang naman ang kaharap at kausap ko. Hanggang ngayon ay nakatitig lang siya sa akin ngayon kaya hindi ako maka-iwas ng tingin."You don't have to be jealous of him, Jaxon. He's my cousin. Walang aagaw sa akin." Paninigurado ko at doon ay tuluyan ng lumambot ang mukha niya sa narinig.Kinagat niya ang kanyang labi at mahina muling natawa. Ipinikit niya ang mga mata niya na akala mo ay nagtitimpi sa kung ano niyang kayang gawin."I'm sorry, Stella. Pinangunahan lang ako nitong nararamdaman ko. Hindi lang ako sanay na may kasama kang iba bukod sa akin." Masuyong sambit niya at naramdaman ko na lamang na hinigit niya ako at ikinulong sa mga bisig niya.Napapikit Naman ako sa ginawa niya. Gusto kong tanungin kung bakit siya nagseselos? May nararamdaman na ba siya sa akin? O nasanay lang siya ang kasama ko
Stella"You'll be away for three days, right?" Paninigurado niya ulit habang nasa sasakyan kami papuntang airport."Yes. At saka sure ka bang ihahatid mo talaga ako papasok sa airport? Paano kung may nakakakilala sa'yo kahit naka-disguise ka na?" Nag-aalala kong tanong kaya nginitian niya lang ako at marahang hinawakan ang kamay ko.“Don’t be scared, Wife. Walang makakakita at makakakilala sa akin. I just want to make sure that you’re safe.” Sagot niya kaya hindi ko na mapigilan ang mapangiti at nilagay ko naman ang ulo ko sa balikat niya.“Thank you, Jaxon. Kahit wala naman akong sinasabi na ihatid mo ako sa airport ay ginawa mo pa rin. Mas inuuna mo pa ako kaysa sa trabaho mo.” Saad ko pa kaya muli ko namang narinig ang pagtawa niya.“Because you are my wife, Stella. Nakakapaghintay naman ang trabaho ko, mas gusto k
StellaNAPAKAGAT labi naman ako ng marinig ko ang sinabi ni Jaxon. Mariin ko ulit itong kinagat upang hindi kumawala ang impit na sigaw ko na nagmumula sa bibig."Stella, are you still there?" Nabalik na lang ako sa ulirat ng marinig ko ang boses niya kaya peke akong umubo at kinalma ko ang sarili ko."Hmm… I'm still here, Jaxon.""I miss you, Wife. Don't you miss me?" Muli niyang pagtatanong kaya huminga muna ako ng malalim at sinagot na siya."Jaxon, kalahating araw lang tayong hindi pa nagkikita, miss mo na agad ako. Ako kasi ay hindi kita namimiss." Pagbibiro ko at nagulat na lang ako ng magreklamo siya na akala mo ay isa siyang bata na
Stella"HOW DID YOU FIND ME?" Tanong ko agad ng humiwalay ako sa yakap niya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin pumapasok sa isip ko na naandito talaga si Jaxon sa harap ko. Nakangiti at mapungay ang mga mata ng tumingin siya sa akin."I secretly contacted your Manager. Hindi ako nakatiis, pinuntahan na talaga kita kahit dalawang araw na lang ay uuwi ka na." Sagot niya kaya muli ko na naman naramdaman ang mga paro-paro sa tiyan ko.Jaxon, bakit ka ganyan? Lalo tuloy lumalalim ang nararamdaman ko sa'yo. Nakakainis ka na."Ibig sabihin ay ikaw talaga ang nakita ko kanina sa fashion show. That's you, right? Hindi ako namamalikmata kanina?" Sunod-sunod ko pang tanong kaya mahina naman siyang tumawa at hinalikan ang noo ko bago sumagot."Yes, that's me, Wife. I'm sorry kung umalis agad ako. Baka kasi may makahalata sa akin since hindi ako nag full-disguise kanina. Seeing you walking on that runway makes you the brightest star in the world.
StellaNAKARAMDAM AGAD AKO NG INGGIT ng makita ko siya ng malapitan. For the first time in my life I felt insecure not to myself but to this woman who's now talking to my husband. Ang ganda niya, sobrang ganda niya.At sa pagkakataong ito, alam kong sa sarili kong nagseselos ako sa kanilang dalawa. Nagseselos ako kasi siya ang unang nagmahal kay Jaxon. Nagseselos ako kasi siya ang unang humawak ng mga kamay ni Jaxon. Siya ang una nitong kayakap. Siya lahat at sumunod ako.Pangalawa ako sa lahat ni Jaxon pero wala pa rin akong karapatan magselos dahil simula't sapul ay arrange marriage lang kami. Walang pagmamahal na nabuo, wala pa sa ngayon at hindi ko alam kung magkakaroon.I secretly look at these two who are talking to each other like they have their own world. Kahit gusto kong manatili ay nagdesisyon muna akong iwanan sila.Hahakbang na sana ako ng isang beses pero napatigil ito ng mapatingin sa akin si Coleen at na
Stella“ARE YOU JEALOUS, WIFE?”Kitang-kita ko kung gaano siya kasaya ng marinig niya ang mga sinabi ko. Habang ako naman ay natulos sa kinatatayuan ko dahil hindi ko pala mapigilang lumabas iyon sa bibig ko. Ayan tuloy nabuking naman ako.Ang tanga mo naman, Stella!"Hindi, ah! Bakit naman ako nag-seselos sa kanya? I know to myself that I am more than her." Pagsisinungaling ko pero ngumisi lang siya at muli akong niyakap."I'm not convinced of your answer, my lovely wife. I know that you're jealous of her." Pang-aasar niya pa kaya malakas ko siyang naitulak at inirapan siya."Hindi nga sabi ako nagseselos sa kaniya! Kahit lumakas pa ang hangin dito sa rooftop ay hindi ako nagseselos!" Inis kong sigaw at bigla kaming nanahimik ng lumakas nga ang hangin dito.Napapikit naman ako ng mariin dahil talagang nakisabay pa ang hangin sa pang-aasar sa akin ni Jaxon. Kaya ng tingnan ko muli siya ay mas l