Share

Chapter Seven: Present and Future

Stella

NAPAHAWAK AKO SA BIBIG KO at tuluyan ng napahagulgol sa nakita ko. Nakita kong nataranta naman si Jaxon kaya bigla niyang naibaba ang cake sa maliit na lamesa at nilapitan ako. 

"Bakit ka umiiyak? Did something bad happen, Stella?" Pag-aalala niya kaya umiling ako at sumisinghot bago sumagot. 

"This is the first time that someone surprised me on my birthday. You're the first man who did this to me. Kaya naging emosyonal ako." Humihikbi kong sagot kaya naramdaman ko naman ang pagyakap niya sa akin at ang paghaplos niya sa likod ko para pakalmahin ako. 

"Thank you, Jaxon. Nakakainis ka, ang haggard ko na nga ngayon tapos paiiyakin mo pa ako. Baka mamaya ay ang panget ko na pala." Pagbibiro ko kaya natawa naman siya at hinalikan ang noo ko. 

Ako naman ay nabigla na naman sa ginawa niya dahilan para bumilis na naman ang tibok ng puso ko. Palihim kong kinagat ang labi ko para pigilan ang pag-ngiti ko.

"Maganda ka pa rin sa akin, Stella. Kahit umiyak ka pa diyan, sobrang ganda mo pa rin." Aniya kaya inirapan ko siya.

"Bolero ka talaga," saad ko at kinuha niyang muli ang cake na hawak niya. Pinagmamasdan ko lamang siya na sinisindihan ang kandila sa ibabaw ng cake. 

Nang matapos na siya ay hinarap niya muli sa akin ang cake at akmang hihipan ko na sana pero muli niya na naman akong pinigilan kaya hindi ko na mapigilan ang magtaka. 

"Wait, may isa pang gustong bumati sa'yo. Tito, Tita, Mama, and Papa lumabas na po kayo diyan. My wife is waiting!" Sigaw niya at mas lalo pa akong naiyak ng lumabas mula sa kusina si Mama at Papa na may hawak na bulaklak.  

Ang magulang naman ni Jaxon ay nakangiti sa akin at may hawak na regalo. Sabay-sabay silang kumanta kaya napakanta na rin ako. Sa gitna ng mga tawanan at boses na pumapalibot sa amin ni Jaxon ngayon ay siya lamang ang nakikita ko sa mga oras na ito. 

His smile, his laugh. Everything about him is admirable. At sa mga oras na 'to alam ko ng delikado na ang puso ko. Delikadong-delikado na. 

"Happy birthday Stella!" Everyone shouted kaya ngumiti ako at pinikit ang mga mata ko para humiling. Pagkatapos humiling ay hinipan ko na ang kandila at diretso kong niyakap si Mama.

 "Happy birthday to my beautiful model in the whole wide world." Pagbati niya kaya mas lalo ko pa siyang niyakap ng mahigpit dahil isang buwan ko rin siyang hindi nakita.

"Akala ko ay nakalimutan niyo na ang birthday ko pero hindi pala. Thank you for coming, Mama and Papa." Naiiyak ko namang saad at si Papa naman ang sunod kong niyakap. Naramdaman ko naman ang paghalik niya sa noo ko.

"Happy birthday my Stella." Bati niya kaya ngumiti ako sa kanya at ikinawit naman ni Mama ang braso niya sa akin at nagpunta na sa kusina.

"Jaxon is so sweet, Stella. Siya pa mismo ang nakaisip ng surprise na ito. Ang sabi niya kasi ay nami-miss mo na kami and exactly it's your birthday today." Pagku-kwento ni Mama ng makaupo kami.

Kaya gulat naman akong napatingin sa kaniya at muling nagtanong. "Saan niya kayo kinausap, Ma?"

"Sa bahay, pumunta siya kahapon. Grabeng effort nga ang ginawa niya. Talagang pinuntahan pa kami para imbitahan sa birthday mo. You're lucky to have him, anak." Kinikilig na saad ni Mama kaya hindi ko na mapigilan ang ngumiti at sumilip kay Jaxon na ngayon ay nakikipag-kwentuhan muna kay Papa at kilo Tita at Tito. 

"Yeah, ang swerte ko nga po sa kaniya. This is the first time when a man surprised me with this kind of stuff and I'll never forget that first man will be Jaxon, Mama." 

"Mahal mo na ba si Jaxon o gusto mo na siya?" Natigilan ako sa naging tanong ni Mama. Nang tingnan ko siya ay hinihintay niya ang sagot ko. Kaya huminga muna ako ng malalim bago umamin.

"I like him, Mama. Hindi mahirap magustuhan si Jaxon at natatakot na po ako sa oras na mas lalo pa pong lumalim ang nararamdaman ko po sa kaniya." Pag-amin ko at nakita ko namang sumilay ang maliit na ngiti sa labi niya.

"Dalaga na ang anak ko. May nagugustuhan ng lalaki sa buhay niya. Hindi mo kailangan matakot na baka hindi ka saluhin ni Jaxon. Matakot ka dahil hindi ka umamin sa kaniya. Go take a risk, malay mo naman ay pareho pala kayo ng nararamdaman." Payo niya kaya malakas akong bumuntong hininga.

"Mama, siguro po sa ngayon ay itatago ko po muna sa kanya ang nararamdaman ko. Kailangan ko po munang siguraduhin na wala pong third party or so whatever. Ayoko lang pong masaktan sa bandang huli kapag umamin na po ako sa kanya." Pagsagot ko kaya hinawakan niya ang kamay ko at mahina itong pinisil na ikinakalma ko naman.

"Ang seryoso yata ng pinag-uusapan niyo." Singit ni Papa at umupo sa katapat kong upuan katabi ni Mama.

Ganoon din ang ginawa ni Tito at Tita kaya nginitian ko sila. Naramdaman ko na rin ang pag-upo ni Jaxon at ang paghawak niya sa bewang ko dahilan para lingunin ko siya.

"Pinag-uusapan lang namin kung ano ang na ang nangyayari sa relasyon nilang dalawa ni Jaxon." Anas ni Mama kaya hindi ko maiwasang panlakihan siya ng mata. Baka mamaya ay ilaglag niya ako na may gusto ako kay Jaxon. Mahirap na.

"Oo nga, 'no? So anong status na niyong dalawa? Is there any improvement? Kung wala ay paghihiwalayin na namin kayo," pagbibiro naman ni Tito kaya naramdaman kong biglang humigpit ang pagkakahawak ni Jaxon sa bewang ko.

Nang tingnan ko siya ay nandidilim ang mukha nito at umigting ang kanyang panga.

"Pa." Ramdam ko ang pagtitimpi sa boses ni Jaxon ng tawagin niya si Tito kaya ngumisi lamang ang Ama niya at nakipag-tagisan ng titig. Naging tensiyonado kaming lahat dahil sa mag-ama.

Nakita ko namang hinawakan ni Tita ang kamay ni Tito at ganoon na rin ako kay Jaxon dahilan para mapatingin siya sa akin at biglang lumambot ang mukha niya.

"Both of us are taking a risk po, Tito and Tita. Kaya wala po kayong aalalahanin, parehas po naming napag-usapan po ito ni Jaxon." Ako na ang sumagot kaya lumawak ang ngiti sa akin ni Tito. Si Tita naman ay napatango pa na tila kinikilig sa nalaman.

"Mama at Papa na lang ang itawag mo sa amin, Stella. Parte ka na rin ng pamilyang ito." Saad naman ni Tita kaya napatango naman ako at nakaramdam ako ng hiya. 

Nang tingnan ko ang magulang ko ay pareho na silang nakangiti sa akin at kitang-kita ko kung gaano sila kasaya sa akin.

"Bagay na bagay talaga kayong dalawa. Hindi ko akalain si Stella pala ang maikakasal kay Jaxon. So, kailan niyo balak magka-baby?" Biglaang tanong ni Mama habang kumakain kaming lahat.

Kaya sabay kaming napaubo ni Jaxon. Nakita kong kumuha naman siya ng tubig at sa akin muna binigay bago siya kumuha ng sa kanya. Matapos kong uminom ay sinaway ko naman si Mama na ngayon ay tuwang-tuwa.

"Mama naman, dahan-dahan naman po." Pagsaway ko sa kaniya na sinundan naman ng Mama ni Jaxon.

"Oo nga naman, para naman meron na kaming Apo. Tumatanda na kaming lahat." Segunda mano naman niya kaya naramdaman ko ang pagpula ng pisngi ko. Nang tingnan ko ang katabi ko ay namumula na rin ang tainga niya. 

"Ibibigay rin namin 'yan, Ma kapag handa na ang asawa ko. Sa ngayon ay kinikilala pa po namin ang isa't-isa. I respect Stella and her decision. Don't pressure us." Sagot niya dahilan para manahimik kaming lahat.  

Ako naman ay nakatingin lamang sa kanya dahil sa sinabi niya. Sobrang laki ng respeto niya sa akin. Kung ang ibang lalaki ay hindi agad papayag kapag hindi mo pinagbigyan, pero si Jaxon ay talagang hinihintay niya na maging handa ako pagdating sa ganoong bagay.

"Thank you for respecting my daughter, Jaxon. Hindi nga ako nagkamali ng sa'yo ipakasal ang anak ko. Mas lalong tumaas ang respeto ko sa'yo. Pinalaki ka ngang mabuti ng magulang mo." Mahabang litaniya kaya hindi ko maiwasang maiyak. 

"Anak nga kita, Jaxon." Dahil sa sinabi ng Papa ni Jaxon ay nagtawanan kaming lahat. 

Naramdaman ko na lamang ang paghawak ni Jaxon sa kamay ko na nakalagay sa hita ko. Nang tingnan ko siya ay nakangiti na siya sa akin at may kakaiba sa mga mata niya ng tumitig ako doon. Hindi ko mabasa, masyadong malalim.

"Thank you, Jaxon." I mouthed to him kaya hindi agad ako nakapag-react ng halikan niya ang noo ko sa harapan ng mga magulang namin. Dahil sa ginawa niyang 'yon ay napuno ng asaran ang hapagkainan.

"Thank you for making my son happy, Stella. Ang swerte niya sa'yo. This is the first time I saw him truly happy. Kaya salamat. Sana mag-work ang relationship niyong dalawa. Bagay na bagay kayo." Saad ng Mama ni Jaxon habang nakayakap sa braso ko kaya napatango naman ako. 

Pauwi na sila kaya nandito kami sa garahe para ihatid sila. Nauna kami ni Mama dahil may sasabihin daw siya sa akin at hindi ko naman akalaing ito pala 'yon.

"I'm the one who is lucky to have your son, Mama. Kahit minsan ang seryoso niya at misteryoso ay hindi siya nagkamaling irespeto po ako at alagaan. Mukhang ako po yata ang nagpapasalamat po." Pag-amin ko kaya umalis siya sa pagkakayakap sa akin at hinawakan naman ang dalawa kong kamay.

"Please don't leave him, Stella. My son deserved what he was getting right now. Matagal niya ng pinangarap ito. Alam kong nahihirapan kayo sa sitwasyon niyong dalawa dahil kailangan niyong mag-ingat pero lagi niyong iintindihan ang isa't-isa. Ngayon ko lang nakitang naging mas masaya ang Jaxon ko." 

"Opo Mama. Huwag po kayong mag-alala, aalagaan ko rin po si Jaxon katulad ng binigay niya rin pong pag-aalaga sa akin." Nakangiting pangako at narinig ko na ang boses ng magulang ko at ni Jaxon.

"Ingat sa pagda-drive, Pa. I-text niyo ako kapag nakauwi na." Rinig kong habilin ni Jaxon kaya sinalubong ko sila at nilapitan naman ang magulang ko. 

"Ingat sa pagda-drive, Papa. Call me kapag nakauwi na rin kayo, okay?" Paninigurado ko kaya pareho ko silang yinakap. 

"O siya sige na, kami ay aalis na para makapag-pahinga na rin ang lahat. Happy birthday ulit anak." Muling saad ng Papa ni Jaxon kaya ngumiti na lamang ako at kumaway na. 

Nang makasakay na sila sa sasakyan nila ay umakbay naman sa akin si Jaxon at sabay naming tinanaw ang papalayong kotse ng mga magulang namin.

Nang tuluyan na silang umalis ay naghari ang katahimikan sa aming dalawa ni Jaxon. Kaya ang ginawa ko ay tumingin ako sa kanya at ako na ang bumasag ng katahimikan. 

"Thank you, Jaxon. This is the special day of my life because of you." Nakangiti kong saad kaya hinaplos naman niya ang mukha ko at ngumiti rin sa akin ng matamis.

Jaxon, huwag kang ganiyan. Baka tuluyan na nga akong mahulog.

"You're happy because of me?" Naninigurado niyang tanong kaya ngumiti ulit ako at hindi ko na mapigilan ang yakapin siya dahil sa sayang nararamdaman ko.

"Yes. Thank you so much Jaxon. You're the first man who did this kind of stuff to me. Kaya ite-treasure ko ito ng sobra." Emosyonal kong pag-amin kaya naramdaman kong yumakap na rin siya.

"Good to know that I'm the first man who did this to you. Let's sleep now, Wife. Alam kong may pasok ka pa bukas." Pagyaya niya at nakayakap pa rin akong pumasok sa loob ng bahay.

"Jaxon, nagkaroon ka na ba ng ex?" Biglaan kong tanong ng mahiga na kami sa kama. Naramdaman ko naman ang paggalaw ni Jaxon at nasa tabi ko na siya. 

Inangat niya ang ulo ko at pinahiga ito sa dibdib niya. Yumakap naman ang isang kamay niya sa bewang ko at naramdaman kong sinuklay niya ang buhok ko gamit ang kamay niya. 

"Nagkaroon ako, 5 years ago." Pag-amin niya kaya tuluyan na akong napatingin sa kaniya at nagpatuloy siya.

"Pero hindi ko siya matatawag na pagmamahal. Pinwersa niya lang ako dahil gusto niyang pagselosin ang kaibigan ko. Hinayaan ko, kahit paalisin ko ay ayaw niya, edi hinayaan ko. Hanggang sa nahulog na siya sa akin pero ako ay wala akong nararamdaman." 

"Dahil isang taon na rin akong nagtiis ay hiniwalayan ko siya. Galit na galit siya sa akin, bakit hindi ko raw siyang magawang mahalin samantalang siya raw ay ginawa ang lahat para mahalin ko lang siya. Noong mga oras na 'yon, alam kong sa sarili kong mahal niya ako pero wala. Hindi ko talaga nakikita ang sarili kung siya ang mamahalin ko."

"Anong sabi niya noong mga oras na 'yon?" Pang-uusisa ko pa kaya tumawa muna siya bago ako sagutin. 

"Nag-eskandalo siya at basta na lamang umalis sa harapan ko. Pagkatapos niyon, wala na. Hindi na nagparamdam ang ex ko." Tapos niya kaya napatango na lamang ako at nanahimik.

Pinakiramdaman ko ang sarili ko kung may nararamdaman ba akong kakaiba pero wala naman. Siguro ay alam kong sa sarili kong may nauna sa akin pero ang ending ay sa akin pa rin bumagsak si Jaxon.

Sa'yo nga ba talaga babagsak si Jaxon, Stella? Paano kung bumalik ang ex? Sa tingin mo ay walang nararamdaman si Jaixon kahit may nakaraan sila. 

"Bakit ang tahimik mo? May nasabi ba akong mali?" Bakas sa boses niya ang pag-alala kaya pilit akong ngumiti at umiling. 

"Wala. Gusto ko lang malaman kung anong pangalan niya? Maganda ba siya? Ahm… mabait? Sexy rin ba siya?" Sunod-sunod kong tanong at umiwas ako ng tingin at palihim na kinagat ang labi ko.

Gusto ko tuloy batukan ang sarili ko dahil kung ano-ano ang pinagtatanong ko sa kanya. Baka mamaya ay inaakala niyang nagseselos ako. Hindi ba pwedeng curious lang sa naging ex niya.

"Look at me, Stella." Pagpupumilit niya kaya lakas loob ulit akong tumingin sa kanya. Hinaplos naman niya ang pisngi ko kaya napapikit ako. 

"Her name is Coleen. Yes, she's beautiful but you're the most beautiful woman that I met, wife. Mas higit ka pa sa kanya. So don't be insecure about her. You're more than her, Stella. You're a gem. Just like your name, you're the star of the whole world." Malambing niyang saad dahilan para mapanguso ako.

Nagtanong lang naman ako pero bakit ganoon na agad ang paliwanag niya. Masyadong nakaka-overwhelmed. Masyadong pinabilis ang tibok ng puso ko.

"Can I kiss you?" Mahinang tanong ni Jaxon at sa kauna-unahang pagkakataon ay wala akong pag-aalinlangan na sumagot. 

Naramdaman ko na lamang ang malambot niyang labi sa labi ko. Nilapat niya lang ito at mabilis naman niya itong inalis at muling hinawakan ang pisngi ko. 

Nang buksan ko ang mga mata ko ay kitang-kita ko ang saya sa mga mata niya. Kaya napangiti na rin ako. 

"Paano kung bumalik siya? Babalikan mo ba?" Pagtatanong ko kaya mabilis siyang umiling.

"Wife, she's my ex now. You're my future now. So you don't have to worry about whom I will choose. Ikaw na ang nandito ngayon. Ikaw ang nakikita ko sa mga pangarap ko sa buhay, Stella. You're my present and future, Stella."

Hope

Don't forget to click vote and comment your reaction, Hopies! Thank you for the support! Mahal ko kayo!

| 8
Mga Comments (24)
goodnovel comment avatar
Marlyn Comiso
maganda ang kwento...️
goodnovel comment avatar
柳 マリナ
Ang Ganda ng story una pa lang ang Ganda talaga
goodnovel comment avatar
Jhing J. Berio
Next please ang ganda
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status