Stella
HE'S JEALOUS? But why? Si Devron lang naman ang kaharap at kausap ko. Hanggang ngayon ay nakatitig lang siya sa akin ngayon kaya hindi ako maka-iwas ng tingin.
"You don't have to be jealous of him, Jaxon. He's my cousin. Walang aagaw sa akin." Paninigurado ko at doon ay tuluyan ng lumambot ang mukha niya sa narinig.
Kinagat niya ang kanyang labi at mahina muling natawa. Ipinikit niya ang mga mata niya na akala mo ay nagtitimpi sa kung ano niyang kayang gawin.
"I'm sorry, Stella. Pinangunahan lang ako nitong nararamdaman ko. Hindi lang ako sanay na may kasama kang iba bukod sa akin." Masuyong sambit niya at naramdaman ko na lamang na hinigit niya ako at ikinulong sa mga bisig niya.
Napapikit Naman ako sa ginawa niya. Gusto kong tanungin kung bakit siya nagseselos? May nararamdaman na ba siya sa akin? O nasanay lang siya ang kasama ko
Stella"You'll be away for three days, right?" Paninigurado niya ulit habang nasa sasakyan kami papuntang airport."Yes. At saka sure ka bang ihahatid mo talaga ako papasok sa airport? Paano kung may nakakakilala sa'yo kahit naka-disguise ka na?" Nag-aalala kong tanong kaya nginitian niya lang ako at marahang hinawakan ang kamay ko.“Don’t be scared, Wife. Walang makakakita at makakakilala sa akin. I just want to make sure that you’re safe.” Sagot niya kaya hindi ko na mapigilan ang mapangiti at nilagay ko naman ang ulo ko sa balikat niya.“Thank you, Jaxon. Kahit wala naman akong sinasabi na ihatid mo ako sa airport ay ginawa mo pa rin. Mas inuuna mo pa ako kaysa sa trabaho mo.” Saad ko pa kaya muli ko namang narinig ang pagtawa niya.“Because you are my wife, Stella. Nakakapaghintay naman ang trabaho ko, mas gusto k
StellaNAPAKAGAT labi naman ako ng marinig ko ang sinabi ni Jaxon. Mariin ko ulit itong kinagat upang hindi kumawala ang impit na sigaw ko na nagmumula sa bibig."Stella, are you still there?" Nabalik na lang ako sa ulirat ng marinig ko ang boses niya kaya peke akong umubo at kinalma ko ang sarili ko."Hmm… I'm still here, Jaxon.""I miss you, Wife. Don't you miss me?" Muli niyang pagtatanong kaya huminga muna ako ng malalim at sinagot na siya."Jaxon, kalahating araw lang tayong hindi pa nagkikita, miss mo na agad ako. Ako kasi ay hindi kita namimiss." Pagbibiro ko at nagulat na lang ako ng magreklamo siya na akala mo ay isa siyang bata na
Stella"HOW DID YOU FIND ME?" Tanong ko agad ng humiwalay ako sa yakap niya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin pumapasok sa isip ko na naandito talaga si Jaxon sa harap ko. Nakangiti at mapungay ang mga mata ng tumingin siya sa akin."I secretly contacted your Manager. Hindi ako nakatiis, pinuntahan na talaga kita kahit dalawang araw na lang ay uuwi ka na." Sagot niya kaya muli ko na naman naramdaman ang mga paro-paro sa tiyan ko.Jaxon, bakit ka ganyan? Lalo tuloy lumalalim ang nararamdaman ko sa'yo. Nakakainis ka na."Ibig sabihin ay ikaw talaga ang nakita ko kanina sa fashion show. That's you, right? Hindi ako namamalikmata kanina?" Sunod-sunod ko pang tanong kaya mahina naman siyang tumawa at hinalikan ang noo ko bago sumagot."Yes, that's me, Wife. I'm sorry kung umalis agad ako. Baka kasi may makahalata sa akin since hindi ako nag full-disguise kanina. Seeing you walking on that runway makes you the brightest star in the world.
StellaNAKARAMDAM AGAD AKO NG INGGIT ng makita ko siya ng malapitan. For the first time in my life I felt insecure not to myself but to this woman who's now talking to my husband. Ang ganda niya, sobrang ganda niya.At sa pagkakataong ito, alam kong sa sarili kong nagseselos ako sa kanilang dalawa. Nagseselos ako kasi siya ang unang nagmahal kay Jaxon. Nagseselos ako kasi siya ang unang humawak ng mga kamay ni Jaxon. Siya ang una nitong kayakap. Siya lahat at sumunod ako.Pangalawa ako sa lahat ni Jaxon pero wala pa rin akong karapatan magselos dahil simula't sapul ay arrange marriage lang kami. Walang pagmamahal na nabuo, wala pa sa ngayon at hindi ko alam kung magkakaroon.I secretly look at these two who are talking to each other like they have their own world. Kahit gusto kong manatili ay nagdesisyon muna akong iwanan sila.Hahakbang na sana ako ng isang beses pero napatigil ito ng mapatingin sa akin si Coleen at na
Stella“ARE YOU JEALOUS, WIFE?”Kitang-kita ko kung gaano siya kasaya ng marinig niya ang mga sinabi ko. Habang ako naman ay natulos sa kinatatayuan ko dahil hindi ko pala mapigilang lumabas iyon sa bibig ko. Ayan tuloy nabuking naman ako.Ang tanga mo naman, Stella!"Hindi, ah! Bakit naman ako nag-seselos sa kanya? I know to myself that I am more than her." Pagsisinungaling ko pero ngumisi lang siya at muli akong niyakap."I'm not convinced of your answer, my lovely wife. I know that you're jealous of her." Pang-aasar niya pa kaya malakas ko siyang naitulak at inirapan siya."Hindi nga sabi ako nagseselos sa kaniya! Kahit lumakas pa ang hangin dito sa rooftop ay hindi ako nagseselos!" Inis kong sigaw at bigla kaming nanahimik ng lumakas nga ang hangin dito.Napapikit naman ako ng mariin dahil talagang nakisabay pa ang hangin sa pang-aasar sa akin ni Jaxon. Kaya ng tingnan ko muli siya ay mas l
StellaDAMN IT! What did I just say? Nasisiraan na ba ako ng ulo? Gusto ko ba talagang sirain ang career naming dalawa ni Jaxon? My gosh, Stella! Ang tanga-tanga mo!Kaya matapos kong sabihin 'yon ay mabilis akong umalis sa harapan niya. Hindi ko pa man nahahawakan ang doorknob ay naramdaman ko naman ang kamay niya na ngayon ay hawak na ng mahigpit ang braso ko."What did you say?" Mariin niyang tanong at marahas akong pinaharap sa kaniya. Kitang-kita ko ang inis sa mga mata niya ng magtagpo ang paningin naming dalawa.Lihim pa akong napangiwi dahil nasasaktan ako sa paraan ng hawak niya sa akin. Kaya malakas ko itong hiniklat at matapang na sinalubong ang mga mata niya."He's mine, Coleen." Pag-uulit ko pa. Gusto ko na tuloy sabunutan ang sarili ko dahil hindi ko talaga mapigilang lumabas ito sa bibig ko.Ganito pala ang nagseselos? Talagang hindi mo mapipigilan
Stella"THAT SHOULD BE ME, JAXON." I said while looking at his eyes directly. Unti-unti akong kumawala sa kanya ng maramdaman kong nawala ang kalasingan ko."Dapat ako ang kasama mo! Dapat ako 'ang humahawak sa kamay mo at hindi siya! Dapat ako ang nagpapakita ng singsing! Dapat ako 'yon!" Hindi ko na mapigil ang sigaw at napatigil dahil nararamdaman ko ang pamumuo ng luha ko."But I can't do that. I can't do that Jaxon… because I'm your secret. I'm your secret that you are keeping and protecting. I'm just your secret wife, Jaxon." Tuluyan na akong napa-hagulgol kaya naramdaman ko naman ang pag-hawak niya sa braso ko."Kaya wala akong karapatan na magreklamo sa iyo. Wala akong karapatan na isigaw sa lahat na ako ang asawa mo dahil masisira kita. Wala akong karapatan masaktan kasi sikreto mo lang naman ako. At wala akong karapatan magselos dahil hindi mo ako mahal." Matapos kong sabihin 'yon ay tumitig ako
StellaHE'S GOING TO CONFESS? Nabibingi ba ako? Nananaginip? O baka naman ay lasing pa ako? Kaya mahina kong tinampal ang sarili ko dahilan para kunotan niya ako ng noo."Why are you doing that to yourself?" Pagtatanong niya kaya natulala na naman ako at napaturo sa hawak niyang bulaklak."Totoo ba talaga 'to?" Parang ewan kong tanong kaya natatawa naman siyang lumapit sa akin at ibinigay ang bulaklak.Napapikit na lang ako ng haplusin niya ang pisngi ko at halikan niya ako dito. Hindi ko mapigilang kiligin dahil sa ginagawa niya."Hey, open your eyes. Look at me, Wife." Masuyong wika niya kaya unti-unti kong minulat ang mga mata ko at nagtagpo ang mata naming dalawa. Nahigit ko na lamang ang hininga ko ng ngumiti siya.Sobrang gwapong nilalang talaga ng lalaking ito. Kainis."Am I dreaming?" Mahina kong usal na sinagot naman niya.